Share

Chapter 18

Nakasimangot ang mukha ko habang nakatingin kay Hiro na parang tuta na nakatingin sa ‘kin.

"Paano kung nahuli ka nila dito?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman nila ako mahuli love so I’m safe." Sagot niya at tumawa pa. Lalong nagdilim ang mukha ko sa sinagot niya. Nakakaramdam ba ng takot ang lalaking ito?

"Wag ka ngang tumawa diyan. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo."

"Love."

"Tumigil ka Hiro. Kapag may nakahuli sa ‘yo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o paano kita matutulungan." sabi ko at inirapan siya. He’s not taking it seriously.

"Love, relax. Walang nakapansin sa ‘kin kaya I'm safe." Parang bata niyang sabi at lumapit pa sa akin. Niyakap niya ako habang nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mukhang wala akong magagawa sa lalaking ito. Sakit niya sa ulo.

"Anong text message mo sa akin na kailangan mo pang pumunta dito para sa sagot ko?" Oo, curious din ako sa text message niya. Gusto kong malaman kung gaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status