Mag-log inNasawi man sa pag-ibig, nakaya ni Eden na bumangon sa sariling mga paa. Tinanggap niya ang alok ng kanyang matalik na kaibigan na maging personal assistant ng isang sikat na modelo upang makapagsimula muli. Subalit, muli siyang nasubok nang mahulog ang loob sa isang taong may asawa na—at hindi lang basta ordinaryong tao ang kanyang makakalaban. Ang masakit pa, ang pagmamahal na matagal na niyang binaon sa limot ay muling babalik sa iisang tao na buong akala niya ay matagal nang naglaho na parang bula.
view moreTagaktak ang pawis kong tinatahak ang maliit na kubo ng aking nobyo. Hindi alintana ang maputik na pilit nilulubog ang dalawa kong paa.
May iilang putik na tumalsik sa mukha ko.
Nagkukumahog akong umakyat sa kawayan na hagdan nila.
"Dante! Mahal... ako to si Eden!" sigaw ko, katok ng katok at desperadang makita siya na lalabas sa lumang p***o.
Nagbabasakali ako nandiyan pa siya.
"Dante-" Bumukas ito at hinanda ko ang aking mga braso upang dambahin siya ng yakap. Ngunit napawi ang aking ngiti. Binaba ang dalawang braso.
"Ano ba? Masisira mo itong pintuan namin. May pera ka bang ipapagawa dito, Ha?" Si Aling Lydia, matalim ang mga mata na pinukol sa akin. Nanay niya ang nakaharap ko.
"Aling Lydia, si Dante ho nariyan ba siya hindi ba? Sabihin niyo naman po gusto ko siyang makausap-" parang tigre na humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras ako sa takot.
"Wala na siya dito. Makakaalis ka na." asik nito.
Hindi iyon totoo.
Nangako siya kahapon.
"Parang awa niyo na po. Huwag niyo po siyang itago sa akin." lumuhod ako, inaabot ang kanyang duster, patuloy na tumutulo ang aking luha. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Bingi ka ba? Umalis na siya dito lumuwas ng ibang lugar." aniya.
Diring diri ang kanyang tingin ng makita akong nagmamakaawa.
"Kalimutan mo na ang anak ko Eden. May pangarap siya at hindi ka kasama na..."
"Aling Lydia hindi pwede. Nangako siya sa akin na sisiputin ako sa kasal namin-"buong tapang kong sabi sa kanya. Lumaki lalo ang mata niya sa narinig. Bumaba ang mata niya sa suot ko.
"Kasal? Hala nahihibang ka na dai, kaya ba suot mo ang lumang yan?" huminto siya at tinawanan ako.
Binaba ko ang aking tingin sa suot kong puting bestida, na ginawa kong wedding dress.
"Ang badoy naman ng wedding dress mo at ano? Kasal? Nungka papayag ako, ni hindi sinabi ng anak kong pakakasalan ka."
Nasasaktan ako sa mga salitang binato niya. Nanginginig ang kalamnan ko.
Hindi. Mas kilala ko ng tunay si Dante.
Ayaw man ng nanay niya na magkatuluyan kami, hindi niya ako bibiguin sa araw nato.
Pero bakit hindi niya ako sinipot?
Bakit???
"Eden-" sabay kaming napalingon sa paparating na nanay ko. Dinaluhan niya ako para mapatayo. Puno ng pag-alala ang magandang mukha.
Tumawa ng pagak si Aling Lydia.
Si nanay naman ay makikita sa mukha ang poot at inis.
Napahalukipkip si Aling Lydia tinignan kaming mag-ina.
"Hoy Alejandra mabuti naman narito ka na, Iyan!" dinuro niya ako habang katabi ang nanay ko.
"Iyang anak mo nag e-eskandalo sa pamamahay ko. Bitbitin mo yan pabalik at itali sa beywang mo... nang hindi na maghahabol sa anak-"
"Tumahimik ka" pagalit na sigaw ng nanay ko.
"Nay' huwag po." humagolhol akong pinigilan ang braso niya.
Napatagilid ang mukha ni Aling Lydia sa natamong sampal ni nanay. Gulat niya kaming hinarap, hawak ang namumulang pisnge na sinampal.
"Aba-"
"Sige! Lumapit ka at nang maingudngod ko iyang pagmumukha mo sa sahig. Hayop ka Lydia. Wala kang karapatan na duru-duruhin ang anak ko-"
Napaatras si Aling Lydia ng akmang susugod siya.
Nanlabo ang dalawa kong mata. Ang sakit!
Bigla akong napahawak sa naninikip kong dibdib. Tinalo ng dilim ang aking paningin.
Panay ang batuhan nila ng salita pero hindi ko na maririnig ng maayos.
Si Dante.
Ang mahal kong nobyo. Nasaan ka na mahal ko.
"E-eden" malakas na pagyugyog ang aking naramdaman.
"Nay."
"Oo nak nandito lang ako." dumaosdos ako sa katawan niya.
Mahigpit na yakap ang bumalot sa basa kong katawan.
"Gising Eden-"
"Huwag niyo pong hayaan mawala sa akin ang mahal kong-"
Nanghihina ang katawan kong papikit-pikit.
Hinihila ang natitirang diwa ko.
"S-si Dante..." Mahinang sabi ko.
"Bukas na bukas papakasalan kita mahal kong Eden." Nakangiting sabi niya.
He promised me.
Ngumiti ako ng mapait pilit binabalik-balikan ang huling boses niya bago ako hinila ng dilim
"Ay jusko nahimatay!"
"EDEN!!!"
"KAMUSTA ang unang araw mo?"Hindi alintanang marinig ko ang masiglang boses ni Carmelle sa kabilang linya. Mapapangiwi ako ng maalala ang lahat ng trabaho ko buong araw. Sobrang hina ng aking katawan mula sa paa at kamay sa kakapindot ng computer, yung tiyan ko naman ay puro hangin ang laman nang dahil sa last minute na akong makakain.Sa dinadami ng sugo o utos ni madam hindi ko pa maigalaw ng tama ang leeg ko. Ngayon naningil nang kay aga ang aking buong katawan. Pagod, pawis at kahihiyan ang nadaraman ko na lumundag agad sa kama."Magandang araw pa lang sinimulan ko kaagad ang pag aasikaso sa kanya." pikit- matang sagot ko ng nilayo ang cellphone sa halip na excited magkwento sa kanya. Alam ko naman iyon na saksakan ng maldita ang amo ko. Kaya wala na akong karapatang magreklamo pa, kailangan ko ng pera na kailangan kong mapag iponan at maipadala sa probinsiya."Sure ka? Eyyy mabuti naman...pagpasensiyahan mo na ang dragon na 'yon dzai pinaglihi talaga siya ng apoy. Okay iyon lang
"GOOD MORNING MADAM!" "You're late." sabay angat ng tingin niya sa akin. Napatingin ako sa wall clock ng siesta office kanina pagkapasok ko. Napaaga nga ang gising ko na talagang nag set ako ng alarm. Paalala ni Carmelle na usually gagayak si madam 7 am onwards hanggang 8 am. Mabuti na nga lang nakalusot ang taxi na sinakyan ko. "Ah, eh madam 7 am nga po akong nakabyahe gaya ng sinabi ni-" "Sinong boss mo???" "Ikaw po madam-" "Then shut up. Gawin mo ng maayos ang trabaho. Late ka pa ng 1 hour. Bad habit agad ang pinakita mo."bulyaw niya pa sa akin.Napasindak ako sa kanyang boses. Unang Araw ko pa lang at heto naabutan ko siyang nag e scroll ng kanyang cellphone sa balcony, labas ng kanyang office. Mainit ang ulo niya. Bakit kaya?"Sorry po." nakatungong sabi ko. Sa susunod ko na lang gawing tama. Rule no.1 hate niya ang late na trabahante."Anyways go get my coffee. With sugar, non cream and 2 piece of matcha croissant. Go, go, go, go.""Madam bibili po ba ako sa labas?"paninig
"H-hello madam."napatingin ako kay Carmelle na sinara ang pinto. Maigi niya akong binaybayan ng kanyang daliri na palapitin sa babaeng nakaupo ng nakacross ang legs.Grabe ang pagdadasal ko na hindi matapilok. Gumigiwang ang isa kong paa, red carpet ang sahig na malayo sa labas ng office."Siya na po ang nais kong ipapalit sa pwesto ko madam." aniya ng kaibigan kong nasa may kalayuan sa akin."Eherm come closer.""Po-" napatanong ako saglit ng hindi marinig ng maayos niyang binigkas. Umarangkada ang magandang mukha niya sa pagiging matalim na tingin."Ano... ako pa ba ang mag-a-adjust palapit sayo. Is that it?"Samantalang napatampal ang kaibigan ko sa kanyang noo. She closed her eyes. Ako naman ay grabe ang pamumula sa pagkapahiya. Dali-dali akong lumapit hanggang tumama ng tiyan ko ang table niya."Move backwards."Ginawa ko naman. She shook her head, letting out an irritating sigh "
"WHAT! WHAT DID YOU JUST SAY! RESIGN???""Yes po madam. Kaya no need pong e fire niyo ko hehehe." walang bahid na takot sa kanyang pagkasabi. I'm in shock."Anong rason mo kung bakit gusto mo ng mag resign...""Eto nga po pala ang resignation letter ko madam." tinignan ko ang dinukot niyang white envelope.Saan na ako kukuha ng PA ngayon. Hinablot ko ang inabot niyang resignation letter. Binasa ko ito ng nasa harap ko siyang halos mapunit ang bibig sa kakangisi. I frowned.Hindi ko naman dapat plano na patalsikin siya dahil marunong siyang makisama sa akin. She's good her in her job. And I can't imagine anyone else being my PA other than her."Madam.""What! Can't you see nagbabasa pa ako?" mariin kong tugon. Kaya napataas siya ng kamay."Ayy okay po madam. Take your time po..."I pause when her lips move and say something. Kumikibot ang labi niya ng nakatagilid sa akin. "May sinasabi ka diyan Carmelle?""Ha? W-wala naman madam."I thought so. Binalik ko na tingin ko sa hawak na lett












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu