Share

Chapter 12: Alleah's Problem

After that night, mas naging doble ang pag-iingat ni Samara na hindi makita ang lalaki. Pero mukhang papunta-punta lang sa katapat nyang bahay si Aven dahil palaging hindi bukas ang ilaw nito.

Kapag gabi naman ay agad na syang umuuwi. Sa oras ng trabaho, palagi lang syang nasa loob ng kusina at nagluluto. Kung pinapatawag naman ang dalaga ay tinitignan nya muna kung sino ang customer na nag-request sa kanya.

"Mag-break time ka muna, Samara. Ako na rito. Yakang-yaka ko ang mga ito." Nakangiting saad ni Ava at nag-thumbs up pa ang dalaga. Napailing-iling na lang si Samara.

"Sige. Kaya mo 'yan, Ava. I believe in you." Pagsakay nya sa trip nito. Katulad ng dati, maraming mga kumakain sa Joyeux Festin. At mabuti na lang at nagdagdag ang boss nila ng mga tao. Nabawas-bawasan nang kaunti ang trabaho nila.

Kinuha nya ang kanyang gamit. Sagot na ng restaurant ang pakain nila para sa break time. Paminsan-minsan lang magbaon si Samara dahil nagsasawa na rin sya sa kanyang kinakain.

"Finally, so
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status