Share

Chapter 2

Chapter 2

Darine

Umupo ako sa may maliit na sofa na kulay pula. Parang tatagal yata ang ulan dahil lalong lumalakas ito. Sinasabayan pa ng malakas na hangin, kidlat at malakas na kulog. Nakaramdam din ako ng lamig sa aking katawan. Kinuha ko jeans na jacket ko at ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa. Tinawagan ko si Ate Olivia sinabihan ko na baka ma-late na ako makakauwi dahil sa lakas ng ulan. Nang makausap ko siya naintindihan naman niya ako.

May isang matandang babae na lumapit sa akin. Isa ito na nag-check in. Tumayo ako baka may kailangan siya. Ganito kasi ako sa mga nag-che-check in dito ini-intertain ko sila ng maayos. Iniingatan ko kasi ang trabaho ko. Ang hirap kasi humanap ng trabaho dito sa Manila.

"Ma'am, may maitutulong po ba ako?" magalang tanong ko.

"Wala naman hija, mukhang magtatagal yata ang ulan?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Mukha nga po e," tipid kung sagot sa kan'ya. She smiled at me.

Sumilip lang yata siya dahil bumalik din siya sa kanyang kwarto. Hindi naman kalakihan ang motel na'to. Tiningnan ko ang oras sa aking suot na relo. Lumaki ang dalawang mata ko dahil hindi ko namalayan na already eleven in the evening na pala. Nakaramadam din ako ng gutom. Kumakalam din ang aking sikmura. Hinimas-himas ko ang tiyan ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nakapag-dinner. Bigla kong naalala na may one sandwich pala ako na natira. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinungo ko ang front desk ko. Kinuha ko ang tuna sandwich ko sa drawer. 

Dahan-dahan kung kinagat ito. Nakailang subo ako ng sandwich ko. Hanggang sa nasagip ng mata ko ang lalaking nag-check in kanina. Nakangiting lumapit sa kinaroroonan ko. Mabilis kung pinunasan ang bibig ko. Nakakahiya kung may nagkalat na pagkain sa aking bibig. Lalo na si gwapo ang lumalapit sa kinaroroonan ko. Tumayo ako ng maayos ngumiti ako habang naglalakad siya papunta sa akin. Parang isang Hollywood star na naglalakad sa blue carpet. Napalunok ako ng nasa harap na siya ng front desk ko. 

"Mss. Do you have an extra charger? Can I borrow it?" he asked me. 

Hindi agad ako naka sagot sa tanong niya sa akin. Napaawang ang labi ko. He looked at me and he suddenly pinched my nose. Iyun pa ang pagbabalik ng ulirat ko. Feeling ko hihimatayin ako dahil parang kuryente ang naramdaman ko sa kamay niya. When he pinched my nose.

"Yes, I have." I said, medyo nahiya ako sa kan'ya. 

Bakit kasi bigla akong natulala kapag malapit siya sa akin? Hindi naman ako ganito sa ibang lalake. Pero siya iba kasi ang dating niya sa akin.

"Thank you," he said in a husky voice.

Hindi ako mapakali na inabot ko sa kan'ya ang charger. He smiled at me. Ang gwapo talaga niya para siyang artista. Ang kanyang pilik mata ay medyo mahaba. Bagay na bagay sa kulay niyang mata. Plus super pointed pa ng kanyang ilong.

Para akong naninigas sa harap niya. Hanggang sa nagkakatitigan kaming dalawa. Tumikhim siya at biglang naputol ang titigan namin. Mabilis akong yumuko ako ang nahiya sa titigan namin. Pero siya ay cool lang ang lakas ng appeal niya. Baka nahalata niyang kinikilatis ko ang kanyang mukha. Nakaka-in love kasi kung paano siya tumingin. Baka naririnig din niya ang tambol ng puso ko. 

"Sir, may extrang saksakan po d'yan sa tabi ng sofa," sabi ko sa kan'ya.

Tumango lang siya sa akin. Nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko na kasi kayang nasa harapan ko siya. Tinitingnan niya ako. Ang kanyang titig nakakapanghina ng tuhod. Kung gaano kalakas ang ulan. Ganun din kalakas ang tibok ng puso ko. Parang mas malakas pa sa kulog ang kabag ng dibdib ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Dahan-dahan siyang gumalaw tila nang-aakit ang bawat galaw niya. Tinungo niya ang sofa nasabi ko na may isang saksakan na bakante.

"Dito yata ako sa motel magpalipas ng gabi?" tanong ko sa sarili ko at umupo ako.

Mamaya ko na lang itutuloy ang pagkain ko kapag bumalik na siya sa kanyang kwarto. Ewan ko ba ba't ako sinasaniban ng hiya. Hindi naman akong mahiyain na tao. Pero dito sa harap ng binata na'to pati yata ang buhok ko ay naging mahiyain na.

"Miss." He called me.

"Yes," I said.

"Salamat sa charger," pasalamat niya ulit sa akin. Akala ko kung ano ang sasabihin.

"Ayos lang po. Sir, pwede ko po bang malaman ang pangalan n'yo?" nahihiyang tanong ko.

"Sure. I'm Jasper Guillermo, sorry hindi kung 'di ko nasabi before ako nag-check in," mahinahon niyang sabi sa akin. Napapangiti ako ng lihim ang ganda ng boses niya as in.

I smiled at him. Mabilis kung binuksan ang desktop para save ko ang kanyang pangalan at number ng kanyang kwarto.

"Thank you sir," nakangiti kung pasasalamat sa kan'ya. He nodded at me. Umaasa ang peg ko na tatanungin din niya ang pangalan ko pero hindi. Umiling-iling lang ko habang tina-type ko ang kanyang pangalan sa desktop.

Ilang sandali ay nagpaalam siya sa akin. Ibubuka ko sana ang bibig ko para tanungin kung may kailangan siya pero biglang tumunog ang kanyang cellphone. Naririnig kung medyo nagagalit siya sa kausap niya sa kanyang cellphone. Nilingon niya ako at nginitian ko siya na tipid na ngiti.

Mukhang seryoso ang usapan nila sa kabilang linya. Dahil natatapik niya ang kanyang noo. Kunwari may tinitingnan ako sa aking desktop. Baka akala niya ay nakikinig ako sa kan'ya sa kabilang linya. Dahil nakailang lingon na siya sa akin. Maya-maya ay kinuha ko ang isang susi na extra small room. Para iyun sa amin na room kung may partime sa amin ay magagamit namin ang extra room. Dahil mag-alas-dose na ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Medyo nakakaramdam din ako ng antok lalo na mas lumalamig ang panahon. 

Nagulat ako na biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko sa screen ay numero ni Ate Olivia. Sinagot ko agad dahil may tatlong missed call na pala siya sa akin.

"Hello! Ate Oly, may problema ba?" tanong ko sa kan'ya.

"Darine, huwag ka munang umuwi hanggang hindi ko sinasabi," mahinang sabi niya sa akin sa linya na curious ako bigla.

"Bakit?" malakas na boses kung tanong.

"Parang natuntun ka ng pamilya mo. Dahil mula kaninang tanghali may itim na kotse laging pabalik-balik sa harapan ng bahay." Napasigaw ako. Biglang nanghihina ang dalawang tuhod ko.

"Sigurado ka ba ate?" panigurado na tanong ko.

"Oo, kakasilip ko lang sa bintana. Until now ay nasa labas pa rin ang itim na sasakyan. I'm sure na Lolo mo ang nag-utos. Baka may nakakaalam na nandito ka?" sabi ni Ate Olivia sa akin. 

"How come they found me?" seryosong tanong ko kay Ate Olivia.

"I don't know, much better d'yan ka muna. Sige mag-usap lang tayo mamaya. Umiiyak si Carl e, natatakot yata sa malakas na hangin." Hindi na hinintay ni Ate ang sagot ko pinatay niya ang cellphone.

Ito na nga ba ang iniisip ko. Kahit saan pa ako na lupalop magtatago ay matatagpuan din ako ni Lolo. Bakit ba kasi ako lang ang nag-iisang anak? Sana naman ay may isa akong kapatid. Gusto ko sanang tawagan si Mommy kung natuntun ba ni Lolo kung saan ako ngayon. But I'm afraid baka katabi niya si Lolo o si Papa. Gusto kung sumigaw sa inis. 7 months akala ko maging tahimik na ang buhay ko. Pero ito mas lalo akong kinakabahan. Huwag naman sana pumayag ang gustong ipakasal ni Lolo sa akin. Hopefully na magkita kami sure na ayaw din niya maikasal sa babaeng hindi niya kilala.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Medyo nanakit ang buong katawan ko. Dahan-dahan kung inunat ang dalawang kamay ko pataas. Mabilis kung tinungo ang comfort room. I took a quick shower. Pagkatapos kung mag-shower ay sinuot ko ulit ang damit ko. Inamoy ko wala namang amoy ito.

Ilang sandali ay lumabas ako. Maliwanag na ang paligid. Tumigil din ang malakas na ulan dahil sa pagod ko kagabi nakatulog ako agad. Malaking hakbang kung tinungo ang snacks and cafe ng motel. Kahit maliit ito ay may isang mini bar din.

Papalapit pa lang ako sa cafe nakita kung seryoso na nagkakape si love, este si Jasper. Nakadikwatro siyang nakaupo. Ako ang naliliitan sa plastic na upuan niya. Ang haba kasi ng kanyang legs. He looks like a hot model habang hawak-hawak niya ang isang blue mug. 

"Alondra, my Alondra." Napalingon ako kung sino ang malakas na tumatawag sa pangalan ko. 

Paglingon ko si Alvin pala na may bitbit na paper bag. Sure si ate Olivia ang nag-utos sa kan'ya.

"Alvin, anong ginagawa mo dito? Kung maka-beautiful ka feeling mo ikaw na ang jowa ko," mahabang sabi ko sa kan'ya. Nakita kung umiling-iling ito.

"Inutusan ako ng Ate mo na dalhan ka ng damit. Dahil hindi ka raw nakauwi sa lakas ng ulan kagabi." Masayang sabi niya sa akin sabay niya inabot ang paper bag.

"Maraming salamat," ngumiti siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

Niyaya ko rin siya sa snacks and cafe. Para makapag-kape. Pero hindi na siya pumayag kailangan niyang mamasada. Dahil may mga estudyanteng pasaherong naghihintay sa kan'ya. Nagpaalam din siya sa akin at ako naman ay dahan-dahan kung pinuntahan ang cafe. Hinanap ng mata ko si Jasper dahil wala na siya nakita sa kinauupuan niya.

"Nasaan kaya ang lalaki na'yun?" tanong ng isip ko.

"Alondra!" sigaw ulit ni Alvin sa pangalan ko. Nilingon ko siya ulit. 

"Alvin, bakit ka ba naninigaw? Baka magising mo ang ibang taong natutulog dahan-dahan lang." Sabi ko sa kan'ya.

"Pasensya, pinapasabi ng ate mo na huwag ka munang umuwi. May apat na lalaking kausap ang ate mo ng inabot niya sa akin ang damit mo. Sino ba ang mga 'yun?" nagtataka na tanong ni Alvin sa akin.

"Mahabang usapan Alvin. Pwede bang kung may magtanong-tanong sayo huwag mong sabihin nandito ako," pakiusap ko sa kan'ya at sunod-sunod siyang tumango sa akin.

Instead bibili ako ng makain ko at kape ay hindi ko na tinuloy. Pumunta na lang ako sa pwesto ko umupo ako ng maayos para makapag-isip kung ano ang next na gagawin ko. Natatakot ako na may madamay na ibang tao dahil sa akin. Kilala ko si Lolo hindi siya titigil until hindi niya ako mapayag sa kanyang kagustuhan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status