Share

Chapter 3

Chapter 3

Jasper

Bigla kong naalala na makipagkita pala ako kay Mr. Torer. Ewan ko ba sa matandang negosyante na'yun mahilig talaga siya sa maagang appointment pagdating sa akin. Pero sa iba ay tanghali o hapon. Umiling-iling lang ako. He's an unbelievably old man. I can't imagine nine in the morning ang ibinigay niyang appointment sa akin. Ang aking sekretarya ay walang tigil sa kaka-ringing sa cellphone ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko rito sa maliit na snacks and cafe ng motel. Hindi ko narin tinapos ang aking kape. Because I don't have enough time. Already quarter to eight in the morning. Malaking hakbang kung tinungo ang aking kwarto pagkatapos kung bayaran ang ininom ko na kape. Agad-agad akong pumasok sa loob ng room ko. Kinuha ko ang mga importanteng gamit ko. Napamura ako ng masagip ng mata ang kulay puti na charger. Nakalimutan kung ibalik ang charger sa babaeng hiniram ko last night. I forgot to ask her name too. Tinanggal ko sa saksakan ang charger. 

Mabilis kung tinungo ang front desk reception. Nakita kung malalim ang iniisip ng babaeng receptionist. She look exhausted at parang nakalutang sa ere kanyang isip. Para akong nakatayong estatwang pinagmamasdan siya. She looks innocent. Ang maamo niyang mukha ang kanyang matang mukhang may tinatagong takot. Hindi siyang mukhang ordinaring dalaga lang. Ang kanyang kilos kahapon ay kakaiba napakamahinhin niya. Ang kanyang kutis parang pinaglihi ito sa singkamas at gatas dahil ang kanyang balat ay sobrang kinis. Para ngayon lang akong nakakita ng ganitong kakinis na kutis. Marami rin naman akong nakakasalamuha na magagandang babae at mapuputi pero ang kinis ng babae na'to ay kakaiba.

Tumikhim ako at dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya. Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko sa dalaga. Nang nasa harapan na niya ako ay nilagay ko ang dalawang kamay ko sa taas ng front desk. 

"Hello!" I said, she didn't respond to me.

Napapangiti ako habang tinitingnan ko siya. She's little bit funny ang mata niya sa akin. Kitang-kita kung paano bumilog ang dalawang niyang mata. Dark brown ang kulay ng mata nitong titig na titig sa akin. I winked at her mas lalong namilog ang kanyang mata.

"Hi sir," mahinahon niyang sabi sa akin. 

"Gusto ko lang malaman kung magkano ang billing ko from last night?" I asked her.

"Wait a minute sir, I will check it. Sir, just one thousand five hundred pesos." She said, kinuha ko ang wallet ko at nilabas ko ang halagang sinabi niya sa akin.

Dahan-dahan kung inabot sa kan'ya ang pera na pambayad ko sa one night ko rito sa motel. She smiled at me. Napapansin ko siyang sunod-sunod siyang napapalunok. I saw her na lihim niya akong tinitingnan. 

"Hopefully you had a wonderful night here in the De Leon motel?" she said.

"Yeah," I answered. Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ingay ng aircon. Sinabi ko lang na maayos ang tulog ko kagabi.

"Sorry, ito pala ang charger mo. I forgot to give you back." Paumanhin ko sa kan'ya. Just she nodded at me na walang ka-energy at palihim-lihim niya akong sinusulyapan napapangiti ako sa bawat reaction ng kanyang mga mata.

"Okay lang po sir, karapatan po namin na maibigay ang kailangan n'yo rito sa motel." She has an innocent voice. Nginitian ko siya.

"By the way I'm Jasper," formal kung pakilala ulit sa kan'ya. Binigay ko sa kan'ya ang kanang kamay ko upang makipag-shakehand sa kan'ya.

"Alondra po," pakilala niya sa akin at nakipag-kamay siya sa akin ramdam ko ang malambot niyang palad at medyo nanginginig ang kanyang kamay. I squeezed her smooth hand. Mabilis niya itong inalis ang kamay niya sa kamay ko.

"Sh*t," mura ng isip ko. Nag-sorry agad ako sa kan'ya. 

Bahagyang may isang babaeng tumawag sa kan'ya. I think she's older than her. Bigla akong na tahimik sa harapan niya dahil tila hinahabol ang babae na lumapit kay Alondra. Kitang-kita ko ang takot sa mukha ni Alondra ng biglang hawakan ng babae ang dalawang kamay nito. May binulong ito sa kan'ya ang babae.

"Sis," narinig kung mahinang sambit ng babae kay Alondra. 

Tumikhim ako sa likod nila. Sabay silang lumingon sa akin. I took a long deep breath. Ang mga mata nila ay sa akin nakatingin. Tila naguguluhan si Darine pina-ikot niya ang kanyang mga mata. Maya-maya ay nagpaalam ako kay Alondra. Baka mapagkamalan pa nila akong chismoso.

"Thank you for the time," tumango lang siya sa akin at isang tipid na ngiti.

Ilang segundo ay lumabas ako sa loob ng motel. Mabilis kung binuksan ang pintuan ng sasakyan ko. Umupo ako sa driver seat. Mabilis kung pinaandar ang manibela ng sasakyan ko. Nakailang miss call din sa akin ang sekretarya ko. Tiningnan ko lang ang screen ng mobile ko. Just I send her a short message. 

Ilang sandali ay nasa mansyon na ako ng magulang ko. Mabilis kung pinark ang sasakyan ko na nadumihan ng ulan kagabi. 

"Sir!" tawagan sa akin ng driver ni Daddy. Nilingon ko siya.

"Good morning po manong Lucas," magalang na bati ko sa kan'ya.

"Good morning too sir," nginitian ko lang siya at binigay ko sa kan'ya ang susi ng sasakyan ko. Inutusan ko siyang e-car wash niya ang sasakyan ko. Agad naman siyang sumang-ayon.

Pumasok ako sa loob ng mansyon namin. Umakyat ako agad sa aking kwarto. Diretso ako pumasok sa banyo para makapag-shower. After I took a quick shower at pinunasan ko ang buong katawan ko ng puti na tuwalya. Sinuot ko ang black suits dahil before nine ay nasa opisina na ako. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay bumaba ako. Nakita kung nag-uusap sila Papa at Lolo sa sala.

"Anak!" tawag sa akin ni Mama.

"Good morning Mama," I said.

"Good morning too anak. Your grandpa wants to talk to you." 

"Mom, kung tungkol naman ba sa balak pagpapakasal ni Lolo sa apo ng kaibigan niya? How many times, I told you mom na hindi ako makakapayag sa anumang kagustuhan ni grandpa!" Madiin kung sabi sa aking ina.

"When do you plan to get married? Napag-iwanan kana son. Tingnan mo ang mga pinsan mo kanya-kanyang pamilya na. Ikaw hanggang ngayon ay single ka pa rin. Kailan mo ba kaming mabigyan ng apo anak?" Malungkot na tanong ni Mama sa akin.

"Mom, give me more time to think about that." I said.

"What time anak? Iyan lagi ang sinasabi mo." Medyong nagtatampo na boses ni Mama.

Masakit na rin ang aking ulo dahil ito lagi ang topic nila sa akin. Pipilit nila akong mag-asawa. I don't believe married life is happy. Except for my both parents, I know na masaya ang pagsasama nilang dalawa. Ang alam ko ay single is freedom no headache. Wala talaga sa aking isip ang mag-asawa pa sa ngayon.

Lumapit ako kinaroroonan ni Papa at Lolo na seryosong nag-uusap. Binati ko silang dalawa mabuti na lang hindi sumama si Lola. Kung nandito iyun ay walang tigil sa kakatanong kung kailan niya makita na may anak ako at asawa.

"Apo!" tawag ni Lolo sa akin. 

"Next week, pupunta tayo sa probinsya aking kaibigan ko para makilala natin ang magiging asawa mo. Already I talk to him." Ma-awtoridad na sabi ni Lolo.

"Grandpa, let me alone find the woman who will be my wife. Huwag naman n'yo akong pilitin sa hindi ko gusto. Alam n'yo hindi biro pagdating sa ganyang bagay. Hayaan n'yo muna ako sa buhay ko na single dahil darating din tayo d'yan sa kagustuhan niyong mag-asawa ako." Sagot ko kay Lolo. Napansin kung biglang dumilim ang awra ng kanyang mukha.

"Jasper, makinig ka naman sa amin ng Lolo mo. Nasa tamang edad kana anak." Ngumisi lang ako sa sinabi ni Papa.

"Dad," sambit ko. Nakitang kung medyo umigting ang panga ni Lolo. Ganyan siya kapag hindi nasusunod ang gusto niya. 

"I will give you two weeks from now Jasper. Kung wala kapang babaeng maipakilala sa amin na magbigay apo sa amin ay aalisin kita sa pagiging CEO mo sa kumpanya. Listen grandamson kung wala kang maipapakilala sa amin sa loob ng dalawang linggo sa ayaw at sa gusto mo ipapakilala kita sa apo ng kaibigan ko. Understood!" Madiin na sabi Lolo. 

Nakaginhawa maluwag sa sinabi ni Lolo, pero hindi ko matanggap ang aalis niya ako sa pagiging CEO. Kailangan kung makahanap ng babaeng magpanggap na kasintahan ko. I don't have enough time para makahanap. In just two weeks ang palugit ni Lolo. Ayokong mawala sa akin ang kumpanya mas lalong ayokong maikasal sa taong hindi ko kilala. I am Jasper Guillermo, sa daming babaeng nakilala ko impossible na kahit isa sa kanila ay wala akong matipuhan.

"I have to go dad. May mahalaga akong appointment." Paalam ko. 

"Jasper, alam mo na hindi kami nagbibiro ng Lolo mo." I smirked.

Tinawag ako ni Mama pero nilingon ko lang siya. Paglabas ko sa mansyon ay tinawagan ko ang isa mga kaibigan ko na si Rafael. Nagulat pa siya na kay aga ay tumawag na ako sa kan'ya. 

"Too early dude," antok niyang sabi sa akin sa kabilang linya. Napailing ako dahil may narinig akong boses ng babae sa kabilang linya.

"Okay fine, sorry kung nakakaistorbo ako. We will talk later." Sabi ko sa kabilang linya. Hanggang sa pinatay ko ang linya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status