Home / Lahat / Love & Revenge: The Stubborn Heiress / Chapter 11: Brendon’s Tantrums

Share

Chapter 11: Brendon’s Tantrums

last update Huling Na-update: 2021-05-14 02:13:36

BRIELLE nodded and invited Mr. Yang to sit down. 

“Akala ko talaga may ibang tao na titira na dito sa bahay mo. Nagulat ako pagsilip ko ay si Ivana at ang mga kasambahay ninyo ang abalang nagbababa ng mga gamit mula sa movers. Bakit biglaan naman yata ang paglilipat ninyo?” said Mr. Yang. 

Tumikhim muna siya bago sumagot dito, "My family is not safe in our old house. Kahapon kasi may nagpadala sa akin ng regalo sa opisina. Laman ay sariwang patay na daga at nakasabit ang mga larawan na kuha noong kasal namin ni Ivana. Then, my Mom and wife encountered a weird thing on the same day. May palihim na nagmamatyag sa amin. My little boy hacked the CCTV camera from the house nearby, and it happened that he got a short recorded clip of someone taking photos secretly to my wife and Mom,"

Nagulat ito ng marinig ang sinabi niya, “Really? Sino ang gumawa nun? Diba wala ka namang nakagalit sa business world?” 

"Yeah. I never offended anybody among the business circle. The only enemy, my family, have was Simon's family, yet I still can't accuse them because we all knew they're not living here in Beijing. Saka hindi naman talaga nakisawsaw ang pamilya ni Simon sa anumang alitan namin," aniya. 

"Oh, how about your father? Maybe he offended someone among the business circle," Mr. Yang said. 

"Nope. I don't think so, Dad was always careful in dealing with people everyday. Nagpapaimbestiga na ako para makakuha ako ng solid evidence sa kung sinuman ang nasa likod nito. Kaya't inilipat ko muna ang pamilya ko sa ligtas na lugar," 

“Maganda na rin ang ginawa mong desisyon. Kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako. Nandyan lang naman kami sa kabila,” anito. 

"Sure! But don't worry, I'm taking care of everything. I can't let this person harm my family,"

“O, paano di na siguro ako magtatagal. May business deal kasi akong pupuntahan mamayang hapon. Tatawagin ko muna ang bunso ko. Uuwi na kami,” tumayo na ito mula sa couch. 

“No, Let your daughter stay here. Ihahatid nalang namin mamayang hapon sa bahay niyo. Mukhang nagkakasundo sila ni Brianna,” nakangiting tugon ni Brielle. 

“Eh, medyo mahiyain iyon,”

“Okay lang, Mr. Yang. Madaldal ang anak kong babae, natitiyak kong magkakasundo sila,” 

“Okay, sige. Mauna na ako!”

“Ihatid na kita hanggang sa may gate,” 

Tumango ito at sabay na silang lumabas. On the other side of Brianna's room, she put all her toys on the carpet. Nakasalampak sila sa carpet ni Caroline at masayang naglalaro. Sa kabilang kwarto naman abalang nag-aayos si Brendon ng mga books niya ng marinig ang maingay na tawanan nina Brianna at Caroline. 

“Brianna is really annoying!” He murmured, Ilang saglit pa ang lumipas ay di na siya nakatiis. Lumabas siya ng kwarto ang nagtungo sa kwarto ng kakambal. Nadatnan niyang bukas ang pinto nito at nagkalat sa sahig ang mga laruan ni Brianna habang masayang nakasalampak sa carpet ang dalawa. 

Pumasok siya at nameywang. "Brianna! look how messy your room is. Tapos ang ingay pa ninyong dalawa,"

Nag angat ng mukha si Brianna at tiningnan ang Kuya niya na nakatayo sa may pintuan. “Naglalaro kami ni Caroline, malamang maingay nga,” 

"Watch your mouth! Is it the right way to answer your Kuya?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa dalawa. 

Caroline simply glances at him. Napansin niyang ngumiti ito ng bahagya na lalo niyang ikinainis. 

Tumayo si Brianna at nakataas kilay din itong sumagot. “Magsara ka ng pinto ng kwarto mo, para di mo marinig ang tawanan namin. Ang dami mo namang arte,”

“You...Hindi sound proof ang bahay natin. Nagpasimuno ka talaga ng kaingayan. Pababain mo na ang bisita mo baka kanina pa naghihintay ang Daddy niya,” supladong tugon niya. 

“What?! At bakit ko naman pababain si Caroline? Naglalaro pa kami. Kapag umuwi na siya sinong kalaro ko? Buti sana kung nakikipaglaro ka sa akin,” angil nito. 

"Laro lang talaga nasa isip mo. Mag-aral ka, ang dami mo pa yatang assignments na di pa natatapos. Inuuna mo pa ang laro," 

“Bakit ba? Pwede ko namang gawin ang assignment mamayang gabi,” nakasimangot nitong tugon. 

“Ligpitin mo na ang mga nagkalat mong laruan at pababain mo na iyang kalaro mo. Ang ingay ninyong dalawa,” akma na itong tatalikod ng muling magsalita si Brianna.

“Ayoko. Manigas ka dyan! Magsara ka ng pinto mo o di kaya, lumipat ka ng ibang kwarto malayo dito sa akin,” 

Lumingon siya ulit sa kambal, "Brianna, don't be stubborn. Stop your nonsense spouting," 

“Bahala ka, mainis ka kung gusto mo. Naiinggit ka sa amin dahil masaya kami rito,” anito. 

"What? Me? Maiinggit sa pambata mong laro? Whatever!" 

Naiinis siyang tumalikod. Brianna, throw a naughty smile to her brother's fading back. 

"Pikon! Akala mo ha," 

“Brianna, galit ang Kuya mo?” biglang nagsalita si Caroline. 

Bumalik si Brianna sa tabi ni Caroline. "Hayaan mo na iyon. Suplado iyon at di ko kayang sabayan ang mga ginagawa niya. Ignore him because I am not afraid of his rude attitude sometimes," 

"You're twins?" Caroline asks. 

"Yes. But he had different interests. He was like my Dad; in fact, his knowledge was exceptional. As I said, ignore him!" 

Nakasimangot na bumaba ng hagdan si Brendon. Nadatnan niya sa living room si Kyree at ang Daddy niya. 

"Dad, can you please tell Brianna to be quiet? Ang ingay nilang dalawa noong anak ni Mr. Yang," 

“Ganon ba? Hayaan mo muna ang kapatid mo, ngayon lang kasi siya nagkaroon ng ibang kalaro,” natatawang tugon ni Brielle. 

“Ang ingay nilang dalawa,” pasalampak siyang umupo sa sofa. 

Lumapit si Brielle sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Ikaw talaga, masyadong suplado. Alam mo naman si Brianna, isip bata pa talaga. Pagbigyan mo na, kuya ka eh,” 

“Sumasagot sa akin,” nakasimangot niyang tugon. 

“Eh...talaga? Bakit naman? Alam mo masamang nagtatalo kayong dalawa. Baka makasanayan niyo iyan,” aniya at tumabi ng upo rito. 

“Sabi ko pauwiin na ang kalaro niya at mag-aral siya. Aba, sumagot agad sa akin,” 

Brielle smiled at his son, "Ikaw naman oo, mag-give way ka. Kasi alam mo, isip bata pa nga si Brianna. Hindi siya kasing lalim mo mag-isip, saka anak masama ang laging seryoso. Makihalubilo ka sa iba para maranasan mo naman maging bata minsan. You are still young and you have a long way to go serious when the time comes,"

"I wanna learn more things like you,"

"Yeah I know, but don't deprive yourself of being a child. Mukhang naiinis ka lang dahil di lumapit sayo si Caroline eh," tudyo niya sa anak. 

"No way! I hate being childish!" ismid nito. 

“Eh bakit ka apektado? Mukha namang mabait si Caroline. Saka kaibigan natin ang pamilya niya. Mas matanda pa kayong dalawa ni Brianna doon. It's good to have a childhood friend,”

"Humph! Naiinis talaga ako!" 

"Cheer up my boy! C'mon, you're mature enough to handle your little sister. Don't be too harsh!"

“Lakad na bumalik ka na doon sa taas at makipaglaro ka sa kanila. O kung ayaw mo bantayan mo nalang si Kyree. Tutulong lang ako sa Mommy mo mag-ayos ng gamit namin,” aniya. 

“Sige na nga. Magbabantay nalang ako kay Kyree kesa bumalik ako doon sa taas na maririnig ko ang ingay nila,” 

“Okay. Ikaw ang bahala. Alagaan mo muna kapatid mo,” 

He stood up and patted Brendon's head before he left. Nagtungo siya sa kwarto nilang mag-asawa at nadatnan niyang abalang nag-aayos ng gamit nila si Ivana. 

"Baby, tutulong na ako sayo," 

Lumingon si Ivana at ngumiti sa kanya. "Si Kyree nasaan?" 

"Andon iniwan ko sa sala, binantayan ng Kuya niya," Brielle said. 

"Eh...himala at pumayag mag-alaga doon sa kapatid niya. Anong nakain noon?" bulalas ni Ivana. 

"May sumpong eh, nainis sa ingay ni Brianna at Caroline kaya bumaba at nagmamaktol," natatawang tugon ni Brielle. 

"Talaga? Bakit?" 

"Naku, alam mo naman iyon. May sariling mundo. O mas tamang sabihin nainis siya dahil di siya pinansin ng anak ni Mr. Yang," 

"Ganon ba, nagmana sayo," natatawang tugon ni Ivana. 

"Bakit ganon ba ako noon? Nakikipaglaro naman ako sa inyo ni Denise ah," aniya. 

"Nang-aasar hindi nakikipaglaro. Madalas mo akong pinapaiyak kesa makipaglaro ka," 

"Diskarte ko lang iyon dahil di mo ako pinapansin eh. Lagi kang sumasama kay Denise," He said while grinning. 

"Ahhh, so yun naman pala. Iba ka rin ano? Manang-mana nga sayo ang anak natin," 

"Forget about it. Tulungan na kita rito para matapos na. Alam kong pagod kana eh," 

"Naks naman. Ang sweet ha, di ako sanay," biro niya. 

"Anong di sanay. Sweet naman ako lagi sayo. Maarte ka nga lang,"

"Ibang klase ang lambing may halong kapilyuhan," aniya. 

"Mas exciting kasi ang mga gusto kong gawin lalo na kapag tayong dalawa--"

"Oops! Huwag mo ng dugtungan alam ko na sasabihin mo. Di na tayo pwedeng magdagdag ng isa pang anak dahil marami akong inaasikaso sa HOUSE OF FONTANER. Naaawa na ako kay Grandma dahil siya na lang halos nag-aasikaso doon sa London. I should be the one to do it, but you didn't allow me to stay in London," Ivana said. 

"Syempre may pamilya ka na. Saka magagaling naman ang mga tauhan mo doon. Kayang-kaya nila iyon. Hindi rin ako komportable na nandoon ka tapos maiiwan kami rito. Isa pa may kinakaharap na naman tayong panibagong problema. Di pa natin  kilala kung sino talaga ang nasa likod ng panggugulo na naman sa buhay natin," malungkot niyang tugon. 

"Hayaan mo lilipas din ito, malalaman din natin kung sinuman ang nasa likod nito. Alam ko namang hindi mo kami pababayaan," 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 302: His Tragic End

    HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 301: He Paid The High Price Of His Sin

    IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 300: Escort Your Mom And Wife Back Home

    NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 299: I Slept With Him

    NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 298: Brent Last Conversation To Reymond

    SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out

  • Love & Revenge: The Stubborn Heiress   Chapter 297: You’re Going To Message Him?

    MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status