Share

41: He Hates Her

Mukhang sinusubukan talaga kami ng tadhana. Ilang linggo na ang lumipas at naging abala kami ni Luke sa trabaho.

Aalis sa bahay ng hindi man lang nagagawa ang makipaglaro sa kambal at madalas na tulog pa ang mga ito kapag aalis ako o si Luke. Darating naman sa gabi na pagod na at tulog na ang kambal.

Ilang beses na rin nagyakag si Lucia sa mamasyal pero puro pangako lamang ang aming nagawa ni Luke, habang si Lucas naman ay gustong magpunta ng National Book Store na hindi rin namin magawang mapagbigyan.

Hindi na rin ako magtataka kung makaramdam man ng pagtatampo ang kambal dahil sa aming pagiging busy sa trabaho.

Naupo ako sa sofa dito sa sala bago ipinahinga ang ulo at tumingala. Katahimikan ang bumalot sa buong bahay.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng pag park ng sasakyan mula sa labas at nangunguna sa pagpasok si Nanny Josefa kasunod ang kambal.

“Mommy!” Sigaw ni Lucia.

Hinintay ko si Lucas kung lalapit ba ito ngunit hindi. Tiningnan niya lang ako sa mga bata bago umakyat n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status