Share

03: Moment

Penulis: Isaacrys
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-05 09:15:53

Two days have passed since the incident about the cctv seen inside our house. Hindi pa rin namin napapag usapan ni Luke ang tungkol doon. Hindi na rin naman ako nagtatanong dahil pakiramdam ko ay wala naman siyang balak na i open ang topic na ‘yon everytime na magkasama kami.

“Bruha, anong iniisip mo?”  Tanong sa akin ni Kevina.

Kevina is my bestfriend since highschool, isa siyang dating lalaki na ngayon ay naging babae na hindi man sa panlabas na anyo at sobrang laki rin ng tiwala ko sa kanya. Bukod sa maganda ay sobrang bait din niya bilang isang kaibigan.

Napabuntong hininga naman ako ng malalim bago nag salita. “May iniisip lang ako.” Sagot ko sa kanya.

Napaangat naman ako ng tingin ng magsalita si Luke na ngayon ay suot ang masungit na mukha. Nakakunot ang makakapal na kilay at hindi maipinta ang kibot ng bibig. 

I was just staring at my husband's face habang seryoso siyang nag tuturo sa may unahan, I accidentally turned around at ang kapwa babae kong estudyante ay halos mamuso ang kanilang mga mata habang kakatitig kay Luke. Nag landing naman ang aking mata sa lalaki na nakaupo sa aking likuran and it was Harold, nakangiti sa akin at naka taas pa ang mga kilay.

Napairap lang ako sa kawalan. 

Hindi naman kasi sa ayaw ko kay Harold, pero ayoko lang talaga na mapalapit sa kanila lalo na't sa lalaki dahil alam na alam ko kung paano mag selos si Luke.

'Kung alam lang nila na may asawa na yan.' bulong ko sa sarili. Lalo sa mga babae na akala mo’y sinisilihan ang pwet habang nakatitig ngayon kay Luke.

"Eyes here! Ms. Lindsay!" Napaangat ako ng tingin dahil sa baritonong tinig. 

"I'm sorry, sir." Magalang na paumanhin ko at yumuko. 

Mabilis namang nag si tayuan ang aking mga kaklase ng marinig ang tunog ng bell, wala sa sarili na aking iniligpit ang aking gamit sa ibabaw ng aking desk at nilagay sa aking bag. 

"Elle!" Tawag sa akin ng kung sino  mula sa aking likod at ng tingnan ko kung sino ayon ay walang iba kun'di si Harold, ang bagong transfer dito sa section namin na tinutukoy ni Kevina noong nakaraang araw pa.

"Bakit?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sa gamit na aking nililigpit. 

Agad naman akong ipinag patas niya ng libro kaya napatingin ako sa kanyang mukha. "Sabay na tayong umuwi." Sabi niya sa akin at hindi maiwasan na mapakunot ang noo ko.

Ano, feeling close lang kahit hindi naman?

"Ah- may dadaanan pa kasi ako." Pagdadahilan ko sa kanya kahit sa totoo ay ayoko naman na makasabay siya sa pag uwi.

Ayoko lang din kasi na malalaman ito ni Luke tapos ‘yon pa ang magiging daan upang mag away kami.

"Sasamahan kita." Nakangiti na ani nito kaya bahagya naman akong napangiwi, may kakulitan pala ang lalaki na ito.

Napalingon kaming dalawa ni Harold sa may pintuan ng makarinig kami ng tikhim. 

"Elle go to my office now." Napakunot naman ang noo ko. "May ipapagawa ako sayo, dahil hindi ka nakikinig kanina." Sunod pa na sabi niya kaya laylay ang aking balikat na tumingin kay Luke.

"Okay, sir." Magalang ko pang sagot bago ibinalik ang tingin kay Harold at napipilitan na ngumiti.

"Umuna kanang umuwi Harold, next time nalang ako sasabay sayo." Sabi ko at bahagya naman siyang tumango sa akin na ipinagpasalamat ko naman. 

Nauna ng lumabas ng classroom si Harold habang inaayos ko pa ang gamit sa aking bag. Nang matapos ako ay agad kung sinukbit yun ngunit halos mapatalon ako ng makita ang malapit na mukha ni Kevina sa akin.

"Dyos ko naman, bakla! Aatakihin ako sa puso dahil sayo. Kanina ka pa bang andiyan?" Tanong ko habang sapu-sapo ang bandang dibdib ko. Halos magwala ang puso ko sa loob dahil sa kagulatan. 

"Nakita ko 'yon!" Ngiting-ngiti na sabi niya. 

"Ang alin na naman?" Maang na tanong ko pero tinusok lamang niya ako ng kanyang hintuturo sa aking tagiliran. 

"Tumigil ka nga, bukas na lang ulit tayo mag usap, my friend. Bye besh!" Sabi pa nito bago humalik sa pisngi ko na agad ko namang pinunasan. "Ang taray mo naman sakin."  Kumento pa niya at tumalikod na sa akin. 

"Ingat." Yon lang ang nasabi ko at naglakad na patungo sa office ni Luke. 

Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan ngunit hindi ko inaasahan ang aking masasaksihan. Buong akala ko naman ay ako ang matutuwa dahil kaya niya ako pinapunta ay para makasama niya ako, ‘yon pala ay may iba naman siyang kasama.

Agad naman akong tumalikod habang hawak ang dibdib dahil sa kaba at hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Naiinis?

Nagagalit?

Sobrang lakas nang tibok ng puso ko na kulang na lang ay sumabog ayon. Ngayon lang nangyari ito sa loob ng ilang taon na nag aaral siya dito sa unibersidad. Ngayon lang n’ya naaktuhan ang asawa na may kabulastugan na ginagawa.

"A-ahhm. Sorry po, ma'am and sir." Magalang kong hingi ng paumanhin habang nakatalikod parin. 

"Elle." Mahinang tawag sa akin ni Luke. Napakagat naman ako sa sariling labi bago huminga ng malalim.

Naikuyom ko ang aking kamao at naramdaman na lang ang panunubig ng aking mata. 

Kaagad akong humarap sa pwesto nila at yumuko. 

"Pasensya na po ulit, uuwi na po ako sir." Sabi ko bago tumunghay at tinitigan sa mga mata niya si Luke. " I'm sorry sir kung hindi ako nakikinig sa klase mo kanina, hindi na po mauulit. Gagawin ko na lang kung ano man po ang ipagutos niyo kinabukasan." Magalang kong paumanhin bago tumalikod at nagmamadaling lumabas sa opisina ni Luke. 

Habol ang aking hininga hanggang sa makarating ako ng gate at naupo sa kalapit na upuan sa harap ng school.

'Nag oovethink lang siguro ako, mali ang nakita ko. Tama, may dinampot lamang si Ms. Kapingping sa ilalim ng mesa ni Luke kaya s'ya nandoon.' sambit ko at pilit na pinaniniwala ang sarili.

"Hey." Agad akong napalingon ng may humawak sa braso ko. 

Umayos ako ng pagkakatayo at pinahid ang ilang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Ngumiti ako ng malawak dito bago nag salita. 

"Pwede pa ba akong sumabay sayo?" Simpleng tanong ko na ikinangiti niya. 

"Okay, mabuti nalang at wala pang nadaan na masasakyan at nakita pa kita dito." Ngumiti lamang ako sa sinabi ni Harold at nag umpisa ng maglakad. "Si Mr. Copley ba ang may gawa kung bakit ka umiiyak?" Dugtong na tanong ni Harold sa akin kaya lumingon pa ako sa office ni Luke na tanaw mula rito sa labas ng gate. 

Halos kinilabutan ako ng makitang nakatayo si Luke at may masamang tingin sa akin. Agad naman akong nag iwas ng tingin at nagmamadaling maglakad palayo. 

"Gusto mo ba ng ice cream?" Basag ni Harold sa katahimikan. 

Kahit kasi kasama ko si Harold ay kay Luke lamang parin tumatakbo ang isip ko lalo sa naabutan ko kanina sa office niya.

 "Elle." Tawag sa akin ni Harold at agad akong napalingon ng may i-aro ito sa mukha ko na ice cream na nasa cone.

“Salamat, Harold.” ‘Yon lang ang nabigkas ako at nginitian ito.

“Sabay tayo na pumasok bukas, susunduin kita.” Napangiwi ako sa kanyang naging tanong.

"A-Ah a-ano kasi" - hindi ko na naisundo ang sana ay aking sasabihin kay Harold ng may magsalita sa kung saan.

"Elle." Malalim na boses ni Luke ang narinig ko.

Shit ng malagkit!

"S-Sige na Harold, bukas na lang uli-" napapikit ako ng mariin ng putulin na naman ni Luke ang sasabihin ko.

Naramdaman ko pa ang pagpulupot ng matipunong braso ni Luke sa bewang ko. "Kasabay ko s'ya pagpasok bukas." Sabat nito at iginaya na akong papasok ng bahay. 

I mouthed "sorry" ng lumingon ako kay Harold at peke itong ngumiti sa akin. 

Nang makapasok kami sa sala ay binitawan na ako ni Luke at nagtungo ito sa taas, siguro ito ay pupunta sa kwarto namin? 

Huminga ako ng malalim bago pumunta ng kusina at uminom ng tubig. 

Anong ipapaliwanag ko kay Harold, hindi dapat malaman  ng ibang istudyante sa aming school ang nakita ni Harold dahil natitiyak ko na mawawalan ng trabaho si Luke. 

Inubos ko ang kinuha kung tubig bago umakyat na sa kwarto namin. Ibinaba ko sa kama ang aking bitbit na bag bago pabagsak na itinapon ang sarili at nahiga sa kama.

Narinig ko naman ang pag bukas ng pintuan sa banyo kaya tumingala ako upang tumingin doon. 

"H'wag ko ng makikita na lalapit ka pa sa lalaki na 'yon." Seryosong basag ni Luke sa katahimikan habang kinukuskos nito ang kanyang ulo ng towel bago naupo sa kama. 

"Parang mahirap naman yang sinasabi mo." Nakabusangot kung sagot sa kanya at naramdaman ko ang hindi pag galaw niya kaya dumapa ako sa kama. "Kailangan kung kausapin si Harold baka kasi ipagkalat noon ang nakita niya mawawalan ka ng trabaho." Sagot ko pa ngunit nakita ko ang paghigpit ng kamao niya. 

Ano ba kasi ang problema niya? 

"You don't need to talk to him." Maanghang nitong saad at tumayo. 

Umayos naman ako sa pagkakadapa at naupo. 

"Mawawalan ka ng lisensya kapag nalaman nila." Sikmat ko at nilingon n'ya ako. Halata sa mga mata ni Luke ang galit at konti na lang ay magbubuga na ito ng apoy sa akin. 

"Huwag mong gawin ang ayaw ko, Elle. Sundin mo nalang ako." Nanggigigil na saad nito.

"Mahal, ikaw lang ang iniisip ko." Mahinahon ko na sabi sa kanya at nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon ng aking asawa. 

"Ako na ang kakausap sa kanya." Mahinahon na rin niyang sabi sa akin. 

Hindi ko naman mapigilan na hampasin ang matikas niyang braso ng may maalala ako. 

"Ouch!" Piglas niya ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. "Para saan 'yon?!" Maang-maangan na tanong niya sa akin. 

Ano may amnisya lang ha,?

"Naglalandian kayo ni Ms. Kapingping kanina!" Sigaw ko dito at halata na natigilan ito. "Ano! Hindi ka makaimik!" Nanlilisik ang aking mga mata na sabi ko sa kanya. 

Umalpas ang malakas na tawa ni Luke at halos kulungin ng echoe ang buong silid namin, dumampot ako ng unan bago inihampas yun sa kanya at halos maluha si Luke kakatawa habang ako naman naiiyak na sa inis sa kanya. 

Padabog akong naupo sa isang gilid at hindi naiwasan ang mapahikbi. 

"I hate you." Sabi ko sa kabila ng aking pag iyak.

"She gave me paper na need kung mapermahan para maipasa niya bago umuwi, ngunit naipatak niya ang ilang mga papel at napunta 'yon sa ilalim ng mesa ko. Ako na sana ang kukuha ngunit nag insist siya kaya wala na akong nagawa nang maunahan niya ako sa pag yuko." Mahaba niyang paliwanag sa akin habang ang kanyang mga mata ay masuyo akong tinitingnan. 

Lumapit s'ya sa puwesto ko at agad akong niyakap. 

Yumakap din ako sa kanya at doon ko pinahid ang sipon ko na walang tigil sa pagtulo kasabay ng luha ko. 

Matapos ang dramahan time namin ay naglinis na ako ng aking katawan habang si Luke ay nasa baba upang magluto ng aming hapunan. 

Hindi talaga nakakabuti ang mag overthinking, pero hindi din naman natin masisiguro kung tama o mali ang nasa isip natin hangga't hindi natin nakakausap ang tao na siyang dahilan kung bakit tayo nag o overthink

Pagkatapos maglinis ng katawan at makapag bihis ay napagpasyahan ko ng bumaba sa kusina. Hindi pa ako nakakarating sa kusina ay nalalanghap ko na ang masarap na amoy ng niluluto ni Luke. 

Ang swerte ko pagdating kay Luke, gwapo na ang aking napangasawa matalino na, sexy, magaling magluto ah, sulit pack talaga. Madami pang katangian ang asawa ko kaya sobrang bless ko. 

"Wow, ang bango naman nang niluluto mo, mahal." Masaya na sabi ko nang makapasok ako sa loob ng kusina. Lumapit ako kay Luke at niyakap siya mula sa likuran. "Ang bango din ng mahal ko." Paglalambing na sabi ko at hinaplos ang tiyan niya ng bigla akong itulak ng puwet ni Luke. 

"Umalis ka d'yan." Pag papaalis niya sa akin mula sa kanyang likod. 

"Bakit naman." Naguguluhan ko na tanong at bumalik sa pagkakayakap ulit sa kanyang matikas na likod bago hinawakan ang kanyang tiyan.

"Fvck!" Rinig kung bulong niya at itinulak muli ako ng puwet nito. 

"Ano ba kasi!" Pagalit ko na sigaw. "Ayaw mo ba ng niyayakap ka!" Naiinis ko sabi pa sa kanya. 

Pinatay naman ni Luke ang kalan at naka pamewang pa na humarap sa aking puwesto. 

"Mahal, nasaludo ang alaga ko sayo dahil diyan sa ginagawa mo." Naka sibangot at halata ang inis sa salita niya sa akin. 

Hindi naman maiwasan na manlaki ang aking mga mata dahil sa nakitang pag igting ng kung ano sa pagitan ng hita niya. 

"O-Okay. Uupo na lang ako doon, d-dalian mo n-na." Nauutal ko na sabi at ngumiti ng pilit bago nagmadali na umupo malayo sa pwesto niya. 

Shit! Pakiramdam ko ay gusto ng sumabog ng aking pisngi kainitan, para siguro akong kamatis dahil sa kahihiyan. 

"Alam mo naman kung gaano kagaling sumaludo ito kapag malapit ka sa akin." Hirit pa nito bago tumalikod muli at sinandok na ang niluto nitong afritada. 

"Heh! Tumigil ka riyan, dalhin mo na yan dito at nagugutom na ako." Pag iwas ko sa usapan. 

"Nagugutom din naman ako pero iba ang natitipuhan ng bibig ko na kainin." Napailing ako ng makita ang pataas baba ng kilay ni Luke kasabay ng pagbasa nito sa labi niya. 

"Ang bastos mo!" Sigaw ko at ang loko ay tumawa lang. 

Grabe, ang halay ng utak ko dahil sa asawa ko! Shit naman ng matamis! 

**********

"Mahal." Tawag ko kay Luke na nakatihaya sa pagkakahiga. 

Katatapos lang namin manood ng TV sa sala at pasado alas-nueve na rin ng gabi. 

"Ahm." Himig na sagot n'ya sa akin. 

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, kating-kati na kasi ako na itanong sa kanya ito.

"May balita na ba about doon sa camera na nakita noong nakaraang araw sa sala." Marahan ko na tanong at naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. 

Tinapik ni Luke ang kanyang kanang braso tanda para doon ako humiga. Agad naman akong umayos ng pwesto at nahiga ng maayos sa tabi niya.

"H'wag kang basta-basta mag titiwala sa ibang tao Elle." Mabigat na salita niya, halata rin na nahihirapan siya habang binibigkas ang mga kataga na ayon. "Sa tingin ko ay kilala lang din natin ang tao na naglagay nang CCTV sa loob ng ating bahay." Mahina niya pang sabi habang nakatitig siya sa kisame. 

"Pero secure na naman ang buong Villa diba? May mga CCTV's na rin, wala bang nakapansin?" Mahinahon ko na tanong na siya namang pag iling ng ulo ni Luke.

"Burado lahat ng CCTV noong araw na 'yon. Kaya walang makuha ang mga pulis at walang ideya kung sino ang naglagay noon at kung ano ang motibo." Napatango naman ako sa sinabi nito. 

Bahagya namang hinaplos ni Luke ang aking buhok, niyakap ako nito ng may tamang higpit at napangiti naman ako dahil doon. 

"I can't let anyone ruin us." Rinig kung sabi niya.

"I love you, mahal." Nakangiti kung sabi bago ipinikit ang mga mata at isinubsob ang mukha ko sa maskulado niyang dibdib . 

"Goodnight mahal ko." Huling sinabi ni Luke na  narinig ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Until Last 01: My Professor    Special Chapter

    “Did you see her at school?” My mom asked me. I just focus on my phone while scrolling on facebook. “Yup.” I answered boringly. “Did you see her as a woman–”“Mom here we go again, I don’t like her, so stop pushing me to her. Hindi ko siya gusto, sobrang kuli at ingay niya. She likes a stalker so please mom, sabihin mo sa mommy niya na pagsabihan naman si Elle na kahit ilang o isang araw man lang ay lubayan niya ako–” Pinukpok ako nito sa ulo. “Are you deef? Elle is kind and beautiful. Wala akong ibang babae na tatanggapin bukod sa kanya. Simula today, ihahatid mo na siya sa kanilang bahay.”“Mom–”“That’s an order, so please. If anything happens to her, it’s your fault!” Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ako at lumabas ng kusina. Naibagsak ko ang aking kutsara sa plato. Ever since ng magsimula ang pasukan ay inihahatid ko na sadya siya sa kanilang bahay dahil yun ang sinabi ni Uncle Salvador. So sino ba naman ako para tumanggi? And damn, mother ko na ang nagsabi, paano k

  • Love Until Last 01: My Professor    65: Emily

    Elle’s POVWe arrived at exactly 3AM at the hospital. Luke’s hand was shaking. That's why I hold his hand and squeeze it.“Your hands are shaking, can you please calm down? Leo said he’s okay now.” Napailing ako sa ikinikilos ni Luke. “I just–” “I just what?” Pagputol ko sa sasabihin niya. Alam ko naman na matagal niyang hindi nakasama ang kanyang ama pero hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon niya. Habang nasa daan, wala siyang tigil kakukwento ng lahat ng nangyari. Nakinig lamang ako sa kanya buong byahe, at kahit gusto ko mag react sa nalaman at mga nangyari noon ay wala na akong magagawa. Bukod sa nangyari na at ang lahat naman ng yon ay nakaraan na. And I think this is the final chapter of our story.“He’s inside pero hindi pa rin siya nagigising.” Hindi naman maipinta ang mukha ni Luke sa sinabi ni Leo. “Ako na ang bahala Leo, makakauwi ka na. Salamat.” “One call lang.” Tumango ako sa sinabi ni Leo. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob.Sa VIP Room namin

  • Love Until Last 01: My Professor    64: His Home

    Luis’ POVHe’s smart, my grandson is a smart kid. Kuhang-kuha niya ang talino ng kanyang ama.I know Luke’s getting angry with me when he sees me here. I met Trisha in the prison where I was assigned. I’m the one who make her flee for some reasons, imbis na kumuha pa sya ng ibang tao upang gawin lamang nya ang kanyang plano na masama sa pamilya ng aking anak na si Luke ay ako na ang pumayag na makalabas ito sa kulungan. Ako na rin ang tatapos sa babae na kagaya nya. I will not make a same mistake in the past kung saan ay halos mapatay ko ang asawa nya. Inutusan ako ni Salvador na gawin yun sa sarili niyang anak. How cruel is he? Yun ang pagkakamali na nagawa ko and that day when Luke saw my face at hinayaan nya ako na makaalis, I leave all the property with him, lalo na ang company. He even gave me money kahit alam nya na marami naman akong pera. I even started what I wanted. Wala sa plano ko ang patakbuhin ang kumpanya noon pa man, pagpupulis talaga ang gusto ko at dahil sa late M

  • Love Until Last 01: My Professor    63: Grandpa

    Luke's POVWe leave immediately at the unit, kasama ko si Harold and also Kevin. Kung tutuusin ay hindi namin alam kung saan kami mag uumpisa na maghanap pero alam ko na hindi pa sila nakakalayo. It's either nandito pa rin sila o nakaalis na. Pero paano gagawin yun ni Trisha kung walang tulong ni Salve? I glanced at my phone I was holding. Aunt Elizabeth names flash on screen, sinagot ko yun agad at ang malalim na paghinga nito ang nabungaran ko. "I'll text you the address, maraming tauhan si Trisha kaya huwag ka pupunta ng magisa.""Where are you! Come back! Masyadong delikado–""I'm okay. I'm hiding. Come quickly!" She said and ended the call. Sumakay agad kami ng kotse at walang oras na inaksaya patungo sa lugar na itinext nito sa akin. May kalayuan ito at liblib ang lugar. Mga puno ang halos madadaanan at hindi ko mawari ang idea na may ibang tao sa likod ng lahat ng ito. Hindi basta makakagawa ng ganitong hakbang si Trisha kung wala siyang ibang katulong. If it was not Salv

  • Love Until Last 01: My Professor    62: Escaped

    Nagising ako na patay ang ilaw sa kabuuan ng kwarto at ang tanging lampshade lamang sa gilid ang nagsisilbing ilaw. Sinulyapan ko ang bintana at madilim na sa labas. Napahaba ata ang tulog ko at hindi namalayan na gabi na. Napahawak pa ako sa aking tiyan na kumakalam dahil sa gutom. Akmang tatayo na ako ng bumukas ang pintuan at nabuhay ang ilaw. Nanliit pa ang aking mata dahil sa pagkasilaw at kalaunan ay nakita ko si Luke na nakatayo habang papalapit sa kama. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain. “Dinner in bed?” Napailing ako sa sinabi nito. “Sakto, kakagising ko lang at kumakalam na agad ang sikmura ko.” Sagot ko at umayos na ng pagkakaupo. “Prefered ka huh?” Natatawa ko pa na sabi dahil mayroon itong inilatag na maliit na lamesa sa ibabaw ng kama. “Always, my wife.” Napailing ako sa naging sagot nito. “Basta para sayo.” Pahabol pa niya na sabi kaya ako heto, kinikilig ng palihim dahil kung ipapahalata ko at makikita niya na kinikilig ako at naapektuhan sa sinasabi ni

  • Love Until Last 01: My Professor    61: Boracay

    Luke’s POVLooking at her sleeping sound and sleep make my heart flutter, she still affects me. Why did I end up being her husband?Magkaibigan ang aming mga magulang at dahil nga sa magkaibigan sila ay ipinush nila kaming dalawa to work out. At first I didn’t see her as a woman. Makulit siya noon at masyadong papansin. But when I confront her na masyado siyang umi eksena sa buhay which is ayoko ng ganon, gusto ko pribado ang buhay ko at naka depende sa akin kung sino ang aking kakausapin. Mom whats to be Elle is my priority lalo na kapag uwian. Kailangan ko pa itong ihatid sa kanila imbes na makakauwi ako ng maaga at makakapagpahinga. But one day dahil sa kainisan hindi ko siya hinatid. That time she called me so many times but luckily sinagot ko ang isa sa mga tawag nya.She’s on the run dahil may nagtangka na holdapin siya, muntikan na rin siyang marape at doon nagsimula ang lahat. Doon din nagsimula ang pag-iwas niya sa akin. Yes she said thank you that day pero kinabukasan ay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status