LOGINSi Elena Amedez ay isang babaeng nawalan ng tahanan at pagmamahal mula mismo sa taong dapat sana'y unang nagpoprotekta sa kaniya—ang kaniyang sariling ina. Matapos siyang palayasin ni Victoria, wala siyang ibang mapuntahan at hindi niya alam kung saan magsisimulang muli. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Miguel Guavez, ang bilyonaryong asawa ng kaniyang ina. Sa halip na pabayaan siyang mag-isa, inalok siya ni Miguel ng matutuluyan, seguridad, at isang buhay na hindi na niya kailangang mag-alala tungkol sa pera. Ngunit kapalit ng lahat ng iyon ay isang mapanganib na alok—isang lihim na ugnayang hindi dapat malaman ninuman. And how can she resist the man who offers her everything when he's the one person she should never fall for? Ngunit sa bawat titig, paglapit, at sandaling magkasama sila, lalo lamang nagiging mahirap labanan ang damdaming unti-unting namamagitan sa kanila. When forbidden desire becomes stronger than loyalty, will love be enough to face the consequences or will their secrets destroy everything?
View MoreHindi alam ni Elena kung saan siya pupunta.Mabilis siyang naglakad palayo sa silid ni Miguel matapos ang mainit na pagtatalo nina Victoria at ng lalaki. Hindi niya kayang manatili roon. Hindi niya kayang marinig pang muli ang mga salitang binitiwan ng kaniyang ina.“Pati ba naman ang asawa ko, kailangan mo ring agawin?”Napapikit siya habang patuloy na naglalakad.Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Victoria. Hindi rin niya alam kung bakit hindi niya kayang ipagtanggol nang maayos ang sarili. Ang dami niyang gustong sabihin, pero sa tuwing bubuka ang kaniyang bibig, tila nauunahan siya ng takot.“Bakit parang ako na naman ang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito…” mahinang sambit ni Elena habang pinipigilan ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata.At ang pinakamasakit sa lahat, hindi rin niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi niya lubusang pinagsisihan ang nangyari sa pagitan nila ni Miguel.“Bakit ba ganito?” bulong
“WHAT IS HAPPENING BETWEEN YOU AND MY HUSBAND?!”Nanginginig sa galit ang boses ni Victoria habang nakatayo sa may pintuan ng silid. Hindi maalis ang tingin niya kay Elena na nakaupo sa tabi ni Miguel. Para bang hindi siya makapaniwala sa sarili niyang nakikita.Samantala, nanatiling tahimik si Elena. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Kanina lamang ay nagdadala siya ng kape, ngunit ngayon ay para bang isa na siyang kriminal sa paningin ng sarili niyang ina.“Mom, hindi ito ang iniisip mo,” mahinang sagot ni Elena.“Don't you dare tell me that!” sigaw ni Victoria. “I saw you sitting beside my husband! At bakit ka nandito sa kuwarto niya?”“Dinalhan niya ako ng kape,” sagot ni Miguel.Napalingon agad si Victoria sa kaniya.“That's not what I'm asking, Miguel!”“Then ask properly,” malamig niyang tugon.Lalong uminit ang ulo ni Victoria. Hindi niya inaasahang magiging ganoon kakalma ang kaniyang asawa sa harap ng sitwasyon. Para bang wala itong ginawang mali.Bumalik ang
“Hopefully, magustuhan niya” bulong niya habang inaayos ang tasa sa tray.Tahimik ang buong penthouse nang hapong iyon. Kaya naisip niyang maghanda na lamang ng kape para kay Miguel. Dahan-dahan siyang nagtungo sa silid ng lalaki.“Come in,” sagot ni Miguel.Binuksan ni Elena ang pinto.“Good afternoon, Miguel.”Napatingin ang lalaki mula sa hawak na dokumento.“Elena? What is it?”“Dinalhan lang kita ng kape.” Lumapit siya sa sofa. “I made it myself.”Napatingin si Miguel sa tray.“You didn't have to do that.”“I know. Pero gusto ko lang magpasalamat. You gave me a place to stay, at least ito man lang ang magagawa ko.”Napailing si Miguel.“You don't owe me anything, Elena.”“It's just coffee.” Ngumiti siya at inilapag ang tray sa maliit na mesa.“Thank you.”“You're welcome.”Akala ni Elena ay maaari na siyang umalis, ngunit naisipan pa niyang ayusin ang pagkakalagay ng tasa upang hindi ito madaling matapon.“Do you need anything else?” tanong niya.“Nothing. You can rest.”Tumango
Tahimik ang buong sasakyan habang binabaybay nito ang kalsada patungo sa condominium ni Miguel Guavez.Nasa passenger seat si Elena Amedez, nakatingin lamang sa labas ng bintana. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari. Ilang oras lamang ang nakalipas, pinalayas siya ng sarili niyang ina. At ngayon, kasama niya ang lalaking halos hindi niya kailanman nakausap nang maayos.“We're here.”Napalingon si Elena nang marinig ang malalim na boses ni Miguel.Ilang sandali pa ay tuluyan nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang marangyang condominium building.Tahimik na bumaba ang dalaga at sumunod kay Miguel papasok sa gusali. Pagdating nila sa penthouse unit nito, agad siyang namangha sa lawak at ganda ng lugar.“Come in, Elena.”Dahan-dahan siyang pumasok.“Take a seat.”Itinuro ni Miguel ang malaking sofa sa living area. Maingat namang naupo ang dalaga habang inilalapag ang kaniyang bag sa tabi niya.Ilang sandali pa ay bumalik si Miguel mula sa kitchen area at inilapag ang isa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.