Chapter 36
Tinakbo ko ang gate ng Xavier para lang makita si Kaizer. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Pinuntahan ko na rin ang mga lugar kung saan ko siya maaaring makita pero kahit doon ay hindi ko siya matagpuan.
Nagsisimula na rin akong kabahan lalo na't sumasagi sa isip ko ang itsura niya kanina.
Oh God. Please it's not my intention to hurt him. That's the least thing I want to do with him.
Alam kong iba ang pagkakaintindi ni Kaizer sa narinig niya sa sinabi ko kanina. I need to clear everything to him. Hindi maaaring masira ang samahan naming dalawa dahil lang doon.
Hinihingal ako nang makarating sa gate ng school. Nakita kong may guard doon kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Manong, nakita niyo ho ba si Kaizer Collins?" tanong ko.
"Uh, nakita ko po siyang lumabas kanina at mukhang nagmamadali,"
Naikuyom ko ang aking kamao. Damn it! Where are you now, Kaizer?
Nagpasalamat
Chapter 37Five days had passed and everything went normal. Naging maayos din ang takbo ng buhay ko. Walang Kairo na gumugulo at higit sa lahat ay malaya kong gawin ang gusto ko.Naging masaya ako oo pero 'yong akala kong kasiyahan na magiging permanente na ay hindi pa rin pala. Akala ko tuluyan na akong magiging masaya pero lahat ng iyon ay isang patikim lang pala sa buhay ko.Dahil kasabay ng paglipas ng mga araw ay siya ring pagbabalik ng parents ko. Matapos ang pinakamahabang panahon at araw ay ngayon lang sila ulit umuwi ng Pilipinas.At ewan ko ba kung ba't hindi ako nakaramdam ng kasiyahan nang malaman ko ang balitang 'yon. Kasi alam ko kapag narito na ulit sila ay babalik na naman ako sa buhay na meron ako noon. Iyong buhay na kontrolado.Sabado ng araw at wala kaming pasok. Kakatapos ko lang maligo at magbihis kaya lumabas ako ng kuwarto at bumaba para mag dinner.Agad kong nakita sina Mama at Papa sa dining tahimik na k
Chapter 38May mga bagay pala talaga sa mundo na mahirapan tanggapin kahit na gaano mo pa ito kagusto. Mga bagay na akala mong madali lang pero hindi pala.Tulad na lang ng pagmamahal ng mga magulang natin sa atin. Akala ko kaya kong tanggapin ang dahilan kung bakit wala silang oras sa akin pero hindi ko pala kaya. Akala ko magiging okay na ulit ako kapag nasabi ko na sa kanila ang mga hinanakit ko pero hindi pa rin kasi ang totoo ay may kulang at may kulang pa rin sa sarili ko.Isang bagay na hindi ko mapangalanan.Dahil sa nangyari mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na hindi ko pa rin pala kayang magmahal ng iba. Because how am I supposed to love someone when I couldn't love myself first?Paano ko ipaparamdam sa kanila ang pagmamahal na hinahanap nila kung hindi ko iyon mahanap sa sarili ko?I suddenly remembered Kaizer and our relationship. I remembered what he had been through for me. Marami na siyang nagawa para sa akin. He nev
Chapter 39Kinabukasan ay masigla akong pumasok s Xavier. Naging maayos ang pag-uusap namin ni Mama kahapon kaya lahat ng mabigat na nararamdaman ko ay parang naibsan. Iyon nga lang hindi pa rin ako ganoon ka okay dahil hindi pa kami nakakapag usap ni Papa katulad ng ginawa namin ni Mama.Gusto kong kausapin si Papa kanina nang makasabay ko siyang mag almusal pero parang naduwag ako kaya hindi ko na lang ginawa. Si Mama naman on the other hand, sobrang asikaso sa akin. Pakiramdam ko tuloy parang bumalik ako sa pagkabata dahil sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin.Bumalik ang sigla ko nang makarating ako sa Xavier. Hindi ko na pinapansin ang mga bulongan sa paligid tungkol sa akin because seriously, kailan ba sila tumigil?Halos buong oras nila ay nakalaan lang sa pagchichismis sa akin eh. Simula noon hanggang ngayon ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Sa tuwing nakikita nila ako wala silang ibang ginawa kundi ang pagchismisan ako.I sig
Chapter 40"Trix, tama na. Ako 'yong nasasaktan para sa'yo eh,"Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Irish bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Kung siya nasasaktan na nakikita akong umiiyak ako naman ay nadudurog na dahil sa sinabi ni Kairo kanina.Ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Isang babaeng mahilig maglaro ng damdamin ng isang tao?Kailan ko ba siya pinaglaruan? Kailan ba ako hindi naging seryoso sa nararamdaman ko sa kaniya?"Trix...""Ang sakit, Irish... sobrang sakit," my voice cracked. Napahawak ako sa dibdib ko ng bahagyang kumirot 'yon. "Hindi ko m-matanggap..."Hindi umimik si Irish at patuloy lang siya sa paghaplos sa likod ko. Nandito kami ngayon sa garden ng school at yakap yakap niya 'ko. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming narito."K-kailan ko ba siya pinaglaruan? Simula noon hanggang ngayon hindi pa rin naman nagbabago ang n-nararamdaman ko sa kaniya..." hikbi
Chapter 41Noon akala ko ang pag-ibig ay isang charot charot lang. Para sa akin isa lamang kalokohan iyon. Sa tuwing may nakikita akong mga taong umiiyak at nagiging miserable sa buhay dahil sa pag-ibig ay diring-diri ako.Minsan ko na rin ipinangako sa sarili ko na hinding-hindi ako magiging katulad nila. Na hindi ako magiging isa sa mga taong nagiging miserable ang buhay. At sinabi ko rin sa sarili ko na kung magmamahal man ako sisiguraduhin kong tamang tao ang pipiliin ko.Pero ngayon gusto ko na lang kainin lahat ng mga salita ko noon. Parang gusto ko na lang magsisi na sinabi ko pa ang mga bagay na iyon. How funny was that, everything drives me crazy. Dahil sa punyetang pag-ibig na 'yan ay naging isa ako sa mga taong nasasaktan at umiiyak.Gusto kong itawa na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lang itawa lahat ng mga pinagsasabi ko tungkol sa pag-ibig. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay magiging miserable rin ako katul
Chapter 42Ilang minuto pa akong nakatayo sa pwesto kung saan ako iniwan ni Kairo. Kung paano niya ako tinalikuran ay ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Kahit hindi ko na natatanaw ang kaniyang kotse ay hindi pa rin ako umalis doon.Kairo, why do you have to do this? Tapos na ba talaga? Ayaw mo na ba talaga sa akin?Paano mo nagawang kalimutan ang lahat? Paano ka nagsimula ulit? Tulungan mo naman ako para magawa ko rin makaahon sa pag-ibig ko sa'yo kasi sobrang sakit na talaga.Hindi ko na kaya...Bahagya akong napabalik sa aking katinuan nang marinig ko ang tunog ng isang motor. Napakurap ako at hinanap ang pinanggalingan no'n.Nataranta ako nang makitang motor 'yon ni Kaizer. Nakasakay na siya roon at handa ng umalis. Ngayon lang din nag sink in sa utak ko na nandito na pala siya.At muntik ko ng makalimutan na gusto ko nga pala siyang makausap. Hanggang ngayon mahirap pa rin i sink in sa utak ko na nandito n
Chapter 43I broke down. Hindi ko na kaya ang sakit. Wala na akong lakas pa para tumayo. Masyado ng marami ang nangyari ngayon at nahihirapan na akong i digest lahat.Gumalaw ang mga balikat ko dahil sa matinding paghagolgol. Buong buhay ko nasanay akong umiiyak ng mag-isa sa madilim kong kuwarto. Palagi kong sinasarili ang mga problema ko. Nasanay akong tanging ang sarili ko lang ang nakakakita kung gaano ako ka miserable.At higit sa lahat kilala ko ang sarili ko. Kaya kong magtimpi at magpigil ng emosyon kahit pa gaano ito kabigat. Pero ngayon... hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan kong bumagsak ang sarili. Kung bakit hinayaan kong may ibang makakita kung gaano ako nasasaktan.Siguro masyado na talagang mabigat ang lahat na hindi na nakayanan ng puso ko."I'm sorry... I t-tried... I'm trying... I'm so—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ng may isang mainit na mga braso ang kumabig sa akin at niyakap ako ng mahigpit
Chapter 44Totoo nga ang kasabihan nila na sa buhay ng tao ay may nawawala at may dumarating. Dahil ang buhay natin ay hindi lang puro kasiyahan. Dapat at kailangan mo ring masaktan para malaman mo kung hanggang saan lang ba ang kakayahan mo at kung saan ka dadalhin ng paninindigan mo.Na realize ko lang ang bagay na 'yan matapos ang naging pag-uusap namin ni Kaizer. Hindi ko akalain na matapos ang araw na 'yon ay marami akong marerealize sa buhay.Kung may magandang dulot man ang pag uusap naming dalawa iyon ay pahalagahan ko ang aking sarili. Realizing some things that could make me a better person.And speaking of him, it's been two weeks since I got the news he went to New York. Pagkatapos ng pag uusap naming dalawa hindi ko inaasahan na mababalitaan ko agad na umalis na siya ng bansa.Nasaktan ako roon lalo na't tuluyan na talagang natapos ang ugnayan naming dalawa. Nasaktan ako sa isiping pagkatapos ng masasayang samahan at ala-ala nami