Papalabas ng bahay si Cecilia at lumapit kay Mang Cardo. “ Mang Cardo tapos na po ba kayong mag-agahan? Pinagpaalam na kita sa Sir Edward mo na ipagdrive mo muna ako ngayong araw dahil wala si Mang Danny”.
Lumingon si Mang Cardo. “Ay opo Ma'am Cecilia tapos na akong kumain. Sige po pwede ko kayong ipagmaneho ngayong araw”. Sagot ni Cardo.
Palapit na si Cecilia sa sasakyan. “ Halika na para hindi tayo aabutan ng traffic weekend ngayon at masyadong matraffic kapag ganitong araw. Wag mo ng alalahanin ang Sir mo dahil isasama non si Brent sa lakad niya today.”
“ Ahhhh mabuti naman po at may kasama pala si Sir Edward sa lakad niya.” sagot nito habang paalis na ang sasakyan. Tango lamang ang sinagot ni Cecilia dahil abala itong nagsusulat ng message sa messenger niya at kinukumusta ang anak. Tulog pa ng ganong oras si Shantal dahil magkaiba ang time routine ng US. Nag-iwan na lamang siya ng message dito. “Princess I hope you’ll do great every day. I miss you much!!!! Looking forward to visiting you in the USA when I have enough time. I saw some of your photos recently and you looked more stunning. We are so proud of you, even you chose your own path. Our family business is waiting for you here, please come HOME!!!!”. Malambing na ina si Cecilia at tanging siya lamang ang parating naglalaan ng panahon para kamustahin ang anak sa Amerika. Batid niyang malayo ang mararating nito sa piniling gawin.
Si Mang Cardo habang nagdadrive may hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pilit niyang iwinawaksi ang nasa isipan. Naalala niya ang anak na si Brent na katatapos lamang magtapos ng kolehiyo sa tulong ng mga amo niya. Natutuwa siya sa pagsisikap ng anak. Proud na proud din siya rito dahil tanging pag-aaral ang inaatupag nito noon pa man. “ Ma’am maraming salamat po sa tulong ninyo sa aming mag-ama dahil nakapagtapos na yung anak ko. Ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na magpasalamat sa inyo dahil madalas ho ay si Sir Edward ang kasama ko.”sabi niya kay Cecilia.
Nakangiti ito at nag angat ng tingin habang naka upo ito sa likurang bahagi ng sasakyan. “ Wag po kayong mag-alala Mang Cardo dahil alam naman namin na pareho kayong masipag at mabait mag-ama. Alam mo naman din ang Sir mo malaki ang tiwala kay Brent at gusto niyang ito ang tutulong sa amin para magpatuloy sa negosyo. Saka plano naming ipakasal sila ni Shantal”.
Nagulat si Mang Cardo sa narinig sabay sagot dito. “ Ay wala pong binanggit si Sir Edward sa akin tungkol sa plano ninyong iyan. Hindi naman po deserving ang anak ko sa anak po ninyo. Marami po kayong business partners na may mga anak din pong tagapagmana na pwede po ninyong ipares sa anak po ninyo.”
“ Wag mo ng intindihin ang ganitong mga bagay dahil madaling solusyonan ito saka matagal ng alam ni Brent ang plano namin. Tutol siya sa pasya namin pero kalaunan napilit din siya ng sir mo. Shantal and your son is at their right age to marry soon. Maraming mabubuting naidudulot ang desisyon naming ito kaya magtiwala po lamang kayo.” Hindi na sumagot si Mang Cardo dahil alam niyang may punto ang sinasabi nito at marahil nga may malalim na dahilan sa lahat ng nangyayari.
Hindi naman gaanong mabilis ang takbo nila ng mapansin niyang di gumagana ang preno ng kotse. Sinikap niyang kalmahin ang sarili at piliting pabagalin pa ang takbo dahil marami silang nakakasabay na malalaking sasakyan sa kalsada ngunit sadyang di niya ito mapigilan kaya sinabi niya kay Cecilia. “ Maam nawalan tayo ng preno at ayaw bumagal ng takbo ang kotse.”. Nagpanic naman si Cecilia “ Anong nangyari Mang Cardo, bakit nawalan ng preno ang sasakyan?” bago pa ito muling makapagsalita isang malaking truck ang kasalubong nila at pinuntirya ang lane ng tinatahak nila.
Bang!!!!!!!!!!!!!
Isang malakas na salpok ang huling narinig sa buong paligid . Wasak ang buong sasakyan at walang malay na hinugot ang katawan ng dalawang pasahero. Habang ang driver ng malaking truck na nakabangga rito ay patakbong tumakas.
Nagkaroon ng mahabang traffic sa buong kalsada kaya habang lulan sa ambulansya patungong hospital si Cecilia at Mang Cardo na parehong walang malay ang dalawa halos di na makilala ang mukha ng tatay ni Brent. Pagdating sa hospital declared as dead on arrival ang dalawa.
Si Brent at Edward naman ng mga oras na iyon ay kadarating lamang sa golf course. Biglang nakaramdam ng kaba si Brent na di maipaliwanag ngunit di niya pinansin ito. Palapit na sila sa mga kaibigan ni Edward. “ Kumpadre welcome!!!” bati ni Celso Chan na ama ni Mike.
“Sorry for a late arrival may importante lang akong inasikaso sa bahay. Hey, this is Brent my future son-in-law”, sabi ni Edward.
Napansin ni Brent na umiba ang mukha ni Celso. “ Oh the son of your driver, isn’t it bad for your reputation to take him as your future son-in-law? Sagot nito.
“ Nah, my wife and I known this young man since childhood, sa amin na siya lumaki at kasama na ng anak namin kaya itinuring na namin siyang pamilya”. Sagot naman ni Edward.
Kinamayan ni Brent ang iba pang mga kasamahan nito ngunit may iba siyang pakiramdam sa narinig niyang usapan ni Edward at ni Celso. Noon pa niya naririnig ang iba't ibang bad issues na kinasasangkutan ng pamilya Chan. Daddy ni Mike ang taong ito at matagal na rin niyang alam na masugid na manliligaw ni Shantal ang anak nito. Naglakad na sila patungo sa golf ground para umpisahan ang laro. Sinubukan ni Brent na makisama sa mga kaibigan ng Daddy ni Shantal dahil alam niyang respetadong mga tao ang mga ito at tulad ng sabi ni Edward sa kanya ito ang tamang pagkakataon para kilalanin niya ang mga ito dahil sa susunod na company meeting gagawin na ang botohan sa mga uupong member ng board of directors ng kompanya.
Sa hospital naman nagkagulo sa emergency room habang ang mga reporters ay pilit na pumapasok upang kuhanan ng live footage ang bangkay ni Cecilia Rodriguez. Agad na lumabas ang balita sa lahat ng media outlet habang walang kamalay malay ang asawa nito. Dali daling sinubukang kontakin ang cellphone ng asawa nito upang ipaalam ang aksidenteng naganap ngunit sadyang walang sagot sa mga tawag.
Sa golf course naman pabalik na sa resting area sila Brent kasama ang mga business partner ni Edward ng mapansin ni Brent ang ilang missed calls ng di niya kilalang number. Maya’t maya pa may tawag na naman ulit at kaagad niyang sinagot ito.
“ Hello? May I know who’s on the line please?”. Boses ng babae ang nasa kabilang linya. “Kamag-anak po ba ito ni Cardo Santillian? Magtungo po kayo kaagad sa Makati Medical Center dahil naaksidente po ang minamanehong sasakyan ng kapamilya po ninyo. Nakita lang po namin sa gamit niya ang cellphone niyang ito kaya sinubukan naming tawagan”.
Nakakabinging katahimikan at di makapagsalita si Brent. Nabitawan niya ang hawak niyang cellphone. Naglingunan ang lahat ng mga kalaro nila sa golf.
Lumapit si Edward sa kanya sabay tapik sa balikat niya. “ What’s wrong Brent?”
Napaluha na siya at yumakap dito. “ Uncle we need to go to Makati Medical Center, naaksidente po sila tatay at Ma'am Cecilia.” narinig nila ang gulat na reaksyon ng mga kasama nila.
“Whattttttt????????????!!!! Accident ? who said that? Umiiyak pa rin siya at nanginginig sa takot. “Taga hospital po ang tumawag sa cellphone ko. Sila ang nagsabi sa akin, halika na po.” sabay hatak niya rito patungong sasakyan.
Di na sila nakapagpaalam pa sa mga kasamahan. Sa sobrang gulo ng isipan ni Brent matulin nilang binabaybay ang kahabaan ng Edsa patungong hospital. Habang si Edward naman ay tahimik lamang sa tabi niya. Walang may gustong magsalita sa kanilang dalawa. Di rin maipaliwanag ni Brent ang kabang naramdaman dahil nabitawan niya na ang cellphone niya kanina habang kausap ang nurse na tumawag.
Nang damputin niya ang cellphone kanina wala na ito sa kabilang linya. Pagdating nila sa hospital puno ng maraming reporters sa labas nito at ng makita sila dinumog sila ng mga ito dahil nakita ng mga ito si Edward.
“ Sir, ano po ang masasabi ninyo sa aksidenteng ito? Sir Edward kindly give us your final statement pagkatapos po ng insidenteng naganap?” naririnig nila mula sa mga reporters. Ngunit walang sagot si Edward habang pagtakbong lumapit sa kanila ang mga guards ng hospital upang hawiin ang mga reporters.
“ Excuse guy’s please give way to the family members first para makapasok sila sa loob ng hospital”. Mabilis na naglakad silang dalawa ni Edward habang ginaguide sila ng mga nurse patungo sa loob ng emergency room.
Natakpan na ng puting kumot ang dalawang bangkay at sinalubong sila ng doctor na umaasikaso dito. “ Sir Edward, we did our best to save them but they arrived here in our hospital as dead bodies. We are very sorry for your loss”.
Biglang bumagsak sa kinatatayuan niya si Edward Rodriguez. Tanging lihim na iyak lamang ang nakikita sa mukha ni Brent at pinilit na alalayan ang ama ni Shantal.
Naririnig niya ang iyak nito habang lumalapit sa bangkay ng asawa. “ I told you to be more careful and come home as early as possible so we could have dinner together, but why do you have to leave me this way?” a painful pleading of Edward Rodriguez while looking into his wife’s dead body.
Si Brent naman nilapitan ang bangkay ng ama at di niya na halos nakilala ang mukha nito dahil sobrang wasak. Noon niya lamang naramdaman yung sobrang sakit na nararamdaman na di maipaliwanag. Tanging iyak at yakap nalang ang naibibigay niya sa malamig na bangkay ng ama.
Karga ni Brent ang natutulog na sanggol at abot tenga ang ngiti niya habang tinititigan ang maamong mukha ng bunso nila.“Baby, I’m your Dad, welcome to our family, sweetheart!” bulong nito sa anak.“Love, ibaba mo na ang anak natin baka magising. Kanina mo pa karga iyan!” Shantal called Brent’s attention.“Okay lang Love, magaan naman sya. And I love to watch her innocent face!” He walked over to Shantal’s bed. “Look, she’s beautiful like you. My princess resembled her mom!” he showed a wonderful smile on his face.“Hindi kaba napapagod? Kanina mo pa karga ang baby natin!”“Of course not! She’s my precious princess!” s
Shantal gives her sweet smile to Ivana. She feels pity for her when she sees her face full of tears. Bakas pa sa mga mata nito ang patak ng luha. Napansin niya rin ang mahigpit na paghawak nito sa mga kamay ni Brielle.Kakarecover lang niya mula sa mahabang oras ng kanyang labor period. Inabot ng halos siyam na oras bago lumabas ang bunso niya. Pagod ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ngunit masaya ang pakiramdam nilang lahat ng masilayan ang munting anghel nilang si Denise. Her little angel gives more joy and overwhelming happiness for both of them. Hindi niya inakalang masusundan ulit si Brielle dahil wala sa plano niya ang magkaroon agad ng baby mula ng biglaang bumalik si Brent sa buhay nilang mag-ina.Parang kailan lang, halos di pa sila magkasundo ni Brent dahil sa mga pangit na memories nila bilang mag-asawa. Bakas sa mukha ng asawa niya ang labis
2 months laterBrent had just landed at Changi International Airport from his two months travel to Shanghai. He’s been waiting for Ryan at the arrival area. Nakita niyang papalapit na ito sa kanya, kasama nito ang fiancee.“Welcome back to Singapore, Sir Brent!” bati nito sa kanya sabay kuha ng luggage niya.“Sorry if I bothered you guys. Nakakapagod sa biyahe,” he said“Hi, sir Brent, kumusta po kayo?” bati ng fiancee ni Ryan“Hello, Samantha. I’m doing fine! How’s your wedding preparation, guys?” he asked after he got inside the car.“Tapos na po, and I’m excited kasi sa isang linggo na
Kinagabihan, tahimik na nag aabang si Brent sa labas ng opisina ng Rodriguez Group of Companies dahil plano niyang sundan ang sasakyan ni Shantal pauwi ng bahay. He parked his car near the company and stayed inside his car, waiting for Shantal to come out. He still cares about her, yet he chooses not to show up because he had told her that he would no longer bother her again. Nakita niyang sumakay na ito ng kotse at sinundan niya ang pag-uwi nito ng bahay. He saw Brielle at the terrace with Shantal, and he wanted to come back to the house to stay with them, but he dare not break his promise.Tears started to fall down in his handsome face, he missed them so much, and it hurt him a lot seeing his wife and son in a far distance. Halos madaling araw na siya umalis sa harapan ng mansyon. Takot siyang madamay si Shantal at Brielle sa kinakaharap niyang laban. Pagbalik ng condo, nadatnan niyang gising pa si Agen
Brent picked up his luggage and walked towards the door. Hindi alintana ang hapdi ng sugat sa braso niya, dumaan siya sa kwarto ng anak at nadatnan itong mahimbing na natutulog. He walked towards Brielle’s bed and sat down immediately.Tears slipped in his eyes, and he touched Brielle's tiny face. Magkahalong lungkot at pag-alala ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit kailangan na niyang umalis sa bahay na ito. He & Shantal ended in a tragic way, hindi natupad ang pinangarap niyang bubuo sila ng masayang alaala bago siya umalis sa buhay nito. He planted a soft kiss on Brielle’s face and bid his farewell.“Buddy, Daddy had made the worst decision in life and hurt your Mom. I will no longer be coming back into your life, and this would be the last time I could see you. Thank you fo
Kinabukasan maagang nagising si Brielle at nagtungo sa kwarto nilang mag-asawa. Tulog na tulog pa silang dalawa ng pumasok ito. Mabilis itong lumapit sa kama at lumapit sa pwesto ni Brent.“Daddy, Mommy! Wake up! It’s too late! It’s getting late, why are you still in bed?” boses nito na nangibabaw sa buong kwarto.Mabilis na dumilat ang mata ni Brent at umupo sa kama. “Hmm! My little boy. What time is it?”“Past nine o’clock in the morning, Daddy!” Brielle said cheerfully near his side.“Buddy, come here and lower down your voice, Mommy’s still sleeping,” mabilis siyang bumaba sa kama at kinarga ang anak.“Daddy! Aren’t you going to work
After half an hour Brent decided to head back home. Binilinan niya ang guard sa main entrance na magmasid ng maigi sa paligid. Hindi mawaglit sa isipan ang huling sasakyan na sumunod sa kanya kanina. Nag-aalala siya para kay Shantal at Brielle. Alam niyang tauhan ito ni Celso Chan at pinasusundan siya. Sa susunod na linggo na ang muling pagbubukas ng kaso niya laban dito. Ilang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon malaya pa rin itong nakakalakad dahil natigil noon ang pagsampa niya ng kaso laban dito. He promised to send this man to jail no matter how long he will fight against him. Pagpanhik niya ng bahay nakita niyang nag-aabang sa sala si Shantal. Her face looks terrible like a lioness who is in a state of anger.“Where have you been?” she asked him immediately, and her voice sounds pretty bad. In her mind, Brent went to his mistress again.
Rodriguez Group of CompaniesBrent and Shantal are on their way to the company. Tahimik na umupo sa harapang bahagi ng kotse si Shantal ng biglang nagsalita si Brent.“What if the case of Mom’s death a few years ago will reopen? Would you still want the culprit to be jailed?” tanong ni Brent.“What do you mean? Mom’s death was planned? By who?” she asked“Nothing, just forget about it. Let me ask you another question,”“Sure! What is it?”“Are you not wondering why I suddenly disappeared five years ago?” he asks while his eyes are on the road.Matagal nag-
Matapos magligpit sa kwarto ni Brielle bumalik si Shantal sa room niya. Dinampot niya ang Digital Camera na nasa sahig. Ngayon lang niya ito ulit naalala. She sat down in her bed, looking at those photos that were taken a few years ago by Brent during her fashion show in the US. All candid photos of her reminded her younger age. A beautiful young lady who seemed to look so strong but deep inside silently bleeding. She remembered her parents were so busy with their business, giving her all material things in life and allowing her freedom to be enjoyed. Her parents didn't bother to ask her if she's happy and okay.Akala ng mga ito, she enjoyed being an independent child, ngunit may malaking puwang sa puso niya na hindi kayang punan ng pera. Ang atensyon at pagmamahal ng mga ito na napunta lahat kay Brent. She lived a sad life all along. She was so jealous of how they treated Brent right in front of her. Ito