"Gail, ayusin mong maigi ang pagtuturo kay Meghan ha!" Paalala ni Tita MA.
"Ako na ang bahala tita. Di ko papahirapan tong si Meghan sayang naman yung ganda kung mapapagod lang." Ani Gail sabay kindat sa akin.
"Oh siya sige na, puntahan ko lang ibang loyal customers natin!" Paalam ni Tita MA sabay lakad paalis.
"Meg, wag kang kabahan. Chill lang dapat. Baka magka stiff neck ka niyan sa kakayuko mo." Ani Gail ng mapansin ang lagi kong pagyuko na parang may hinahanap na nawawalang piso.
"Pasensya kana Gail, sobrang naninibago lang talaga ako." Turan ko sabay hawak sa leeg kong nagsimula ng mangalay.
"Hayaan mo't masasanay ka rin. Ganyan na ganyan ako nung una kong pasok dito. Anyway, ganito lang gagawin mo. Pag may bagong pasok na customer lapitan mo agad tapos batiin mo syempre. Samahan mo ng ngiti para maakit sa kagandahan mo hahahahaha." Aniyang tawang tawa pa. Napakamot nalang ako sa ulo. Napakabubbly niya talaga.
"Pagkatapos, bigyan mo nang menu then wait for them to order. Wag mong iwan hanggat hindi nakakaorder, mas maigi kung oorder ng mamahaling alak para mas malaki ang share mo. Madami naman tayo dito kaya magfocus ka sa customer mo. Pag gusto ng kausap at etatable ka! Gora kana! Sayang ang kita kung magpapakipot kapa." Dagdag pa niya.
Tahimik lang akong nakikinig pero nakakaramdam na ako ng takot.
Inhale!
Exhale!
"Kakayanin ko to!" Sambit ko sa sarili ko.
"Sumunod ka lang sakin Meg para matanggal yang kaba mo!" Aniya.
Tumango ako.
Iginiya ko na ang aking paningin at minamasdan ang mga kaganapan sa loob.
Yung iba naming kasama mukhang natatamaan na ng ispiritu ng alak habang may katable.
Yung iba naman are almost making out. Di ko mawari kung naglampungan o mas higit pa.Malalakas na hiyawan habang may nagsasayaw sa center stage na halos n*******d nalang.
"Jusmeyo!" Sambit ko at napakuros ng wala sa oras.
They were so wild na parang wala ng bukas.
Nasapo ko ang aking noo!
"Jusko po! Ano itong pinasok ko."
Napakalamig ng aircon sa loob pero ramdam ko ang pamamawis ko."Kalma Meghan! di ka naman magsasayaw diyan sa gitna at di karin makikipaglandian. Magseserve ka lang ng inumin! Kayanin mo para sa nanay mo!" Bulong ko nalang sa sarili habang pinunasan ang pawis na namumuo sa aking noo.
Nang bigla kaming nilapitan ni Tita MA.
"Gail, may bagong pasok na mga customer, puntahan niyo na ni Meghan. Bigcatch din yun!"
"Sige po tita." Ani Gail sabay hawak sa aking kamay.
Habang naglalakad patungo sa mga bagong dating na mga customers ay ramdam ko ang mapupukol na titig sa akin. Para akong matutunaw sa hiya. Sobrang nakakaasiwa dahil para akong hinuhubaran.
"Grabe Meg, head turner ka talaga! Tingnan mo naman, lahat ata ng lalaki ngayon ay nakatingin sayo." Tili niya. Mukhang siya pa yung kinilig sa aming dalawa.
Nanlalamig ang aking mga kamay. Feeling ko pinagpipiyestahan ako nang mga manyakis na lalaking ito sa isip nila.
Diri-diritso lang ang lakad ko kasabay si Gail. Deadma ika nga kahit na para na akong tunaw na kandila."Hello mga sir! I'm Gail and this is Meg. Can we have your orders please?" Nakangiting bati ni Gail sa dalawang lalaki na tantiya ko ay nasa edad 40's.
"Akalain mo ba naman at may ganito kagandang anghel akong makikita ngayong gabi!" Sambit ng isa habang nakatitig sa akin ng pagkalagkit. Akala niya siguro ikinagwapo niya ang pag ngiti-ngiti sa akin. Tsk! Nagmukha siyang isdang nakabrace.
"Sinabi mo pa! young and fresh." Nakangising sagot naman ng kanyang kasama. Isa pa to, mukhang tutubi sa suot niyang eyeglasses.
Parang ngayon din ay gusto kong hubarin ang heels ko at ipukpok sa dalawang manyakis na ito. Nang mapansin ni Gail ang naging reaksyon ko ay agad niya akong binulungan.
"Wag mo nalang silang pansinin Meg. Smile parin! Patayin mo nalang sila sa isip."
Pumikit ako at bahagyang huminga bago nagsalita.
"Here's the menu po."
Sabay abot sa kanila with a fake smile."Order kayo ng marami sir. For sure mag eenjoy kayo rito!" Pambobola ni Gail sa mga ito.
"Sure! Kahit pinakamahal na alak niyo pa basta kasabay namin mag iinom si Ms. beautiful." Sabay kindat sa akin.
"Po?!"
Ew! Parang gusto ko ng masuka ngayon din. Agad naman akong siniko ni Gail.
"For a while po mga sir, we will get your orders po." Aniya sabay hatak sa akin papuntang counter.
"Dahil pinagnasaan ka ng mga gurang na yun, damihan natin tong mga mamahaling alak at pulutan para makapag bill sila ng malaki! hehehe." Hagikhik ni Gail.
Natawa nalang din ako sa kanya. Nakakawala naman ng problema pag kasama mo ang babaeng ito.
"Dolyares para sa pambabastos." Dagdag pa niya.
Pagkatapos namin kumuha ng order ay agad din namin itong hinatid. Talagang gusto pa ng mga gurang na tumabi kami sa kanila. Mabuti nalang talaga at magaling mambola itong si Gail kaya napapayag niyang magkaharap nalang muna. Bale kami ni Gail ang magkatabi habang kaharap ang dalawang gurang.
"Wala bang ibang magandang view?"Napangiwi kong bulong kay Gail na ikinahalakhak nito.
"Tiisin mo nalang muna Meg. Takpan mo nalang ng dollar sa isip ang masagwang mukha niyang kaharap mo." Ako naman ang marahan na natawa sa naging suggestion niya.
Nagsimula ng makipag usap ang mga ito at nakikinig lang ako sa kanilang usapan.
Paminsan minsan sumasagot ako ng tipid pag ako ang tinatanong. Mabuti nalang talaga at sanay na sanay si Gail makipaglokohan kaya't dalang dala ng mga banat niya ang mga ito.Alam ni Gail na hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya't siya na ang sumasalo ng tagay para sakin. Nilinlang nalang niya ang dalawa para di makahalatang hindi talaga ako umiinom.
Maya maya pa'y lumapit ulit sa amin si Tita MA.
"Hello mga poging sir, pwede ko bang makausap sandali ang diyosa namin?" Pambobola niya sa mga ito. Buti pumayag naman ang dalawa basta bilisan lang daw.
Pinatayo ako ni tita at kinausap sa may gilid.
"Grabi Meg! Nung paglabas mo kanina andaming tumatawag sa akin. Gusto kang etable! Alam mo bang pati mga VIP natin ay naakit diyan sa kagandahan mo! Sabi ko na nga ba eh, bentang benta talaga ang beauty mo." Natutuwang balita niya.
Di ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil maraming humahanga sa akin o mairita pagkat halos lahat naman sa kanila dito ay mamanyakin lang ang hanap.
"Tita paano po yong dalawang katable namin ni Gail? Di ko po sila pwedeng iwan di po ba?" Naguguluhang tanong ko.
"Syempre maghahanap tayo ng kapalit mo if lilipat ka sa ibang table. Andoon din naman si Gail, siya na ang bahalang mambola sa kanila." Sagot niya.
"Gusto kasi sana kitang ipakilala doon sa mga regular customers namin. Sobrang gagwapo at ubod pa ng yaman! Doon ka nalang para di naman masayang yang beauty mo." Dagdag pa niya.
"Saan po ba banda tita?" Curious kong tanong.
Tinuro sa akin ni tita ang table. Tiningnan ko naman ang direksyon na tinutukoy niya.
Naikwento sakin ni Gail kanina na yung mga nasa gitna pala ay mga VIP. Ang mga nandoon ay di basta bastang mayaman lang kundi sobrang yaman. Yun yung pinakamahal na pwesto .
"Kilala mo ba ang mga Cabwell?"
Tanong ni tita."Cabwell? Yes po tita, sobrang kilala po." Bakit ba naman hindi, sa yayaman ata ng mga angkan na yan eh lagi ko nalang nababasa ang mga apelyidong iyan na laman ng newspaper. Sa pagkakaalam ko pagmamay ari ng mga Cabwell ang matatayog na condominium sa Manila at NCR. Di lang yun, owner pa sila ng mga five star hotels, resorts at iba pang real state companies. Wala kaming TV sa bahay kaya updated ako sa pagbabasa lagi ng diyaryo at magazine.
Alam kong sobrang gagwapo nila. Feeling ko nga mas gwapo pa sa mga artista.
Kinakabahan ako! Excited at the same time. Di ko akalaing dito ko lang pala makikita ng personal ang mga Cabwell. Oo nga pala ,isa nga ito sa pinakamahal na bar kaya malamang dito nagtatambay ang mga mayayaman.
Binalikan namin ni Tita MA ang mga oldies kasama si Gail para makapagpaalam na ililipat ako ng table.
"Mga poging sir, pwede bang hiramin ko muna sandali itong diyosa namin? May kakausap lang." Ani tita
"Aba! Hindi pwede! Nauna kami sa kanya! Magbabayad pa kami ng mahal!" Nagsimula ng uminit ang ulo ng isang gurang.
"Saglit lang naman, mga ilang minuto lang. May ipapalit naman ako sa kanya eh, maganda rin." Sabay turo kay Leila na paparating.
"Mas gusto namin si Ms.Beautiful! Aba'y magkano ba para makatable pa namin siya ng matagal?" Naglabas pa ang isang gurang ng ilang makakapal na libo.
Lumaki ang mata ko. First time ko ata nakakita ng ganito kalaking halaga.
Napalunok na si Tita MA at pilit parin pinapakiusapan ang dalawa.
Hindi natinag ang mga ito at hinawakan pa ako ng mahigpit sa kamay para lang bumalik sa upuan.
Maya maya pa'y
"boooooooogshhhhhhh!"
Umagaw sa atensyon ng lahat ang paglapit ng isang matipunong lalaki sabay suntok sa gurang na humawak sa akin.
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?