Share

Kabanata 194

Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob.

"Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.

Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.

Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon.

"Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.

Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito.

"Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend.

Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito.

"What!?? Boyfriend!?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status