Ayeeeeeh!!!! Salamat mga mahal kong readers! Keep supportinh. Comments and votes po! Lablab.
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n