Share

Kabanata 4

[ Continuation of Prologue ]

( Drake Lukas POV )

"After mo magbihis, you need to go then" Ma-autoridad na utos ko kay Cheska matapos kaming magpakasasa sa katawan ng isa't-isa.

Nakasimangot itong napaupo sa kama habang isinisuot ang damit at miniskirt niya.

"Your always like that babe! Matapos kitang paligayahin ipagtatabuyan mo nalang ako na parang aso." Pagmamaktol nito.

Di muna ako sumagot, I just smirked habang patungo sa fridge para kumuha ng tubig at nagsalin sa baso.

"But why? Akala ko ba makakasama mo pa ako ng ilang linggo rito?" Nagtatakang tanong nito. Iyon kasi dapat ang mangyayari. But I just need to change my plans matapos tumawag sa akin ang tauhan ko. Wala ng mas mahalaga pa sa isang bagay na matagal ko ng pinanggigilang gawin, at yun ay ang makaharap at maparusahan ang babaeng salot sa pamilya namin.

"Enough for questions Ches. Just follow what I said." Mariing wika ko bago ininom ang baso ng tubig.

"No babe, I'll stay here whether you like it or not!" Pagkontra nito na ikinainit bigla ng ulo ko.

"You knew my rules Cheska at pinakaayaw ko sa lahat ang hindi ako sinusunod. Kailan ka pa natutong magdemand?" Inis na turan ko. Maswerte na siya kung tutuusin dahil nakakasama niya ako ng ilang oras, bagay na di nararanasan ng ibang mga babaeng baliw na baliw sa akin.

"Babe, can't you see or talagang manhid ka lang? I love you Drake. Handa akong ibigay lahat-lahat sayo lumigaya ka lang. I am always willing to---!"

"Just shut the fuck up!" Singhal ko sa kanya na ikinatahimik niya.

"If you keep insisting that fucking love! Then leave at wag na wag ka ng magpapakita pa. Hindi ka kawalan sa'kin Cheska!" Matigas na turan ko.

Kinuha ko ang dala nitong shoulder bag na nakalagay sa couch at inihagis sa kanya sabay turo sa pintuan.

"Get out and leave!"

Kita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya but I don't care. I hate dramas anyway.

"I'm sorry babe. Hindi na mauulit. I'll go now if that's what you want."

Just like my other women, hindi rin nito kayang putulin ang ugnayan sa akin. They're madly crazily want me, my fame and my money. Ngunit wala pang babaeng kayang magpaamo sa isang kagaya ko. There's certainly no one!

"Fine." Tipid na sagot ko hanggang sa tuluyan na nga siyang umalis.

Nang mapag-isa ay natuon na naman ang isipan ko sa itinawag ng tauhan ko kanina kaya nagdesisyon akong tawagan ito ngayon. I need to know an update.

"Hello sir, sinusundan na po namin ang babae. Humahanap lang po kami ng tamang tiyempo para makalapit sa kanya." Mabilis na sagot nito sa kabilang linya.

"Sisiguraduhin niyong magtatagumpay kayo. Dalhin niyo siya sa Isla Villa pagkatapos, doon na ako maghihintay. Ipapasundo ko nalang kayo ng bangka." Ani ko. Instead na dito magstay ay naisipan kong lumipat sa isang private resort na pagmamay-ari ng aking pamilya na nandito rin sa Batangas, nakahiwalay nga lang ito sa isang isla. Kailangan pang sumakay ng bangka upang makarating doon. Iilang malalapit na tao lang ng pamilya namin ang nakaalam ng resort na iyon and that place is quiet and very private kaya paniguradong my plans are safe and secure.

Matapos ang tawag ay di na rin ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong nagbihis at naglagay ng mahahalagang gamit sa aking backpack.

At bago pa ako nagdesisyong umalis, tinawagan ko muna ang opisina ng kompanya ko.

"Good day Mr. Wilson." Magalang na bati ng aking sekretaryang si Luna sa kabilang linya.

"Extend my leave for a month. Move all my schedules dahil hindi ako makokontak for the meantime." Diritsahang utos ko. Rinig ko pa ang malalim na buntong hininga nito.

"I understand sir but please comeback after a month, marami na tayong delayed transactions." Mahinahon ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito. Matagal na siyang nanilbihan sa kompanya namin kaya ramdam ko ang sinseridad niya para sa kompanya. That's why siya lang din ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga emplyedo ko.

"Yes I will." Tipid na sagot ko and I ended the call.

I have a lot of things on my mind. Bukod sa paparusahan ko ang higad na babaeng iyon, kailangan ko ring mabawi sa kanya ang tatlong bilyong nakuha niya mula kay dad. It's not that naghihirap na ako, kailangan ko lang maibalik ang malaking halaga na iyon na ako mismo ang nagpakahirap. Tapos papakinabangan lang ng isang maruming kabit na kagaya niya? How dare she is!

I wear my leather jacket at tuluyan na akong lumabas sa resthouse ko.

Tinawagan ko ang caretaker ng Isla Villa, magpapasundo ako sa kanya ng bangka at magpasama na ring bumili ng groceries good for a month of stay.

"Magandang hapon po Sir Drake. Ikinagagalak ko po kayong makita ulit." Natutuwang bati ni Manong Eman ng makita ako. He's the caretaker of Isla Villa for more than 5 years. At sa loob ng limang taong iyon, nabibilang lang sa daliri ang pagpunta ng pamilya namin sa isla.

"It's good to see you again Manong." Turan ko and I smiled back at him.

"Mabuti naman po at napasyal kayo." Anito. His smile is genuinely happy but I know his eyes wanted to say something. At alam kong kahit hindi nito sabihin, nagtaka ito sa biglaang pagparito ko.

"Just wanted to take a break Manong." Tipid na sagot ko coz I don't wanna go too far. Kahit magpakakatiwalaan si Manong, still I just wanted to be extra careful with my devilish plans.

"Nabalitaan ko nga po ang nangyari kay Senyora sir at ikinalulungkot ko po iyon ng labis." Puno ng sinseridad na sambit nito.

I tapped his shoulder, ayaw ko lang pag-usapan pa namin ang isang bagay na nagpapalungkot sa akin.

"Thanks but I guess it's better kung wag nalang natin pag-usapan ang tungkol kay mommy Manong. Anyway, mag grocery na muna tayo." Akay ko rito na agad din namang tumango.

Marami kaming napag-usapan ni Manong hanggang sa matapos kami sa pamimili.

"Sobrang dami naman po nito sir, magtatagal po ba kayo sa isla?" Nagtatakang tanong nito habang paisa-isang hinahakot ang mga box pasakay ng bangka.

"Maybe in a month Manong. Maaari mo na akong iwan na muna mag-isa sa isla. You can have your vacation kasama ang pamilya mo. Babayaran pa rin naman kita sa buwanang sweldo mo." Pahayag ko habang inaayos ang mga boxes sa bangka. Aside of giving him a break, I also have my privacy together with that bitch.

"Talaga po sir? Naku maraming salamat. Tiyak matutuwa si Alicia at ang mga anak ko. Bihira lang kasi ako umuwi sa amin." Tuwang-tuwa na turan nito na ang tinutukoy ay ang kanyang pamilya na nasa karatig bayan pa.

"Then it's time para makapagbonding kayo." Usal ko. Bigla akong nalungkot nang maisip ang pamilya kong sinira ng isang gold digger na babae. Hindi na kasi mangyayari ang makasama ko pa sila at maging buo kami.

"Susulitin ko talaga ang ibinigay ninyong bakasyon sir." Panay kwento lang si Manong hanggang sa matapos kami at pinaandar na rin nito ang de makinang bangka.

After almost 30 minutes of sailing ay tuluyan na rin kaming nakarating sa isla.

Bumungad sa akin ang napakapayapang lugar na may maraming puno at mga halaman. Napakaganda ng kulay asul na dagat at puting buhangin.

"It's good to be back!" Usal ko sa sarili. I don't even remember kung kailan ako huling nakapunta dito but that's quite a long time.

I went to our resthouse na modernized native ang design at inilapag ang mga gamit ko. Habang si Manong naman ay abala sa pagkuha ng mga boxes sa bangka para ilagay sa kusina.

Humiga ako sa kama and I close my eyes. This one is huge kumpara sa resthouse ko kanina. The place also is very relaxing na tanging hampas ng alon at huni ng ibon lang ang maririnig mo.

Pinapakiramdaman ko ang paligid nang bigla kong naalala ang mga tauhan ko. Tumayo ako to check my phone ngunit gaya ng inaasahan ko wala pa ring signal dito.

Tinawag ko si Manong. Sakto namang tapos na ito sa paghahakot.

"Manong, may mga tauhan akong parating. Pakisundo na lang po sila ng bangka." Mahinahong utos ko at mabilis na sumunod naman si Manong. Malakas kasi ang kutob kong patungo na sila rito.

Muli akong humiga sa kama. I scanned her photos on my phone. Ang mukha ng babaeng labis kong kinasusuklaman. She really has a mesmerizing beauty, kaya di na ako magtataka kung bakit naakit ng lubos si daddy sa kanya. I wonder kung ilang lalaking mayayaman na ang nabiktima ng babaeng ito para magkaroon ng marangyang buhay.

But I'm glad na ako mismo ang gumawa ng paraan para wakasan ang panloloko nito.

"I can't wait to see you beg for your life!" Mariing wika ko sa sarili. Sisiguraduhin kong sa loob ng isang buwan, mararanasan nito ang tripleng hirap bilang kabayaran sa pagkawala ni mommy, sa reputasyon ng pamilya namin at sa muntikang pagkalugmok ng isa naming negosyo.

Pinahinga ko muna ang aking sarili habang naghihintay hanggang sa padilim na ang kalangitan.

Makalipas lang ang halos isang oras ay naagaw ang atensyon ko sa boses ng mga lalaking paparating.

Agad kong tinungo ang bukana ng resort at doo'y naabutan ko ang dalawa kong tauhan at ang babaeng natutulog kasama ng mga ito.

"Sir nagpaiwan yung matandang sumundo sa amin kasama yung dalawang kasama namin, hindi po kasi kami magkakasya sa bangka." Paliwanag ng isa.

Tumango ako. Nakatuon kasi ang mga mata ko sa babaeng kay lalim ng tulog.

"What happen to her?" Nagtatakang tanong ko habang di inaalis ang mga mata. Natatakpan pa ang mukha nito ng mahabang buhok.

"Eh sir, ang ingay po kasi niyan kanina kaya ginamit ko sa kanya yung panyong may gamot na pampatulog. Magigising din po yan mamaya-maya." Paliwanag ng isa.

"Much better. Mas maiging wala siyang kamalay-malay kung nasaan siya ngayon. Ipasok niyo na siya sa loob." Utos ko at nauna ng naglakad.

I switched the lights on para igiya sila sa isang maliit na kwarto. Ngunit natigilan ako nang may mapansin.

"Wait." Pigil ko sa dalawang tauhan at nilapitan ang babaeng hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Laking pagtataka ko nang mapansin ang suot nitong T-shirt na lumang-luma na at may butas pa. Suot na very opposite sa babaeng nasa larawan na napakasosyal tingnan.

Hinawi ko ang buhok nito to check her face ngunit mukha niya naman.

"Naku sir, ganyan din po yung reaksyon ko nung una kong makita ang babaeng ito. Ibang-iba kasi ang postura nito sa larawan." Turan ng isa.

It's just weird. Napakalaking halaga ang nakuha niya mula kay dad. Where did all that money go? Saan niya iyon ginastos? Why did she looks like a homeless beggar?

"Baka naman nagpapanggap lang itong mahirap para hindi makilala. Marami akong kakilalang mahilig mambudol, ganitong-ganito rin ang istilo." Segunda naman ng isa.

And he has a point too! After what she did, talagang alam niyang may maghahabol sa kanya so maybe it's her way para hindi siya marecognize.

But anyway, her face can't lie. Kahit saang anggulo tingnan, mukha niya talaga! She cannot fool a wise man like me.

Tinanguan ko na sila para pahigain ang babaeng mapagbalat-kayo sa isag maliit na kwarto.

Pagkatapos ay kinuha ko ang sobreng naglalaman ng makapal na pera at ibinigay iyon sa kanila. It's a reward, bahala na silang maghati.

Kumuha rin ako ng limang libo para ipabigay kay Manong Eman. "Tatawagan ko nalang ulit kayo If I need you help. Bumalik na muna kayo sa mansyon. And also tell Manong Eman na sa susunod na buwan nalang siya bumalik dito." Mahigpit na bilin ko na ikinatango ng dalawa. Di na rin nagtagal ang mga ito at umalis.

I locked her door. Hihintayin ko siyang magising.

Sa ngayon sulitin niya na muna ang pagtulog dahil sa susunod na mga araw, I will make her nights sleepless!

Mga Comments (109)
goodnovel comment avatar
Imee Abanto
mmm.. I think maganda rin ito
goodnovel comment avatar
Carol Salamanca
next episode plzzzzz
goodnovel comment avatar
Carol Salamanca
nice story ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status