/ Romance / Love for Rent / Kabanata 3

공유

Kabanata 3

last update 최신 업데이트: 2024-03-17 23:24:23

“Sir, bakit po kayo intresado sa pabango ko?” tanong ni Hanna sa amo. Wala naman problema kung bading ito. Pero imposible dahil magaling ito sa kama. Namula ang kanyang mukha na naisip.

“Babayaran ko. Dalin mo sa akin ang pabangong ginamit mo.”

“Sige po,” aniya na nagtataka pa din sa biglang interes nito sa pabangong gamit niya. Itinuro sa kanya ng lola niya ang paggawa ng pabango gamit ang iba’t ibang bulaklak. Ang amoy ng rosas ang kanyang pinakapaborito.

“Sige, makakaalis ka na.”

“Sir, ang lakas na ng ulan.”

“Ayun, may waiting shed. Sumilong ka. Get out!” Taboy nito sa kanya.

“Ang dilim po sa waiting shed baka ma-rape ako dyan. Tsaka wala akong dalang payong. Ihatid mo na po ako, please. Kahit sa kabayanan lang po.”

Sandaling nag-isip ang binata. “Sige, pero sa isang kundisyon.”

“Ano po, sir?”

“Paamoy ng leeg mo ng three minutes.”

“Po? Aamuyin ninyo ako? Sige po.” Ang weird ng sinabi nito pero okay lang basta ihatid siya nito at malakas ang ulan.

“I-type mo ang address sa monitor.” May pinidot ito sa harap at nagbigay na ang direksyon ang kotse.

Inabala niya ang sarili sa tanawin sa labas ng sasakyan. Huminto sila sa madilim na bahagi ng kalsada.

“Sir, doon pa po ang bahay namin.”

“Paamoy muna,”

Ang weird talaga ng request ng lalaki. Hinawi niya ang buhok at inilapit ang leeg sa binata kahit pa naasiwa siya.

“Close your eyes.” Sumunod naman siya. Hindi dumidikit ang balat nito sa kanya. Kaso nalalanghap niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa kanyang leeg.

Idinilat niya ang isang mata. Nakita niyang nakapikit ito at halos nakadikit ang ilong sa leeg niya. Ano kaya ang tinitira ng boss niya? Medyo kinabahan siya. May saltik yata ito.

“Sir, tapos na po ang three minutes.”

Nagmulat ito ng mata at mamumungay itong tumingin sa kanya. Kinilabutan siya sa pagnanasang nabanaag sa mata ng kanyang boss.

“Sige sir, lakarin ko na lang. Malapit na po ang bahay namin. Salamat po!”

Agad siyang lumabas ng sasakyan. Napakadaming nangyari ngayong araw. Pero labis ang kanyang tuwa dahil may pera na pang-chemo ang kapatid. Talagang hindi natutulog ang Diyos. Sa sandaling akala niya ay wala ng pag-asa, may dumadating na tulong na hulog ng langit.

***

Naiwan si Ethan sa loob ng sasakyan. Naaamoy pa din niya ang babae sa loob. Napatingin siya sa shorts na suot na nakabukol. Tinigasan siya sa amoy pa lang ng babae. Gusto niyang murahin ang sarili. He’s being obsessed with that scent!

Nasa bahay na siya ay naaalala pa din niya ang amoy ng bagong empleyado.

Naghilamos siya. Nag-iinit pa din ang kanyang katawan. Napasandal siya sa pader. Ipinikit nila ang mga mata. May mga maiinit na eksenang naglalaro sa kanyang isip. Ang babaeng inangkin niya sa bachelor’s party na hindi maalis sa isip niya.

Umorder ng mga babae ang organizer. Nakasayaw at inangkin niya ang nakamaskarang babae. Hindi maalis sa isip niya ang amoy nito. Isa pang hindi niya malilimutan ay ang balat sa kanang pisngi ng pwetan nito na korte ng mapa ng Pilipinas na nakita niya ng magising siya. Nakasubsob ang dalaga sa kama. Pagbalik niya galing CR ay wala na ito. Tanging pulang mantsa sa bed sheet ang naiwan ng babae at isang kwintas.

Kinabukasan ay pumasok na si Ethan sa kumpanya. Hindi pa siya nauupo ay tinanong niya si Terry, ang kanyang secretary.

“Terry, may update ba sa babaeng ipinapahanap ko sa’yo?”

“Boss, wala pa din. Dumating ang mga babae galing sa black market. Online ang transaction. Tapos hindi kilala ng event organizer ang mga babae. Basta nakapasa ito sa requirements, ipinadala na sa party.”

“Imposibleng wala tayong impormasyong makuha. Magbayad ka kahit magkano.”

“Ang isa pa nga nating problema, nakakulong ang event organizer dahil sa kasong human trafficking.”

“Itong kwintas. Ipagtanong mo kung kanino ito.” Kinuha niya ito sa bulsa.

“Sir, saan ko po ipagtatanong?”

“Wala akong pakialam kung saan basta sundin mo ang sinasabi ko!” singhal niya. Nahintakutan ang secretary.

“Paano kung madami pong umangkin sa kwintas?”

“May balat sa puwet ang may-ari niyan.”

Natawa ang kausap niya na nauwi sa pag-ubo ng makitang masama ang tingin niya. “Boss, baka makasuhan ka kung titignan mo ang puwet ng bawat babaeng aangkin ng kwintas!”

“Anong ginagawa ng pera? Madaling magpatahimik ng tao kapag tinapalan mo ng pera sa bibig.”

Napakamot sa ulo ang secretary. “Sige, boss. Mag-uutos ako sa mga tauhan natin ng ipinapagawa mo.”

“Nga pala, papuntahin mo dito ang bagong dyanitres.”

“Boss, maganda ang babaeng iyon. Type mo ba? Mas okay na ‘yan kesa hanapin mo ang babaeng may balat sa puwet.”

“Magpost ka na din ng job hiring para maging bagong secretary ko. Ilagay mo sa job posting, hindi pakialamero.”

“Boss, naman, nagbibiro lang ako. Sige, tatawagin ko na.”

Pagbalik ng secretary ay kasama na nito si Hanna. “Nasaan ang pabango?”

Inabot ng dalaga ang maliit na botelya.

Binuksan niya ang maliit na bote at inamoy. Umiling ito. Niloloko mo ba ako? Hindi ito ang amoy.

“Sir, iyan po pabangong gamit ko. Naiiba po ang amoy depende sa taong gumagamit, may tinatawag po tayong body chemistry. Kahit parehas ang gamitin nating pabango. Magkaiba ang amoy natin dahil sa body chemistry.”

“Tara dito. Gamitin mo. Ikaw din, Terry. Ilagay ninyo ang pabango sa ilalim ng tenga ninyo,” utos niya sa dalawa.

Inamoy niya ang pabango sa leeg ni Terry. “Sir, may kiliti ako dyan.” Tumigil sa ito pagtawa ng tapunan ng masamang tingin ng boss.

“Ikaw naman,” anito sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata. Sinamyo niya ang bango ng dalaga. Ilang beses siyang lumunok. Parehas ang amoy ng dalawang babae. Mas matapang ng konti ang amoy ng dyanitres kaysa sa babaeng nakasiping niya ng ilang ulit ng gabing iyon.

“Babayaran ko ang pabangong ito. Magkano?”

“Wala po sir. Free po para sa inyo,” nakangiting sabi niya.

“Nothing is free. Magkano?”

“Sige po, 200 na lang po.”

Naglabas ito ng 1,000 at inabot sa kanya. “Keep the change.”

Tinanggap nito ang pera at akmang lalabas na ng opisina.

“Wait, maglinis ka dito sa loob. Maalikabok na.”

“Okay po, sir. Kuha lang po ako ng gamit.” Lumabas muna ang dalaga.

“Boss, obvious namang type ninyo si Hanna,” anang secretary niyang todo ang ngiting nanunukso.

“Type din kitang sibakin sa trabaho kapag hindi ka tumigil sa kadaldalan mo. Sa tingin mo magkakagusto ako sa dyanitres?”

“Eh, boss, ‘yun babaeng bayaran nga pinapahanap mo.”

“Shut up! Hinahanap ko lang siya dahil ---. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa’yo. Lumabas ka na."

Hindi niya gusto ang nangyayari sa sarili. Bakit tila siya nababaliw sa amoy ng babaeng nakasiping ng isang gabi? At pati ibang babae ay dinadamay niya?

Naalala niya ang unang pagkakataon na nagkatagpo ang babae. Nakakatawang hindi nga niya man lang naitanong ang pangalan nito. Nasa kusina siya upang kumuha ng baso at nagsalin ng alak. Nakita niya ang babaeng hirap na hirap mag-zipper ng damit.

“Kailangan mo ng tulong?”

“Oo, paki-zipper.” Marahan niyang isinara ang zipper ng damit. Maganda ang hubog ng katawan ng babae. Humarap ito at nakita niyang nakamaskara. Makapal din ang lipstick at makeup nito sa mata.

“Salamat.” Kinuha nito ang baso sa kamay niya at tinungga ang lamang alak.

“Easy, hindi ‘yan tubig,” aniya.

“Pahingi pa ng isa. Pampalakas ng loob para sa show mamaya.”

Kumuha siya ng isa pang baso at dinala ang bote ng wine sa garden. Niyaya niya ang babae.

“Kaibigan ka ba ng ikakasal?” Muling tumungga ng alak ang babae.

Tumango siya. “Nakita kita kanina, bakit parang malungkot ka? Broken-hearted ka ba?”

Maari siyang magsabi sa babaeng kaharap ng kahit ano tutal ay hindi na naman sila magkikita ulit.

“Well, nahuli ko lang naman ang girlfriend ko at ang stepbrother ko na nagse-sex sa mismong condo unit ko.”

Umiling ang babae. “Sa gwapo mong ‘yan? Nagawa ka pang pagtaksilan ng girlfriend mo? Huwag kang mag-alala. Darating din ang babaeng magmamahal sa’yo ng tapat.”

“She’s my childhood sweetheart. Napakaganda at talino niya. She’s perfect. Yayayain ko na sana siyang magpakasal.”

Itinaas niya ang baso ng alak. “Shot tayo para sa sakit sa dibdib na nararamdaman mo.”

“Asan ba ang stepbrother mong traydor? Sasampalin ko para sa’yo,” medyo bulol nitong sabi.

“Ang lalaking ikakasal kaya may bachelor’s party ngayon.”

Tinapik nito ang kanyang balikat at hinagod ang kanyang likod. Kinuha nito ang ulo niya at isinandal sa dibdib. Nalanghap niya ang mabangong amoy ng babae. Nakaramdam siya ng kapayapaan at init ng katawan.
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (23)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
mukhang maganda ang story mo Author magkahalong nkakatuwa
goodnovel comment avatar
Eleonor Ramos Aro
Ang Ganda I'm sure maiinlove si boy Kay girl
goodnovel comment avatar
Eleonor Ramos Aro
next pls love it
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Love for Rent   Kabanata 684

    “Adrian, maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin,” ani Jasmine ng makapasok na sila sa opisina.“Of course, baka kung ano ang kapalpakang sabihin mo sa mga reporter lalong lumaki ang kahihiyang binigay mo sa kumpanya.”May namuong luha sa kanyang mga mata. “Adrian huwag ka ng magalit sa akin, ma

  • Love for Rent   Kabanata 683

    Bumalik sa upuan si Jasmine. May namumuong luha sa kanyang mga mata. Sa kanyang puso ay tila may apoy na tumutupok sa kanyang katinuan. Hanggang kailan siya tatagal?“Adrian is mine,” bulong ni Ayana. Hindi niya ito pinansin. Mas malaki ang problema niya sa kasong kinakaharap ng kumpanya.Bumalik si

  • Love for Rent   Kabanata 682

    “Tumigil ka, King. That’s nonsense,” ani Adrian na malamig ang tono.“Boss, come on. Hindi mo ako maloloko. Akala ko ba paghihiganti ang gusto ninyo? Pero ikaw ‘tong pumapayag na mag-stay siya sa condo mo, ginawa mo pang assistant at take note, sasaluhin mo ang kahihiyan.”Matagal siyang nakatitig s

  • Love for Rent   Kabanata 681

    “Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ka nagmamakaawa sa akin. Gusto mong ibalik ko sa’yo ang posisyon bilang CEO? Akala mo mapapaikot mo ako?” sabi ni Adrian sa lumuluhang si Jasmine.“Hindi totoo ang sinasabi mo. Mahal kita, Adrian. Kahit sinaktan mo ako at kahit iniwan mo ako sa araw ng kasa

  • Love for Rent   Kabanata 680

    Nanghina si Jasmine. Gumuho ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi lang kumpanya ang nawala sa kanya kundi pati ang lalaking akala niya ay kakampi niya habambuhay."Akala mo ba tapos na?" malamig na sabi ni Adrian. "Ito pa lang ang simula ng pagbagsak mo. Magbabayad ka sa pagkamatay ng kapatid ko!""

  • Love for Rent   Kabanata 679

    Napakagwapo ni Adrian sa suot na dark gray suit at tila ba walang bakas ng pagsisisi o emosyon sa mukha. Tumayo ito sa dulong bahagi ng mesa, nagbigay ito ng ngiting pormal at walang lambing kahit napatingin sa direksyon ni Jasmine na tila nakakita ng multo at hindi makagalaw.“Good morning, everyon

  • Love for Rent   Kabanata 678

    Abala sa paghahanda ng simpleng kasal sina Jasmine at Adrian. Nagpunta sila sa wedding reception sa isang sikat na hotel."Parang kahapon lang, engaged tayo. Tapos ngayon, halos lahat ay nakahanda na. Adrian, totoo na talaga ito," aniyang yumakap sa binata.Marahang hinalikan nito ang kanyang ulo."

  • Love for Rent   Kabanata 677

    Malakas ang kabog ng dibdib ni Jasmine. Hindi niya kayang makitang magkasama sina Adrian at Ayana. Nilalamon siya ng selos.“Jas! Wait!” napalingon siya at nakitang pinipilit maglakad ni Adrian upang habulin siya. Agad siyang napalapit dito ng muntik na itong madapa.“Bakit ka tumayo? Hindi ka pa ma

  • Love for Rent   Kabanata 676

    “Boss, paano kung malaman niyang lahat ng ito ay peke? Na niloloko mo siya mula simula, baka hindi ka na niya patawarin. Tapos matuklasan mong mahalaga pala si Jasmine sa buhay mo?” tanong ni King.Tumahimik si Adrian. Tila tinamaan sa tanong. Ngunit sa halip na sumagot, marahang pumikit siya, at sa

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status