Tamed by the Obsessive Billionare

Tamed by the Obsessive Billionare

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-12-16
Oleh:  J.KBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
9Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Limang taon. Limang taon na ang nakalipas at heto si Therese, isang sumisikat na scriptwriter ng GL Media, ay muling nagbabalik sa Manila — isang lugar kung saan maraming alaala ng nakaraan ang ayaw na niyang balikan pa. Si Luna Therese Aquino ay isang dalagang matapang at may sariling prinsipyo, na sa kabila ng kanyang kabataan ay natutong ipaglaban ang sarili at harapin ang katotohanan. Matapos ang limang taon ng pagtatangkang kalimutan ang nakaraan, muling nagtagpo ang kanilang landas ni Emilio Madrigal, isang bilyonaryong lalaki na may malamig ngunit mapanukso na puso, at lihim na pagnanasa sa kanya. Sa bawat titig at haplos, muling bumabalik ang alaala ng kanilang nakaraan, ang tamis at sakit, ang init ng damdamin at ang matinding tensyon sa pagitan nila. Ngayon, hindi lang damdamin ang nakataya kundi ang kanilang buhay, reputasyon, at kalayaan ay nakasalalay sa mga desisyon nilang gagawin. Habang si Therese ay nagtatangka na manatiling matatag at protektahan ang sarili, unti-unti niyang nadidiskubre kung ang pagmamahal kay Emilio ay isang pagkakataon para sa kanyang kalayaan, o isang bitag ng pagnanasa at kapangyarihan na hindi basta malalampasan. Sa mundong puno ng yaman, lihim, at tukso, paano niya mapipili ang tama— ang puso o ang sarili?

Lihat lebih banyak

Bab 1

KABANATA 1

Ang itim na kamiseta ng lalaki ay kalahating nakabukas, inilalantad ang malapad at maskulado niyang dibdib, pati na ang bahagyang nakikitang seksing mga abs nito.

Sa madilim at may halong malisyang liwanag, marahas na lumakad ang lalaki papalapit kay Therese gamit ang mahahaba niyang mga hakbang.

Napaatras nang napaatras si Therese dahil sa takot.

“‘Wag… ‘wag ka nang lumapit pa…”

Lalong lumapit ang lalaki, hanggang sa naitulak niya si Therese sa sulok. Doon lang siya tumigil. Hinawakan niya ang baba ng babae gamit ang malaki niyang kamay at matalim itong tinitigan.

“Susubukan mo pa bang tumakas?”

Ibinaling ni Therese ang tingin at pilit na umiling, nanginginig sa takot.

“Hindi… h-hindi na ako tatakas.”

Pinisil ng lalaki ang maliit at mabilog na baba niya, pinilit siyang tumingala, at marahas na ipinahid ang hinlalaki sa kanyang mga labi.

“Therese, huwag mong isipin na makakaalis ka sa’kin. Kahit mamatay ka pa, sisiguruhin kong sa kama ko lang ikaw mamamatay.”

Namula ang pisngi ni Therese dahil sa nakakahiya at mapangahas niyang salita. Nahihiya at galit siya, ngunit pinigilan niya ang pagkainis at poot sa dibdib.

Wala siyang pagpipilian kundi sundin ito, dahil kung lalaban siya, siya lang ang masasaktan. Mas mabuting magkunwari siyang masunurin para makaiwas sa anumang pinsala.

Para magmukhang mas masunurin, ibinaba niya ang kanyang mga mata at pumatak ang mga luha sa kanyang mga pisngi.

“Bakit ka umiiyak?”

Yumuko ang lalaki, marahas na kinagat ang kanyang mga labi habang pinipigilan ang pag-igting ng damdamin. Paos at mababa ang boses niya.

“Gano’n ba talaga kalaki ang pagkaayaw mong mapunta sa’kin?”

Nakayukom pa rin ang mga mata ni Therese, hindi nagsasalita. Bahagyang nanginginig ang mahahaba at mamasa-masa niyang pilik-mata.

“Sino ang gusto mong makasama, ha? Sino?”

Pinisil ng lalaki ang kanyang pisngi at tila namumula ang mga mata habang matalim siyang tinititigan.

“Idilat mo ang mata mo at tumingin ka sa’kin habang sumasagot ka.”

“Wala… wala akong gustong iba.”

Dahan-dahang dumilat si Therese, nanginginig ang boses, may basag at iyak.

“Emilio… wala akong gustong iba. Please… bitawan mo na ako, pwede ba?”

Magaan ngunit desperado ang pakiusap niya, umaasang magkakaroon siya ng kaunting awa mula sa kanya.

Niyakap ng lalaki ang kanyang baywang, binuhat siya ng isang braso, at kinagat ang kanyang leeg nang may pagpipigil. Mababa at paos ang kanyang tinig.

“Ang dapat mong sabihin… ‘Ang gusto kong makasama ay si Emilio lang.’ Naiintindihan mo?”

Nag-alinlangan si Therese, ngunit wala siyang pagpipilian.

“Gusto kong makasama si Emilio,” mahinang sagot niya.

Sa ilalim ng matinding presensya ng lalaki, napilitan siyang sumuko.

Dilim ang dumaan sa tingin ng lalaki.

Mabilis niya itong binuhat papasok ng kwarto, marahas at sabik na ipinihit pababa sa kama, halos bumaon ang kanyang mga daliri sa balat niya.

“May pumasok ba dito sa’yo? Siya ba ang kasama mo rito?”

---

“Ah!” napasigaw si Therese.

“Therese”

Nag-aalalang tanong ng assistant na si Bianca, “Therese, bakit? Binabangunot ka ba?”

Nagising si Therese nang bigla, puno ng takot ang mga mata, humihingal.

Agad lumapit ang flight attendant nang marinig iyon.

“Ma’am, masama ba ang pakiramdam n’yo?”

Pag-alis ng eroplano sa Cebu, biglang parang nag-iba ang kanyang pakiramdam.

Nilunok ni Therese ang laway, tuyo ang lalamunan.

“Hindi po… ayos lang ako, salamat.”

Lumapit siya kay Bianca.

“Ayos lang ako… siguro kulang lang ako sa tulog kagabi kasi nagpuyat ako sa pag-edit ng script. Kaya siguro nanaginip ako ng masama.”

Palusot niya lang ang pagre-revise ng script; ang totoo, hindi siya nakatulog buong gabi dahil alam niyang pupunta siya sa Maynila ngayon.

Pag-akyat niya sa eroplano, saka lamang siya nakatulog. Pero hindi nagtagal, nagising siya dahil sa masamang panaginip—o mas tama, isang masamang alaala.

Pagmulat niya, hindi na siya nakabalik sa pagtulog.

-

Lumapag ang eroplano sa NAIA Airport nang 5:35 p.m. Bahagyang lumulubog ang araw. Namumula ang kalangitan na parang nag-aapoy.

Bagama’t maliwanag pa ang pula sa kalangitan, malamig at tuyo ang hangin ng lungsod. Sa bawat paghinga ay parang may dala itong lamig at panganib katulad ng taong hindi niya makalimutan kahit limang taon na ang lumipas: si  Emilio Madrigal, ang isa sa tatlong anak ng pamilya Madrigal.

Maraming tao sa Makati City ang nakakakilala at takot kay Emilio, pero si Therese, higit kanino pa man, ang mas takot sa kanya.

Sobrang takot na limang taon siyang hindi naglakas-loob tumuntong muli sa Maynila.

Noong araw na umalis siya, huling bahagi rin iyon ng tag-araw.

Naglaglagan ang mga dahon ng punong akasya sa buong lungsod at kulay-apoy ang dapithapon.

Nakatayo si Emilio sa ilalim ng punong akasya na nalagas na ang mga dahon.

Tinamaan siya ng sinag ng papalubog na araw sa pagitan ng kalbong mga sanga, kaya lalo siyang nagmukhang malamig at nakakatakot na parang isang demonyo.

“Therese, ngayong pagkakataon lang kita pinapalaya. Pagkaalis mo… huwag ka nang bumalik.”

“Salamat, Emilio. Huwag kang mag-alala. Hindi na ako babalik, at hindi ko na muling tatapakan ang lugar na ito habang buhay.”

Pero ngayon, sinira niya ang kanyang pangako.

Pagkalipas ng limang taon, heto siya at nagbabalik sa Maynila.

Hindi siya nakatulog kagabi, at nagkaroon siya ng masamang panaginip kanina sa eroplano dahil sa takot— takot na muli silang magkita, at takot na muli siyang mapasailalim sa kontrol nito.

Mas alam niya kaysa kahit sino kung gaano kalakas ang pagnanasa ng lalaking iyon para sa pagmamay-ari at pagkontrol dahil tatlong taon niya itong naranasan nang buong-buo.

Bukod sa ayaw na niyang makontrol ni Emilio, ayaw niya ring maipit sa pagitan ni Emilio at Gian na maging parang laruan lang na pinag-aagawan ng magtiyuhin, wala man lang sariling karapatan.

Buti na lang, nakalayo na siya kay Emilio. Wala na silang koneksyon. At naiwasan niya na rin parehas ang magtiyuhin.

Pag-alis niya sa Makati, nagpunta siya sa ibang bansa.

Bumalik lamang siya sa Pilipinas noong Setyembre, dalawang taon na ang nakararaan.

Ngayon ay isa siyang scriptwriter sa GL Media. Naipasok siya roon ng high school classmate niyang si Patricia, na executive director at may kapangyarihan sa kumpanya.

Siyempre, kahit walang tulong ni Patricia, kaya naman makapasok ni Therese dahil sa talento niya. Pero dahil andoon si Patricia, mas kampante siya sa trabahong hindi siya inaapi at hindi siya ginugulo, kaya mas kaunti ang problema.

Noong nakaraang tag-init, nag-produce ang kanilang kumpanya ng isang hit na teleserye.

Sumikat agad ito at nag-ani ng maraming papuri, dahilan para bumuhos ang mga advertising offers at mas dumali ang pagkuha ng mga investors.

Sa simula ng taon, naghahanda ang kumpanya na gumawa ng isang malaking fantasy drama. Maayos na natapos ang paunang pagbuo ng proyekto at ang pagsasaayos ng script. Mabuti na lamang at mabilis ding nakuha ang sponsorship. Ngunit ang investor ay isang bigating tao sa Taguig City. At habang papirma na sana ng kontrata, bigla itong nag-request na dalhin ng pangunahing creative team ang proposal sa Manila para sa personal na meeting.

Bilang scriptwriter ng kumpanya, natural na kabilang si Therese sa creative team at kailangang sumama sa pagpunta sa Maynila.

Nang una niyang marinig na kailangan niyang pumunta roon, agad siyang tumanggi, idinahilan na masama ang pakiramdam niya. Hindi naman pinagdudahan iyon ni Patricia at pumayag agad, sinabihang manatili siya sa Cebu at hintayin na lang ang magandang balita.

Pero kahapon lamang, pagdating nina Patricia at ng team sa Taguig, tumawag sila agad at sinabing hindi raw satisfied ang investor.

“Paano namang walang sincerity?” tanong ni Therese, may kaba sa dibdib.

Sabi ni Patricia, “Ang sabi ng sponsor, dahil hindi pumunta ang pangunahing creative team at ang scriptwriter, wala raw tayong sincerity. Umalis daw sila nang hindi man lang nagdi-dinner.”

Pinilit pigilan ni Therese ang kaba at nagtanong nang pabiro, “Sino ba ang investor natin ngayon? Sinong VIP sa entertainment circle sa Manila?”

Sagot ni Patricia, “Ang apelyido niya ay Montenegro. Siya ang panganay na anak ng pamilya Montenegro, ang pinakamayamang pamilya sa Taguig City.”

Napabuntong-hininga nang maluwag si Therese.

“Ang apelyido ay Montenegro?”, pagkumpirma ni Therese.

“Bakit?” tanong ni Patricia.

Ngumiti si Therese. “Wala naman.”

Basta hindi Madrigal ang apelyido, ayos lamang. At lalo pang mas mabuti kung mga Montenegro.

Si Jarret Montenegro, ang panganay na anak ng mga Montenegro sa Taguig City, ay matagal nang hindi kasundo ni Emilio. Minsan pa nga ay nagkaroon sila ng isyu sa isang event.

At dahil si Jarret Montenegro ang investor ng project nila, hindi na nila kailangang mag-alala na baka makasalubong niya si Emilio.

---

Pagkababa ng eroplano, sumakay sina Therese at ang assistant niyang si Bianca ng taxi papunta sa hotel. Pagdating nila roon, iniabot ni Patricia sa kanya ang isang navy blue na fishtail maxi dress mula sa bagong summer collection ng isang sikat na brand, at sinabi nitong isuot niya iyon.

Naguluhan si Therese.

“Bakit kailangan magpalit ng damit?”

Tumayo si Patricia sa likod niya at hinaplos-haplos ang malambot niyang buhok, sinusubukan kung anong hairstyle ang babagay.

Ilang beses itong nagkamot sa buhok niya, tapos ay binitawan na may halong inis. Idinikit pa ang kamay sa balikat niya, parang nandidiri.

“Ilang araw ka bang hindi nagshampoo ng buhok?”

Napakabit si Therese.

“Two days lang… noong isang araw yata.”

Pagharap niya kay Patricia ay muli niyang tinanong, “Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit kailangan kong magpalit ng damit.”

“Dahil hindi ka pumunta kahapon, na-offend ang investor. Kaya kailangan ka naming ayusan at siguraduhing presentable para lumambot ang puso ni Mr. Jarret. Sa dinner mamaya, maging sweet ka at magbigay ka ng ilang toast. Sabi ni Sir Gab, dapat magtagumpay tayo ngayon dahil hindi puwedeng pumalpak!”

May alinlangan pa rin si Therese.

“Sigurado ka bang si Jarret Montenegro talaga ang investor?”

Kumpiyansang sagot ni Patricia, “Oo nga. Siyempre sigurado ako. Dalawang beses ko na siyang nakasama sa meeting.”

Kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita kay Therese ang litrato ni Jarret Montenegro.

“O, ito si Jarret Montenegro. Siya yan, at siya na ang totoong may hawak ng kapangyarihan sa Montenegro Group of Companies o MGC. Guwapo ‘di ba?”

Sandali lamang tiningnan ni Therese ang litrato at agad niyang nakumpirmag hindi ito si Emilio. Kaya bahagya siyang gumaan ang pakiramdam.

Pero hindi pa rin siya lubos na mapalagay kaya nagtanong ulit, “Bukod kay Jarret, wala na bang iba?”

Napakunot ang noo ni Patricia. Napansin niyang parang may kakaiba kay Therese ngayong araw.

“May iba ka pa bang inaasahan sa meeting?”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status