Share

KABANATA 62

Alexena

Luh? Ano na namang pauso 'yon? Daming alam, eh.

"La la la la. Ayaw raw magpalagay sa akin ng lotion kasi baka tsansingan ko, pero may lumapit lang na isa pang guwapo pumayag na."

Nanlaki ang mata ko.

Alam kong ako ang pinaparinggan nito.

"Ayan. Hindi siya makasagot ngayon, kasi nga kinikilig pa rin siya," patuloy na parinig pa rin nito.

Inis na hinampas ko ito sa hita. "Grabe ka!"

Kunwa ay gulat pa itong tumingin sa akin at ikinurap-kurap ang mata na parang kay inosente. "Ay! Ikaw ba 'yon? Bakit nagre-react ka?" maang-maangan pang tanong nito.

Umirap ako at ngumuso. "Hindi ko naman kasi ginusto 'yon."

Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Ows?"

Kinurot ko naman ito sa braso. "Malay ko ba kasing lalapit 'yong kaibigan mo? Tss. Kung anu-ano ang sinasabi at ang lakas na pagbantaan ako."

Hinawakan nito ang kamay kong nakakurot pa rin sa braso nito, nakangiwi ito dahil madiin ang ginawa ko. "Grabe. Kailangang manakit?" sa halip ay tanong nito.

"Ikaw kasi, eh," paninisi ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status