MasukApat na taon siyang nagtiis. Isang gabi lang ang kailangan para tuluyan siyang magising. Sa mismong wedding anniversary nila, itinapon si Hiraya na parang basura ng asawang si Gabriel Buenaventura matapos nitong makuha ang mana—at matapos siyang pagtaksilan sa sarili nilang kama. Pero hindi lang dignidad ang nawala kay Hiraya nang gabing iyon. Kasabay ng paglisan niya sa bahay na iyon, nawala rin ang sanggol na hindi pa man niya alam na nabubuo na sa sinapupunan niya. Basang-basa sa ulan, sugatan, at walang-wala nang lisanin niya ang lahat. Pero sa paglabas niya sa kalsada, isang lalaki ang naghihintay sa kaniya sa dilim. Si Rafael Villareal—isang mayaman at mailap na negosyanteng nangangailangan ng substitute bride kinabukasan. Isang kasal sa papel na magbibigay kay Hiraya ng lakas para lumaban, pero magdadala rin sa kaniya sa isang lihim na sampung taon nang tinatago ng nakaraan. Sa muling pagbabalik ni Hiraya gamit ang tunay niyang pangalan, isa-isang sisingilin niya ang mga nanakit sa kaniya. Pero sa pagitan ng dating asawang gustong bawiin ang sinayang niya, at ng bagong asawang hindi niya alam kung ano ang totoong motibo —kanino nga ba siya dapat magtiwala?
Lihat lebih banyakEngrande ang selebrasyong ginanap sa private luxury villa ng pamilya Buenaventura sa Batangas—ito ay para sa ika-apat na wedding anniversary namin ni Gabriel. Halos lahat ng bigating business partners ng mayamang angkan ay imbitado, dumating din ang mga malalayong kamag-anak nila, at ilang piling kaibigan ni Gabriel.
Sa kabilang banda, napipilitan lang akong makihalubilo sa mga bisitang ni hindi ko kilala. Paano ba naman, wala man lang ni isang bisita galing sa panig ko—iyon ang mahigpit na utos ni Gabriel. Sa paningin nila, ulilang lubos na ako at walang maipagmamalaking pamilya, gaya na lang noong kasal namin kung saan napilitan pa akong umupa ng mga taong magpapanggap na magulang ko para lang may maghatid sa akin sa altar—isang sikretong hindi alam ng mapagmataas kong biyenan na si Donya Imelda. Nang makatakas ako mula sa halos sampung minutong pakikipag-usap sa isang mag-asawang negosyante, dumiretso ako sa loob ng main villa para maghanap ng ibang maiinom. Umay na umay na ako sa matatamis na cocktails na sine-serve sa labas. Pagbukas ko sa malaking wine chiller sa pantry, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ilang lata ng malamig na beer sa pinakailalim. Pasimple ko iyong kinuha, binuksan, at diretsong nilagok. "Hay, salamat... ito ang totoong pampalamig ng ulo." Mas gusto ko talaga ang beer, lalo't iyon ang nakasanayan ko noong nabubuhay pa ako sa lansangan. Bago kami ikasal ni Gabriel, halos limang taon akong nagpalaboy-laboy sa kalsada, walang maayos na matirahan at kung minsan ay nagtitiis sa gutom. Iyon ay matapos akong itakwil at palayasin ng sarili kong ama. Itinago ko kay Gabriel ang katotohanang may mayaman at maimpluwensyang pamilya pa akong pinanggalingan dahil ayoko nang bumalik sa kanila. Mas pinili kong manatili sa tabi ng asawa ko, kahit pa araw-araw akong pinahihirapan ng malupit niyang ina. "Ilipat ko na lang kaya 'to sa wine glass para walang makahalata?" nakangising bulong ko sa sarili. Nagmadali akong kumuha ng baso para isalin ang alak. Kailangan kong bilisan bago pa may makakitang kasambahay at isumbong na naman ako kay Donya Imelda. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito?" "Ay, palaka!" napapitlag ako at napalingon sa nagsalita. Si Gabriel, pero anong ginagawa niya rito? Nakahinga ako nang maluwag. Mas mabuti nang ang asawa ko ang makahuli sa akin kaysa ang mama niya. "Wala, hon. Nagpapahangin lang sandali, ang init kasi sa labas." Ganoon naman lagi. Magsisinungaling ako para makalusot sa mga simpleng bagay na bawal sa pamantayan ng pamilya nila. "Drop the act, Hiraya. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Akin na 'yan." Inilahad ni Gabriel ang kanang kamay niya habang ang kabila ay nakasuksok sa bulsa ng tailored slacks niya. Napanguso na lang ako at dahan-dahang inilabas ang canned beer na itinago ko sa likod ng lababo. "Isang lagok lang naman, hon. Pangtanggal lang ng umay sa champagne." Sinubukan kong maglambing at humawak sa braso niya, pero balewala iyon sa kaniya. Marahas niyang iwinaksi ang kamay ko na parang nakakadiri akong hawakan. Pumakla ang ekspresyon ng mukha ko. Sanay na ako sa pagiging malamig niya, pero umaasa pa rin ako na kahit minsan ay itrato niya ako nang may pagmamahal. "Puwede bang umakto ka namang parang isang totoong Buenaventura?! May mga bigating bisita tayo sa labas tapos nandito ka at nagpapaka-iskwater sa pag-inom ng beer?!" "Isang lata lang naman, hindi naman ako maglalasing." Sinubukan ko pang pagpalusot sa kaniya, kung paglalambing naman kasi ang gagawin ko ay tiyak na wala akong mapapala. "Damn it!" May pagtitimpi sa boses ni Gabriel, lumingon-lingon pa siya sa pintuan para siguraduhing walang ibang nakakarinig. "Lagi mong sinasabi 'yan, pero lagi mo akong pinapahiya. Last warning na 'to, Hiraya." "Oo na, sige na. Alam mo, para kang hindi asawa. Kahit kailan, hindi mo man lang ako pinagtakpan. Imbes na tayong dalawa ang magkakampi, ikaw pa mismo ang nagpapain sa akin kay Mama," prangkang sagot ko sa kaniya. Eh, totoo naman never niya akong ipinagtanggol. "Manahimik ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo," banta niya sabay duro sa akin. "Lumabas ka na roon ngayon din!" Napa-smirk na lang ako. Kahit kailan talaga, walang amor si Gabriel sa akin. Para bang isa lang akong palamuti sa bahay nila na ikinahihiya niya. Pagkatapos ng event, nagpaalam na ang ilan sa mga bisita. Ang iba ay tumuloy sa kalapit na hotel dahil bukas pa ang flight nila, habang ang ilang malalapit na kamag-anak ng mga Buenaventura ay nagpaiwan sa villa. Naging matagumpay ang selebrasyon para sa kanila, pero para sa akin, isa na naman itong nakakapagod at nakakainsultong gabi. Inalis ko na ang suot kong heels at hinilot ang namamaga kong paa habang nakaupo sa dining lounge. Balak ko sanang magpahinga na dahil bukas, paniguradong panibagong giyera na naman ang haharapin ko kapag nakaalis na ang mga bisita. "Hiraya!" "Ay, Diyos ko!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Pasigaw na naman akong tinawag ni Donya Imelda. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "B-bakit po, Ma?" Imbes na sumagot, isang malakas na sabunot ang bumungad sa akin. "Aray ko po, Ma! Masakit po!" "Dapat lang na masaktan ka! Kahit kailan talaga, wala kang kadala-dala! Hanggang kailan ka ba pagtitiisan ng anak ko, ha?! Nakuha na niya ang mana niya sa lolo niya, wala ka nang silbi sa pamamahay na 'to!" Nakakapit na ako ngayon sa kamay ni Donya Imelda, pilit na inaalis ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Mama, tama na po, nagmamakaawa ako!" "Hindi! Halika rito! Hangga't hindi ka nadadala, hindi ka matututo! Napakababaw ng pagkatao mo—imbes na asikasuhin ang mga bisita, paglaklak ng beer ang inatupag mo! Saang basurahan ka ba kasi napulot ni Gabriel?!" "Tita, tama na po 'yan! Baka may mga naiwan pang bisita sa labas, nakakahiya kung makikita nila kayo," pag-awat ni Bea, ang mabait na pamangkin ng Donya. "Stay out of this, Bea! She's a stain on the Buenaventura name. Hayaan mong bigyan siya ni Mama ng leksyon na tatatak sa kukote niya," singit ni Veronica, ang nakatatandang kapatid ni Gabriel. Isa rin si Veronica sa nagpapahirap sa buhay ko sa villa. Simula pa lang ay tutol na siya sa kasal namin, at ginagawa niyang impyerno ang bawat araw ko kasabwat ang ina niya. "Itapon niyo 'yan sa labas!" utos ni Donya Imelda. Dahil mas malakas ako sa kaniya, tinawag niya ang dalawang malalaking bodyguards at inutusang kaladkarin ako palabas. Itinuro ng Donya ang dulo ng infinity pool na nakaharap sa malamig na simoy ng dagat at sinabing ihagis ako roon. Hindi ako marunong lumangoy. "Mama, 'wag po! Maawa kayo!" pagmamakaawa ko. "Kuya, ibaba niyo po ako, hindi ako marunong lumangoy, malulunod ako!" Pero huli na ang lahat. Mas takot ang mga tauhan nila sa Donya kaysa sa buhay ko. Marahas nila akong inihagis sa malalim na bahagi ng pool. Pakampay-kampay ang mga kamay ko, pilit na inaabot ang hangin habang lumulubog at umaahon sa malamig na tubig. "T-tulong... maawa kayo, tulong!" "Magtampisaw ka riyan! Walang tutulong sa babaeng 'yan! Sinumang lumapit sa pool area, sisantehin ko ngayon din!" sigaw ni Donya Imelda. "Enjoy the cold water, Hiraya," pang-aasar pa ni Veronica. "Don't worry, kapag lumutang ka na riyan bukas, ipapaanod ka na lang namin sa dagat!" sabay halakhak nilang mag-ina bago tuluyang pumasok sa loob ng villa. Hindi ako magkamayaw sa pagsigaw. Tinatawag ko ang pangalan ni Gabriel, umaasang maririnig niya ako, pero walang sumasagot. Sa mga sandaling iyon, habang nilalamon ako ng tubig at unti-unting nanghihina ang katawan ko, napagtanto kong sobra na ang ginagawa nila. Handa na nila akong patayin. "G-Gabriel..." Pero alam kong hindi siya darating. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. [Third Person POV - Sa kabilang dako ng siyudad] "Siya ang ipapalit ko sa babaeng tumakas sa altar." Itinuro ni Rafael Villareal ang litrato ng isang magandang babae na may maamo ngunit matapang na ngiti. "Pero Sir, kasal na po ang babaeng 'yan. Marami pa pong ibang kandidata rito sa listahan," sagot ng executive assistant niyang si Marco. "I don't care. Siya ang gusto ko." Dumekwatro si Rafael sa leather chair niya, kinuha ang isang folder, at paisa-isang binuklat ang mga dokumento roon. Napabuntong-hininga na lang si Marco. Kapag sinabi na ng boss niya ang salitang "I don't care", ibig sabihin ay gagawin nito ang lahat makuha lang ang gusto, gaano man ito kaimposible. "Bagay na bagay sa kaniya ang bridal gown na ipinagawa ko, tingnan mo," malamig ngunit determinadong sabi ni Rafael habang nakatingin sa sketch. "Tingin ko nga rin po, Sir," sabay sulyap ni Marco sa folder. "Set a meeting with the Buenaventura family. Ako na mismo ang makikipag-areglo sa kanila para makuha ang babaeng ito." "P-po?!" "Don't act surprised, Marco. Let them name their price, babayaran ko kahit magkano." Tumayo si Rafael, isinuot ang itim niyang suit jacket, at sinenyasan si Marco. "Pero Sir, madaling araw na po ngayon, at nasa Batangas ang pamilya Buenaventura para sa anniversary party nila. Ipagpabukas na po natin 'to." "Really? Nasayang lang ang gabi ko. Fine, bukas natin sila pupuntahan. Be ready by 7:00 AM sharp, ayokong mahuli. Gusto ko nang makaharap ang babaeng 'yan." "Yes, Sir." Naglalakad na sila sa hallway ng penthouse office ni Rafael nang bigla itong huminto at humarap kay Marco. "Remind me of her full name again." Sandaling natigilan si Marco bago sumagot. "Hiraya Mendoza-Legazpi po, Sir." "Hmm... At Buenaventura ang apelyidong gamit niya ngayon, tama?" "Opo, Sir." "Legazpi, huh? Interesting." [Hiraya's POV] Pupungas-pungas akong bumangon mula sa malamig na tiles sa gilid ng pool. Hindi ko na masyadong maalala kung paano ako nakaligtas—basta pagdilat ko, nakakapit na ako sa isang floating ring na marahil ay palihim na inihagis ni Bea bago siya umalis. Nanginginig ang buong katawan ko nang pumasok ako sa loob ng villa. Mabuti na lang at wala na sa sala ang biyenan ko. Wala ring pumapansin sa akin sa mga kasambahay dahil lahat sila ay takot kay Donya Imelda. Masakit ang buong katawan ko at parang pinupukpok ang ulo ko sa tindi ng sakit. Hindi ko namamalayan na inaapoy na pala ako ng lagnat. "Kailangan kong mag-empake... aalis na ako rito..." paulit-ulit kong bulong sa sarili habang paika-ikang naglalakad patungo sa master's bedroom namin ni Gabriel. "Nasaan si Gabriel? Hindi ba niya alam ang nangyari? Gano'n na ba talaga kawalang-kuwenta ang buhay ko para sa kaniya?" Nagdedeliryo na ako sa lamig at lagnat, pero pinilit kong buksan ang p***o ng kuwarto namin. Ngunit ang lahat ng sakit ng katawan ko ay biglang napalitan ng matinding pagguho ng mundo nang bumungad sa akin ang isang eksenang matagal ko nang kinatatakutan. Napahawak ako sa ulo ko at napaatras, parang sasabog ang dibdib ko. May kasamang ibang babae ang asawa ko sa mismong kama namin. Tirik na ang araw sa labas, pero abalang-abala si Gabriel sa pakikipagtalik sa babaeng iyon. Biglang bumalik sa alaala ko ang bangungot noong labintatlong taong gulang pa lang ako—nang mahuli ko ang sarili kong ama na may kasamang ibang babae sa loob ng bahay namin. Doon nagsimula ang matinding trauma ko, lalo na nang matagpuan ko nang araw ding iyon ang walang buhay na katawan ng mama ko sa study room, nagpakamatay dahil sa matinding depresyon at pagtataksil ni Papa. "A-ano'ng kababuyan 'to?!" nanginginig kong sigaw, nakatakip ang kamay sa bibig ko. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Sumabay ang matinding panic attack sa taas ng lagnat ko. "Arghh!" napasabunot ako sa basa kong buhok. "M-mga walang hiya kayo! M-mga hayop!" Pero ang nakikita ko ngayon ay hindi na lang si Gabriel—nakikita ko rin ang imahe ng mama ko na nakahandusay at wala nang buhay. "Mga manloloko kayo! Mga demonyo!" Ang lahat ng galit at takot na itinago ko sa loob ng maraming taon ay sumabog at ibinuhos ko kay Gabriel. Nawala ako sa sarili at sinugod ko siya. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib at braso kahit hinaharang niya ang mga kamay ko. "Wala kang konsensya! Bakit mo nagawa sa akin 'to?!" "Hiraya, ano ba?! Tumigil ka nga!" Marahas niya akong itinulak kaya tumilapon ako at bumagsak sa sahig. "Bakit, Gabriel, bakit?! Binigay ko naman ang lahat sa'yo! Pinagsilbihan kita, inalagaan... minahal kita nang buong-buo!" "Gumising ka nga sa katotohanan, Hiraya! Kahit kailan, hindi kita minahal! Ngayong nakuha ko na ang lahat ng mana ko mula kay Lolo, tapos na ang papel mo sa buhay ko. Hindi ko na kailangan ng asawang pulubi!" "A-ano'ng sinabi mo?!" Nauutal kong tanong sa kaniya, pakiramdam ko'y medyo nabingi ako sa pagkakataon na iyon eh. "Lumayas ka na ngayon din! Kunin mo 'yang brown envelope sa mesa, pirmado ko na 'yan. Pirma mo na lang ang kulang para tuluyan na akong makalaya sa'yo!" "H-hindi ko maintindihan, Gabriel... hiwalayan na talaga ang gusto mo?" "Oo! Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo, Hiraya. Ayoko na!" Hindi mapatid ang luha sa mga mata ko. Nilunok ko ang natitira kong pride, pinilit kong tumayo, at nagmakaawa sa harapan niya. Handa pa rin akong tiisin ang lahat ng sakit huwag lang akong mag-isa ulit. "Nababaliw ka na ba?! Ayoko na sabi! Tapos na tayo! Bumalik ka na kung saan ma nanggaling! Hindi ko na kayang magkunwari Hiraya. Just let me go." Sa pagkakataon iyon ako mas nasaktan, and realized na sa lahat ng ginawa ko sa kaniya'y gano'n pa rin ang tingin niya sa akin. Na ikinasal lang kami dahil sa kasunduang ginawa namin noon.Panay ang hawak ko sa tagiliran ko habang marahang hinihila ang isang maleta na naglalaman ng mga personal kong gamit—ilang damit, cellphone, at mga mahahalagang dokumento. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga bagay na binili ko mula sa sarili kong sikap at ipon bilang isang artisan pastry chef.Lilisanin ko na ang impyernong ito. Iiwan ko na ang lahat ng bagay na galing sa asawa ko at sa pamilya niya—kasama na roon ang boutique café na ipinundar para sa akin ni Lolo Arturo. Mabigat man sa loob ko dahil pinaghirapan kong palaguin iyon, buo na ang desisyon ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Gabriel—hindi, ex-husband ko na, dahil pinirmahan ko na ang annulment papers matapos ko siyang mahuli sa kama kasama si Camille. At sa mismong araw ding iyon, nawala ang sanggol na nabubuo pa lang sa sinapupunan ko.Ayoko sanang isisi nang buo kay Gabriel ang pagkawala ng baby namin. Pareho naming hindi alam na buntis ako, at aminado akong nagpabaya rin ako
Halos mapugto ang hininga ko sa paghagulgol sa sinabi ng sarili kong asawa. Hindi ko lubos maisip na ang bangungot na naranasan ng mama ko noon ay mauulit sa akin ngayon—ang pagtaksilan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko.Alam kong malamig ang pakikitungo sa akin ni Gabriel, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na lolokohin niya ako nang ganito. At ngayon, harap-harapan niya akong pinapalayas at pinapapirma sa annulment papers."Ano'ng gulo 'to?! Bakit nagsisigawan kayo?!" mataas ang boses na tanong ni Donya Imelda pagpasok niya sa kuwarto.Dinig na dinig na sa buong villa ang sigawan namin kaya walang sinayang na oras ang Donya at inalam kung ano ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya at nagmamadaling isinusuot ang polo niya, habang ang babaeng kasiping niya ay nagtatago pa rin sa likod ng makapal na kumot."What is the meaning of this, Gabriel?""Sorry, Ma, wala 'to. Maliit na bagay lang.""Wala?! Eh, ganiyang nakahubad ka riyan
Engrande ang selebrasyong ginanap sa private luxury villa ng pamilya Buenaventura sa Batangas—ito ay para sa ika-apat na wedding anniversary namin ni Gabriel. Halos lahat ng bigating business partners ng mayamang angkan ay imbitado, dumating din ang mga malalayong kamag-anak nila, at ilang piling kaibigan ni Gabriel.Sa kabilang banda, napipilitan lang akong makihalubilo sa mga bisitang ni hindi ko kilala. Paano ba naman, wala man lang ni isang bisita galing sa panig ko—iyon ang mahigpit na utos ni Gabriel. Sa paningin nila, ulilang lubos na ako at walang maipagmamalaking pamilya, gaya na lang noong kasal namin kung saan napilitan pa akong umupa ng mga taong magpapanggap na magulang ko para lang may maghatid sa akin sa altar—isang sikretong hindi alam ng mapagmataas kong biyenan na si Donya Imelda.Nang makatakas ako mula sa halos sampung minutong pakikipag-usap sa isang mag-asawang negosyante, dumiretso ako sa loob ng main villa para maghanap ng ibang maiinom. Umay na umay na ako sa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.