Home / Romance / Love you still / KABANATA 35

Share

KABANATA 35

Author: Meowpyyyyy
last update Last Updated: 2023-05-01 19:29:19

Alexena

Tumawag si Mikey ng waiter para um-order.

"Kayo?" tanong nito kay Hero na hindi pa rin ako tinitingnan, talagang nakapokus ang mata nito sa katabi ko.

Tss. E, ano naman ba sa akin? Ano sa akin kung hindi ako nito pansinin?! Ikakamatay ko ba kung hindi man ako nito sulyapan? Hah! Ang yabang! Hitsura nito!

Umiling si Hero. "Kumain na kami kanina sa resto na nadaanan namin bago kami tumuloy rito, nagutom kasi itong babe ko."

"Okay," sagot ni Mikey at ibinaling na ulit ang pansin sa katabi nito.

Umayos na si Hero ng upo at maya-maya ay lumingon ito sa tumawag sa pangalan nito na hindi kalayuan sa puwesto namin.

Sinundan ko ng tingin ang kasenyasan nito at nakita ko na isa pala sa kabanda at kaibigan nito iyon-si Calix.

Ngumiti ako nang sa akin mabaling ang tingin nito, kumaway pa si Calix sa akin at nagbibiro na nag-flying kiss pa sa huli.

Hay nako, hindi pa rin ito nagbabago. Maloko pa rin.

Napailing na lang si Hero sa ginawa noong kaibigan nitong abnoy rin. "Dapat iniwasan mo.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status