แชร์

Kabanata 13 The Hero

ผู้เขียน: Maria Bonifacia
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-01 13:40:25
Galing si Mira sa opisina nang mapadaan siya sa isang convenience store. Pumasok siya para bumili ng pasalubong para sa amang nasa ospital. Habang pumipili ng tinapay, napansin niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng hospital gown, at tila naguguluhan habang namimili sa snack section.

May dala itong juice, sandwich, at ilang gamot.

Paglapit sa counter, tila biglang nataranta ang matanda habang kinapa ang bulsa.

"Naku, anak, mukhang naiwan ko ang wallet ko sa ospital."

“Naku, lolo, lumang style na ‘yan. Ibalik ninyo ang mga kinuha ninyo kung wala kayong pera!” anang staff.

Narinig niya iyon habang binabayaran ang sarili niyang binili. Napatingin siya sa matanda at nakita ang pamumutla nito.

"Walang problema po, Lolo. Ako na po ang magbabayad."

Ngumiti siya at inabot ang bayad para sa binili ng matanda.

“Maraming salamat, iha. Babayaran kita agad.”

Ngunit bago pa man niya maabot ang resibo, bigla na lang napahawak sa dibdib ang matanda. Napaluhod ito at nanginig.

"Lolo! Lolo! Anon
Maria Bonifacia

Thank you very much po sa pagbabasa, comments, at gems na inyong ibinibigay. Godbless po!

| 6
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
goodnovel comment avatar
Mila Castillon
buti naman at may kakampi na si Mira si lolo mario Kaya Kyle huwag Kang magkakamaling saktan si Mira malalagot ka Kay lolo mario baka Hindi maibigay sa'yo ang malaking shares ng kumpanya.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Happy reading! Sana po ay magustuhan ninyo!
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 16 Sleeping Beauty

    Dali-daling naglakad palayo si Mira kay Kyle ng mapansin niya ang mga mata ng ibang empleyado na nakatingin sa kanila.Pumasok siya sa elevator. Kaso ay nakasabay niya si Don Renato Alvarado at si Calyx, ang ama at stepbrother ni Kyle. Pormal at makapangyarihan ang tindig ni Calyx na para bang hawak nito ang buong korporasyon sa palad. Tila hindi siya makahinga sa loob ng elevator.“Mira, samahan mo kami. May gustong sabihin si Papa,” ani Calyx.Kumabog ang kanyang dibdib dahil sa tagal niya sa kumpanya ngayon lang siya kinausap ng mag-ama.Umupo si Don Renato sa leather chair at sinenyasan siyang maupo.“Diretsahan tayo, iha,” panimula ng Don, kalmado ngunit may bigat ang boses.“Alam kong substitute bride ka lang ni Kyle.”Napapitlag siya ngunit hindi nagsalita. Nanatili siyang nakikinig.“Hindi kayo bagay ni Kyle. Nakakasira ka sa reputasyon niya.” Humugot ito ng tseke mula sa drawer at marahang isinulat ang halaga.“Ten million pesos. Kapalit ng hiwalayan. Walang tanong-tanong. Lu

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 15 Kiss in the Office

    "Hello, Seb?" bati ni Mira kay Sebastian sa kabilang linya, sinadyang hinaan ang volume ng boses."Mira, just checking kung nakauwi ka na. Kumusta si Tatay Samuel? Need mo ba ng tulong for the hospital bills? Huwag kang mahiya.""Okay naman siya, thank you sa concern, Seb. Kasalukuyang pauwi na ako galing ospital. Huwag kang mag-alala at kapag kailangan ng tulong ay magsasabi ako," sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili.Bago pa man siya muling makapagsalita ay narinig niya ang boses ni Kyle, malamig pero may halong pang-aangkin."Mahal, gusto mo ba ng dessert pag-uwi natin?" malambing na tanong ni Kyle, idinidiin ang salitang mahal na parang sinasadya.Muntik na siyang masamid. Napatingin siya sa katabi, pero ngumiti lang ito at kunwa’y walang malisya habang itinuon muli ang mata sa daan.Sa kabilang linya, ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Sebastian."Ah… kasama mo pala ang boss mo ngayon. Wrong timing yata ang tawag ko.”“Mahal, I wanna fuck you here inside the c

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 14 Meeting the In-Laws

    Matapos magpaalam kay Lolo Mario ay lumabas ng silid si Mira at Kyle, magkaakbay pa. Mukhang magaan ang pakiramdam ng amo. Tila napawi ang bigat ng mga nagdaang araw. Nang maisara na ang pinto, biglang humarap ito sa kanya."You’re something else, Mira. Napakagaling mong mambola." Halatang masaya ang tono nito.Napatingin siya, nagtatanong ang mga mata. Anong pambobola ang sinasabi nito?"Ibang klaseng tumanaw ng utang na loob si Lolo Mario kaya advantage sa atin ang pagkakaligtas mo sa kanya. Sa dinami-dami ng tao, akalain mong ikaw pa ang tumulong sa pinakamamahal kong Lolo," pagpapatuloy nito.Napangiti siya sa isiping masaya si Kyle."Lolo na, walang kasama, at kung tutuusin hindi ko rin kayang hayaan ang kahit sinong nangangailangan na hindi tulungan lalo at kaya ko din lang. Wala namang espesyal sa pagtulong."Umiling si Kyle, at tumigil saglit sa paglalakad."No. Mali ka. Espesyal ‘yon." Lumapit ito nang bahagya. "Lalo na kay Lolo Mario na matindi ang pagpapahalaga sa utang na

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 13 The Hero

    Galing si Mira sa opisina nang mapadaan siya sa isang convenience store. Pumasok siya para bumili ng pasalubong para sa amang nasa ospital. Habang pumipili ng tinapay, napansin niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng hospital gown, at tila naguguluhan habang namimili sa snack section.May dala itong juice, sandwich, at ilang gamot.Paglapit sa counter, tila biglang nataranta ang matanda habang kinapa ang bulsa."Naku, anak, mukhang naiwan ko ang wallet ko sa ospital."“Naku, lolo, lumang style na ‘yan. Ibalik ninyo ang mga kinuha ninyo kung wala kayong pera!” anang staff.Narinig niya iyon habang binabayaran ang sarili niyang binili. Napatingin siya sa matanda at nakita ang pamumutla nito."Walang problema po, Lolo. Ako na po ang magbabayad."Ngumiti siya at inabot ang bayad para sa binili ng matanda.“Maraming salamat, iha. Babayaran kita agad.”Ngunit bago pa man niya maabot ang resibo, bigla na lang napahawak sa dibdib ang matanda. Napaluhod ito at nanginig."Lolo! Lolo! Anon

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 12 The Cold-Hearted Boss

    Napatitig si Mira kay Kyle, tila hindi makapaniwala. Nagsikip ang dibdib niya. Pero sa halip na umiyak, tumango siya.“Sige, kung saan ka masaya.”Binuksan niya ang pinto at bumaba. Humigpit ang hawak niya sa clutch habang ang takong ng sapatos niya ay tumunog sa sementong kalsada.Habang naglalakad siya, kahit kinakalaban ng sapatos ang bawat bato at alikabok, hindi siya lumingon. Sanay siya sa hirap at maglakad ng ilang kilometro basta hindi lang sana nakatakong.Sa loob ng kotse, nanatiling nakatitig si Kyle sa rearview mirror. Sinundan nito ng tingin ang bawat hakbang ng babae.“Damn it…” bulong nito, kasabay ng pagbunot ng cellphone.“Clara,” tawag nito sa mayordoma, “magpadala ka ng taxi na susundo kay Mira sa bandang Magalang Street. Bilisan mo, ngayon na.”Ilang minuto pa, may humintong taxi sa tapat ni Mira.“Ma’am, taxi po.”Tinignan niya ang matandang driver at ang sasakyan nitong pan-taxi naman. Mabilis siyang sumakay.Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 11 Generous Gift

    Hindi umiwas si Mira sa tingin ni Kyle. Sa halip, tumango lang siya upang batiin ito. Nakita niya itong palapit.“Sorry, I’m late,” malamig ngunit maginoong bati ni Kyle, nakasuot ng itim na tuxedo. Tahimik ngunit matalim ang mga mata nito kay Sebastian bago lumipat ang tingin sa kanya.Ngumiti si Sebastian, tumayo at nakipagkamay. “Kyle. What a surprise. Didn't expect to see you here tonight. Sa tagal ng charity event namin, palagi ka lang nagpapadala ng representative. Pero mukhang espesyal ang araw na ito at personal kang nagpunta.”“Well, we’re business partners, dapat lang na suportahan ko ang charity event ng Tuazon Group,” sagot ni Kyle.Saglit na katahimikan. Tapos, biglang tinawag ang auctioneer sa gitna ng ballroom upang simulan ang highlight bidding, isang prime beachfront property sa bayan nila.“Next up, 500-hectare beach property! Starting bid at 50 million pesos!” anang auctioneerAgad na sumagot si Sebastian. “Fifty-five.”Tumugon si Kyle, malamig ang tono, “Sixty.”Nap

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status