Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 172 The Deal Is Done

Share

Kabanata 172 The Deal Is Done

last update Last Updated: 2025-09-12 17:08:24
Mabilis siyang naglakad palabas at napadpad sa rooftop ng building. Doon na siya napaiyak nang tahimik, pinipigilan ang hikbi. Panay ang dasal niya na sana ay ligtas ang ama. Kailangan niya ng dalawang milyon para masagip it. Sinubukan niyang tawagan ang ama ngunit hindi na niya makontak.

Habang pababa si Sebastian galing meeting isang oras ang lumipas, nadaanan niya si Rhea na may dalang tubig.

“Sir Sebastian, si Jenny po…” may pag-aalalang sabi nito. “Kanina pa siya wala sa mesa. Baka gusto niyo pong silipin, umakyat yata sa rooftop.”

Kumunot ang noo ni Sebastian, at agad itong nagtungo roon. Pagbukas nito ng pinto, nakita nitong nakatalikod siya, nakaupo sa gilid, at tahimik na umiiyak.

“Jenny,” malamig ngunit mababa ang boses ni Sebastian.

Nagulat siya, mabilis na pinunasan ang luha at tumayo.

“Pasensya na po, boss. Babalik na po ako sa trabaho.”

Pero hindi gumalaw si Sebastian. Sa halip ay lumapit ito ng dahan-dahan.

“You’re desperate enough to cry alone on a rooftop.” Napabuntong
Maria Bonifacia

Dear readers, thank you so much for choosing to spend your time with my books. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsulat.

| 22
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Michelle Castillo
pa update na pls..
goodnovel comment avatar
Brook Lee Deldoc Mante
Hala Ms Author bakit wala k pang update for today????
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 197 Can’t Get Enough

    Biglang may narinig na kaluskos sina Jenny at Sebastian. Napabalikwas siya at mabilis na inayos ang buhok at damit, habang si Sebastian ay bumangon din at nagsuot muli ng jacket.Mula sa likod ng puno ay lumitaw ang isang matandang lalaki, dala ang basket ng mangga. Napangiti ito nang makita sila.“Ay! Naku, Bossing Sebastian! Hindi ko alam na nandito kayo,” ani Mang Gusting.“Maganda ang napili ninyong dalaga, Sir. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng dinala ninyo dito. Girlfriend ninyo po ba?”Namula siya sa tanong. Halos hindi siya makasagot. Lumingon siya kay Sebastian, naghihintay kung ano ang sasabihin nito.Ngumiti si Sebastian, walang kagatol-gatol na sumagot.“Hmm… opo. Siya ang girlfriend ko.”Lalo siyang namula. So, magkasintahan na sila ni Sebastian. Opisyal na ba?“Ay, buti naman! Panatag na kami dito, Boss. Lagi naming dasal, sana may mag-aalaga na sa inyo. Imbitado po kami sa kasal, ah.”Tumango si Sebastian. Nagpaalam ang matanda na aalis para bumalik sa trabaho. Naiwan

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 196 Under the Tree

    Naglakad pa sila Jenny at Sebastian hanggang sa taniman ng mga bulaklak na pinapalaki para ibenta sa market. Yumuko si Sebastian at pumitas ng isa, inilagay sa buhok niya.“Mas bagay sa’yo ang bulaklak kaysa sa kahit anong mamahaling alahas.”Namula ang pisngi niya, at marahang tumawa.“Sa’yo din bagay,” aniyang bumunot ng damot at isinabit sa leeg ni Sebastian at tsaka tumakbo.“Teka, may langgam! Aray! Lagot ka sa akin!” anitong hinabol siya.Para silang dalawang bata na nagtatakbuhan sa gitna ng taniman. Nahuli siya nito at pinupog ng halik.Nahulog ang tsinelas niya kaya binuhat siya ni Sebastian upang hindi na madumihan ang paa niya.“Bakit mo ako binubuhat? Bitawan mo ako, baka may makakita,” aniyang tumawa at napakapit sa leeg nito.“Walang tao dito. Tayong dalawa lang.”Napatigil siya. Ramdam niya ang tibok ng puso nito at halos malaglag ang puso niya sa lambing ng boss.Napadpad sila sa isang malaking puno ng mangga sa dulo ng farm. Tahimik doon, malayo sa mga tauhan at ingay

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 195 Importance of Trust

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang kalsada. Ang malamig na aircon ay hindi sapat para pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ni Jenny. Pinag-iipunan niya ang lakas ng loob.“Sebastian… may kailangan akong aminin sa’yo tungkol sa nangyari sa bar.”Dahan-dahang ibinaba ni Sebastian ang bilis ng sasakyan at tinitigan siya sa salamin. Kita sa mga mata nito na handa itong makinig.“Okay. I’m listening.”Napasinghap siya, handa nang magsalita, pero biglang tumunog ang phone ni Sebastian na nakakonekta sa Bluetooth ng sasakyan.“Seb, it’s Lucas.”Saglit na nagkatinginan sila ni Jenny. Pinindot ni Sebastian ang button.“Lucas? I’m in the middle of something—”Pero naputol si Lucas, maririnig sa boses nito ang galit at hinanakit.“Zoey cheated on me, Seb! Nahuli ko silang magkasama sa condo ng guy. Nakipag-sex siya sa ibang lalaki. At sabi ba naman, one night stand lang! Everything’s over. Tapos na!”Napakunot ang noo ni Sebastian at napailing, halatang nag-aalala sa kaib

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 194 Like or Love

    “Seb, hindi na ako virgin. May naunang lalaki--” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil humagulgol na siya ng iyak.Kitang kita niyang tila nasabugan ng bomba si Sebastian. Napatingin ito sa kanya, nanlilisik ang mata.“Ano'ng ibig mong sabihin?” anitong puno ng panlulumo.“Hindi ikaw ang unang lalaking ---” aniyang hindi matapos ang sasabihin at muling umiyak.“Jenny! You lied to me?!” singhal nito.Malakas na sinipa ni Sebastian ang table sa tabi ng kama, umalog ang lampshade at nahulog. Sinunod nitong tadyakan ang upuan at tumama iyon sa pader.Napalunok siya, kinuyom ang kumot sa takot. Hindi na siya nakapagsalita pa.Tumayo ito at mabilis na lumabas ng kwarto at ibinalibag ang pinto.Ramdam niya ang kirot sa dibdib, hindi dahil sa galit ni Sebastian, kundi dahil hindi niya nagawang ipaliwanag ang nangyari. Baka bumaba ang tingin ninyo sa kanya kapag sinabi niyang ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero.Magdamag siyang hindi nakatulog, nakayakap sa tuhod habang iniisip

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 193 Confession of Feelings

    “Jen, be honest, I want to know kung pareho tayo ng nararamdaman,” sabi ni Sebastian.“Seb, hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Hindi tayo bagay. Langit ka, lupa ako. Hindi tayo para sa isa’t isa.”“Uulitin ko ang tanong, do you like me? Be honest.”“Sebastian… gusto din kita,” mahina at nag-aalanganing sabi niya. Pinili niyang maging tapat sa damdamin.Napangiti si Sebastian, kita ang pagluwag ng dibdib nito na para bang nabunutan ng tinik.“Salamat. ‘Yan lang ang gusto kong marinig. Hindi mo na kailangang mag-alala, Jenny. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari,” hinawakan nito ang kamay niya.Napatitig siya sa kamay nilang magkahawak, naramdaman niya ang init mula dito. Ngunit kasabay nito, naramdaman din niya ang malamig na takot na gumagapang sa kanyang dibdib.Niyakap siya ni Sebastian ng mahigpit. Tahimik lang siyang nakasandal sa dibdib nito, pinakikinggan ang tibok ng puso ng boss, sabay sa mabilis na pag-ikot ng kanyang isip sa nangyari sa kanya noong nakaraa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 192 No Reasons

    “Huwag mo akong subukan, Jenny. Sumama ka sa akin bago pa ako maubusan ng pasensya,” gigil na sabi ni Sebastian.Nanlamig siya. Hindi niya alam kung dahil sa takot o dahil sa tibok ng puso niya na parang mabibingi siya.“Sebastian, please… May pupuntahan lang kami ni Andrei.”“Sumakay ka sa kotse, ngayon na!”Napalunok siya at dahan-dahang bumaba sa motor.“Jenny, sigurado ka ba? Gusto mong tumawag ako ng pulis?”Hindi niya kayang magsalita. Hawak pa rin ni Sebastian ang braso niya habang inihatid siya sa kotse.Bago pumasok, muling binalingan ni Sebastian si Andrei.“Hindi mo na kailangang makialam sa amin ni Jenny.”At walang sabi-sabing isinakay siya nito sa kotse, saka mabilis na umalis. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya alam kung galit ba si Sebastian, pero isa lang ang sigurado, this night is far from over.Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at mabigat na paghinga ni Jenny ang naririnig. Nakatingin siya sa bintana.“Bakit mo ako iniiwasan,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status