TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise

TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  SenyoritaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
8Chapters
23views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Hayaan ninyo siyang magdusa sa piling ng lalaking iyan. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang tapang niya kasama ang isang kargador!” Para tuluyang ipahiya ang itinakwil na anak na si Rory, ipinakasal siya ng malupit niyang pamilya kay Dante, isang hamak na deliveryman at pambansang katatawanan. Inasahan nilang luluhod siya at magmamakaawa. Sa halip, tinanggap niya ang kanyang tadhana at palaban na pinrotektahan ang tahimik na asawa mula sa lahat ng nanlalait dito. Sa loob ng tatlong taon, naging masaya silang dalawa. Hanggang sa sadyain ng pamilya niya na sirain ang kanyang maliit na negosyo at iwan siyang walang-wala. Ngunit sa mismong gabi ng grand gala ng mga de Villa, dumating ang isang fleet ng luxury helicopters kasama ang tatlong pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa para yumuko at magbigay-galang sa asawa niya. Dahil paano kung ang "walang kwentang" deliveryman na pilit nilang tinatapakan ay si Dante Montenegro, ang maalamat at nakatagong Ultimate Tycoon ng bansa? At paano kung ang lalaking ito ay handa nang ibigay kay Rory ang buong mundo… at pagbayarin nang malupit ang lahat ng nangahas na magpaiyak sa kaniyang reyna?

View More

Chapter 1

Chapter 1

RORY POV

Umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng basag na wine glass sa buong grand ballroom. Kasunod nito ay ang singhap ng daan-daang bilyonaryo, pulitiko, at mga high-society elites na imbitado sa pinakamalaking event ng pamilya namin.

Pero para sa akin, biglang huminto ang ikot ng mundo.

Nakatayo ako sa gitna ng bulwagan, mabigat bawat ang paghinga ko. Ang nanginginig kong kamay ay may hawak pang kapirasong bubog mula sa mamahaling wine glass na ibinato ko. Sa paanan ko, nakahandusay at namimilipit sa sakit si Don Valdemar, ang pitumpung taong gulang, ang pinakamalaking investor ng pamilya namin, at ang manyakis na walang-habas na humimas sa hita ko ilang segundo lang ang nakakalipas. Tumutulo ang masaganang dugo mula sa pumutok niyang noo papunta sa kanyang puting tuxedo.

"Aurora!"

Yumanig ang boses ng tatay ko. Bago pa ako makapagsalita, isang malakas na sampal ang nagpadilim sa paningin ko. Napasalampak ako sa malamig na sahig. Lasang kalawang ang dugong agad na pumutok sa labi ko.

"Anong ginawa mong hayop ka?!" nanggagalaiting sigaw ni Papa, ang mga mata niya ay nanlilisik sa galit. Hindi sa akin, kundi dahil sa duguan niyang VIP guest.

Agad na lumapit ang stepmother ko at ang paborito nilang anak na si Cassandra. Kunwari silang nag-aalala kay Don Valdemar, pero nakita ko ang palihim na ngisi sa labi ng kapatid ko. Tuwang-tuwa siya. Ito ang sandaling matagal na nilang hinihintay, ang tuluyang masira ang kaisa-isang anak sa labas na sumisira sa perpekto nilang family portrait.

Kinaladkad ako ng dalawang security guard papunta sa private study room ni Papa. Rinig na rinig ko ang pagbagsak ng malalaking p***o, isinasara kami mula sa mapanghusgang mata ng publiko. Pero ang totoo, ang nasa loob ng kwartong ito ang mga tunay na demonyo.

Isang matinding sampal na naman ang sumalubong sa akin pagtayo ko.

"Isang bilyong piso, Aurora!" nanginginig ang buong katawan ni Papa habang dinuduro ako. "Isang bilyong pisong kontrata ang pipirmahan na sana ni Don Valdemar ngayong gabi para maisalba ang kumpanya! Ang kailangan mo lang gawin ay ngumiti at ibuka ang mga binti mo! Wala ka talagang kwentang bata ka, sumpa ka sa pamilyang 'to!"

Tumawa ako. Isang mapait at tuyong tawa na nagpainit lalo sa ulo nila. "Kaya pala ako ang ipinilit niyong isama sa VIP table. Binenta niyo ako? Binenta niyo ang sarili niyong anak para sa kumpanya?!"

"Huwag kang mag-inarte, Rory," malamig na sabat ni Helena habang nakahalukipkip, suot ang kanyang milyun-milyong halaga ng diyamante sa leeg. "Anak ka lang sa labas. Isang malaking utang na loob na nga na pinatira ka namin sa mansyong ito, pinakain, at dinamitan. Oras na para magbayad ka. Pero dahil sa pagiging iskandalosa mo, sinira mo ang kaisa-isang silbi mo."

"Oh, look at her, Mommy. She thinks she's so pure," pang-aasar ni Cassandra. Naglakad siya palapit sa akin, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na parang isang basurang nakakalat sa kwarto niya. "Kung umasta ka, akala mo prinsesa ka. You're just a bastard. Since you act like trash, you deserve to be treated like one."

Tumingin si Papa kay Cassandra at tumango, na tila may napagkasunduan na sila bago pa man ako kaladkarin dito. Inayos niya ang gusot ng kanyang suit at bumuntong-hininga. Nawala ang galit sa boses niya, napalitan ng isang nakakakilabot na lamig.

"Gusto mong magmalinis? Pwes, ibibigay ko sa'yo ang buhay na nararapat sa isang katulad mo." May pinindot siya sa intercom sa ibabaw ng kanyang mesa. "Ipasok niyo na 'yung kargador dito."

Bumukas ang p***o at pumasok ang dalawa pang guwardiya na hawak-hawak sa magkabilang braso ang isang lalaki. Pagpasok pa lang niya, nalanghap ko na ang amoy ng usok, araw, at engine oil, isang matapang na amoy na walang puwang sa air-conditioned at mabangong kwartong ito. Nakasuot siya ng kupas at maduming asul na delivery uniform ng de Villa Enterprises. Nakakuba ang matataas niyang balikat, at ang ulo niya ay nakayuko, itinatago ang mukha sa ilalim ng isang luma at nisnis na cap.

"Ito si Dante," malamig na pakilala ni Papa. "Isang hamak na tagalinis at deliveryman sa warehouse natin sa pantalan. Kaninang umaga, nakasira siya ng isang buong batch ng imported luxury goods natin dahil sa katangahan niya. Limang milyong piso ang halaga ng sinira ng lalakeng 'yan."

Hindi umimik ang lalaki. Nanatili siyang nakayuko. Sa paningin ko, isa siyang kaawa-awang nilalang na dinudurog ng kapangyarihan ng pamilya ko. Pareho lang kami.

Lumapit si Papa sa lalaki. "Dante. May utang kang limang milyon sa akin. Ipapapulis kita at bubulok sa kulungan buong buhay mo, o kahit ang buhay pa ng mga magiging anak mo." Natahimik ang buong kwarto. "Pero... may isa akong alok."

Tinuro ako ni Papa na parang isang sirang gamit na ipamimigay. "Kukunin mo ang walang-kwentang anak kong ito. Dadalhin mo siya kung saang impyerno ka man nakatira. Ipapakasal ko kayong dalawa ngayon din para hindi na siya makabalik sa lugar na ito. Kapag ginawa mo 'yan, burado na ang limang milyon mo. Pero sa oras na ibalik mo siya rito, o makita ko ang pagmumukha niyong dalawa sa teritoryo ko, ipapakulong kita. Maliwanag ba?"

Nagtawanan si Cassandra at Helena. Ito pala ang plano nila. Ang ipatapon ako sa pinakanakakahiyang paraan para hindi ko na kailanman makuha ang apelyido o ang mana ng mga de Villa. Gusto nilang maging katatawanan ako ng buong bansa, ang anak ng bilyonaryo na ipinakasal sa isang mabantot na basurero.

"Luhod, Rory," nakangiting bulong ni Helena habang lumalapit sa akin. "Luhod at magmakaawa ka sa Papa mo. Baka sakaling magbago ang isip niya. Baka pwedeng gawin ka na lang kabit ni Don Valdemar kaysa makisiping sa hampaslupang 'yan. Sayang naman ang ganda mo kung sa estero ka lang titira."

Nanginig ang mga kamao ko. Unti-unti akong tumayo, nararamdaman ang kirot sa mga tuhod ko at ang pagkirot ng pumutok kong labi. Pinunasan ko ang dugo gamit ang likod ng kamay ko at tiningnan ko silang tatlo. Tiningnan ko ang mga taong tinawag kong pamilya, ang mga taong ginawa ko ang lahat para lang mahalin ako.

Wala akong nakita kundi mga halimaw.

"Hinihintay niyo ba akong umiyak?" malamig kong tanong. Tumaas ang kilay ni Papa at nawala ang ngiti ni Cassandra. "Hinihintay niyong magmakaawa ako sa inyo na huwag niyo akong itapon?"

Humakbang ako palapit kay Papa, hindi pinapansin ang pamamangha sa mukha niya. "Kahit sa aso niyo pa ako ipakasal, mas pipiliin ko 'yon kaysa manatili ng isang segundo sa pamilyang 'to. Gusto niyo akong itapon? Sige. Dahil nakakasuka na ang amoy ng pera niyo."

Tinalikuran ko sila. Naglakad ako papunta sa lalaking nakakuba sa gitna ng kwarto. Nakayuko pa rin siya, at mukhang nanginginig ang malalapad niyang balikat. Kawawang lalaki. Gagamitin pa siya sa laro ng pamilya ko.

Walang pag-aalinlangang inabot ko ang kamay niya. Magaspang, malaki, at mainit. Nabigla siya sa paghawak ko, bahagyang nanigas ang braso niya.

"Tayo na," mariing sabi ko kay Dante, mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Bago pa ako makapatay ng tao dito."

Hindi na ako lumingon. Hinila ko siya palabas ng opisina, palabas ng grand ballroom, at palabas ng buhay na pilit umalipin sa akin. Handa na akong maghirap. Handa na akong magtinda sa kalsada, maglaba, o mamatay sa gutom kaysa bumalik sa kanila.

Habang naglalakad kami sa mahabang driveway ng mansyon sa ilalim ng ulan, humigpit ang hawak ng lalaki sa kamay ko. Isang hawak na pamilyar at nakakapanibago.

Nang sulyapan ko siya, inaasahan kong makakita ng isang lalaking nanginginig sa takot. Pero bahagyang naangat ang luma niyang cap. Sa liwanag ng mga poste ng ilaw, nagtagpo ang mga mata namin.

Walang takot sa mga mata niya. Sa halip, may isang malamig, malalim, at nakamamatay na dilim sa kanyang mga titig. At sa isang saglit, sa ilalim ng bumabagsak na ulan, nakita ko ang pagguhit ng isang mapanganib na ngisi sa kanyang labi.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

MsJayella
MsJayella
highly recommend
2026-11-16 12:56:32
0
0
hancelindistress
hancelindistress
highly recommended ......
2026-11-16 12:44:52
0
0
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status