LOGINMaraming salamat po sa pagsama sa ups and downs ng kwento nila Jenny at Sebastian. Love you all!
Panghabambuhay na kaya ang kaligayahang ito kasama si Prince?Hindi pa mawala ang tanong sa isip ni Stefie nang mapansing nakatingin sa kanya ang asawa habang sumasayaw sila sa tahimik na daanan ng resort.“Husband, bakit?”“Wala. Ang ganda mo lang.”“Kanina mo pa sinasabi iyan.”“Bawal bang ulitin?”Napatawa siya. Huminto si Prince, inilapit ang mukha at hinalikan siya. Walang ibang nakapaligid. Musika lamang mula sa restaurant at hampas ng mga alon ang naririnig niya.“Lakad tayo sa beach?” alok nito.“Oo. Basta hold my hand.”“Hindi naman kita bibitawan.”“Baka bukas, bumalik ka na sa pagiging masungit na CEO.”“Masungit ba talaga ako?”“Noong una? Sobra. Hirap mo ngang yayain kahit kumain lang sa labas.”“Babawi ako.”Hindi niya inaasahang ganoon kasimple ang sagot nito. Noon, bawat lambing ay parang kailangan niyang hilingin. Ngayon, si Prince na mismo ang naglalaan ng oras para sa kanya.Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa dalampasigan. Naramdaman niya ang malamig na buh
“Saan?”Narinig ni Stefie ang mahinang tawa ni Prince sa kabilang linya.“Surprise, wife. Basta overnight tayo. Magdala ka ng damit para sa dalawang araw.”“Overnight? Husband, saan mo ako dadalhin?”“Malalaman mo sa Saturday.”“Ang unfair mo naman! Ako ang mag-eempake, pero ikaw lang ang nakakaalam ng pupuntahan natin.”“Ako na ang bahala sa lahat. Ikaw, mag-enjoy ka lang.”“Paano kung hindi ko magustuhan?”“May tiwala naman ako sa taste ko.”“Aba, confident!”“Pinakasalan nga kita, di ba?”Napatawa siya. “Okay, panalo ka na. Pero aasahan kong maganda ang surprise mo.”Pagkatapos ng tawag, ilang sandali siyang nakangiting nakatingin sa cellphone. Dati, kailangan pa niyang pilitin si Prince na maglaan ng oras para sa kanila. Ngayon, ito na mismo ang nag-aayos ng kanilang bakasyon.Ngunit bago iyon, may mahalaga pa siyang aasikasuhin.Mula sa shop, tinawagan niya ang namamahala sa kanilang factory. Kumpirmado na ang order na isang daang pares, kaya kailangang maayos ang production sched
Hindi kaagad sumagot si Prince. Napansin ni Stefie na nawala ang ngiti nito matapos niyang sabihin na ayaw niyang may itinatago silang lihim o damdamin sa isa't isa.“Husband, may mali ba sa sinabi ko?”“Wala, wife. Tama ka naman.”“Then promise me na kapag may problema tayo, pag-uusapan natin. Hindi tayo manghuhula kung ano ang iniisip ng isa't isa.”Hinawakan nito ang kamay niya. “Gagawin ko ang makakaya ko, wife.”Seryoso ang mukha nito. Ayaw niyang pilitin ang asawa na mangako nang higit sa kaya nitong sabihin.“Gusto ko lang na magkakampi tayo, kahit mahirap ang sitwasyon.”“Wife, kakampi mo ako.”Hinalikan niya ang asawa. Nang yakapin siya nito, gumaan ang pakiramdam niya.“Matulog ka pa,” bulong niya. “Maaga pa.”“May trabaho ako.”“CEO ka naman. Hindi magsasara ang Altavera kapag na-late ka ng thirty minutes.”“Wife, ganyan ka ba talaga manghikayat?”“Hindi. Mas convincing ako kapag may kisses.”Hinalikan niya ito sa pisngi.“Isa pa,” sabi ni Prince.“Aba, ikaw na ngayon ang d
“Let's get married again after one year.”Natigilan si Prince. Nakatitig lamang ito kay Stefie, na para bang hindi inaasahan ang kanyang sinabi.“Husband, bakit? Ayaw mo?”“Hindi naman, wife. Nagulat lang ako.”“Hindi ko naman sinasabing kailangan nating magpakasal ulit sa batas. Kasal na tayo. Ang gusto ko, magkaroon tayo ng panibagong wedding ceremony. Iyong wala nang marriage deal.”Hinawakan niya ang kamay ng asawa.“Gusto kong maranasan nating ikasal dahil pareho nating gusto, hindi dahil sa kontrata.”“Kailan mo pa naisip iyan?”“Noong napagtanto kong ayoko nang matapos ang pagsasama natin. Hindi ko na kayang isipin na darating ang araw na magkakahiwalay tayo dahil lang natapos ang isang taon.”Hinaplos ni Prince ang kanyang pisngi.“Wife, kuntento na ako sa kasal natin ngayon.”“Alam ko. Pero gusto kong magkaroon tayo ng bagong alaala. Iyong masaya tayong pareho.”“Anong klaseng wedding naman ang gusto mo?”“Simple lang. Kasama ang mga taong mahalaga sa atin. Hindi ko kailangan
“Prince, endless contract na ang pagsasama natin, ah?”Nananatili ang mga palad ni Stefie sa magkabilang pisngi ng asawa. Kanina lamang, ipinakita nito ang kanilang selfie na ginawa nitong wallpaper. Ngayon, gusto niyang marinig kung hanggang saan sila dadalhin ng pagbabagong iyon.Ngumiti si Prince. “Wife, bakit? May expiration date pa ba tayo?”“Meron sa original contract. One year, remember?”“Naalala ko.”“Then let's change it.”Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Ayoko ring matapos ang kung ano ang mayroon tayo ngayon, wife. Gusto kong manatili tayong magkasama.”“Talaga?”“Oo.” Hinalikan nito ang kanyang palad. “Masaya ako kapag kasama kita.”Napangiti siya at niyakap ito. Hindi nabanggit ni Prince kung ano ang mangyayari pagkatapos ng isang taon, pero ayaw niyang sirain ang gabi sa pangungulit. Dati, kailangan pa niyang hulaan kung gusto nitong makasama siya. Ngayon, kusa na nitong sinasabi.“Good,” bulong niya. “Kasi hindi ko na balak ibalik ang husband ko.”“May return policy
“Basta kayang patunayan.”Iyon ang huling narinig ni Stefie mula sa ama nang lumabas siya sa garden. Nakatayo sa ilalim ng ilaw sina Don Severo at Prince, magkaharap at kapwa seryoso.“Husband! Daddy! Nandito pala kayo.”Sabay silang napalingon. Sa loob ng ilang segundo, hindi kumibo si Prince. Nagtaas tuloy siya ng kilay. Kanina pa siya naghihintay sa kuwarto, at nang hindi bumalik ang asawa, naisip niyang baka may tinawagan ito tungkol sa trabaho. Hindi niya inaasahang narito pala kasama ang kanyang ama. Lumapit siya kay Prince at yumakap sa braso nito.“Kanina pa kita hinahanap. Ano'ng pinag-uusapan ninyo?”“Kinukumusta ko lang ang pagsasama ninyo,” sagot ng ama.“Daddy, binibigyan mo na naman ba ng sermon ang husband ko?”“Hindi ko naman siya pinapagalitan.”“O baka naman pinag-uusapan ninyo ako! Baka pinagkakaisahan ninyo ako.”Napatawa ang ama. “Ikaw pa talaga ang pinagkakaisahan?”Hinawakan niya ang kamay ni Prince. Mainit ang palad nito, pero hindi pa rin nawawala ang seryosong







