Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 284 Almost Getting Back Together

Share

Kabanata 284 Almost Getting Back Together

last update Last Updated: 2025-10-15 11:46:45

Sa loob ng provincial detention facility, isang convoy ng tatlong police vans ang nakahinto sa gate. Ayon sa dokumentong dala ng isang lalaki sa itim na jacket, “order from higher office” daw, transfer of high-profile inmate Noah Tuazon to another facility.

Walang nagtanong dahil bayad ang lahat ng mga naka-duty. Peke ang lahat, mula sa mga lagda hanggang sa police ID. Habang naglalakad si Noah palabas ng selda, may ngisi sa labi, bitbit ang maliit na bag na puno ng mga plano ng paghihiganti sa kapatid na matagal ng kinaiinggitan.

“Ang sarap ng hangin ng kalayaan,” anitong huminga nang malalim.

Sa loob ng van, nakaupo si Andrea, naka-shades kahit gabi.

“Ang bilis ng kilos mo, maaasahan ka talaga!” sabi ni Noah.

“Hindi ko kayang pabayaan ka, boss,” sagot niya. “Kailangan mong matapos ang sinimulan mo para sa marangyang buhay na naghihintay sa ating dalawa.”

Ngumisi si Noah. “Oh, I will. And this time, sisiguraduhin kong wala nang makapipigil sa akin. Lalo na si Sebastian. Kapag wala na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
tess gervacio
hoho haba na nman ng orasbago makabasa
goodnovel comment avatar
tess gervacio
galing mo tlga author...happy nako na magiging happy na c seb at jen...Maya and Lucas na
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 518 The Wedding Problems

    “Ke masaya ka o hindi,” sabi ni Nanay Lily, hindi inaalis ang ngiti sa labi, “huwag mong idamay ang anak ko.”Natigilan si Donya Ester.“Ikaw ang pinili,” dagdag ni Nanay Lily. “Walang dahilan para magtanim ka ng galit sa puso.”Napangiti si Donya Ester. “Oo, ako ang pinili,” bulong niya. “Pero ikaw ang mahal noon hanggang ngayon.”“Anong bang sinasabi mo?” gulat na tanong ni Nanay Lily. “Matagal na panahon na ang lumipas. Matatanda na tayo. May sarili na tayong pamilya.”Tumikhim si Don Apollo, sinenyasan ang pagputol ng bulungan. Tumayo ito nang bahagya sa kinauupuan, ang tinig ay kontrolado ngunit malamig.“So ano ang dahilan at napasyal ang mga Ramos sa mansyon?”Huminga nang malalim si Nanay Lily. Tumayo siya, hawak ang maliit na handbag, diretso ang tindig kahit halatang kabado.“Don Apollo, una sa lahat ay nagpapasalamat kami sa pagpapaaral ninyo kay Daryl,” sabi niya, malinaw ang boses. “Tunay na hindi niya maaabot ang anumang narating niya kung wala ang tulong ninyo.”Sumunod

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 518 Wedding Preparations

    Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nanay Lily.Agad niyang sinagot ang video call.“Iris,” bungad ng matandang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likod nito, nakasilip si Lola Celia, may hawak na rosaryo. “Kumusta ka na, anak? Diyos ko, nakita namin sa balita ang nangyari.”“Okay na po ako, Nay,” agad na sabi ni Iris, pilit na kalmado. “Nasa ospital lang kami. Safe naman po.”“Si Daryl? Kumusta? Hindi namin makontak,” tanong ni Lola Celia, lumalapit sa camera.Inilapit ni Iris ang phone, ipinakita ang natutulog na binata. May benda ang braso.“Eto po,” mahina niyang sabi. “Nagpapahinga. Tulog po.”Napabuntong-hininga si Nanay Lily. “Salamat sa Diyos at safe kayong dalawa.”Nagising

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 517 Choosing Him

    “Okay ka lang?” unang tanong ni Daryl, hindi alintana ang pinsala sa sarili.Tumango si Iris, umiiyak. “Kung hindi ka humarang baka--”Hindi na niya tinapos. Paano kung sa mukha niya sumaboy ang asido?Dumating ang ambulansya. Humahangos si Lucas, nanginginig sa galit ng lapitan ang kapatid.Tiningnan nito ang paso sa braso ni Daryl, saka ang basag na bote sa sahig. Nagtagis ang kanyang bagang.Yumakap siya kay Daryl, mahigpit, walang pakialam sa mga matang nakatingin.Agad silang ipinasok sa ambulansya.Tahimik ang private room sa ospital. Naupo si Iris sa gilid ng kama ni Daryl, hawak ang maliit na tray ng cotton at gamot. Maingat niyang hinila pababa ang manggas ng polo nito. Bumungad ang pamumula at paso sa braso, may benda na ang iba, pero may parte pang kailangang linisin.“Masakit ba?” tanong niya.Umiling si Daryl, pilit ang ngiti. “Kayang tiisin. Malayo sa bituka.”“Don’t lie,” aniyang seryoso, sabay dampi ng cotton sa balat. Napasinghap si Daryl, pero hindi umangal. Si Iris a

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 516 Signing the Deal

    Tahimik ang room ni Iris.May nakalatag na mga papel sa mesa at may dalawang ballpen.“Rule number one,” seryosong sabi ni Iris, naka-cross ang braso habang nakatingin kay Daryl. “Separate rooms.”Tumango si Daryl agad. “Okay.”“Rule number two,” tuloy niya, parang abogado sa korte. “Walang hahawak. Kahit kamay.”“Okay,” sagot ulit niya, walang reklamo.“Rule number three,”“Wait,” napatawa si Daryl. “Ikaw ang nag-propose ng kasal pero parang ang dami mong rules, napaka-strict.”Napatingin si Iris kay Daryl, bahagyang namula. “I just want everything clear.”“Biro lang,” anang binatang ngumiti. “Masusunod ang lahat ng gusto mo.”Napatingin siya sa lalaki. Bakit parang mas nagiging gwapo si Daryl sa paningin niya? Parang may kumalabit sa dibdib niya, pero mabilis niyang inawat ang sarili.“Rule number four,” balik-seryoso niya. “Public appearances kapag kailangan. With sweet gestures at holding hands sa harap ng media kung kailangan.”“Noted.”“Rule number five,” dagdag pa niya, “walang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 515 Fake Marriage

    Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huwag mong pilitin sa ayaw niya,” anang Don. “Baka magmatigas siya. At higit sa lahat huwag na huwag mo siyang sasaktan. Nag-iisa kong anak na babae ‘yan. At pinagkakatiwalaan kita.”“Don Apollo, trust me. Akong bahala.”Tahimik si Don Apollo sandali.“Gagamitin natin ang argumento ng seguridad,” dagdag ni Harvey. “Public image. Board confidence. Protection. Matalino si Iris. She won’t risk everything para lang sa lalaking wala namang pangalan.”“May punto ka. Papayag siya sa gusto ko,” sabi ni Don Apollo.Tumango si Harvey. “She will.”Hindi gumalaw si Iris hanggang marinig niyang magsara ang pinto ng kwarto at nagpaalam si Harvey.Nanatili siyang nakapikit. Kalamado ang paghinga. Parang mahim

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 514 Plane Crash

    Mabilis na hinila ni Daryl si Iris palapit, ibinalot ang braso sa kanya, tinakpan ang ulo niya.“Iris,” sigaw niya sa gitna ng ingay, “look at me.”Tumingin siya, takot, pero buo.“Nandito lang ako,” sabi ni Daryl, halos pabulong. “Hindi kita bibitawan.”Biglang umuga ng malakas ang eroplano.Parang hinigop pababa ang lahat.Hinigpitan ni Daryl ang yakap.At sa labas ng bintana, papalapit ang lupa,Masyadong mabilis para pigilan.Biglang bumagsak ang katahimikan sa loob ng private jet.Kasunod noon, isang malakas na kalabog. Parang may nagbanggaan sa harapan. Umuga ang eroplano, mas malakas kaysa kanina. May tunog ng metal na humahampas sa metal, at isang sigaw na tuluyang naputol.“Iris,” mariing tawag ni Daryl, sabay tumayo kahit halos mawalan ng balanse. “Stay seated.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumakbo siya papunta sa cockpit, hinila ang emergency latch. Bumungad ang eksenang hindi niya kailanman inakalang makikita, ang piloto, tila wala ng buhay, nakasubsob sa gilid ng upu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status