Mag-log inNakatayo pa rin si Prince sa pasilyo nang lumingon si Stefie. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi siya ngumiti o tumawag. Nang muling tumalikod ang asawa, saka niya napansing halos madurog ang cellphone sa higpit ng kanyang hawak.“Damn it.”Limang taon na silang magkahiwalay. Akala niya, sapat na iyon para hindi na siya maapektuhan ng anumang may kinalaman kay Stefie. Nagkamali siya.Bumalik siya sa mesang iniwan bago magpunta sa CR at kinuha ang kanyang mga gamit. Hindi niya ito susundan. Kung kaya nitong makipag-usap na para bang estranghero lamang siya, kaya rin niyang panindigan ang ganoong distansiya.Sa parking area, sumakay siya sa kotse at nagmaneho pauwi. Dalawang beses niyang pinatay ang radyo. Kahit ang paborito niyang programa ay hindi niya masundan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Stefie tungkol sa kanilang kasal.Pagdating sa bahay, inilapag niya ang cellphone sa mesa ng kanyang silid. Nang hubarin niya ang relo, napansin niya ang wedding ring.
Prince Buenavista.Hindi nakagalaw si Stefie nang makilala ang lalaking nakahawak sa kanyang braso. Limang taon na ang lumipas, ngunit naroon pa rin ang matalim nitong tingin at kumpiyansang tindig. Mas mature ang mukha, mas matigas ang panga.“Stefie?”Binitiwan siya ni Prince at umatras. “It's really you.”Inayos niya ang bag na muntik nang mahulog. “So?”Nagtaas ito ng kilay. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito.”“Same here.”May dumaan na waiter, kaya tumabi silang dalawa upang hindi makaharang. Naamoy niya ang pamilyar na pabango ni Prince. Noon, natutukoy niya ang pagdating nito sa mansyon mula pa lamang sa mga yabag. Ngayon, magkaharap sila ngunit hindi niya alam kung paano matatapos ang pag-uusap nang hindi nauuwi sa sumbatan.“When did you come back?” tanong ni Prince.“Kamakailan lang.”“Are you staying?”“Bakit? Kailangan ko bang mag-report sa iyo?”“I'm just asking.”“Then I'm not interested in answering.”Sinipat siya nito bago muling tumingin sa kanyang mukha. “Five
“Yes! His name is Prince!”Natigilan si Stefie sa sinabi ni Alex. Nasa tapat na sila ng elevator, kasama ang yaya nitong si Lita.“Prince?” ulit niya.“Yes, Mommy! Sir Prince!”Nais pa sana niyang itanong kung ano ang hitsura ng lalaking nagkabit ng butterfly clip ng anak. Ngunit tumunog ang cellphone sa kanyang bag.Si Felicity.“Friend!” masiglang bati nito pagkasagot niya.“Felicity! Kumusta ka?”“Don't tell me you're back and you didn't even call me!”Napatawa si Stefie. “Kakarating lang namin.”“Exactly! Kaya magkikita tayo tonight. Sa bar. No excuses.”“Friend, naospital si Daddy. Galing lang kami sa kuwarto niya.”“I heard. Kumusta na si Tito?”“Stable na. Kailangan lang muna siyang obserbahan.”“Thank God! Then you need a break. Kahit ilang oras lang, please?”Sumulyap siya kay Alex, na abalang ipinapakita kay Lita ang squishy nitong kuneho. Matagal na rin niyang hindi nakakasama nang personal ang kaibigan.“Okay. Pero hindi ako magtatagal.”“Yes! I'll send you the address.”P
“Mommy! I made a new friend!”Napahinto si Prince sa paglakad patungong elevator. May babaeng nakatalikod habang inaayos ang butterfly clip ni Alex. Hindi niya makita ang mukha nito, ngunit pamilyar ang mahabang buhok at tindig.Stefie?Limang taon na niyang hindi nakikita ang asawa. Hindi niya alam kung gaano na ito nagbago, ngunit may kung anong nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.Humakbang siya palapit. “Excuse me—”“Emergency! Please make way!”Mula sa kabilang pasilyo, may mga medical staff na nagtutulak ng stretcher. Pinatatabi nila ang mga taong nakaharang sa daan upang makadaan ang pasyente.Napaurong si Prince sa gilid ng waiting area.“Sir, please keep the hallway clear,” sabi ng isang staff.Nakita niyang hinawakan ng babae ang kamay ni Alex. Lumapit din ang babaeng kasama ng bata upang alalayan ito. Napagitna sa kanila ang stretcher at mga tauhang nagmamadaling magbukas ng pinto sa dulo ng pasilyo.Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga medical staff, ngunit hindi pa
FIVE YEARS LATERLimang taon na mula nang umalis si Stefie, ngunit hanggang ngayon ay may isang bagay na hindi kayang bilhin ni Prince kahit gaano pa kalaki ang kinikita ng Altavera, ang kapayapaan at saya na naranasan niya noon sa piling ni Stefie.Nasa opisina siya, nagrerepaso ng kontrata para sa bagong proyekto. Mas lumawak ang negosyo, dumami ang empleyado at responsibilidad. Halos wala na siyang panahon para sa anumang bagay maliban sa trabaho.Gayunman, mag-isa pa rin siyang umuuwi gabi-gabi.Wala na silang personal na komunikasyon ni Stefie. Hindi na siya nakipagrelasyon sa iba at iniwasan niyang makibalita tungkol dito. Patuloy pa rin ang usaping legal kaugnay ng pagkamatay ng kanyang ama, at ayaw na niyang muling idamay ang asawa sa kasong isinampa niya laban kay Don Severo.Sa daliri niya, nandoon pa rin ang wedding ring. Hindi pa napapawalang-bisa ang kanilang kasal.Minsan, naiisip niyang tawagan si Stefie. Ngunit ano naman ang sasabihin niya? Limang taon na ang lumipas, a
Hindi maituon ni Prince ang pansin sa mga dokumentong nakalatag sa mesa niya sa Altavera. May meeting siya kinahapunan, ngunit paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone.“Prince, please. Kailangan talaga kitang makausap.”Huling mensahe iyon ni Stefie bago niya tinanggihan ang tawag nito at tuluyang i-block ang numero. Sinadya niya iyon. Kapag nag-usap pa sila, baka hindi na niya kayaning panindigan ang paghihiwalay.Ngunit bakit ganoon kapilit ang asawa? Hindi ugali ni Stefie ang magmakaawa. Mas madalas nitong salubungin ng biro ang kanilang pagtatalo. Noong huli silang magkita, nakita lamang niya ang pilit nitong ngiti bago umalis.Naalala niya ang biglang pagdating ni Eloise sa opisina. Niyakap siya ng dating nobya bago siya nakaiwas. Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ni Stefie.“Yes, I'm happy without you.”Sarili niyang mga salita. Kasinungalingan iyon. Mula nang umalis siya sa Santillan mansion, wala siyang naging payapang gabi. He missed home. She is his home. Ngu







