Transmigration: The Rise of the Battered Wife!

Transmigration: The Rise of the Battered Wife!

last updateLast Updated : 2026-11-17
By:  Chocomint WinchesterUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

This book is a Reverse Transmigration! Hope you all enjoy it! . . Vanessa is the gentle, soft-spoken, yet martyred housewife of Calix Buenaventura, a soon-to-be-promoted Sales Supervisor at a high-end jewelry company. She never dared to speak back to anyone, even when her husband's family degraded her. Everything changed when Calix filed for divorce. Vanessa didn't just tear up the papers; she mocked Cianne, her husband's mistress, threw tantrums in front of her in-laws, and threatened the housemaid who once helped humiliate her. The reason is that a new soul entered her supposedly dead body. She is Evelyn—an ancient, villainous sister-in-law from a 50-year-old book who died during the same solar eclipse as Vanessa, uttering the exact same deathbed words: "If I'm given another chance to live, I promise to be better..." Now, the battered wife has transformed into a fierce force, commanding all of them to kneel before her.

View More

Chapter 1

EPISODE 1

Dalawang oras na ang nakalipas simula nang magising ako at natapos ko ring halungkatin ang lahat ng memorya ng totoong may-ari ng katawan kung nasaan ako ngayon.

Pagmamay-ari ito ni Vanessa Buenaventura. At ako naman ay si Evelyn, ang ikalawang anak ng mahistrado mula sa Bayan ng Dever.

Napangisi na lang ako habang nginunguya ang matamis na mansanas na hawak ko. Binuhos lang naman ng babaeng ito ang buong buhay niya sa pag-iyak at pagmamakaawa sa asawa niya at sa mga in-laws niya na tinatrato siyang parang basura.

Nakakatawa pero sadyang kaawa-awa!

Sa Hacienda Lin at sa buong bayan namin, ako lang ang pwedeng mangmaliit kanino man. Matalino ako at sanay akong laging nasusunod. Ngunit ang huling naalala ko bago ako mapunta rito ay isang malagim na pangyayari. Sariwa pa sa akin ang duguan kong katawang nakahandusay sa malamig na sahig ng mansyon namin matapos akong traydurin ng sarili kong pamilya.

Kasabay ng biglang pagdilim ng langit dahil sa isang paglalaho ng araw, naalala ko pa ang huling sinabi ko bago ako malagutan ng hininga. Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit, ipinapangako kong magiging mas mabuti ako.

Hindi ko lang inakala na sa ganitong kakaibang panahon ako magigising. At ang mas nakakagulat, kanina ko pa kinakalikot ang isang bloke ng bagay na hindi ko mawari kung ano. Tila ito pinaliit na telebisyong may kulay.

Isa pa, tawang-tawa ako dahil nakakapagsalita ako ng Ingles nang hindi kailangang mabulol.

"Hello everyone! I am Evelyn, and I am the most beautiful lady in town!" May pagtapik-tapik pa ako sa aking binti.

"Ouch!" Nakalimutan kong puro pasa nga pala ang katawan ko at may benda pa ang ulo ko.

Sa totoo lang, napapailing na lang ako kanina pa. Halos mabaliw ako sa dami ng kakaibang impormasyon na pumasok sa isip ko. Mga kahong umiilaw, mga sasakyang bakal na walang kabayo, at mga gamit na kailanman ay hindi ko nakita sa buong buhay ko. Pero dahil sanay akong mag-analisa ng mga kumplikadong bagay at dahil tila nakaukit pa rin sa utak ng katawang ito ang mga natutunan niya, mabilis kong napagtagpi-tagpi ang lahat. Parang isang lumang liham na biglang luminaw sa paningin ko.

Pero ang sigurado akong nangyari ay buhay ako, sa loob ng katawan ni Vanessa.

At doon ko naintindihan kung bakit kami narito sa lugar na tinatawag nilang ospital.

Ito ang araw ng pagpunta ni Vanessa sa Prosecutor's Office para pormal na ipasa at pirmahan ang divorce papers na matagal nang pinipilit sa kanya ni Calix, ang kaniyang asawa. Ngunit dahil sa sobrang sakit ng loob at pag-iyak habang nagmamaneho patungo roon, nanlabo ang paningin niya sa luha at hindi niya napansin ang paparating na malaking truck sa gitna ng kalsada.

Sumalpok ang sasakyan niya kasabay ng pagdilim ng langit, na katulad ng nasaksihan ko sa bingit ng aking kamatayan. Sa tingin ko'y namatay siya, at ang kaluluwa ko ang pumasok sa walang buhay niyang katawan.

Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ngayon, nag-hysterical na at nagwawala na sa takot. Pero hindi ako. Sayang lang sa lakas ang mag-panic.

Kumagat ulit ako sa hawak kong mansanas nang napapaisip. Kung ako na ang gagamit ng katawan ni Vanessa, dapat lang na lumaban ako. Isa pa, wala sa ugali ko ang magpatalo. Ako ang kinatatakutang evil step-sister sa buong bayan namin.

Naaalala ko pa lahat ng kalupitang ginawa ko sa iba. At ang pinakasariwa sa utak ko ay kung paano ko pinalayas ang asawa ng kapatid ko nang dis-oras ng gabi habang malakas ang ulan dahil lang sinubukan niya akong kalabanin. Kaya kung inakala ng pamilya ng asawa ng babaeng ito na makakaya nila ako, nagkakamali sila!

Ngunit sa gitna ng pagmumuni-muni ko'y biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok ang isang babaeng kakaiba ang ayos ng buhok at suot na damit. May bitbit siyang supot na plastik ng mga prutas at bulaklak.

Napatigil ako sa pagnguya ng mansanas at tinitigan siya nang mabuti. Sino na naman ang lapastangang ito na basta-basta na lang pumapasok nang walang pahintulot?

"Essa! Gising ka na pala! Oh my god, akala ko hindi ka na magigising!" sigaw niya sabay takbo palapit sa kama ko at muntik na akong yakapin.

Mabilis akong umiwas, kahit kumirot nang bahagya ang tagiliran ko, at tinaasan siya ng kilay. "Sino ka? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatang pumasok dito nang hindi kumakatok?" malamig kong tanong.

Natigilan ang babae. Nanlaki ang mga mata niya sa takot sa inasta ko, pero agad din iyong napalitan ng matinding pag-aalala.

"Essa... ako 'to, si Maya. Ang best friend mo," umiiyak na sabi niya. "Diyos ko, nauntog ba nang malakas ang ulo mo sa car accident na 'yan? Nakalimutan mo na ba ako? Doctor! Kailangan ko atang tawagin ang doctor!"

Essa? Best friend? Car accident?

Napahawak na lang ako sa aking ulo. Mabilis kong binalikan ang mga alaalang nakuha ko mula kay Vanessa at doon ko nakita ang mukha ng babaeng ito. Si Maya. Ang nag-iisang taong nagmamalasakit at nagtatanggol kay Vanessa sa tuwing inaapi siya ng asawa niya.

Mabilis kong itinago ang pagtataka ko at agad na sumakay sa eksena. Kung gagamitin ko ang katawang ito para maghiganti, kailangan ko ng kakampi na nakakaalam ng lahat ng galaw ng kalaban.

Pinatong ko ang mansanas sa lamesa, huminga nang malalim, at pinilit kong palambutin nang bahagya ang ekspresyon ng mukha ko.

"Huwag mo nang tawagin ang doctor, Maya," sabi ko nang mahina, kunwari ay hinihilot ang sentido ko. "Sumakit lang ang ulo ko kaya medyo nanlabo ang paningin ko kanina. Naalala kita, syempre."

Nakahinga nang maluwag si Maya at agad na naupo sa silya sa tabi ng kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang umiiyak pa rin.

"Pinakaba mo ako nang sobra, Essa! Alam mo bang halos mamatay ako sa takot nang mabalitaan kong naaksidente ka habang papunta ka sa Prosecutor's Office?! At isa pa, alam mo ba kung anong ginagawa ng magaling mong asawa ngayon?!" gigil na sabi niya.

Habang nagsasalita si Maya, bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagdaanan ni Vanessa. Hindi lungkot ang naramdaman ko. Mas lalong hindi ako naiyak. Sa halip, kumulo ang dugo ko sa matinding galit dahil sobrang nainsulto ang pride ko.

Sa Angkan ng Lin at sa buong hacienda namin, kami ang batas. Sanay ako na ako ang may hawak sa leeg ng mga muchacha. Kaya ang makita na ang katawang kinalalagyan ko ngayon ay tinrato lang na parang aso ni Calix Buenaventura at ng buong pamilya niya ay isang napakalaking sampal sa dignidad ko.

Ginawa siyang katulong ng buong pamilya ni Calix. Nagbabad si Vanessa sa kusina kahit may lagnat para sa kaarawan ng biyenan niya, pero dinuraan lang ng matanda ang pagkain niya sa harap ng maraming bisita at pinaglinis siya sa sahig habang tumatawa ang mga hipag niya at ang mga katulong sa bahay.

Itinulak din siya sa hagdan ni Calix para lang maibigay ang paborito niyang vintage ring sa kabit nitong si Cianne De Vera. At ngayong malapit nang ma-promote si Calix bilang Sales Supervisor sa isang high-end jewelry company, pinilit nito si Vanessa na makipag-divorce na dahil nakakahiya na raw itong iharap sa mga mayayaman. Iyon ang dahilan kung bakit papunta na sana siya sa Prosecutor's Office bago siya naaksidente.

How dare this trash and his pathetic family touch a body that I am occupying now? Pinalampas ng orihinal na Vanessa ang lahat ng ito, pero ngayong ako na ang may hawak ng buhay na ito, sisiguraduhin kong pagbabayaran nilang lahat ang bawat segundo.

Tiningnan ko si Maya at ngumisi nang malamig. "Maya... nasaan si Calix ngayon?"

"Nandoon siya sa labas, Essa," galit na bulong ni Maya. "Kausap ang doctor. Nagrereklamo pa nga dahil masyado raw malaki ang babayaran sa ICU at nag-aaksaya ka lang daw ng pera niya. Kasama pa niya 'yung makapal ang mukhang kabit niyang si Cianne!"

Napa-smirk ako sa sobrang disgusto. Perfect. "Papasukin mo sila, Maya. Sabihin mo, handa na akong makipag-usap."

Bago pa man makagalaw si Maya, bigla nang bumukas nang malakas ang p***o. Pumasok ang isang matangkad na lalaking may mayabang ang tindig, at nakakapit sa braso niya ang isang babaeng naka-maikling designer dress at sobrang kapal ng make-up.

Kumunot ang noo ko at napatitig ako sa kanilang dalawa nang may matinding pagkamuhi. Mula sa mga alaala ni Vanessa, kilalang-kilala ko agad ang pagmumukha ng dalawang linta na sumira sa buhay niya. Sila ay sina Calix Buenaventura at Cianne De Vera.

Pagpasok pa lang ni Cianne, agad niyang tinakpan ang ilong niya na parang diring-diri sa amoy ng ospital, sabay tingin sa akin nang may pang-iinsulto mula ulo hanggang paa.

"Mabuti naman at gising ka na, Vanessa," asik ni Calix. "Alam mo ba kung magkano ang inaabot ng bill mo rito sa ICU? Masyado kang nag-aaksaya ng pera! Hindi ka na nga nakarating sa Prosecutor's Office para tapusin ang divorce natin, dinagdagan mo pa ang gastos ko ngayong malapit na akong ma-promote sa jewelry company!"

"Oo nga naman, Vanessa," singit ni Cianne habang sinasadyang ihaplos sa braso ni Calix ang kamay niya. Kumislap sa daliri ni Cianne ang vintage ring na inagaw ni Calix kay Vanessa bago ito itinulak sa hagdan. "Tingnan mo naman ang hitsura mo ngayon. Puro benda at mukhang kawawa. Hindi ka na talaga bagay sa tabi ni Calix lalo na ngayong magiging supervisor na siya sa isang high-end jewelry company. Ako na ang kailangan niya sa mga party, hindi isang mukhang katulong na katulad mo."

"Hoy, Cianne! Ang kapal ng mukha mong pumasok dito at ipagyabang pa 'yang singsing na ninakaw niyo kay Essa!" sigaw ni Maya na agad humarang sa harap ko.

"Excuse me? Ninakaw?" Tinaasan ni Cianne ng kilay si Maya sabay tawa nang malandi. "Binigay ito sa akin ni Calix dahil mas bagay ito sa maputi at makinis kong kamay. Hindi tulad ng kamay ni Vanessa na amoy sibuyas at sabong panlaba! Kaya kung ako sa'yo, Vanessa, pirmahan mo na 'yang papel nang matahimik ka na."

"Shut up, Maya! Eksena 'to ng mag-asawa, huwag kang makialam!" singhal ni Calix sabay baling sa akin. Ibinato niya ang isang folder sa ibabaw ng kumot ko. "Dala ko ang private copy ng divorce papers. Pirmahan mo na 'yan ngayon din para ako na mismo ang magpasa sa Prosecutor's Office. Isang buwan na allowance lang ang ibibigay ko sa'yo para matapos na 'to. Umalis ka na sa buhay ko."

Tiningnan ko ang folder, tapos ay dahan-dahang kong inilipat ang tingin ko sa singsing na nasa daliri ni Cianne, bago ko tinitigan nang malamig si Calix.

Gusto kong murahin sila at sabihing mga 'hampaslupang walang kwenta' gamit ang mga salitang nakasanayan ko sa mansyon namin. Pero nang buksan ko ang bibig ko, mas lalong gumana ang muscle memory ng utak ni Vanessa at kusang lumabas ang napakadulas at malalim na Ingles.

"You dare bark in front of me, you insignificant piece of trash?" malamig kong sabi.

Napatigil ang buong kwarto. Nanlaki ang mga mata nina Calix at Cianne, habang si Maya naman ay napanganga sa tabi ko. Maging ako ay bahagyang napangisi sa loob-loob ko. Purong Tagalog, lumang wika, at kaunting Kastila lang ang alam ko sa Hacienda Lin dahil nabubulol ako sa Ingles noon. Pero ngayon, parang natural na lang sa dila ko ang makipagbastusan gamit ang wikang ito.

"E-Essa?" utal na tawag sa akin ni Maya. "A-ayos ka lang ba talaga?"

"W-What did you just call me?" galit na tanong ni Calix, pero kitang-kita ko sa mukha niya ang matinding pagkalito. Sanay siya kay Vanessa na laging umiiyak at nagmamakaawa nang nakayuko. Ang marinig ang asawa niya na magsalita ng nakakainsultong Ingles habang nakatitig sa kanya na parang papatayin siya ay malinaw na hindi niya inaasahan.

"I said," pag-uulit ko, dahan-dahang hinahawakan ang folder kahit bahagyang kumikirot ang pasa sa braso ko, "you are a piece of trash. Did you honestly think I would sign this pathetic contract and let you off easy?"

Bago pa man siya makasagot, buong pwersa kong pinunit ang dokumento sa dalawa nang walang pag-aalinlangan sa harap nilang dalawa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Vanessa?!" sigaw ni Calix sabay hampas sa lamesa sa tabi ng kama.

Napasigaw din si Cianne at biglang nag-arte na parang nasaktan. Kumapit siya nang mahigpit sa braso ni Calix at nagkunwaring naiiyak. "Calix, tingnan mo si Vanessa! Tinatakot niya ako! Baka saktan niya ako rito! Vanessa, sobra ka naman! Papunta ka na sa Prosecutor's Office kanina para palayain si Calix, bakit bigla kang nagbago ng isip?!"

"Palalayain? Bakit ko naman gagawin 'yon? Sorry, pero nagbago na ang isip ko. Hindi kita idi-divorce, Calix."

"Ano?! At bakit? Don't tell me na patay na patay ka pa rin sa akin! Mahal mo pa rin ako?"

Ang taas din naman ng bilib niya sa sarili!

"Mahal ka?" Natawa ako nang bahagya. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. "Of course I don't. Tingin mo ba ang isang home-wrecker na tulad ng kerida mo ang magpapabagsak sa akin? Never!"

Sa bayan namin, tinatawag nila akong Manisilat, ang diyosa ng mga wasak na tahanan, dahil walang relasyong tumatagal kapag ako na ang nakialam. Tingin ba nila hahayaan kong maranasan ang ganoong kahihiyan?

Hinarap ko si Cianne na ngayon ay putlang-putla na at nanginginig ang kamay habang nakatago sa likod ni Calix. Tinitigan ko nang matalim ang singsing sa daliri niya.

"At tungkol diyan sa suot mong singsing, Cianne," bulong ko, "enjoyin mo na habang nasa daliri mo pa. Dahil kapag binawi ko 'yan sa'yo, sisiguraduhin kong kasama ang mga daliri mo sa mapuputol."

Napasinghap si Cianne at napaatras nang dalawang hakbang sa sobrang takot.

"Gusto mong agawin ang asawa ko? Pwes, ang marriage license na ito ang gagawin kong bad karma niyo," patuloy ko habang nakatitig sa kanilang dalawa. "Lahat ng perang kikitain ni Calix mula sa promotion niya sa jewelry company ay sa akin mapupunta bilang legal na asawa. At ikaw, Cianne? Habambuhay kang magiging isang kerida, mang-aagaw, at isang maruming babae."

"What?!" Halos sabay na sambit nina Calix at Cianne.

Ngunit hindi na sila nakapagpatuloy dahil pumasok na ang mga hospital security na tinawagan pala ni Maya mula sa ibaba kani-kanina lang.

Nakikipagtalo pa ang dalawa sa security habang lumalabas ng silid. Maya-maya'y sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko sa natatanaw.

"Ay!"napasigaw ako sa gulat.Napatayo na lang ang balahibo ko sa lakas ng tunog mula sa cellphone. Nang tingnan ko ang screen, tumatawag ang biyenan ni Vanessa— si Doña Clara.

Sinagot ko ito at inilagay sa loudspeaker, kasabay ng pagguhit ng isang excited na ngiti sa labi ko. Panahon na para tikman nila ang bangis ng isang Señorita mula sa Hacienda Lin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status