LOGINTo my dear readers, thank you so much for making this year meaningful with your love and support. May your Christmas be filled with love, laughter, and beautiful stories.
Tumahimik ang buong conference room.May kung anong dumaan sa mukha ni Warren, isang mabilis na pagdilim ng tingin, isang tikom ng panga, isang galit na agad nitong itinago sa likod ng ngiti.Pero hindi niya hahayaan na ang presentation na ito ay maging laban nila ni Warren. Nais niyang ipakita sa Luxe Coastal Development na kaya niyang pamunuan ang Ayala Premier Holdings nang hindi nagtatago, hindi nagsisinungaling, at hindi nagpapadala sa takot.Humarap siyang muli sa investors.“Now,” sabi niya, boses ay malinaw, “I’d like to discuss Luxe Coastal’s future.”May bahagyang paggalaw sa labi ni Adrian Vale. Hindi iyon full smile, pero sapat para malaman ni Fiona na narinig nito ang control sa boses niya.Sumandal si Ms. Cruz, nakahalukipkip, pero nanatiling nakatutok kay Fiona ang mga mata nito.Lumipat ang slide sa updated projection. Sa kabilang screen, nanatiling naka-display ang comparison, original draft, independent estimate, at corrected projection.“Ang unang figure na nakita n
There it was.The trap dressed as courtesy.Ramdam ni Fiona ang paglapit ni Theo sa tabi niya. Hindi ito humarang. Hindi nito sinagot para sa kanya. Tumayo lang ito roon, tahimik, matatag, sapat para ipaalala sa kanya na hindi siya mag-isa.“Then it’s good that you came,” sabi ni Fiona, kalmado ang boses. “You’ll see exactly how ready we are.”Bahagyang kumunot ang noo ni Warren, para bang hindi nito inaasahan ang sagot niya.“I only wanted to help,” sabi ni Warren, mahinahon ang boses. “The sooner they hear from you, the sooner they can decide if Ayala Premier is still worth trusting.”Umupo ang investors. Si Warren naman ay nanatiling nakatayo sa tabi niya, malapit sa screen, na para bang naghihintay sa unang bitak.Pinagmasdan ni Fiona ang mukha nito.May ngiti ito, pero hindi niya mabasa kung gusto ba siya nitong iligtas o itulak sa bangin.“How thoughtful,” sagot niya, kasing lamig ng pagkakangiti niya.“I’ve always been thoughtful when it comes to you.”Sa gilid ng mata niya, na
Tumayo si Theo at lumapit sa likod ni Fiona.“Again. This time, huwag kang hihingi ng permission sa room.”“What does that even mean?”“Shoulders back,” sabi nito.Bahagyang dumampi ang kamay nito sa siko niya, inaayos ang tindig niya.“Chin level,” dagdag nito. “Huwag mong ibaba ang tingin mo. Kapag ikaw mismo mukhang humihingi ng approval, ibibigay nila sa’yo ang rejection.”“Hindi ako beauty queen.”“Good. Kasi hindi crown ang kukunin mo.” Lumapit nang bahagya ang boses nito sa tenga niya. “Project.”Napakurap siya.Masyado itong malapit.Masyado ring kalmado.At sobrang nakakainis dahil habang tinuturuan siya nitong humarap sa investors, siya naman ay nahihirapang humarap sa sariling tibok ng puso.Inabot ni Theo ang presentation clicker.“From the top.”Kinuha niya iyon. Pero nagtama ang mga daliri nila.Pareho silang natigilan.Si Theo ang unang bumitaw.“Again,” mahina nitong sabi. “From the top.”Huminga nang malalim si Fiona.This time, hindi niya ginaya ang boses ng ama niya
“Kumusta ang presentation?” tanong ni Theo.“Hindi pa final.”Doon na siya napabuntong-hininga at sumandal sa upuan.“Kapag hindi natin nakuha ang project na ito,” mahina niyang sabi, lahat ng sinasabi nila tungkol sa akin magiging totoo. Na anak lang ako ni Don Lorenzo. Na kaya lang ako narito dahil Ayala ang apelyido ko. Na hindi ko kayang mamuno nang walang sasalo sa akin.”Hindi agad sumagot si Theo.Lumapit ito sa tabi ng desk niya.“Alam kong kaya mo.”Napatitig lang siya rito.Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang magulong buhay niyang ito, may isang taong nagtitiwala sa kanya.Pero habang nakatitig siya sa unang slide, parang biglang naging mabigat ang bawat salita.“Ayala Premier Holdings: Building Trust Through Responsible Luxury”Trust.Halos matawa siya.Paano niya ibebenta ang trust kung ang sariling kumpanya nila ay nilalamon ng anomalya at eskandalo?“Kaya ko ito,” ulit niya, na para bang kapag sinabi niya nang sapat na beses, magiging totoo.Hindi agad sumagot s
Natigilan si Fiona.Huminga siya nang mabagal. “I’m sorry.”Parang iyon ang unang beses na hindi nito alam ang isasagot.Then, softly, he smiled.“Grabe. Promotion at apology.” Bahagya nitong ikiniling ang ulo. “Baka bukas mahal mo na ako.”“Never,” mabilis niyang sagot.Theo’s smile stayed, but his eyes softened in a way that made her chest ache.“Good,” mahina nitong sabi. “Kasi delikado kapag umasa ako.”Hindi siya nakapagsalita. At dahil wala siyang mahanap na sagot, bigla siyang tumayo.“Tara uwi na tayo.”Pag-uwi nila sa mansion, pareho silang pagod.Tahimik silang pumasok sa kuwarto.Si Fiona ay dumiretso sa gilid ng kama at marahang inalis ang hikaw. Si Theo naman ay huminto malapit sa armchair at sinimulang tanggalin ang blazer nito. Wala nang energy para mag-asaran.Habang inaayos ni Fiona ang buhok niya sa harap ng salamin, bigla siyang nagsalita.“Saan nakakuha ng apartment si Angel?”Napatigil si Theo sa pagtupi ng manggas.“Bakit?”Hindi siya lumingon. “Background check.
Dahan-dahan siyang napatingin kay Shaira.“You like your job, Shaira?”Agad na yumuko ang secretary niya. “I love my job, Ma’am. Very much.”“Good.”“I’ll leave the files na lang po,” mabilis nitong sabi, saka halos tumakbo palabas.Naiwan si Fiona sa tahimik na office.Muli niyang tiningnan ang phone niya.Walang bagong message.Bakit ba siya naghihintay? Hindi naman niya hiniling na mag-update ito. Hindi naman niya sinabing huwag umalis. Siya mismo ang nagsabing samahan nito si Angel.Makalipas ang halos isang oras, nag-vibrate ang phone niya.“Kumain ka na?” anang message ni Theo.Tinignan niya iyon.Hindi niya nireplyan.Lumipas ang limang minuto.Isa pang message. “Gusto mo ba magpadeliver ako ng pagkain mo.”Hindi pa rin siya nag-reply.Fifteen minutes later, kumatok ang staff sa pinto niya, may dalang paper bag mula sa paborito niyang restaurant.“Ma’am, delivery po.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ako nag-order.”“Galing po kay Sir Theo.”Natigilan siya.Tinanggap niya ang paper
Tahimik ang opisina, bukas lang ang desk lamp ni Sebastian. Nakaupo si Jenny sa kabilang side ng mesa, hawak ang tablet kung saan nakabukas ang ilang company reports.“We need to bounce back after that bidding loss. I’m considering pushing the Greenfield Resort project forward by a quarter. Pero hin
Nanatiling nakatitig si Sebastian kay Yaya Cora, tila naghihintay ng kasagutan. Mabilis namang nag-isip ang matanda, ramdam ang tensyon at ang mga matang nakatingin sa kanya ni Jenny, na parang nagsusumamo na kailangan nating panindigan ito.Nagpahid ng luha ang matanda at nagbuntong-hininga bago na
“Let’s meet. Same time. Pero this time sa katabing coffee shop,” sabi ni Noah sa chat.Napasinghap si Jenny, agad na lumingon sa terrace kung saan may kausap si Sebastian. Mabuti na lang at abala ito. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-
Nagpatuloy si Jenny sa pagsasalita.“Alam kong marami ang nagdududa. Ngunit hindi ako nandito para ipilit ang sarili ko. Nandito ako para ipakita na kaya nating ituloy ang pangarap ni Sebastian para sa kumpanyang ito.”Tahimik ang buong silid. Ang kaba niya, halata pa rin, ngunit may lakas ang tinig







