เข้าสู่ระบบHindi umalis si Damon sa labas ng Ayala Bay Resort.Nanatili siyang nakaupo sa loob ng SUV, nakatitig sa villa kung saan niya nakita ang anino ng isang babae. Paminsan-minsang gumagalaw ang kurtina, ngunit walang lumalabas. Ilang ulit niyang naisip na kausapin muli ang mga empleyado, subalit malinaw ang bilin sa mga ito, walang bisitang papapasukin habang isinasagawa ang renovation.At alam niyang hindi ang pagsuway sa kagustuhan ni Felicity ang pinakamagandang paraan upang mabawi ito.Lumalim ang gabi. Isa-isang namatay ang mga ilaw sa loob ng resort hanggang sa ilaw na lamang ng mga poste ang natira. Ibinaba ni Damon ang sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata, ngunit hindi siya dinalaw ng antok.Nandoon si Felicity.Ilang metro lamang ang layo nito, ngunit tila napakalawak pa rin ng pagitan nila.Bago sumikat ang araw, nakatulog din siya. Nagising lamang siya nang tumama sa mukha niya ang liwanag na pumapasok sa windshield.Napaupo siya at tumingin sa resort. Sarado pa rin ang g
“Felicity, sagutin mo ako.”Nakatutok ang paningin ni Damon sa kalsada habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang asawa. Hindi makapasok ang mga tawag. Ilang beses din siyang nagpadala ng mensahe, ngunit hindi naipadala ang mga iyon.Naka-block pa rin siya.Mas hinigpitan niya ang hawak sa manibela. Matapos kausapin si Divine, malinaw na sa kanya kung sino ang babaeng gusto niyang makasama. Halos hindi na siya nagtagal sa IronGate. Iniwan niya kay Julian ang pag-aasikaso sa pormal na salaysay ni Divine at nagmaneho pabalik sa Barangay Mabunga.Gayunman, may kakaibang kaba sa dibdib niya.Nang marating ang paupahan, mabilis niyang ipinark ang SUV at bumaba. Sarado ang pinto ng unit ni Felicity.Kumatok siya.“Fel?”Walang sumagot.Muli siyang kumatok, mas malakas na ngayon. “Felicity, ako ito. Mag-usap tayo.”Tahimik ang loob.Tinawagan niya si Kapitan, na dumating makalipas ang ilang minuto.“Damon, umalis si Fel.”“Pwede po bang mahiram ang susi?”Inabot ng kapitan ang susi kay Damon.
Samantala, pagkababa ni Felicity sa sasakyan ng paaralan, pinilit niyang ngumiti nang magpaalam ang principal at iba pang guro. Umuwi siya sa apartment.Sarado ang pinto ng unit ni Damon.Hindi niya alam kung bakit pa siya huminto roon. Malamang, hindi na rin ito babalik ngayong kusang nagpunta sa IronGate si Divine. Nakuha na nito ang pagkakataong matagal na nitong hinihintay.At siya?Isa lamang siyang contract wife na hindi marunong sumunod sa pinakamahalagang kondisyon ng kasunduan nila.Never fall in love with me.Iniwas ni Felicity ang tingin sa pinto. Pumasok siya sa sariling unit, nagpalit ng damit, at humiga.Kinabukasan, kahit tinatamad ay bumangon siya.Kailangan niyang maging abala. Kapag hinayaan niyang manatiling tahimik ang paligid, baka maalala na naman niya ang pagmamadali ni Damon na puntahan ang first love nito.Naabutan niya sa covered court ang mga gurong nag-aayos ng pagkain para sa almusal ng mga bata. Lumapit siya sa mga ito upang tumulong.Nakipagbiruan siya s
Hindi kaagad nakasagot si Damon. Nakatutok ang tingin niya kay Felicity, na nakatayo ilang hakbang mula sa kanya.“Sabihin mong hintayin niya ako,” sagot niya. “Ihahatid ko muna si Felicity.”“Damon, ilang taon nating hinintay ito,” paalala ni Julian. “Baka umalis ulit si Divine.”“Papunta na ako.”Pinatay niya ang tawag, ngunit bago pa niya maibulsa ang cellphone, nagsalita si Felicity.“Puntahan mo na siya.”“Hindi kita iiwan dito.”“Kasama ko sina Enzo at ang mga guro. Makakauwi ako.”“Maputik ang daan at mahina ang signal. Ihahatid muna kita sa apartment.”“Hindi na kailangan.” Dinampot ni Felicity ang bakanteng kahon at nagpatuloy sa paglalakad. “Baka mawala na naman ang babaeng matagal mong hinihintay.”Sinundan niya ito hanggang sa marating nila ang mga sasakyan. Wala na siyang pagkakataong makipagtalo dahil sumakay kaagad si Felicity sa sasakyan ng paaralan kasama sina Enzo at ang principal.Lumapit siya sa bukas na bintana.“Babalik ako ngayong gabi.”Hindi siya nilingon ni F
“May ibang nakakita sa mga video?”“Wala. Ako lang.”“Sigurado ka?”“Oo.”“Nasaan ang pouch?”“Nasa ligtas na lugar.” Itinaas niya ang kamay na binalutan nito upang ipakitang wala siyang balak lumapit. “Ibabalik ko kapag nakauwi na tayo.”Humigpit ang pagkakahawak ni Felicity sa first-aid kit. “Hindi mo dapat pinanood ang mga iyon.”“Hinahanap kita. Hindi ko alam kung nasaan ka o kung anong panganib ang pinasok mo.”“Wala ka pa ring pakialaman ang gamit ko.”“Hindi ko ginalaw ang ibang files maliban sa mga kailangan kong tingnan. Wala rin akong kinopya o ipinakita kahit kanino.”Nanatiling nakatitig sa kanya si Felicity.“Mali ako tungkol sa ’yo,” sabi ni Damon.Kumunot ang noo nito.“Akala ko, spoiled heiress ka lang na walang pakialam sa iba.” Huminga siya nang malalim. “Hindi ko alam na ilang beses mo nang isinugal ang sarili mo para ilantad ang mga kriminal at tulungan ang mga biktima.”“Late na ‘yang paghanga mo.”“Late doesn’t mean I can’t make things right.”Iniwas ni Felicity
“Bakit ipinahinto ang paghahain ng annulment petition?”Ipinakita ni Felicity kay Damon ang email mula sa abogado. Matalim ang tingin nito, at halatang hindi nito nagustuhan ang nabasa.“Bakit hindi mo man lang ako kinakausap?”“Hindi ko naman ipinahinto.” Nanatiling kalmado ang mukha ni Damon kahit alam niyang nagsisinungaling siya. “May nakaligtaan lang daw akong pirmahan.”“Talaga?”“Oo. Kapag nakabalik tayo sa lungsod, pipirmahan ko ang kulang at ipa-file natin ulit.”Pinagmasdan siya ni Felicity na para bang sinusuri ang bawat salita niya. Tila hindi ito lubos na naniniwala. Lumapit si Enzo na may hawak na turon.“Hindi ka nakapag-meryenda kanina,” sabi ng guro kay Felicity. “Para sa ’yo.”Bago pa iyon matanggap ni Felicity, inagaw ni Damon ang turon at kinagatan.Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.“Masyadong matamis.” Muli siyang kumagat. “Hindi ito magugustuhan ni Fel.”“Hindi ko pa nga natitikman,” sabi ni Felicity.“Trust me. Hindi masarap.”Inubos niya ang natitirang t
Hindi agad sumagot si Iris. Sa halip, iniangat niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Daryl, dahan-dahan, parang tinitimbang ang salitang sasabihin.“Wala,” sagot niya sa wakas, malinaw at walang alinlangan. “Kahit konti. Ginusto ko ang nangyari.”Parang may nawalang bigat mula sa dibdib ni Daryl
Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo







