Compartilhar

Kabanata 502 Against All Odds

last update Data de publicação: 2025-12-29 20:40:13
Hindi agad nakasagot si Iris.

Nakatuon ang lahat ng mata sa kanya, mga bisita sa restaurant, mga cellphone na nakaangat, mga camera na kumikislap. Ang kanyang mga magulang at si Daryl ay nag-aabang ng kanyang sagot sa proposal.

“Iris?” muling tawag ni Harvey, bahagyang nanginginig ang boses. “Just say something…Huwag mo naman sanang ipahiya ang first love mo na nagligtas sa’yo.”

Huminga siya, pilit hinahanap ang tinig na tila nawala.

“Kailangan ko lang… ng kaunting panahon,” sabi niya sa wakas.
Maria Bonifacia

Mula sa puso, maraming salamat po sa pagsubaybay, comments, gifts, at gems! Godbless po!

| 42
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (9)
goodnovel comment avatar
Ernest Barricuatro
dati dlwa lang ngayon sobrang dmi ng patatastas nakakainis
goodnovel comment avatar
Ernest Barricuatro
grabe nman ang patalastas mas madami pa sa binabasa
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1165 His Confession

    Hindi umalis si Damon sa labas ng Ayala Bay Resort.Nanatili siyang nakaupo sa loob ng SUV, nakatitig sa villa kung saan niya nakita ang anino ng isang babae. Paminsan-minsang gumagalaw ang kurtina, ngunit walang lumalabas. Ilang ulit niyang naisip na kausapin muli ang mga empleyado, subalit malinaw ang bilin sa mga ito, walang bisitang papapasukin habang isinasagawa ang renovation.At alam niyang hindi ang pagsuway sa kagustuhan ni Felicity ang pinakamagandang paraan upang mabawi ito.Lumalim ang gabi. Isa-isang namatay ang mga ilaw sa loob ng resort hanggang sa ilaw na lamang ng mga poste ang natira. Ibinaba ni Damon ang sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata, ngunit hindi siya dinalaw ng antok.Nandoon si Felicity.Ilang metro lamang ang layo nito, ngunit tila napakalawak pa rin ng pagitan nila.Bago sumikat ang araw, nakatulog din siya. Nagising lamang siya nang tumama sa mukha niya ang liwanag na pumapasok sa windshield.Napaupo siya at tumingin sa resort. Sarado pa rin ang g

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1164 He Finally Called It Love

    “Felicity, sagutin mo ako.”Nakatutok ang paningin ni Damon sa kalsada habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang asawa. Hindi makapasok ang mga tawag. Ilang beses din siyang nagpadala ng mensahe, ngunit hindi naipadala ang mga iyon.Naka-block pa rin siya.Mas hinigpitan niya ang hawak sa manibela. Matapos kausapin si Divine, malinaw na sa kanya kung sino ang babaeng gusto niyang makasama. Halos hindi na siya nagtagal sa IronGate. Iniwan niya kay Julian ang pag-aasikaso sa pormal na salaysay ni Divine at nagmaneho pabalik sa Barangay Mabunga.Gayunman, may kakaibang kaba sa dibdib niya.Nang marating ang paupahan, mabilis niyang ipinark ang SUV at bumaba. Sarado ang pinto ng unit ni Felicity.Kumatok siya.“Fel?”Walang sumagot.Muli siyang kumatok, mas malakas na ngayon. “Felicity, ako ito. Mag-usap tayo.”Tahimik ang loob.Tinawagan niya si Kapitan, na dumating makalipas ang ilang minuto.“Damon, umalis si Fel.”“Pwede po bang mahiram ang susi?”Inabot ng kapitan ang susi kay Damon.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1163 Two Lines

    Samantala, pagkababa ni Felicity sa sasakyan ng paaralan, pinilit niyang ngumiti nang magpaalam ang principal at iba pang guro. Umuwi siya sa apartment.Sarado ang pinto ng unit ni Damon.Hindi niya alam kung bakit pa siya huminto roon. Malamang, hindi na rin ito babalik ngayong kusang nagpunta sa IronGate si Divine. Nakuha na nito ang pagkakataong matagal na nitong hinihintay.At siya?Isa lamang siyang contract wife na hindi marunong sumunod sa pinakamahalagang kondisyon ng kasunduan nila.Never fall in love with me.Iniwas ni Felicity ang tingin sa pinto. Pumasok siya sa sariling unit, nagpalit ng damit, at humiga.Kinabukasan, kahit tinatamad ay bumangon siya.Kailangan niyang maging abala. Kapag hinayaan niyang manatiling tahimik ang paligid, baka maalala na naman niya ang pagmamadali ni Damon na puntahan ang first love nito.Naabutan niya sa covered court ang mga gurong nag-aayos ng pagkain para sa almusal ng mga bata. Lumapit siya sa mga ito upang tumulong.Nakipagbiruan siya s

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1162 The Goodbye He Waited

    Hindi kaagad nakasagot si Damon. Nakatutok ang tingin niya kay Felicity, na nakatayo ilang hakbang mula sa kanya.“Sabihin mong hintayin niya ako,” sagot niya. “Ihahatid ko muna si Felicity.”“Damon, ilang taon nating hinintay ito,” paalala ni Julian. “Baka umalis ulit si Divine.”“Papunta na ako.”Pinatay niya ang tawag, ngunit bago pa niya maibulsa ang cellphone, nagsalita si Felicity.“Puntahan mo na siya.”“Hindi kita iiwan dito.”“Kasama ko sina Enzo at ang mga guro. Makakauwi ako.”“Maputik ang daan at mahina ang signal. Ihahatid muna kita sa apartment.”“Hindi na kailangan.” Dinampot ni Felicity ang bakanteng kahon at nagpatuloy sa paglalakad. “Baka mawala na naman ang babaeng matagal mong hinihintay.”Sinundan niya ito hanggang sa marating nila ang mga sasakyan. Wala na siyang pagkakataong makipagtalo dahil sumakay kaagad si Felicity sa sasakyan ng paaralan kasama sina Enzo at ang principal.Lumapit siya sa bukas na bintana.“Babalik ako ngayong gabi.”Hindi siya nilingon ni F

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1161 Choosing Between the Past and the Present

    “May ibang nakakita sa mga video?”“Wala. Ako lang.”“Sigurado ka?”“Oo.”“Nasaan ang pouch?”“Nasa ligtas na lugar.” Itinaas niya ang kamay na binalutan nito upang ipakitang wala siyang balak lumapit. “Ibabalik ko kapag nakauwi na tayo.”Humigpit ang pagkakahawak ni Felicity sa first-aid kit. “Hindi mo dapat pinanood ang mga iyon.”“Hinahanap kita. Hindi ko alam kung nasaan ka o kung anong panganib ang pinasok mo.”“Wala ka pa ring pakialaman ang gamit ko.”“Hindi ko ginalaw ang ibang files maliban sa mga kailangan kong tingnan. Wala rin akong kinopya o ipinakita kahit kanino.”Nanatiling nakatitig sa kanya si Felicity.“Mali ako tungkol sa ’yo,” sabi ni Damon.Kumunot ang noo nito.“Akala ko, spoiled heiress ka lang na walang pakialam sa iba.” Huminga siya nang malalim. “Hindi ko alam na ilang beses mo nang isinugal ang sarili mo para ilantad ang mga kriminal at tulungan ang mga biktima.”“Late na ‘yang paghanga mo.”“Late doesn’t mean I can’t make things right.”Iniwas ni Felicity

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1160 My Wife’s Secret

    “Bakit ipinahinto ang paghahain ng annulment petition?”Ipinakita ni Felicity kay Damon ang email mula sa abogado. Matalim ang tingin nito, at halatang hindi nito nagustuhan ang nabasa.“Bakit hindi mo man lang ako kinakausap?”“Hindi ko naman ipinahinto.” Nanatiling kalmado ang mukha ni Damon kahit alam niyang nagsisinungaling siya. “May nakaligtaan lang daw akong pirmahan.”“Talaga?”“Oo. Kapag nakabalik tayo sa lungsod, pipirmahan ko ang kulang at ipa-file natin ulit.”Pinagmasdan siya ni Felicity na para bang sinusuri ang bawat salita niya. Tila hindi ito lubos na naniniwala. Lumapit si Enzo na may hawak na turon.“Hindi ka nakapag-meryenda kanina,” sabi ng guro kay Felicity. “Para sa ’yo.”Bago pa iyon matanggap ni Felicity, inagaw ni Damon ang turon at kinagatan.Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.“Masyadong matamis.” Muli siyang kumagat. “Hindi ito magugustuhan ni Fel.”“Hindi ko pa nga natitikman,” sabi ni Felicity.“Trust me. Hindi masarap.”Inubos niya ang natitirang t

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 387 A Scar and a Secret

    Hinawakan ni Lucas si Maya. “Pumasok ka na sa loob. Titignan ko. Baka hayop lang ‘yon.”Dahan-dahan itong tumango. “Salamat, Mang Dennis.”“Wala ‘yon,” mahinahon niyang sagot, tinatago ang kaba. Pero habang tinitingnan niya ang babae, may isang panata siyang muling binuhay sa puso.Kahit anong mangy

    last updateÚltima atualização : 2026-03-28
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 346 Falling in Love Amid Secrets

    “Hello, Lucas? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anang babae sa kabilang linya.Tumigil ang mundo ni Maya. Ang boses, kalmado pero may talas, si Ma’am Iris ng HR.Bago pa niya maproseso, mabilis na lumapit si Lucas, inabot ang phone, pero huli na. Nakatingin na si Maya sa kanya,

    last updateÚltima atualização : 2026-03-27
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 339 Blindfolded

    “Close your eyes,” anang CEO. Sumunod si Maya.Lumapit ito at nilagyan ng piring ang kanyang mga mata.“Ipapadala ko po ang draft ng kontrata sa email,” aniyang ramdam ang malakas na tibok ng puso. “Anim na buwan lang po. Pagkatapos no’n, tapos na ang lahat ng ugnayan natin. Bayad na po ako sa lahat

    last updateÚltima atualização : 2026-03-27
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 211 Lies of the Devil

    “Let’s meet. Same time. Pero this time sa katabing coffee shop,” sabi ni Noah sa chat.Napasinghap si Jenny, agad na lumingon sa terrace kung saan may kausap si Sebastian. Mabuti na lang at abala ito. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-

    last updateÚltima atualização : 2026-03-23
Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status