MasukDear readers, excited na ba kayo sa nalalapit na pagwawakas ng pag-iibigan nila Iris at Daryl?! Susunod agad ang book 5, love story nila Candice at Brent. Sana po ay samahan din ninyo sila. Taos pusong pasasalamat po sa walang sawang suporta!
Nanatiling nakatingin si Felicity sa cellphone ni Damon.Hindi na nito itinuloy ang pag-alis sa kusina. Nawala ang kulay sa mukha nito nang mabasa ang pangalang lumitaw sa notification.“Nakita na si Divine,” mahinang sabi nito.Kinuha ni Damon ang cellphone sa counter. Hindi niya agad binuksan ang mensahe. Mas nakatawag sa pansin niya ang paraan ng pagkakahawak ni Felicity sa baso, na tila anumang sandali ay mabibitawan nito iyon.“Bakit patuloy mo pa rin siyang hinahanap?” tanong nito. “Dati mo siyang nobya, hindi ba?”“May kailangan akong malaman mula sa kanya.”“Bakit kailangan mo pang magsinungaling?” Humarap ito sa kanya. “Kanina, tinanong kita kung may nararamdaman ka pa kay Divine. Hindi ka sumagot.”“Mahalaga si Divine sa buhay ko,” sagot niya.Namutla si Felicity. Ibinaba nito ang baso sa counter at napaatras ng isang hakbang.“Kung mahalaga siya sa buhay mo…” Napalunok ito. “Eh ano ako sa ’yo? Hanggang anim na buwan pa din ba ang itatagal ko sa buhay mo? O mas mapapabilis k
“Hindi natin alam kung totoo ngang buntis si Stefie.”Hindi inalis ni Damon ang tingin kay Prince. Nakatayo pa rin ang lalaki sa harap ng mesa niya, naghihintay ng sagot sa tanong kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Stefie.“Kuya niya mismo ang nagsabi sa akin,” giit nito.“At hindi iyon patunay na ikaw ang ama. Wala pa ring medical confirmation na buntis siya.” Isinara ni Damon ang folder na nasa mesa. “Kailangan muna nating kumpirmahin ang impormasyon bago ka gumawa ng mas malaking gulo.”“Ako pa ang gumagawa ng gulo?”“Ikaw ang pumunta rito at gusto mong ipasabi sa akin na ako ang nakabuntis sa kanya.”“Dahil papatayin nila ako!”Hindi maaaring balewalain ni Damon ang takot sa boses ni Prince. Maaaring mali ang paratang ng pamilya ni Stefie, ngunit totoo ang mga mensahe at ang iisang sasakyang nakuhanan sa labas ng dalawang hotel na tinuluyan nito.Kinuha niya ang desk phone at tinawagan ang operations desk.“Maghanda kayo ng secure accommodation,” utos niya. “Temporary protecti
“Sinabi ko na sa ’yo.” Pilit na ngumiti si Felicity. “I love your company. Iyon lang.”Hindi natinag si Damon. Nakatayo pa rin ito sa pagitan niya at ng main door, diretso sa kanya ang tingin.“Hindi iyon ang nakita ko sa mukha mo kagabi.”Nawala ang ngiti niya.Parang may humigpit sa lalamunan ni Felicity. Akala niya ay nakatalikod na ito noon at hindi napansin ang pagpigil niya sa pag-iyak. Mas nakakatakot palang isipin na napansin ni Damon ang kanyang pagsisinungaling, ngunit hinayaan lamang siya nitong gawin iyon.“At bakit mahalaga sa ’yo kung totoo?” tanong niya. “May maipapangako ka ba sa akin?”Hindi ito nakasagot. Lumayo ang tingin nito sa kanya.Iyon ang sagot na kinatatakutan niya.“Exactly.” Inabot niya ang doorknob sa likuran nito. “Kaya huwag mo akong tanungin.”Hinawakan ni Damon ang gilid ng pinto, ngunit hindi siya nito pinigilang buksan iyon.“Hindi ko alam kung ano ang kaya kong ipangako,” sabi nito. “Pero alam kong mahal— mahalaga ka sa akin.”Napatigil si Felicity
“Hindi,” sagot ni Damon.Masyadong mabilis ang sagot nito upang maging kapani-paniwala. Hindi rin nito nilingon si Felicity. Nakapako sa kalsada ang tingin nito, ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.“Hindi ako nagseselos,” ulit nito. “Ayoko lang makitang hinahawakan ng ibang lalaki ang asawa ko.”Hindi napigilan ni Felicity ang pagtaas ng isang kilay. “Ano ang tawag doon?”“Common decency. Respeto sa taong may asawa.”“Talaga?” Sumandal siya sa upuan at pinagmasdan ang matigas na profile nito. “Bakit parang galit na galit ka.”“Sinong hindi magagalit sa asawang tumakas para makipagkita sa ex?”“Wala kaming ginagawang masama.”“Magkahawak ang mga kamay ninyo.”“Hinila ko nga siya. Hindi niya ako hinawakan.”“Pareho lang iyon.”“Hindi pareho.” Nawala ang ngiti ni Felicity. “At kung pagbabatayan ang kontrata natin, wala kang karapatang magalit. Walang pakialamanan at walang selosan. Ikaw ang gumawa ng rules na iyon.”Sumulyap si Damon sa kanya bago ibinalik ang
Sakto namang napatingala si Damon.Nagsikip ang dibdib ni Felicity. Mula sa second floor, malinaw niyang nakita ang mukha nito. Kasama nito si Julian sa ground floor at kapwa sinusuri ang mga tindahan at mga taong dumaraan, na para bang may hinahanap.Mabilis siyang umatras at humarang sa harap ni Divine. Muntik na silang makita ni Damon, Buti na lang may isang grupo ng mga mamimili ang dumaan sa harap nito. Nang makalampas ang mga ito, nakatalikod na siya sa railing.Sumilip siya sa pagitan ng dalawang display stand at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod nang makita niyang sumakay sina Damon at Julian sa escalator paakyat.“Si Damon,” aniya. “Paakyat siya.”“Tingnan muna natin ang jewelry shop,” aya ni Stefie. “Kailangan kong bumili ng regalo.”“Ngayon talaga?”“Sandali lang.”Hindi na nito hinintay ang sagot ng kapatid. Hinawakan nito sa braso si Clarence at iginiya papasok sa pinakamalapit na jewelry shop. Sumunod si Divine habang tangan ang kanilang mga pinamili.Dinala si
“Mahal na mahal kita, Damon.”Nakalabas na ang mga salita bago pa napigilan ni Felicity ang sarili.Kapwa sila hinihingal matapos muling makarating sa kasukdulan. Ngunit nang marinig nito ang sinabi niya, hindi gumalaw si Damon.Tumingala siya. Matagal lamang siyang tinitigan nito, tila hindi alam kung ano ang isasagot.Unti-unting napalitan ng kaba ang init sa dibdib ni Felicity. Bakit ba hindi niya napigilan ang bibig niya?“Oh, huwag kang ma-stress.” Pinilit niyang tumawa. “I love your company, not you.”Nanatiling tahimik si Damon.“Ang ibig kong sabihin, gusto ko ’yong feeling na may kasama ako at hindi na nag-iisa.” Kahit masakit, pinanatili niya ang ngiti. “Pero I know, hindi ito permanente. Huwag kang matakot dahil hindi naman kita kakapitan pagkatapos ng kontrata.”Tinalikuran niya ito at humiga sa kabilang bahagi ng kama. Hinila niya ang kumot hanggang balikat.Hindi na nagsalita si Damon. Gayunman, naramdaman niyang nanatili itong gising sa tabi niya.Lumubog ang kutson nan
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas
Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw







