Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 90 Hiding the CEO’s Child

Share

Kabanata 90 Hiding the CEO’s Child

last update Last Updated: 2025-08-22 13:04:34

Nang marating ni Mira ang harapan ng isang matayog na gusali, napatigil din si Kyle. Nakakunot ang noo niya habang binabasa ang malaki at makinang na signage sa tuktok ng entrance. Tuazon Residences.

Agad kumunot ang kanyang noo, lalong sumikip ang panga ng lalaki. Mula sa loob ng kotse, pinanood nito kung paano lumapit si Mira sa lobby. Inilabas nito ang access card at mabilis na nakapasok. Ibig sabihin, hindi lang basta bumisita si Mira, may unit talaga itong tinutuluyan dito.

Nagpuyos ang damdamin ni Kyle. So, tama ngang si Sebastian ang kasama ni Mira ngayon. Hinampas nito ang manibela, nanginginig ang kamay nito sa pinipigilang galit.

Hindi na nakatiis si Kyle. Bumaba ito ng kotse at tumuloy sa lobby. Paglapit pa lang, sinita agad ito ng guard.

“Sir, good evening po. Residents and registered guests lang po ang puwedeng pumasok. Tara po sa reception.”

“Gusto ko lang malaman kung anong unit ang tinutuluyan ng babaeng pumasok kanina.”

Habang nakikipagtalo si Kyle sa guard, nakamasid
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagbabasa!
goodnovel comment avatar
Maricel Samputon
Mira kahit na itago mo pa si Katie Kay Kyle malalaman din ito ni Kyle pagdating ng panahon. Dahil alam Kong kahit matapos na ang misyon mo sa megawide susundan at susundan ka pa rin ni Kyle at Hindi ito titigil hangga't Hindi ka nakakabalik sa buhay niya.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagsubaybay!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 150 Beyond Forever

    Pagkatapos ng mensahe ni Jenny, muling tumahimik ang lahat nang kuhanin ni Kyle ang mikropono, hawak ang kamay ni Mira.“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na dumalo at nakisaya sa amin ngayon. Napakaswerte namin ni Mira, dahil narito ang pamilya namin at mga kaibigan. Isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin ang araw na ito. Napakasaya ko dahil kasama ko na ang babaeng pinangarap kong makapiling habang buhay.”Tumitig ito kay Mira, puno ng pag-ibig ang mga mata. Malakas ang palakpakan ng mga bisita.Inabot nito ang mic sa kanya.“Gusto ko ring magpasalamat sa lahat. Sa mga magulang ko na nagmahal at gumabay sa akin, kay Lolo Mario, kay Don Renato, at sa lahat ng nandito. Sa totoo lang, hindi ko inakalang makakarating ako sa puntong ito, na may isang Kyle na handang mahalin ako sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan namin. Salamat sa inyong pagsama sa masayang araw na ito.”Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Kita sa LED screen ang mga mata niyang kumikislap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 149 Wedding Reception

    Emosyonal nang magsalita si Mira. Lumapit siya ng kaunti kay Kyle, halos manginig ang boses niya.“Kyle, ipinapangako ko, hindi lang kita mamahalin sa mga araw na masaya, kundi higit sa lahat, sa mga araw na mahirap at masakit. Hindi kita iiwan sa gitna ng unos, sapagkat ikaw ang dahilan kung bakit ko kakayanin ang lahat.”“Mahal na mahal kita, Kyle. Ikaw ang una kong iniisip sa umaga, at ikaw ang huling pinagdadasal ko bago matulog. At ngayon, sa harap ng Diyos at ng lahat ng mahal natin… ipinapangako ko, habang buhay kitang mamahalin.”Niyakap ni Nanay Mel si Maya habang tahimik na umiiyak, parehong puno ng tuwa para kay Mira.Sina Lolo Mario at Don Renato ay nakangiti, kapwa nakaramdam ng katahimikan at pagkakabuo ng pamilya.“Sa harap ng Diyos, ng inyong mga pamilya, at mga saksi, idinedeklara ko kayong opisyal na mag-asawa. Pwede mo nang halikan ang iyong asawa,” anang pari.Nagyakap at naghalikan sina Mira at Kyle, mahaba, puno ng pagmamahal at pangakong walang hanggan.Isang ma

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 148 The Big Day

    Isang gabi bago ang kasal, dinala nila Lucas at Sebastian si Kyle sa isang pribadong restobar kasama ang iba pang malapit na kaibigan. May simpleng dekorasyon, banner na nagsasabing “Groom to Be!”“Grabe kayo, hindi naman ako mawawala. Kasal lang ‘to, hindi na ako lilipad sa Mars,” naiiling na sabi ni Kyle.“Hoy, iba ‘to! Kailangan may konting ritual bago ka tuluyang mailagay sa hawla. Don’t worry, wholesome lahat. Walang kalokohan.”Tahimik lang si Sebastian sa gilid, may hawak na baso ng alak. Si Lucas agad ang bumabangka sa biruan.“Seb! Dapat ikaw ang mag-toast para kay Kyle.”Napakamot sa batok si Sebastian, halatang naiilang.“Cheers to your happiness that broke my heart! But seriously, I want you and Mira to be happy!” ani Sebastian at itinaas ang kopita.“Salamat, Seb. Cheers to our brotherhood!”Nag-toast at uminom ng wine ang sampung mga kalalakihang pawang mga matagumpay na negosyante sa bansa.Biglang dumating ang banda at kumanta ng paboritong awit ni Kyle. Sabay sabit ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 147 Bridal Shower

    Nasa isang eleganteng bridal shop si Mira, nakasuot ng puting gown na simple pero napakaganda at elegante, may mga bulaklak at kristal na burda sa laylayan. Nandoon sina Nanay Mel, Maya, at si Lolo Mario na halatang abot-tenga ang ngiti habang tinitingnan ang apo sa salamin.“Naku, anak… parang kahapon lang, bata ka pa na mahilig tumakbo sa palayan at madalas madapa. Ngayon, bride ka na. Ang ganda-ganda mo.”“Ate, para kang prinsesa! Para kang lumabas sa fairytale. Napakaganda mo.”Si Mira ay bahagyang tumingin sa salamin, kontento siya sa simpleng ganda ng gown.“Gusto ko nga sana mas simple pa dito.”Biglang nagsalita si Lolo Mario.“Simple? Aba, apo, hindi puwede! Ikaw ang magiging pinakamagandang ikakasal sa buong bayan! Ilagay natin ng diamonds sa laylayan, tapos emerald sa veil! Dapat kumikinang ang damit mo mula altar hanggang reception!”Nagtawanan sina Maya at Nanay Mel, pero siya ay napailing, bahagyang nahihiya.“Lolo, baka magmukha na akong Christmas tree n’yan.”“Tama si

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 146 Wedding Preparation

    Napilitang lumapit si Sebastian, halatang alanganin, pero sa tindi ng sigaw at tuwa ni Katie, wala na siyang nagawa. Dahan-dahan siyang lumapit, mabigat ang hakbang, ngunit pinipilit maging maayos ang reaksyon ng mukha.Pagdating niya sa harap nina Mira at Kyle, pinakawalan niya ang isang pilit ngunit magalang na ngiti.“Congratulations… Kyle, Mira.” sabay tingin kay Katie“At ikaw, Katie… ang galing mong sumayaw ah.”Tumakbo ang bata at niyakap si Sebastian sa bewang, masaya itong makita ang tiyuhin.“Happy ako kasi nakita po kita, Uncle Seb! Ang saya-saya po namin.”Nagkatinginan sina Mira at Kyle. Lumuhod si Sebastian para yakapin ang bata pabalik.“Oo, Katie. Masaya ako para sa inyo.”Sandali siyang tumingin kay Mira, may bakas ng lungkot, pero malinaw din ang pagsuko at pagtanggap. Tapos ay inabot niya ang kamay kay Kyle.“Congratulations. Alagaan mo sila.”Tinanggap ni Kyle ang kamay ng kapatid. Ang simpleng pagkakamayan na iyon, bagama’t puno ng bigat, ay tanda ng unti-unting p

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 145 Marry Me Again

    Nakaupo si Kyle sa sofa, hawak ang telepono at kausap si Lucas.“Bro, sana nandito ka bukas. Malaki ang parte mo sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makakauwi. Alam kong busy ka.”“Pasensya na, Kyle. Hindi ako makakabalik agad. Nasa France ako para i-finalize ang branch ng perfume business. Pero tandaan mo, kahit wala ako dyan, buong puso ang suporta ko. Gawin mo ‘yan para sa pamilyang bubuuin mo,” anang kaibigan sa kabilang linya, may halong lungkot at tuwa ang tinig nito.“Salamat, Lucas. I’ll make sure na magiging espesyal ang proposal. Para sa babaeng pinakamamahal ko.”“I’m happy for you, bro.”“Ikaw kailan ka maghahanap ng babaeng papakasalan? Baka akala mo bumabata ka.”“Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating. Tsaka ang dami kong reserba. Huwag mo akong alalahanin,” himig biro nito.“Bro, iba kapag mahal mo talaga ang kasama mo tapos bubuo kayo ng pamilya. Priceless ‘yung saya.”“Sige bro, tama ‘yan, inggitin mo pa ako,” anitong natata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status