Share

Chapter 5 - Infirmary

Mga mabibigat na yapak at buntong-hininga ang tanging bumabasag sa aking paligid habang tinatahak ang hagdan papunta sa pangatlong palapag kung saan naroon ang pangalawang subject na susunod sa sched ko. 

Bukod sa akin, wala na akong makita na estudyante pa'ng naglalakad sa gitna ng ganitong oras at may klase na. Lalo pa't kung ikaw ay late at ang dahilan mo ay hindi makatwiran sa guro.

Napailing ako. Alam kong hindi ito tama at gawain ng isang estudyanteng tulad ko pero nagagawa ko. 

"Stop," matigas na ingles ni Ma'am Cha ang nagpatigil sa 'kin nang pumasok ako sa pintuan nakabukas at dumiretso na parang wala lang at hindi na-late. 

Tumigil ako sa paglakad tulad ng sabi ng guro. Ramdam kong nakatingin sa 'kin ang lahat ng kaklase ko ngunit hindi ko 'to binigyan ng pansin o tingin man lang sa lahat. 

"You're late," ani Ma'am Cha, tila na huli ako sa kasalanan ginawa ko.

Bumuntong-hininga ako, "I know," sagot ko at tumingin sa kanya ng seryoso, "masaba na po ba'ng pumasok na-late?"

"What did you say?"

"Masama na po ba'ng pumasok ng late sa oras ng klase?" ulit ko.

"What!?" Sigaw niya na tilang nagalit sa aking sinabi. Why? May mali ba sa sinabi ko? 

Napatingin ako sa row three nang marinig ko ang malakas na tawa ng lalaki na ginatongan pa ng sipol ni Lukas.

Tumaas ang kabila kong kilay. What's with that sipol? May nakakatawa ba sa sinabi ko? 

Nagsimulang umingay at tumawa ang mga kaklase ko na tila nakikisabay sa dalawang magpinsan na 'to. Hanggang sa napagitla ako sa gulat at natahimik silang lahat nang hampasin ng malakas ni Ma'am Cha ang desks niya sa harapan. 

What the hell! Ano ba'ng hayop ang sumapi sa gurong ito? 

"Silent! Silent!" Sigaw niya at tumingin sa akin na may galit sa mga mata. Sa hindi malaman na dahilan ay agad akong kinabahan at biglang napaurong ng hindi inaasahan.

"Wala kang respeto! Saan ka kumuha ng lakas para sagutin ako ng ganyan?" galit niyang sigaw, "kung sino pa iyong late, siya pa ang walang kwenta!"

"Hindi ka pwedeng mabuhay!"

"Die, Alisa! Die!"

Galit na mga mata, pighati ng kahapon at pait na nakaraan. 

Muli na naman bumabalik. 

Napapikit ako at napailing nang magpakita muli ang mga imaheng unti-unting sumisira ng buhay ko. 

"H-huwag please.." huwag ngayon. Hindi dito.

"L-levi, 'wag.. t-tama na, please.." tila wala na akong marinig sa paligid kundi ang impit na ungol ni Mommy habang kinukuha ang buhay niya nang unti-unti sa harapan ko, sa mga kamay ni Dad. 

"N-no, n-no, please!" Tuluyan nang bumagsak ang maiinit kong luha sa aking mata habang ang mga imahe ay patuloy pa rin naglalaro sa aking isip. 

"patawad, prinsesa.. patawad.." Umiiling ako at nanghihinang napasalampak sa sahig. Ramdam ko ang lamig at nanginginig kong mga kamay ngunit hindi ko ito mabigyan ng pansin, nang maalala ko na ang lahat ng trahedyang iyon. 

FLASHBACK

Habol ko ang aking paghinga habang tinatahak ang malaking mansyon papunta sa aming tahanan. 

Nanginginig na mga kamay at walang tigil na luha ang patuloy na tumatakas sa 'kin mga mata nang sumalubong ako kay Daddy na tila kanina pa hindi mapakali sa loob ng mansyon.

"Saan ka nagpunta? W-what happened to you, Sweetheart?" Gulat at may pag-aalala na tanong ni Daddy sa akin. 

Hindi ako nagsalita dahil patuloy ko pa rin hinahabol ang aking hininga. Palakas rin ng palakas ang kabog ng dibdib ko na parang gusto nitong kumawala sa akin. 

"Prinsesa ko, sweetheart.." tawag ni Daddy sa 'kin at pilit hinahabol ang aking mata, "what happened? Tell me,"

Humagulhol ako ng malakas at napailing kay Daddy. Hindi makapaniwala sa aking nasaksihan kanina sa madilim na iskinita. 

"D-dad," pinalis ko ang mga luha at huminga ng malalim, "D-dad, si Mommy," pumatak muli ang mga luha ko dahilan ikinatigil ng pagsasalita ko. 

"What's with your Mom? Why, prinsesa? W-what happened to her?" Sunod-sunod na tanong ni Dad sa 'kin ngunit isa man lang do'n ay hindi ko masagot. Tila ayaw sumang-ayon ng mga luha ko dahil patuloy ito sa pagbagsak na kahit anong palis ay may tutulo't tutulo pa rin. 

"Breathe, Sweetheart. Take a breath.." marahan niyang sabi na ginawa ko naman agad, "then, tell me what's wrong.. tell me what happened, princess,"

Tumango ako ng dahan-dahan na may luha pa rin sa mga mata. 

"D-dad, nakita ko po si Mommy.." sumbong ko sa aking nakita. 

"Go on, Sweetheart. Ano'ng nakita mo?" Napaluha ako habang nakatingin sa kamay ni Daddy na mahigpit ang hawak sa aking maliliit na kamay. 

"N-nakita ko po... nakita ko pong may pinatay si Mommy, Dad!"

END OF FLASHBACK

Sunod-sunod pumatak ng dahan-dahan ang mga luha ko sa aking mata. D-did I killed her? Did I killed my own mother? 

"I killed her?" bulong ko. Pinatay ko ang sarili kong nanay? Kasalanan ko? Kasalanan ko ang lahat?  

"Oh my god, Alecia!"

"Ano'ng nangyayare sa kanya?"

"No one knows!'

Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang Mommy ko. Kung bakit nagsisisi si Daddy at pinatay rin ang sarili sa harapan ko. 

Kung hindi ko ba sana sinabi kay Daddy iyon ay hindi mangyayari kay Mommy ang karumal-dumal na 'yon. At hindi rin sana nangyayari ang lahat nang 'to. 

Kasalanan ko. 

"Ano ba'ng nangyayari sayo, Alecia?" mahinang tinig at pamilyar na haplos ang umagaw at pumutol sa aking atensyon nang bumungad sa  harapan ko si Lukas. 

"L-lukas," gulat na sambit ko. 

"Ano ba'ng nangyayari, Alecia? Bigla ka na lang nagsisigaw at tila takot na takot.." aniya, may himig na pag-aalala sa kanyang boses, "may masama ba sa pakiramdam mo?" Ramdam ko ang mainit niyang haplos sa aking noo pababa sa leeg ko. Wala akong lakas para awatin siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko rin kayang itanggi sa sarili na sa bawat haplos niya'y natatanggal ang takot at kaba sa aking puso.

"M-mabuti pa, Lukas ay dalhin mo muna siya sa Clinic," rinig kong sabi ni Ma'am Cha at walang salita naman tumango si Lukas bago lumingon sa akin. 

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong niya ngunit parang naging bulong na lang sa akin iyon. Hindi ako sumagot.

"Humawak ka sa kamay ko.. aalalayan kita," dagdag niya pero hindi ko pinansin. Malaya kong nakita ang mala-abo niyang mga mata dahil sa malapit naming mukha sa isa't isa. Kumalma na ang buo kong katawan subali't nanghihina pa rin ako.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Lukas bago ko naramdaman ang matigas niyang braso na pumalibot sa aking likod at biglaang pag-angat sa ere.

Umingay ang loob ng room sa ginawa ni Lukas lalo pa't nang magsimula itong maglakad palayo sa kanila. Nakita ko pa ang pahabol tingin ng mga kaklase kong babae na nakasimangot at may bahid na tutol sa kanilang mga mata. 

Napailing ako at yumuko, siniksik ang mukha sa dibdib ni Lukas dahilan  napagitla siya at naluwagan ang hawak sa aking likod.

"L-lukas," mahina kong tili habang mahigpit nakahawak sa kanyang leeg. 

"S-sorry," muli niyang inayos ang braso niyang nakapalibot sa likod ko at binuhat, "K-kumapit ka ng maayos.. baka mahulog ka," aniya. Hindi ko alam pero medyo nalito at kinabahan ako sa kanyang sinabi. Para bang may ibigsabihin pero hindi ko masabi kung ano iyon.

Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko at natatakot akong marinig iyon ni Lukas o ng sino man.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status