Share

Chapter 4 - Honey

Tahimik akong nakadungaw ngayon sa hagdan. Sinisilip kung nakaalis na ba si Lukas gayo'n iniwan ko siya dito nang mag-isa sa baba pagkatapos ng palitan naming salita kanina.

Kumunot ang noo ko at tumaas ang kabilang kilay. Wala na siya?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang palingon-lingon pa rin sa kanan at kaliwa ko. Napanguso ako. Mukhang umalis na nga siya..

Napabuntong hininga ako at hindi maiwasan mapangiti. Sa kabila ng mga narinig ko mula sa kanya. Sa kabila ng mga nasabi niya mula sa akin ay nakukuha ko pa rin ngumiti na parang wala lang ang lahat.

Napailing na lang ako at nagpasiyang lumakad papunta sa loob ng kusina nang maalala ang pagkain kong iniwan ko roon. Baka lumamig na iyon.

Napabuntong-hininga ako. Tapos na sana ako kumain ngayon kung hindi lang sumulpot at nagpakita ang mayabang na lalaking  iyon! 

Kasalanan niya. 

Nang makarating na sa lamesa ay agad na akong naupo sa upuan, ni hindi na nag aksaya ng oras pang tumayo ng matagal. Tinignan ko ang tinapay kong wala naman nagbago. Maayos at mukhang masarap pa rin.

Napangiti ako at kinuha ito at kinagatan agad.  'Ang sarap'

Bawat kagat ko sa tinapay ay napapaungol ako habang ang aking dalawang paa'y gumagalaw sa ilalim ng lamesa.

Ganito ako sa tuwing mag-isa lang sa malaking bahay na 'to.  Para akong bata na tuwang-tuwa kung umasta araw-araw, lalo na't ngayon kaharap ko ang paborito kong kinakain.

"Hmm... Ang sarap sarap talaga!" Natutuwang sigaw ko na parang naging musika na lang dahil sa boses kong umecho sa loob nang mansion na 'to.

Ito ba ang ibigsabihin ng mga kapitbahay at ang mga taong ayaw sa akin? Na ang isang baliw na babaeng tulad ko'y nakukuha pa rin mag-saya kahit mag-isa?

Na ang isang baliw na tulad ko'y hindi pwedeng maging masaya? 

Napailing ako at tumawa. Hindi ko alam kung gaano kalawak ang mga utak ng tao at nagawa pa nilang isik-sik ako sa isip nila. I should thankful and happy, right?

Should I thank them? Should I?

I don't know but I just felt my hot tears falling into my both cheeks.

"U-umiiyak ba ako dahil masaya ako? O umiiyak ako.. dahil nasasaktan ako?" Nando'n man sa dalawa ang sagot. Still, I don't know what the real answer.

Pinalis ko ang mga luha ko nang maubos na ang kinakain kong tinapay. Napatingin rin ako sa peanut butter kong ubos na rin. Napanguso ako. Ako lang ang kumakain nito pero ang bilis maubos.

Pumunta ako sa fridge at nilabas ang bagong peanut butter roon. Tinanggal ko ang tape na nakapalibot sa ulo ng takip at binuksan agad.

Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa. Para bang may sinisigurado ako kung may tao o wala. At mukha naman wala dahil ako lang mag-isa ngayon sa kusinang ito.

Bumalik ako sa upuan at kinuha ang kutsarang nakalapag sa plato ko, sabay sandok sa peanut butter at isubo. 'hmm ang sarap'

Hindi na ako magtataka kung bakit ang bilis maubos ng peanut butter ko, hindi na. Hindi na talaga.

"Peanut butter! Peanut butter! Peanut butter!" Parang batang sigaw ko at sumubo uli dahilan napaungol ako. 'Hmm.. peanut butter's life'

"F*ckng stop that, Alecia!" Napasigaw ako sa gulat at nabitawan ang peanut butter na hawak ko but thanks god dahil hindi ito natapon kaya't agad ko itong itinayo sa lamesa.

Mabilis na dinaga ang puso ko na parang kabayong nag-uunahan. Hinarap ko kung saan nanggaling ang mura na iyon at hindi nga ako nagkamali dahil kay lukas ang boses na 'yon.

"What the hell, Lukas! B-bakit nandito ka pa?" Galit at gulat kong tanong. Hindi ba't umalis na siya? Paano siya nakapasok? Sinilip ko ang nasa likuran niya at nakita ko ang maayos na nakasara kong pintuan sa loob. Umalis ba talaga siya o hindi?

Sa inis ko'y napapikit ako. Ano ba'ng problema ng lalaking ito!?Sinusubukan ba niya ako?

Nakapikit lang ako pero ramdam kong gumalaw siya sa harap ko. Sa takot ay agad akong napadilat at umurong patalikod.

"Gusto mo talaga tumira sa malaki't lumang mansyon na 'to?" Tanong niya habang busy pinagmamasdan ang kabuuan ng mansyon.

Kumunot-noo ako. Ano ba'ng pake niya?

Tumawa siya. "Hindi mo na kailangan sumagot. Sa itsura mo pa lang.. alam ko na ang sagot."

Tumaas ang kilay ko. "Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ka pa umaalis?" Hindi siya sumagot. "Kung oo, ang babaw ng dahilan mo." Nakita kong napatigil siya at dahan-dahan humarap sa 'kin na may lamig sa kanyang mga mata.

Why? Did I say something wrong?

Did I offended him?

I looked at Lukas. And I can say that he has a masculine body, a beautiful face and pointed nose. So easy to say, he's perfect. He's gwapo.

Kaya lang kung babase ako sa ugali niya, hindi na siya papasa sa akin.

Lihim akong napataray at napailing. Siguro kung nababasa niya ang nasa isip ko'y baka kanina pa siya tinangay ng hangin.

Natawa ako sa isipan na 'yon na halos makalimutan ko nang nasa harap ko ngayon ang mayabang na lalaking ito.

I fake coughed just to get his attention, at hindi naman ako nabigo dahil nakita kong nag-iba ang kaninang malamig niyang ekspresyon sa maamong mukha.

May kung ano sa puso ko ang kumiliti sa buong katawan ko at hindi ko maintindihan kung ano iyon.

Nakatingin pa rin sa 'kin si Lukas at hindi nagsasalita.

Seriously?

Napailing ako. "Mukhang dinamdam niya siguro ng husto ang sinabi ko.." bulong ko sa sarili at tumingin sa kanya na nakakunot noo na ngayon.

Agad akong nagform ng malaking ngiti sa kanya, and I was about to recant what I told lately when he stepped near to me.

"Kung bubulong ka o gusto mo bumulong? Make it sure na hindi ko maririnig, honey," and with that, he left.

Narinig ko na lang ang pagbukas niya ng pintuan dito sa loob at ang malakas niyang pagsara nito sa labas.

What?

Inis akong lumingon sa aking likod at tumingin sa pinaglabasan niya. "Sira na ba ang ulo nang lalaking iyon! Balak niya ba sirain ang pintuan ko!" bwiset.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status