Share

Chapter 1

SINGAPORE INTERNATIONAL AIRPORT

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Trisha paglabas niya ng gate ng airport. Ang ganda ng lugar malayong malayo sa pinanggaling airport. Mga apat na oras lang ang nakakaraan.

“Eto na! Kaya ko ito! huling baraha ko na ito  kya dapapt wala ng sukuan self ha”

Pangungumbinsi ni Trisha sa sarili. Napadpad ang dalaga sa Singgapore dahil sa isang twisted faith. Oo! Pwedeng twisted at pwede ring milagro. Matagal ng pabalik balik si Trisha sa agency at nag aaply ng kahit anong trabaho sa abroad. Isang umaga sa ikawalong subok niya sa interview ay hindi na naman siya napili.

“TAMA! ANAK NG BUTIKI,HINDI NA NAMAN SIYA NAPILI” Bukod kase sa wala siyang alam o background sa trabahong inaalok. Wala rin siyang tinapos. Eto ang pinaka unang requirement na dapat ay meron ka.

“ANAK NAMAN NG TOKWA TONG MGA TO ANG AARTE, ALILA KA LANG NAMAN BAKIT KAILANGAN COLLEGEL LEVEL KA PA. EH,KAYA KA NGA MAGPAPAALILA NA LANG DAHIL WALA KANG PINAGARALAN HAAYST” maktol ni Trisha.

Kaya lalong lumabo ang pag asa ni Trisha na matanggap at makaalis ng bansa. Hindi sinasadya ni Trisha na umiral ang pagka kawatan at pasimple inilagay ang isang papel sa ilalim ng mga papel na sa palagay niya ay lagayan ng mga tanggap sa trabaho. Dinaan niya sa style na budol ang babaeng kausap. Nilito niya ito at kunwari ay kinausap ng kinausap habang ang bihasang mga kamay ay gumagawa na pala ng milagro.

Hindi naman talaga akalain ni Trisha na makakalusot siya. Malay ba naman niyang tamad magbasa ung secretary ng agency.Hindi niya talaga lubos akalain na mailulusot niya ang bagong biodata na ginawa niya na nilagyan niya ng mga false info lalo na sa backround niya sa pagaaral. Nawindang na lang ang dalaga ng isang araw ay tumawag ang agency at sinabi sa kanya na maghanda na ng passport at naka schedule na ang flight niya. Hindi nagdalawang isip ang dalaga.

 

Kung ano mang himala o kung sino mang impakto ang may gawa ng kababalaghang iyon, wala na siyang pakialam ang mahalaga makakapangibang bansa na siya. At ipinapangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat wag lamang bumalik muli sa kanyang isinusumpang Pilipinas. 

"PANGAKO PAGBUBUTIHIN KO DITO. ISANG BAGONG TRISHA AKO DITO. ISANG BAGONG SIMULA” Pangako ni Trisha sa sarili. Simula ng ng kanyang pakikipagsapalaran. Luminga linga si Trish, hinanap ang sinabi ng kanyang Agency na susundo sa kanya. Isa daw itong itim na kotse na may tatak na kabayo.

SI Mr.ang taong sususndo daw sa kanya. Halos 10 minuto ang lumipas ng may makita siyang isang matabang lalaking singit.Hawak nito ang isang placard na may nakasulat na Pangalan niya.

Itinaas niya ang kamay na may hawak na puting panyo. Yun ay upang masigurado ng taong susundo sa kanya kung siya ang taong hanap niyo. Pinakabilin bilin sa kanya yun ni madam sa agency. Maselan daw ang amo nya pero ubod ng yaman. Kaya nga sangkatutak ang mga habilin nito upang hindi daw siya pumalpak dahil pangalan daw ng agency niya ang malalagot. Nilapitan nga siya ng matabang lalaki. Mabagal na ito maglakad sa laki ng tiyan. Para itong isang insik sa Ongpin. Natawa ng bahagya si Trish sa lawak ng kanyang utak.

“ARE YOU MISS TRISHA SAN DIEGO? Tanong ng mamang mataba.

"YES, SIR I’M TRISHA SAN DIEGO. THAT IS ME. I'M FINE THANK YOU” confident na sagot ng dalaga na sinundan ng napaka gandang ngiti. Kumunot ang noo nito at sa utal utal na English ay sinabi nitong sumakay sa itim na Kotse na nakaparada sa bandang likuran nila. Inutusan nito ang driver na nakatayo sa may pinto ng kotse na buhatin ang pagkaliit liit niyang maleta.

“WOW MAYAMAN TALAGA, MAY DRIVER NA ISANG SENYAS LANG ALAM NA ANG GAGAWIN” Humahangang sabi ni Trisha. Kung sa bagay sabi naman nila mayayaman ang mga nakatira dito kaya nga lahat ng pinoy gustong makarating at magtrabaho dito. Tiningnan ni Trisha ang itim na kotse may kabayo nga itong tatak. Napanatag ang kalooban ng dalaga. Mag isa siyang nakaupo sa likod. Ang matabang lalaki ay naupo sa harap sa tabi ng driver.Habang nasa kahabaan ng daan ay pinasadahan ng tingin ni Trisha ang matabang lalaki.

“ETO BA ANG MAGIGING AMO KO, MUKHANG MASUNGIT” Sa isip isip ni Trish,pero hah! kaya ko to noh, walang imposible sa akin. Ang akala ni Trisha ay dederetso na sila sa bahay kung saan siya magtatrabaho pero mali siya. Isang mataas na building ang pinasok nila. Pinindot ng matabang lalaki ang 24 floor.

“ANO? SA 24 FLOOR ANG BAHAY NIYA. ANG TAAS NAMAN PAANO KUNG MAY IPABIBIBLI ITO ANG LAYO GRABE” Gumana agad ang imahinasyun ni Trisha. Malawak na silid ang pinasok nila. Magara ang mga kasangkapan, mayaman nga talaga siguro ang nagmamayari. Pero hindi ito mukhang bahay.Mukhang walang nakatira. Sa totoo lang mukha itong opisina. Hindi nakaligtas kay Trisha ang mga mamahaling figurines pati ang mga display na may tila totoong gintong palamuti.

“LINTEK KUNG NANDITO SI MAKOY KANINA PA LIMAS ANG SILID NA ITO“ Napangiti ang dalaga ng maalala ang kababatang naiwan sa Pilipinas. Si Makoy na tagapagligtas niya.

Si Makoy na taga salo niya. Si Makoy na taga libre, Taga arbor at taga ayos ng lahat ng gusot at atraso niya. Si Makoy na taga lahat na ng taga si Makoy yun. Pero bigla ring nalungkot ang dalaga sa pagkaalala sa kaibigan at sa lahat ng pinagdaanan nila. Siguro kung naiba iba ang sitwasyun, makakapontos naman si makoy sa kanya. Hindi man ito ganun kaguawapo aba hinid na rin ito masama.Sakato naman ang hitsura nito, lamang naman ito ng tatlong paligo sa mga tambay sa looban. Madalas nga napagkakamalang mayaman ang loko dahil kahit sa barong barong nakatira magandang manamit si Makoy. nagagwa nitong pagmukhaing mamahalin ang damit na halos  sa ukay lamang nabili.

Muling inikot ni Trisha ang paningin sa mga muwebles na nadadaana .Sa totoo lang sa pelikula lamang niya nakiktia ang mga iyon at wow ganito pala itokaganda sa totoong buhay. larawan nga ng karangyaan ang bahay pero mas pwedeng sabihing hotel iyon kesa bahay.

 

 

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
Nasaan KNA ba trisshhh
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
more exciting Ng kwento na ito......
goodnovel comment avatar
m_🏹
"Iwan ko sayo Trish Kung ano ano iniisip mo.."
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status