MasukSynopsis: Walong taong kasal, isang batang nawala, at isang kabit na iniuwi sa sarili nilang bahay. Umalis si Chantal nang walang kahit ano at lumapit sa lalaking pinakahuli niyang dapat hingan ng tulong—si Alfonso, ang bilyonaryong ilang beses niyang binasted noon. Pumayag itong kupkupin siya kapalit ng isang kondisyon: ang maging personal maid nito. Pero sa pagitan ng paninilbihan, fake marriage, at paghihiganti sa ex-husband niya, mabubunyag ang isang madilim na sikreto mula sa nakaraan. Ang tanong—kapag nalaman ni Alfonso ang lahat, ipaglalaban pa ba niya si Chantal o tuluyan na niyang wawasakin ang puso nito?
Lihat lebih banyakHinding-hindi ko malilimutan ang amoy ng mamahaling pabango na kumapit sa sofa namin nang gabing iyon. Dahil hindi iyon sa akin. Masyadong matapang, masyadong matamis, at sigurado akong galing iyon sa babaeng nakaupo ngayon sa kandungan ng asawa ko.
Nakatayo lang ako sa bungad ng sala, mahigpit ang hawak sa laylayan ng simple kong bestida. Dalawang taon. Dalawang buong taon akong nagbulag-bulagan sa lahat ng kalokohan ni Gideon. Kinaya ko ang malamig niyang pakikitungo tuwing uuwi siya nang madaling-araw. Tiniis ko ang mga bulung-bulungan at mapang-uyam na tingin ng mga amiga niya tuwing may party kaming dinadaluhan. Pinilit kong intindihin ang mga gabing hindi siya umuuwi dahil daw sa trabaho, kahit alam kong nasa ibang kama siya. Pero ang dalhin ang kabit niya dito mismo sa pamamahay namin? Ibang usapan na iyon. "Gideon," tawag ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa pinaghalong galit at sakit. Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Ni hindi man lang natinag si Gideon. Nakapulupot pa rin ang matipunong braso niya sa baywang ni Clarissa, ang babaeng matagal na niyang kinahuhumalingan. Nagkatinginan kami at nakita ko ang pagkasuya sa mga mata niya, na para bang ako pa ang nakakaistorbo sa mahalagang oras nila. "Anong ginagawa mo pa rito, Chantal? Akala ko ba tulog ka na?" malamig niyang tanong, ni walang bakas ng pagkagulat o kahihiyan sa mukha niya. "Bakit mo siya dinala rito?" diretsa kong tanong habang nakatingin nang matalim sa babae. "Bahay natin ito, Gideon. Kahit katiting na respeto naman sana sa akin bilang asawa mo." Tumawa nang mahina si Clarissa. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kandungan ni Gideon at inayos ang maikli niyang palda. Naglakad siya palapit sa akin, hawak ang isang maliit na kahon na galing sa ibabaw ng mesa sa sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang hawak niya. Ang kuwintas na pamana pa ng lola ko. Ang nag-iisang bagay na naiwan sa akin ng pamilya ko bago sila nawala sa isang aksidente. "Ito ba ang sinasabi mong respeto, Chantal?" nakangising tanong ni Clarissa habang pinaglalaruan ang pendant sa mga daliri niya. "Sabi ni Gideon, bagay daw ito sa akin. Masyado raw kasing luma ang estilo mo para sa ganito kagandang alahas. Hindi bagay sa isang babaeng mukhang manang." "Ibalik mo 'yan!" sigaw ko, hindi na napigilan ang pagputok ng galit ko. Sinugod ko siya para agawin ang kuwintas pero mabilis niyang inilayo ang kamay niya. Bago ko pa mahawakan ang braso niya, bigla siyang natumba sa sahig, sabay sigaw nang malakas na para bang sinaksak ko siya. "Aray! Gideon, tinulak niya ako!" iyak ni Clarissa habang nakahawak sa balikat niya at namimilipit kunwari sa sakit. Bago pa ako makapagsalita para ipagtanggol ang sarili ko, marahas na akong hinawakan ni Gideon sa braso at itinulak palayo. Tumama ang balakang ko sa matulis na gilid ng center table. Napasinghap ako sa sobrang sakit, pero mas masakit ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Nababaliw ka na ba, Chantal?!" sigaw ni Gideon habang mabilis na inaalalayan patayo ang kabit niya. "Kuwintas lang 'yan! Kailan ka pa naging ganyan kasama?! Tingnan mo ang ginawa mo kay Clarissa!" "Hindi ko siya tinulak, Gideon! Siya ang kumuha ng kuwintas ko!" sigaw ko pabalik habang nakahawak sa balakang kong kumikirot. "Wala akong pakialam!" sigaw niya, dumadagundong ang boses sa buong mansyon. "Kung gusto niya ang kuwintas na 'yan, ibigay mo na lang! Huwag kang umasta na parang isang pulubi na pinagkakaitan!" Nakatitig lang ako sa kanya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa sandaling iyon, bumalik sa alaala ko kung paano kami nagsimula. Hindi naman kami nagpakasal dahil sa pagmamahal. Dalawang taon na ang nakalilipas, nalulugi na ang kumpanya ng pamilya ko pagkatapos mamatay ng mga magulang ko. Kailangan namin ng tulong pinansyal para maisalba ang pinaghirapan ng tatay ko, at kailangan naman ni Gideon ng babaeng may magandang apelyido para mapabango ang pangalan niya sa board of directors ng kumpanya nila. Isang kasunduan ang kasal namin. Pero tinotoo ko. Ibinigay ko ang lahat sa kanya. Inalagaan ko siya, ipinagluto, tiniis ang lahat ng pangmamaliit ng pamilya niya, at ibinuhos ko ang natitirang mana ko para lang tulungan siyang palaguin ang negosyo niya. Akala ko, sa tagal ng pagsasama namin, matututunan niya rin akong mahalin. Akala ko, sapat na ang pagiging mabuting asawa ko para makita niya ang halaga ko. Mali pala ako. Maling-mali ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako para sa lalaking ito. Ito na ang huling beses na magmamakaawa ako para sa atensyon at pagmamahal niya. Tumayo ako nang tuwid kahit kumikirot pa rin ang balakang ko. Hindi na ako nagsalita. Tiningnan ko lang si Clarissa na ngayon ay nakasandal sa dibdib ni Gideon habang palihim na nakangisi sa akin. Tinalikuran ko sila at naglakad paakyat sa malaking hagdan patungo sa kwarto namin. Ramdam ko ang mga mata nila sa likod ko, pero wala na akong pakialam. Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko ang p***o at sumandal doon nang ilang segundo. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Lumapit ako sa bedside table at binuksan ang pinakailalim na drawer. Kinuha ko ang isang brown envelope na nakatago sa ilalim ng mga lumang papeles. Tatlong buwan na itong nakatago rito. Tatlong buwan ko nang pinaghandaan ang araw na ito, nagbabakasakali lang ako noon na baka magbago pa siya, na baka makita niya rin ako. Kinuha ko ang dokumento sa loob, binasa ang huling pahina kung saan nakapirma na ang pangalan ko, at kumuha ng isang itim na ballpen. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ulit sa sala. Nandoon pa rin sila. Nakaupo si Clarissa sa sofa habang pinapainom siya ng tubig ni Gideon. Nang makita nila akong bumaba, agad na umirap si Clarissa. Lumapit ako sa kanila at walang salitang inilapag ang mga papel sa ibabaw ng glass table, kasama ang ballpen. "Pirmahan mo," sabi ko sa boses na ni ako ay nagulat kung gaano kalmado. Kumunot ang noo ni Gideon. Kinuha niya ang unang pahina at binasa iyon. Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya, nagdilim ang mga mata niya, pero agad din itong napalitan ng mapang-uyam na ngisi. "Divorce papers?" tumawa siya nang malakas, isang tawa na puno ng pang-iinsulto. "Nagpapatawa ka ba, Chantal? Dahil lang sa kuwintas na 'yon, magpapakawala ka ng ganito? Nagtatantrums ka na naman ba para makuha ang atensyon ko?" "Pirmahan mo na lang, Gideon," sagot ko nang diretsa. "Pagod na ako. Tapusin na natin ito." "Huwag mo akong subukan, Chantal. Alam kong wala kang mapupuntahan kapag umalis ka rito," sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ubos na ang pera ng pamilya mo. Wala ka nang trabaho. Kapag lumabas ka sa bahay na ito, mamamatay ka sa gutom." "Hindi mo na problema iyon," malamig kong sagot. "Pirmahan mo na." Nainis siya sa kawalan ko ng takot. Padabog niyang kinuha ang ballpen. Walang pag-aalinlangan niyang pinirmahan ang bawat pahina ng dokumento at ibinalibag ang ballpen sa mesa. "Sige!" sigaw niya. "Pero sinasabi ko sa'yo, Chantal, oras na lumabas ka sa pintuang 'yan, huwag na huwag kang babalik na umiiyak at nagmamakaawa sa akin. Dahil hinding-hindi na kita tatanggapin. Magmakaawa ka man sa harapan ko, duduraan lang kita." Kinuha ko ang mga papel, tiningnan ang pirma niya para siguraduhing maayos ito, at ibinalik sa loob ng envelope. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata. "Huwag kang mag-alala, Gideon. Hindi na ako babalik." Umakyat ako ulit sa kwarto. Binuksan ko ang walk-in closet at kinuha ang maliit na maleta na matagal ko nang inihanda. Hindi ko kinuha ang mga mamahaling damit at alahas na binili niya para sa akin. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga lumang damit ko, ang mga mahahalagang dokumento ko, at ang litrato ng mga magulang ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng p***o sa kabilang kwarto, sinundan ng mahihinang tawanan nina Gideon at Clarissa. Hindi man lang sila nag-aksaya ng oras para tingnan kung aalis ba talaga ako. Mabilis akong bumaba ng hagdan, bitbit ang maleta ko, at tuluyang lumabas ng impyernong bahay na iyon. Malamig ang hangin sa labas. Habang naglalakad ako palabas ng eksklusibong subdivision, doon ko lang naramdaman ang bigat ng sitwasyon ko. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala na akong pamilya. Ang mga kaibigan ko noon ay lumayo na nang bumagsak ang kumpanya namin. Ang natitirang pera sa wallet ko ay sapat lang para sa pamasahe at isang pagkain. Pero may isang tao pa akong naiisip. Isang tao na alam kong may kakayahang tulungan ako, kahit na alam kong siya ang pinakahuling taong dapat kong lapitan dahil sa mga kasalanan ko sa kanya noon. Si Alfonso Guerrero. Ang lalaking ilang beses kong binasted at sinaktan para lang piliin si Gideon. Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay nasa tapat na ako ng matayog na gusali ng G&B Corporation. Nakasuot pa rin ako ng manipis na bestida mula kagabi, gusot na ito at malamig sa balat, habang nakatayo ako sa gilid ng malaking glass door bitbit ang nag-iisa kong maleta. Nang magbukas ang opisina pagsapit ng alas-otso ng umaga, agad akong lumapit sa reception desk. "Miss, pakisabi kay Alfonso Guerrero na nandito si Chantal," pakiusap ko sa babaeng nasa front desk. Tiningnan ako ng receptionist mula ulo hanggang paa. Halata ang panghuhusga sa mga mata niya dahil sa hitsura ko. "May appointment po ba kayo kay Sir Alfonso, Ma'am?" "Wala, pero sabihin mo lang ang pangalan ko. Kilala niya ako. Importante lang talaga," sagot ko. Tumawag ang babae sa intercom. Naghintay ako nang may kaba sa dibdib. Pagkatapos ng ilang segundo, ibinaba niya ang telepono at umiling. "Pasensya na po, Ma'am, pero ang sabi po ng executive secretary ni Sir, hindi po siya tumatanggap ng bisita ngayon kung walang appointment." "Pakisabi ulit, pakiusap. Sabihin mo kailangan ko lang siyang makausap kahit limang minuto lang," giit ko. Lumapit na ang guwardiya sa akin. "Miss, dito na lang po kayo sa labas maghintay. Bawal po kasi rito sa lobby kung walang appointment." Wala akong nagawa kundi lumabas. Bawat oras na lumilipas, bumabalik ako sa guwardiya para ipasabi ang pangalan ko, pero pareho lang ang sagot. Walang Alfonso na bumaba. Lumipas ang tanghali. Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ako gumalaw sa puwesto ko sa labas ng entrance. Pinagtitinginan na ako ng mga empleyadong labas-masok sa building, nagbubulungan sila habang nakatingin sa maleta ko, pero nilunok ko ang lahat ng hiya ko. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ng kakampi para makabangon at mabawi ang lahat ng kinuha sa akin ni Gideon. Pagsapit ng alas-otso ng gabi, biglang dumilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan. Umatras ako nang kaunti sa may silong ng gusali pero nababasa pa rin ako ng malakas na hangin. Nanginginig na ang mga labi ko sa lamig. Wala nang tao sa labas. Mag-aalas-nuwebe na nang mapagdesisyunan kong umalis na lang. Siguro nga, tama lang na ganito ang gawin niya sa akin pagkatapos ng ginawa ko sa kanya noon. Masyado akong naging makapal ang mukha para umasa pang tutulungan niya ako. Hila-hila ang maleta ko, naglakad ako sa ilalim ng malakas na ulan. Halos wala na akong makita dahil sa luha at tubig-ulan na humahalo sa mukha ko. Nang biglang may lumabas na itim na mamahaling sasakyan mula sa basement parking ng gusali. Kumislap ang malakas na headlights nito sa harap ko. Hindi ako nagdalawang-isip. Kahit hindi ko sigurado kung siya ang nasa loob, tumakbo ako sa harapan ng sasakyan at hinarang ang sarili ko, nakataas ang dalawang kamay para pigilan itong umandar.Chantal's POV)Halos magyelo ang buong katawan ko sa sobrang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ni Alfonso. Nakayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa bintana, pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga ilaw sa kalsada. Basang-basa pa rin ang bestida ko at nanginginig ang panga ko, pero pilit kong pinipigilan ang pagngangalit ng mga ngipin ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya. Nakapirma na ako sa kontrata ng paghihiganti nang sumakay ako sa kotse na ito, at hindi na ako puwedeng umatras.Narinig ko ang pagkaluskos sa tabi ko. Biglang may tumabing na makapal at mabangong tela sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ang mamahaling suit jacket ni Alfonso na nakabalot na sa akin. Amoy mamahaling pabango at matapang na kape."Don't get the wrong idea," malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa hawak niyang tablet. "I just don't want you getting sick on your first day. Sino na lang ang maglilinis ng penthouse ko kung mamamatay ka sa pulmonya?"Napakagat ako sa labi ko at ma
Alfonso's POV)Pinapanood ko siya mula sa likod ng heavily tinted glass ng sasakyan ko. Basang-basa siya ng ulan, nanginginig ang buong katawan, at nakayuko habang nakaharang sa harapan ng kotse ko. Kahit nakatalikod o nakayuko, kahit ilang taon pa ang lumipas, kilalang-kilala ko ang hugis ng katawan niya.Si Chantal. Ang babaeng nagparamdam sa akin kung gaano kasakit at kahirap ang maging mahirap.Kaninang umaga pa lang, eksaktong alas-otso nang mag-report ang executive secretary ko sa opisina para sabihing nasa lobby siya. Buong araw akong hindi mapakali sa executive suite ko. Kahit may mahalaga kaming board meeting kasama ang mga foreign investors, lumilipad ang isip ko. Ilang beses akong tumayo sa tapat ng floor-to-ceiling glass window ng opisina ko sa fiftieth floor para tingnan siya mula sa itaas. Nakita ko kung paano siya umupo sa gilid ng entrance. Nakita ko kung paano siya naghintay nang walang kain, walang tubig, at walang pahinga sa ilalim ng matinding sikat ng araw hanggan
Hinding-hindi ko malilimutan ang amoy ng mamahaling pabango na kumapit sa sofa namin nang gabing iyon. Dahil hindi iyon sa akin. Masyadong matapang, masyadong matamis, at sigurado akong galing iyon sa babaeng nakaupo ngayon sa kandungan ng asawa ko.Nakatayo lang ako sa bungad ng sala, mahigpit ang hawak sa laylayan ng simple kong bestida. Dalawang taon. Dalawang buong taon akong nagbulag-bulagan sa lahat ng kalokohan ni Gideon. Kinaya ko ang malamig niyang pakikitungo tuwing uuwi siya nang madaling-araw. Tiniis ko ang mga bulung-bulungan at mapang-uyam na tingin ng mga amiga niya tuwing may party kaming dinadaluhan. Pinilit kong intindihin ang mga gabing hindi siya umuuwi dahil daw sa trabaho, kahit alam kong nasa ibang kama siya. Pero ang dalhin ang kabit niya dito mismo sa pamamahay namin? Ibang usapan na iyon."Gideon," tawag ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa pinaghalong galit at sakit.Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Ni hind






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.