Share

Loving The Beast
Loving The Beast
Author: Kia

Simula

'Of all people, why did you fall in love with a beast?'

Masayang tinanaw ni Cielo ang kanyang anak habang masaya itong tumatakbo kasama ang mga kalaro.

Mahirap man ang buhay, masaya syang kasama nya ang kanyang anak.

Kahit na sa bawat pagtingin nya rito, naaalala nya ang kanyang masaklap na nakaraan kapiling ang Ama nito.

She wiped the tears coming from her eyes as it slithered down on her cheeks.

Apat na taon. Apat na taon nyang binuhay ng mag-isa ang kanyang anak, hindi sya humingi ng kahit na ano mula sa Ama ng bata.

Natakot sya para sa mga mangyayari kung malaman nito ang tungkol sa kanilang anak.

It's either, he will support the child's daily needs or...

He will take away their son from her.

"Mama, umiiyak ka po ba?" maliit na boses ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

Ang anak nya habang marahang hinahaplos ang kanyang mga palad.

"Napuwing lang si Mama, anak." she sweetly caressed the child's long and dark hair.

Bagay na nakuha nito sa kanya. Mahaba at itim na itim na mga buhok. Ito lang naman ata ang nakuha nito sa kanya. Ang halos lahat ng katangian nito ay nakuha na nito sa kanyang Ama.

"Inaasar po ako ng mga kalaro ko," ngumuso ito at sya naman ay nagsalubong ang kilay.

"Bakit ka raw nila inaasar?" binuhat nya ito at itinabi sa kanya.

Tiningala sya ng bata habang may namumuong luha sa singkit nitong mga mata 

Nakikini-kinita na nya ang maaaring dahilan sa pang-aasar ng mga ito.

"Wala raw po kasi akong Papa," humikbi ito at yumakap sa kanya.

Piniga ang puso nya sa sumbong nito. Araw-araw ay ito na lang ang dahilan ng pagluha ng kanyang anak.

"Nasaan po ba si Papa? Bakit hindi natin sya kasama? Ayaw nya ba sa atin?" sunod-sunod na tanong nito nang hindi agad sya nakasagot.

"Anak, sabi ko naman sa'yo, 'diba? Nasa malayo ang Papa mo at darating ang panahon na magkikita rin kayo." alo nya rito.

She lied. Alam nya sa sarili na hindi na darating ang pagkakataon na magkikita ang mga ito.

"Promise mo 'yan, Mama, ha?" itinaas nito ang maliit na daliri para makipag-pinky swear sa kanya.

Naestatwa sya ng dahil sa ginawa nito. I can't promise you, anak. Because, that will never happen anyway.

Sa halip na sagutin ang tanong nito ay maingat nya itong hinalikan sa noo.

"Halika na, anak. Uuwi na tayo." ibinaba nya ito mula sa upuan bago hinawakan ang kamay nito para alalayan sa paglalakad.

Malayo pa lang sila pero tanaw na tanaw na nya ang mamahaling sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay na inuupahan nila.

Nangunot ang noo nya. May bisita kaya si Aling Ester?

"Mama, bakit may kotse sa tapat ng bahay natin?" napansin na rin ito ng kanyang anak.

Ngayon lang ito nagawi rito kaya hindi ito pamilyar sa kanila.

"Baka may bisita ang Lola Ester mo." hindi siguradong sagot nya.

"Oh, Cielo? Mabuti at nariyan na kayong mag-ina, kanina pa naghihintay ang bisita nyo." lumalim ang gatla sa noo nya dahil sa narinig mula sa matandang babae.

"Bisita 'ho? Wala akong inaasahang bisita ngayong araw na ito, Aling Ester." sinulyapan nyang muli ang sasakyan.

Sa itsura pa lang ng kotse nito ay malalaman na agad na may kaya sa buhay ang may-ari nito, at sa pagkakatanda nya ay wala syang kakilalang nabibilang sa mayayamang tao.

Lumakas ang tibok ng puso nya. Hindi kaya, nahanap na nya kami?

Pero, imposible. Ang mga taong katulad ni Ross Arevalo ay hindi na mag-aaksaya pa ng panahon para sa mga hindi importanteng bagay.

Unless, he already knew the truth?

"Aling Ester, ano 'ho ba ang itsura ng bisitang sinasabi nyo?" naka-ilang lunok sya matapos iyong sabihin.

"Aba'y gwapo at macho. Kung ako ang tatanungin ay pwede na syang mag-apply sa Adonis." natatawang kwento nito.

May kung anong bumara sa kanyang lalamunan.

Relax, Cielo. It couldn't be him.

Mabigat man ang mga hakbang ay nagpatuloy sya. Tahimik lang ang kanyang anak at tutok sa daan ang atensyon.

"Mama, kilala nyo na po ba ang may-ari ng kotse?" nilingon nya ang anak.

"H-hindi anak, eh." pagsisinungaling nya.

Habang pumapasok sa loob ng bahay ay nasa bata lang ang paningin nya. Kung sakali mang totoo ang hinala nya, mabilis nyang maiitakas ang anak nya.

"Cielo," tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang pamilyar na baritonong boses.

It was him.

Kinuha ni Aling Ester sa kanya ang bata at nagtungo ang mga ito sa kusina.

Matapang nyang hinarap ang lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong nya.

"I came here for my son." hindi pa rin ito nagbago, malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.

Namutla sya sa narinig. Dumating na ang araw na kinatatakutan nya.

'The beast is finally here. He will take my son away.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status