Share

Chapter 35.1

CHAPTER THIRTY-FIVE:

It Ends with Flames (Part I)

Isang buwan na ang lumipas at minsan lang si Lucius na magising dahil sa kaniyang kalagayan. Inilipat na rin si Lucius sa El Salvador at doon na pinamalagi. Nakaupo si Summer sa stool at pinagmamasdan si Lucius sa higaan nito. Hilom na rin ang mga sugat nito at inaantay na lang na tuluyang gumaling. Malakas ang pagkakaumpog ni Lucius sa sahig at nadaganan pa ng kisame, na-overfatigue naman siya nang makipagbuno siya noong nakaraan kaya iyon ang naiisip nilang dahilan kung bakit madalas siyang matulog at walang lakas na bumangon. Ilang neurologist na ang tumingin sa kaniya at ang lahat ng iyon ay sinasabing walang problema sa ulo ni Lucius.

"I missed you," bulong ni Summer sabay tayo sa stool. Ilang oras na siyang nagbabantay kay Lucius pero hindi pa rin ito nagkakamalay. Araw-araw niya itong binibisita sa lumipas na buwan pero hindi niya ito ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status