"HI, Sweetheart." bungad agad ni Greg sa asawa nang iabot ni Dawn ang cellphone sa kapatid dahil sa pakiusap niya.
"Hi, how are you? Kumain ka na?"
"Yeah. Don't worry about me, okay lang ako." sagot ni Greg. "Ikaw, anong ginagawa mo?"
"Eto, mag-beauty rest daw ako, sabi ni ate." kwento niya sa asawa. "I don't really see the point of this set-up," maktol niya pa rito. "I mean, we're already married, you know? Bakit kailangan pang magkahiwalay tayo, the night before our church wedding?"
"Sweetheart, pagbigyan mo na ang parents mo. We owe this to them. Hayaan na natin na sila naman ang masunod this time." pagpapaunawa ni Greg sa asawa. "After all, sabi mo nga, we're already married. Isang gabi lang naman, then we're back in each other's arms again, forever."
"Sweetheart, ang cheesy mo!" doon lamang bumalik ngiti sa mga labi ni Toni.
"I love you!"
"I love you, too!" abot ang ngiti niyang sagot. "Pero nami-miss na talaga kita."
<HINDI pa man naimumulat ni Dawn ang mga mata niya ay tunog na ng cellphone niya ang bumulabog sa kanya.Pakapa-kapang inabot niya iyon sa mesita sa tabi ng kama niya at hindi pa rin iminumulat ang mga matang sinagot ang tawag."Good morning, darling!" bungad sa kanya ng tinig na unti-unti nang nakakabisado ng sistema niya.Wala sa loob na napangiti siya."Morning, aga mo, ah.""Sino'ng kasabay mong pumunta sa simbahan mamaya?" masuyong tanong nito."Hmm... I think, 'yung mga bridesmaids. Sa bridal car yata sasakay sila Mommy.""Sunduin kita? Sabay na tayong pumunta.""'Wag na, okay lang ako. Baka hassle pa sa'yo.""Of course not. Basta sunduin kita, ha?" giit nito na nakapag-pangiti sa kanya."Kulit lang?"Tinawanan lang siya ng binata."Won't argue with that. Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang tumanggi, kukulitin lang kita.""Wala na kong sinabi." nakangiti pa ring sabi na lamang niya. "Got to
LAKING pasasalamat ni Dawn nang pagdating nila sa reception ay nagdadatingan pa lamang din ang ibang bisita.Hindi pa naman pala sila masyadong huli. Magaling kasing humanap si Art ng alternatibong mga daan, tila alam nito ang mga papasukan kung saan hindi sila maiipit ng traffic.Naka-alalay pa ito sa siko niya habang papasok sila sa pinagdarausan ng reception.Lahat ng makasalubong nila ay pawang mga nakangiti sa kanya, na siyempre pa ay ginagantihan niya ng matamis ding ngiti. Halos lahat naman ng naroon ay kakilala niya, dahil bukod sa kapatid niya ang bride, kaibigan naman niya ang groom. Kaya't pareho siyang involve sa mundong ginagalawan ng mga ito.Kapansin-pansin naman ang extrang tamis ng ngiti at paghanga sa mga mata ng mga kadalagahan sa t'wing mapapadako ang tingin ng mga ito kay Art, na malugod din naman nitong ginagantihan ng matamis na ngiti. Palihim na naiiling na lamang siya.Dahil siya ang maid of honor, at bestman naman si Art,
ANGELOHi, Hon.DAWNHi...ANGELOI have a surprise for you.DAWNWhat is it?ANGELOOpen the door.DAWNWhat? Why?ANGELOJust open it, Honey.DAWNOkay.PABUNTONG-HININGANG bumangon si Dawn sa kama, tinungo ang pinto ng kwarto niya at bumaba upang tingnan kung ano ang sinasabi ng kasintahan.Isang linggo na siyang nagkukulong sa bahay.Dalawang linggo na matapos ang kasal nina Greg at Toni. Nakaalis na rin pabalik sa ibang bansa ang mga magulang niya. Dahil sa restaurant business ng mga ito roon ay hindi maaaring magtagal ang mga ito sa Pilipinas. Ipinangako na lamang ng mga ito na dadalaw sa oras na manganak na ang
"DAMN IT!" mahina ngunit mariing sambit ni Art sabay hampas sa manibela.Dalawang linggo niyang tiniis na hindi magpakita sa dalaga. Iniisip niyang iyon ang mas makabubuti para sa kanila. Aaminin niyang nasaktan siya nang sabihin nitong mahal pa rin nito ang kasintahan.Sabi niya sa sarili niya, bakit ba niya ipipilit ang sarili niya sa isang taong iba ang minamahal?Kaya't pilit niya itong iniwasan. Maging sa mag-asawang Greg at Toni ay hindi na rin muna siya nagpakita. Ayaw niyang makarinig ng kahit na anumang tungkol dito. Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho, halos ay ayaw niyang may mababakanteng oras.Sa gabi naman ay laman siya ng iba't-ibang bar sa Metro Manila.Ilang kababaihan na rin ang nagtangkang lumapit sa kanya. Ngunit bago pa lamang niya hahalikan ang mga ito ay agad nang pumapasok sa isip niya ang naka-irap na imahe ni Cassandra. Agad siyang gumagawa ng paraan para makaiwas.Parang nakakaloko lang.Nakaka-gago l
"CASSANDRA..."Bahagya pang napitlag si Dawn nang marinig ang boses ni Art. Kanina pa siya nakatitig sa tasa ng kape sa harapan niya. Pilit niyang itinatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa niya. Alam niyang tila siya gamo-gamong hindi mapigilang lumapit sa apoy. Alam niyang madadarang siya, ngunit wala siyang ginawa upang pigilan iyon.Nang mag-angat siya ng tingin dito ay napalunok siya nang makitang wala itong suot na pang-itaas, at tanging boxer shorts lamang ang suot nitong pang-ibaba. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang twalyang ibinigay niya rito."Art!" nanlalaki ang mga matang halos ay pasigaw niyang sabi rito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?""Why? Ano'ng problema sa hitsura ko?" patay malisya ito na patuloy lang na nagpupunas ng ulo habang nakatingin sa kanya.Naaamoy pa niya ang shampoo at sabon niya na ginamit nito na lalong nagpabuhol-buhol ng takbo ng utak niya.Shit! Bakit ba ang sexy ng amoy ng sabon at shampoo ko nu
TONIAte...ATE DAWNBakit?TONIPwede ka bang matulog dito? Kahit two nights lang.ATE DAWNBakit? Nasaan ang asawa mo? Nag-away ba kayo?TONIOA, 'te? Pinatutulog lang kita rito, nag-away agad? Hindi ba pwedeng may out of town conference lang siya sa Cebu, for three days?Natatawang-napailing na lamang si Dawn sa kalokohan ng kapatid.ATE DAWNLoka-loka ka talaga!TONIActually, kahapon pa siya umalis... at sobrang bored na bored na ako rito. Naka-bed rest ako now, kung hindi lang, kasama sana ako ni Greg sa Cebu.Bahagyang nangunot ang noo niya at bumaha ang pag-aalala sa sinabi ng kapatid.
HINDI NA niya muli pang nakita si Art nang bumaba siya. Hindi niya alam kung dapat niya ba iyong ipagpasalamat, o ano."Nasaan na kaya 'yon." hindi pa rin maiwasang tanong ng isip niya.Nagulat pa siya nang makarinig ng boses ng babaeng papasok sa kusina."It's okay, Arty, baby, dinagdagan ko talaga ang niluto ko para sa'yo--I mean... kay Toni. Maganda raw sa buntis ang masabaw na pagkain. And of course, maganda rin sa'yo 'to, nakakadagdag daw ito ng-- hrmp... alam mo na..." at sinundan nito iyon ng nakaka-iritang halakhak.Nang lumingon siya ay nakita niya ang gulat sa mga mata ni Art na nakatingin sa kanya. Hindi marahil nito inaasahang naroon siya.Lumipat ang tingin niya sa babaeng katabi nito.Hindi niya maikakailang sexy ito sa suot nitong hapit na spaghetti strap blouse, na halos iluwa na ang hind dapat, na sigurado siyang sinadya nito, gayundin ang leggings nito na tila ikalawang balat na nito sa sobrang hapit.Bahagya pa siya
"SORRY," mahinang anas ni Art habang nakahiga sa tabi niya.Katatapos lang ng mainit na sandali sa kanila. At katulad nang unang beses na may mangyari sa kanila, tumatanggi ang isip niya ngunit nadadaig ito ng traidor niyang puso at katawan. Nakaunan siya ngayon sa dibdib nito habang nakahiga ito at nakapatong ang isang braso sa noo, at ang isa ay nakapulupot sa katawan niya.Binalak sana niyang lumayo rito pagkatapos, ngunit hindi siya nito pinayagan. May pwersang kinabig nito ang katawan niya at mahigpit na ipinaikot ang braso sa kanya, sinigurong hindi siya makakalayo rito. Kaya't damang-dama niya ang pagkakadikit ng mga hubad nilang katawan.Tila wala sa loob na marahan pa nitong hinahaplos ng mga daliri ang braso niya. Pataas. Pababa. Paikot-ikot. May nararamdaman siyang masarap na kiliting nanunulay sa bawat himaymay ng mga ugat niya, patungo sa pinakasentro ng pagkababae niya, sa ginagawa nito."Shit!" katatapos lang nila pero heto