Share

Chapter 13

"CASSANDRA..."

Bahagya pang napitlag si Dawn nang marinig ang boses ni Art. Kanina pa siya nakatitig sa tasa ng kape sa harapan niya. Pilit niyang itinatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa niya. Alam niyang tila siya gamo-gamong hindi mapigilang lumapit sa apoy. Alam niyang madadarang siya, ngunit wala siyang ginawa upang pigilan iyon.

Nang mag-angat siya ng tingin dito ay napalunok siya nang makitang wala itong suot na pang-itaas, at tanging boxer shorts lamang ang suot nitong pang-ibaba. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang twalyang ibinigay niya rito.

"Art!" nanlalaki ang mga matang halos ay pasigaw niyang sabi rito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Why? Ano'ng problema sa hitsura ko?" patay malisya ito na patuloy lang na nagpupunas ng ulo habang nakatingin sa kanya.

Naaamoy pa niya ang shampoo at sabon niya na ginamit nito na lalong nagpabuhol-buhol ng takbo ng utak niya.

Shit! Bakit ba ang sexy ng amoy ng sabon at shampoo ko nu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status