登入“Katulong sa umaga, parausan sa gabi." Iyan ang naging trabaho ko sa mansyon ni Ymilio. Gawain sa bahay ang inaatupag ko tuwing umaga, at sa pagsapit ng gabi ay siya naman ang pagsisilbihan ko sa kama. Halimaw siya sa paningin ko. Halimaw sa kama. At sinong mag-aakala na ang halimaw na ito ay unti-unti kong mapapaamo? Na ang dating kinatatakutan sa buong probinsya ay unti-unti nang lumalambot?
查看更多Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.
Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.
Bukod sa wala kaming boses, wala rin kaming karapatan, at madalas, walang pagpipilian.
Bata pa lang ako nang mawala ang mga magulang ko. Ang tita ko lang na kapatid ni nanay ang nagtiyagang bumuhay sa akin, pero tila ayaw talaga sa akin ng tadhana. Pagtuntong ko pa lang ng high school ay agad din siyang kinuha sa akin ng Maykapal. Wala siyang asawa’t anak, at wala rin akong ibang kilalang kamag-anak. Sa madaling salita, mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.
Swerte ko na lang at natanggap ako sa Fleur de Lis Maid Café, ang pinakasikat na café dito sa amin. Pero ang salitang 'swerte' ay may kalakip na dumi. Dito, ang bawat ngiti namin ay may presyo. Sa madaling salita ulit, kailangan namin pakisamahan ang mga master namin para may makuha kaming tip galing sa kanila.
Master ang tawag namin sa mga customer namin. May matanda, medyo bata-bata pa, basta mayamang lalaki, puwedeng pumunta dito sa café. Para lang itong restawran, iyon lang at puro mayayamang lalaki ang customer namin.
"Ika! ‘Yung order sa Table 4, kanina pa naghihintay si Master Domeng!" sigaw ng manager naming si Selya mula sa counter.
"Opo, paparating na!" sagot ko habang mabilis na inaayos ang mga tasa ng kape sa tray.
Nasa bandang kusina ako ngayon, kasalukuyang hinahanda ang order ng regular naming customer na si Domeng. May pagkamainipin ang isang ’to kaya binilisan ko lalo ang mga kilos ko.
“Ito na—" bitbit ang tray, palabas na sana ako ng pinto ng kusina nang matigilan ako.
Ang ingay sa labas. Lagi nang maingay rito, puno ng halakhakan, pero sa pagkakataong ito, kakaiba ang ingay na nagmumula roon.
"Pulis! Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng manager namin mula doon na nagpakabog ng dibdib ko, dahilan upang mabitawan ko ang tray.
Tumalsik ang dala kong traysa sahig, pero hindi ko na iyon nagawang panghinayangan. Mas lalong lumakas ang ingay. May naririnig na akong nababasag na salamin habang sinasabayan ng mga sigawan.
Sumilip ako nang bahagya sa awang ng pinto at halos manigas ang buong katawan ko sa nakita.
May gulo nga sa labas! May mga de-armas na lalaki na nakapasok. Lahat ng masters namin ay nakadapa na sa sahig sa tindi ng takot, habang ang mga kasamahan kong staff ay nakapusas na ang mga kamay.
Ano ba'ng nangyayari? Mga kidnapper ba ang mga ito?
Purong itim ang kanilang kasuotan. Mula sa tactical gear hanggang sa mga bota nila. Pero ang pinakanakakatakot sa kanila ay ang mga suot nilang maskara. Puting-puti ito na walang emosyon, katulad ng sa Jabbawockeez. Tuloy, nagmistula silang mga demonyo dahil sa dim lights ng café.
"Walang gagalaw!" baritonong sigaw ng isa sa kanila.
Ang manager namin na kaninang sumigaw ay nalingunan kong nanginginig na nakatago sa ilalim ng counter.
"Nasaan ang babae?" tanong ng isa pa sa mga de-armas na mga lalaki. Lumingon-lingon pa siya, tila may hinahanap na target.
Kinabahan ako nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sitwasyon. May parte sa akin na nagsasabi na tumakbo na ako't tumakas, pero saan naman ako dadaan? Ang tanging labasan ay ang pinto sa harap kung nasaan ang mga lalaki.
Dahan-dahan akong umatras upang tumungo sa back exit ng kusina, pero bago pa man ako makalayo sa pinto ay isang malakas na pagsipa ang tumama doon, dahilan upang mapatili ako nang malakas.
Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isa sa kasamahan ng mga lalaki. Dumirekta agad ang mata niya sa akin.
"Found her," deklara niya na hindi tinatanggal sa akin ang tingin.
Bago pa man ako maka-react ay may pumasok ng dalawang kasamahan niya, pagkatapos ay ginapos ang mga kamay ko.
“A-anong… anong gagawin niyo sa'kin? T-tulong!” kinakabahan kong sigaw, sinubukan magpumiglas.
"Patahimikin na ’yan,” utos n'ung lalaking unang pumasok dito kanina.
Mas lalo ako nagpumiglas nang may nilabas na puting panyo ang isa sa nakagapos sa akin, sunod ay tinakip ito sa ilong ko. Pinaghalong matamis at matapang ang pagkakalanghap ko sa amoy ng panyo. Wala pang limang segundo ay naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng tuhod ko, hanggang sa kusa na lang bumigat ang mga talukap ng mata ko.
Nagising ako na may matinding sakit sa ulo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko pero mabilis ding napapikit dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko.
Nang luminaw ang paningin ko, napansin kong nasa loob ako ng isang malawak na silid. Mataas ang kisame, may mga antigong gamit, at amoy mamahaling pabango at tabako ang paligid. Nakaupo ako sa isang velvet na sofa, at ang mga kamay ko ay hindi naman nakatali, pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko.
"Gising ka na pala.”
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ko lang din napansin na sa tapat ko ay may malaking bintana kung saan nakatayo ang nakatalikod sa gawi ko na lalaki.
Polong itim ang pang-itaas nito na nakatupi ang manggas hanggang siko, inilalantad ang kanyang maskuladong braso.
"S-sino ka? Nasaan ako?” pilit kong nilakasan ang boses ko kahit nanginginig ako.
Nilagay niya sa parehong bulsa ang mga kamay niya bago niya ako dahan-dahang nilingon. Agad nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.
Para siyang hindi totoo. Ang mukha niya ay tila iginuhit ng isang bihasang pintor—matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata niyang kulay abo ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ko. Gwapo.
Teka… ano nga ulit ang nangyari bago ako nawalan ng malay? Ah… ginapos pala ako ng mga kidnapper. Hindi kaya itong lalaking ito ang boss nila? Pero sobrang gwapo naman niya para sa isang kidnapper.
"You're in my territory, Ika," seryosong sagot ng lalaki na ikinabilog ng mga mata't bibig ko.
Ika? Tinawag niya ako sa pangalan ko!
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? At b-bakit niyo ako kinidnap?"
Pero imbes na sagutin ako ay nagsimula na lang siyang humakbang palapit sa gawi ko.
"I am Ymilio Eros Remington. And starting today, you work for me."
Napamaang ako. Remington? Isa siyang Remington?!
Mas lalong namilog ang bibig ko sa narinig. Ang Remington ang pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalalawak na hacienda sa probinsyang ito. Sila ang batas dito.
Pero teka… ano nga ulit ang sinabi niya? Magtatrabaho ako sa kaniya?
Umayos ako ng tayo at bahagyang tumikhim para ikalma ang nagsisimula nang manginig na katawan ko dahil sa takot.
"M-mawalang galang po, M-mister… Remington… pero may trabaho na po ako sa cafe."
Niyuko ko agad ang ulo ko nang humakbang na naman siya ulit palapit lalo sa akin.
"That's not a job, that's a playground for old men," aniya. Ang boses niya ay maginoo pakinggan, pero may kung anong talim ang nakatago rito. "I'm offering you a real position. Personal maid. My personal maid.”
Personal maid?
Gusto kong iangat ang tingin sa kaniya para tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi. Pero sa takot ko ay nanatili akong nakayuko, ni hindi na maibuka ang bibig at nagsisimula na rin manginig ang katawan ko.
"You will serve me in every way possible," pagpapatuloy niya nang hindi ako nakaimik. “From the kitchen... to the bedroom. Your job is to make sure I am satisfied. Sagad-sagad na kasiyahan. Do you understand?"
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang mga salita niya ay direktang pambabastos, pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay tila isang utos na hindi mo ko puwedeng tanggihan.
"S-sagad-sagad po? Ano pong ibig niyong sabihin?” nanatiling nakayuko ang ulo ko kahit hinawakan na niya ang hibla ng buhok kong humaharang ngayon sa mukha ko. Pagkatapos ay pasimple niya itong inipit sa likod ng tainga ko. Bigla akong kinilabutan.
“Oo, sagad sagad. Simple lang naman ang trabaho mo. Katulong kita sa umaga, parausan naman kita tuwing gabi. Naintindihan mo na?”
Para sa kaarawan ni Ika, bumili ako ng mga balloons, nagpa-print ng tarp, at nag-order pa ako ng paborito kong flavor ng birthday cake. Oo, paborito ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang paborito niya. Habang wala siya sa kaniyang kwarto ay palihim ko itong isinet-up doon sa tulong na rin ng ilang kasambahay. Nasabi ko naman sa kaniya na huwag na muna siya matutulog hangga't hindi pa nag-aalas dose. Pero natapos na ako't lahat sa pag-aayos, sumapit na ang hatinggabi, hindi pa rin siya pumapasok dito sa kaniyang kuwarto.Nagsimula na akong mainip kaya napagdesisyunan ko na lang na hanapin siya sa buong mansyon. Una kong pinuntahan ang pool area, baka kasi nandoon siya at nagpapakalunod na naman sa sarili niyang mga drama sa buhay. Pero wala, walang tao roon kundi ang repleksyon ng buwan sa tubig. Sunod ko namang pinuntahan ay ang garden area, ngunit malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin doon. Halos lahat na ng sulok ng mansyon ay natingnan ko na, maging ang mga bakanteng
Nakatanaw lang ako kay Chelsea. Napakalawak ng ngiti niya habang katabi niya ang kaniyang mga magulang. Ang saya saya niya tingnan, na para bang wala siyang winasak na puso ilang minuto lang ang nakalilipas bago siya pumasok dito sa loob. Habang ako rito sa gilid, nakatayo sa may sulok, parang tangang unti-unting pinapatay ng sarili kong mga iniisip.Bumaba ang tingin ko sa maliit na pulang kahon na kanina ko pa pinipiga sa loob ng bulsa ko. It was a customized promise ring. Ito sana ang ipangreregalo ko sa kaniya kasi nabasa ko sa internet na, ang promise ring ay simbolo daw ng isang pangako na kahit hindi pa kayo pwede ngayon dahil sa mga harang, siya at siya pa rin ang pipiliin mo balang araw. Natawa na lang ako nang mapait sa sarili ko habang hinahaplos ang gilid ng kahon. Anong silbi ng lēcheng singsing na 'to ngayon kung ang mismong relasyon namin ay tinapos na niya. Nahirapan pa ako mag-isip ng magiging disenyo nito dahil natatakot ako na baka hindi niya ito magustuhan. Iyon
"Pakasal? Pa, hindi ako papayag!" Agad kong pag-apila "Wala pa sa mga plano ko ang magpakasal. Isa pa, may gusto akong iba!"‘Si Chelsea! Kung ipapakasal niyo rin naman pala ako sa anak ni Don Ymael, bakit hindi na lang kay Chelsea?’Iyan ang salitang gustong-gusto kong isigaw sa mismong mukha ni Papa. Pero bago ko pa man maisatinig iyon, hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ulit dahil tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at agad na may inilapag na makapal na envelope sa harap ko."Buksan mo," malamig niyang utos.Nanginginig ang mga daliri ko sa inis nang kunin at buksan ko ‘yun. It was a legal document. Isang kasulatan kung saan ang kalahati ng lahat ng ari-arian nila ni Mama ay direktang mapupunta sa pangalan ko balang araw, at ang natitirang kalahati ay mapupunta naman sa magiging anak ko. But there was a massive catch. Mabibigyang-bisa lamang ang dokumentong ito kapag pumayag akong pakasalan si Ika.It was an incredibly tempting offer. The kind of wealth
"Ano namang klaseng kapalit ang gusto mo? Huwag mong sabihing hihilingin mo ang shares ko sa kumpanya," seryoso at may pagdududang tanong ni Ymilio sa kabilang linya nang marinig ang sagot ko.Natawa ako nang bahagya bago ko sulyapan si Chelsea na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsusulat sa kaniyang papel. "Secret muna para masaya, man. Malalaman mo rin kapag tapos na ang deal natin. Basta inaasahan kong tutupad ka sa usapan natin."Bumuntong-hininga si Ymilio. Kilala niya ako—kapag sinabi kong may gusto akong makuha, gagawa at gagawa ako ng paraan para mapasakin ‘yun. "Fine. But let me make one thing clear, Jace. I know you're a bit of a playboy, but my wife's completely off-limits. I'm telling you this to warn you, she's not one of your flings."Marahan na naman akong natawa. “Chill, man. May gusto akong iba," makahulugan kong tugon. "Tutor lang, promise. huwag kang mag-alala…" Hindi ko sinabi kay Chelsea ang tungkol sa napagkasunduan namin ng kuya niya. Hindi rin naman iyon
Nang matapos ang huling malakas na pagputok ng fireworks, unt-unting binalot ng usok ang langit at dahan-dahang naglakad ang mga tao pabalik sa kani-kanilang mga daan. Nawala na ang kaninang ingay, at tanging ang malamig na simoy na lang ng hangin ang naiwan sa kinaroroonan naming deck.Mayamaya ay
Gulat pa rin ako habang hinihila niya ako. Noong una ay nagpatianod lang ako, pero nang mapansin kong pabalik na sa inn namin ang tinatahak naming daan ay bumwelo na ako para matigil siya sa paghila sa akin."T-teka lang po, Lord master!" pigil ko sa kaniya.Nakataas ang isang kilay niyang nilingon
"Godd*mn it. Repeat that," paos at mariing utos ni Ymilio habang buhat-buhat pa rin ako."A-Ang alin po?" uutal-utal kong tanong, halos kapusin na ng hininga dahil sa mabilis na pag-init ng buong katawan ko."What you just said. Say it again," hiling niya at narinig ko na lang ang pagsarado ng de-s
Medyo natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang lagkit sa buong katawan ko pero mas nangingibabaw ang hapdi. Pagkaapak pa lang ng paa ko sa sahig ay muntik na akong mabuwal. Literal na nangangatog ang tuhod ko."Ten minutes, Ika. I'm counting," dinig kong sabi ni Ymilio mula






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
評論更多