Sobrang bigat ng nangyaring sunod-sunod na pagsubok kay Jillian. Ang pagkawala ng kaniyang ama ay ang pinakamalaking sakit na naramdaman niya. Pakiramdam kasi niya ay kulang na kulang ang mga oras at pag-aalaga niya rito. Natulog lamang siya at sa isang iglap ay nawala na ito sa piling nila. "Kung alam ko lang ba huling yakap na pala yung kagabi... sana tinagalan ko pa ang pagyakap sa 'yo. Sana dinama ko ang mga huling oras na makakasama kita, itay. Itay, Sobrang lungkot ko ngayon. Tulungan mo ako itay na makayanan ang pagsubok na ito. Gabayan mo kami palagi ng mga kapatid ko. hanggang sa muli nating pagkikita, itay." Tanging sa Diyos kumapit si Jillian at humingi ng tulong na makayanan ito. Hindi siya okay ngunit pinipilit niya lang na maging okay alang alang na lang sa mga kapatid niya. Mula sa pagkasunog, pagiging broken hearted, pagkatanggal sa trabaho, at pagkamatay ng kaniyang ama sy pinilit niyang tatagan ang loob. Oo. umiyak siya pero hindi siya nagpakita sa mga kapatid ng
JILLIAN'S POINT OF VIEW Sa huli, nagpasya na lang ako na i-cremate na lang at mga labi ng itay. Bukod sa bawal magburol sa nilipatan naming bahay ay wala rin naman kaming kamag-anak dito sa manila na dadalaw sa kaniya at makikiramay. Mas minabuti ko nang ganoon na lang upang makasama pa rin namin ang mga abo ng itay sa bahay. Para na rin hindi kami gaanong masaktan na makita siyang nakahiga sa kabaong na wala ng buhay. Inuwi ko ang labi ng itay nang nasa tapayan na. Ang hirap makita na sobrang nalulungkot ang mga kapatid ko dahil ganito na nila makikita ang itay. Wala naman na kaming ibang choice kung hindi ang mag move on. Sa ngayon ay talagang kailangan naming pagdaanan ang ganitong klase ng sakit sa pakiramdam. lalo na sa part ko. Napakasakit. Halos sabay-sabay pa ang pinagdaanan ko at ang taong sana ay karamay ko sa mga oras na ito ay ang taong isa ring nakadagdag sa bigat ng dibdib ko. Speaking of him... Habang nagluluksa kaming magkakapatid ay bigla na lang siyang lum
JILLIAN'S POINT OF VIEW Since that night, hindi na kami muling nagkita ni Jared. Marahil ay sobra ko siyang nasaktan sa aking pagiging emosyonal noong gabi na iyon kaya dalawang buwan na niya akong natitiis. Miss na Miss ko na siya. Ngayong okay na ako ay gusto kong mag-sorry sa kaniya. Gusto kong maayos ang sa amin ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin gayong hindi nga siya nagpapakita. Sa company pa rin nila ako nagtratrabaho at ang mommy niya ang siyang boss ko ngayon. Hindi niya binabanggit kung nasaan ang anak niya at hindi ko rin naman magawang itanong dahil labas ito sa aking trabaho. Bagamat lingid sa kaalaman ng kaniyang magulang ang naging relasyon namin ay kataka-takang hindi nila ako inaalis sa kompanyang ito. Mabait naman sa akin ang madam CEO kaya lang ay hindi niya talaga inoopen ang tungkol sa anak niya. Kung nasaan na ba ito o ano na ba ang pinagkakaabalahan nito at bakit hindi na ito nagpapakita sa office. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lalo
Agad-agad ay tumakbo na si Jillian sa sikat na bilihan ng gown. Isang kilalang boutique kung saan bumibili ang mga kilalang personalidad dito sa Pilipinas. Noong una ay nakaramdam siya ng pagkahiya at pagka-asiwa dahil pakiramdam niya ay hindi siya nababagay na pumunta sa ganoong ka-sosyal na lugar. pero dahil nga may hawak siyang black card at may pambili naman siya ay nilakasan niya ang loob at pumasok siya sa loob. Agad naman siyang inistima ng mga staff ss nasabing boutique. Kahit na may dresscode na sinusunod ang mga taong pinspakitaan nila ng VIP treatments ay malugod naman siya nitong tinanggap. "I'm looking for a wedding gown. Pwede niyo bang ipakita sa akin kung ano ang pinaka maganda at bagong design niyo? yung unique pero elegante. CEO ang mapapangasawa ng bride kaya tulungan niyo akong makapili nh pinaka the best." pagtatapat ni Jillian sa mga staff. Sinabi niya na hindi siya ang magsusuot kung hindi napag-utusan lamang siya. "Ahh, yes mam. Don't worry. Marami ka
JILLIAN'S POINT OF VIEW "Anong hindi mo alam! ang sabihin mo, ginusto mo talaga! paano ko isusuot mamaya yan kung sinuot mo na? You will pay for this. You ruined my gown." hinila niya ako palabas ng nasabing kwarto. Sinubukan kong magmakaawa ngunit hindi siya nakinig. Pinagtitinginan na kami ng bawat madaanan naming tao. Naka ayos ako na parang bride samantalang yung bride ay galit na galit. "Mam, dalawa naman po yung binili ko. Yung isa ba lang po ang suotin niyo. Sorry po talaga." Hiyang-hiya ako at pirmis lang na nakayuko. Galit na galit ang bride sa akin at talagang ipinapihiya niya ako sa lahat ng taong nandirito. Hindi ko naman talaga alam kung bakit o paano ko nagawang isuot itong gown. Wala akong maalala na nag make up pa ako. Ngayon ay tiyak na malilintikan ako. "Mam, maniwala po kayo. hindi ko po talaga alam kung bakit suot ko na ang gown mo." pagpapaliwanag ko. hila-hila niya ako at mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Siguro ay iniisip ng mga taong nandito na am
Maingay na tugtugin at patay sinding mga ilaw. Nakalalasing na inumin at mga usok na nasa paligid. Masamang masama ang loob mi Lucy Pearl sa kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Angelica dahil sa nangyari kaninang umaga. Pakiramdam nya ay parang hindi sya kadugo dahil kung kampihan ng ina nyang si Hailey ang ate nya ay ganu'n ganoon na lang. Hindi ito ang unang beses na pinagbintangan sya ni Angelica tungkol sa mga nawawala nitong gamit at hindi rin ito yung unang beses na kinampihan ni Hailey ang ate nya. Bilang bunso, nagtatampo talaga si Lucy Pearl. Pakiramdam nya ay may favoritsm sa pamilya at maging ang ama nyang si Justine ay mas pinapanigan palagi ang ate nyang si Angelica. Kaya naman itong si Lucy Pearl ay lumaking malayo ang loob sa kanyang mga magulang. Hinanap nya ang kanyang kasiyahan sa labas ng kanilang tahanan at sa mga barkada nya ito natagpuan. Lucy Pearl point of view.Earlier..."Lucy Pearl! Lucy Pearl, gumising ka diyan!" natutulog ako sa aking kwarto nang
Ang hindi alam ni Lucy Pearl ay nasa kapahamakan na sya. Ang alak kasi na ininom nya ay may halong ecstacy. Isang klase ng droga na inihahalo sa nakalalasing na inumin ng mga lalaking may masamang balak sa babaeng natitipuhan. Sad to say, naging biktima si Lucy Pearl at nainom nya ang alak na may halong Droga na syang ibinigay sa kanya ng lalaking nagpapakilala sa kanya ng pangalang Lester. Hindi kinaya ni Lucy Pearl ang tama ng pinaghalong alak at droga kaya sya nag-passed out. Ito namang si Lester ay nag-take advantages sa kanya at may masamang binabalak sa kanya. Balak syang pagsamantalahan ng lalaking nakilala sa bar. Mabuti na lang at may isang estranghero na nakatunog sa masamang binabalak ni Lester sa dalaga. Habang nagsasayawan kasi sila Lucy Pearl at kanyang mga kaibigan ay pinanonood sila nito at nakita ng nasabing estranghero na noon lang nagkakilala ang dalawa. Agad din itong naghinala ng abutan ni Lester ng alak ang dalaga kaya naman hindi na nya inalis ang tingin sa mg
KINABUKASAN...Nagising si Lucy Pearl na tirik na tirik na ang araw. Hindi nya maigalaw ang paa niya at sobrang sakit ng kanyang ulo. Pilit nyang inaalala ang nangyari kagabi at bakit sa ibang kwarto sya nakatulog? "OMG! Anong ginawa ko?" Hindi malinaw sa alaala ni Lucy Pearl ang mga eksaktong nangyari kagabi. Ang malinaw lang sa kanya ngayon ay Lagot sya sa parents nya dahil hindi sya umuwi ng bahay at..... "May ka-sex ako? sino? hindi nga? Nakipag-sex ako? dito?" Nagising sya na walang kahit na anong saplot sa katawan. May masakit din sa pang ibabang bahagi ng katawan nya kaya naman napuno ng takot ang kalooban nya. Lasing na lasing kasi siya kagabi at hindi nya mapaniwalaan na naisuko na pala nya ang bataan. Tiyak na kamumuhian sya ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito ang mga pinag gagawa nya kagabi. Kahit may iniinda ay pinilit ni Lucy Pearl na bumangon. Hinanap nya ang suot nya kagabi ngunit wala syang nakita maliban sa isang lether Jacket na kulay itim na pinaghihi