Share

pasaway

KINABUKASAN...

Nagising si Lucy Pearl na tirik na tirik na ang araw. Hindi nya maigalaw ang paa niya at sobrang sakit ng kanyang ulo. Pilit nyang inaalala ang nangyari kagabi at bakit sa ibang kwarto sya nakatulog?

"OMG! Anong ginawa ko?" Hindi malinaw sa alaala ni Lucy Pearl ang mga eksaktong nangyari kagabi. Ang malinaw lang sa kanya ngayon ay Lagot sya sa parents nya dahil hindi sya umuwi ng bahay at..... "May ka-sex ako? sino? hindi nga? Nakipag-sex ako? dito?" Nagising sya na walang kahit na anong saplot sa katawan. May masakit din sa pang ibabang bahagi ng katawan nya kaya naman napuno ng takot ang kalooban nya. Lasing na lasing kasi siya kagabi at hindi nya mapaniwalaan na naisuko na pala nya ang bataan. Tiyak na kamumuhian sya ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito ang mga pinag gagawa nya kagabi.

Kahit may iniinda ay pinilit ni Lucy Pearl na bumangon. Hinanap nya ang suot nya kagabi ngunit wala syang nakita maliban sa isang lether Jacket na kulay itim na pinaghihinalaan nya na pag-aari ng lalaki na naka-sex nya kagabi. Wala na ang lalaki sa unit kaya hindi na inantay ni Lucy Pearl na makabalik pa ito dahil sa totoo lang ay hiyang hiya sya sa sarili nya. Nagmadali syang lumabas ng nasabing unit at pumara ng taxi.

Pagdating nya sa mansyon ay mukha ng galit ng kanyang ama na si Justine ang kanyang nabungaran at umiiyak naman sa pag-aalala ang kanyang ina. Ang ate Angelica naman nya ay ngingisi-ngisi lang.

Magmamano sana si Lucy Pearl sa kanyang Daddy kaso isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya dahilan para mabiling ang mukha nya. Ito ang unang beses na napagbuhatan sya ng kamay ng kanyang ama at ito rin kasi ang unang beses na inumaga siya mula sa galaan. Parang galit na Leon ang kanyang ama.

"SAAN KA NANGGALING? UWI BA NG MATINONG BABAE YAN? LOOK AT YOURSELF, YOU LOOK WASTED! HINDI MO BA NAISIP NA NAG-AALALA KAMI SA 'YO? ANG MOMMY MO, HINDI YAN NATULOG SA KAKAHINTAY SA PAG-UWI MO! WALA KA TALAGANG KWENTANG ANAK! DAIG NA DAIG KA TALAGA NG ATE MO. ANG ATE MO, GANYANG EDAD, HINDI MARUNONG GUMALA. GUMALA MAN MARUNONG MAGPAALAM, E IKAW? KAHIT KAILAN YOU NEVER FAILED TO DISAPPOINT US! NAKAKAPANGINIG KA NG LAMAN. YOU'RE ONLY 20 YEARS OLD AND YOU ALREADY HAVE HICKEYS ON YOUR NECK. SHAME ON YOU, LUCY PEARL!" Dismayadong dismayadong lalo si Justine sa pasaway na anak.

Aminado naman si Lucy Pearl na may mali sya at deserve nyang kagalitan. Tama ang lahat ng sinabi ng Dad nya dahil mali naman talaga ang nagawa nya kaya nga lang ay naroroon pa rin ang pagkukumpara sa kanila ng ate nya. Napakasakit para sa kanya na lalo pang bumaba ang tingin sa kanya ng mga magulang nya. Hindi tuloy mapigilan ni Lucy Pearl na hindi maiyak dahil sa sakit. Tinanggap nya ang lahat ng masasakit na salita ng kanyang ama. Hindi na sya naghanap ng kakampi dahil kahit naman noong wala pa siyang nagagawang masama ay wala ma syang kakampi. lalo pang sumama ang loob nya nang makitang suot na ng ate nya ang hinahanap nitong damit. "Buti nakita mo na yang damit mo. Akala ko pati pagkawala nyan, isasama pa sa Sermon sa 'kin. Sa susunod, maghanap ka ng mabuti. Puro na lang ako ang may mali dito sa bahay!" padabog na umakyat ng hagdan si Lucy Pearl at nagkulong sa kwarto. Masamang masama ang loob nya dahil feeling nya ay wala na syang ginawang tama. Maghapon umiyak si Lucy Pearl at hindi talaga bumaba para kumain. buti na lang, may isa silang katulong na malapit sa kanya at nagkusa na dalan sya ng pagkain. Si manang Joy.

"Kumain ka na, kanina ka pa hindi kumakain, baka magkasakit ka na niyan." malungkot na saad ni manang Joy. Dinalan sya nito ng tanghalian na Sinampalukang manok at kanin.

"Buti ka pa, manang Joy. Ramdam ko ang pagmamahal mo. Sige, kahit ayokong kumain kakain ako dahil naalala mo 'ko." Bata pa lang si Lucy Pearl ay naninilbihan na sa kanila si mang Joy. Sa kanila na ito tumanda kaya naman nalapit na talaga ang loob nito sa kanila. Siya ang nagiging kakampi ni Lucy Pearl tuwing pakiramdam nito ay wala itong kakampi.

"Syempre, ikaw ang paborito kong amo. mabait ka kasi at sweet sa aming mga katulong." Si manang Joy lang ang nakakakita ng magandang ugali na mayroon si Lucy Pearl. Kahit na may pagkamaldita ang dalaga ay alam ni manang Joy na mas mabait ito kaysa sa kanyang ate. Alam din naman ni Manang Joy kung bakit mas paborito nila Hailey at Justine si Angelica kaya hindi niya masisisi ang nya ito kung bakit mas paborito nila si Angelica.

"Kaya sa 'yo ako, e. paborito ko ako. buti ka pa. Sila mommy hindi man lang ako chineck dito sa kwarto ko."

"Naku, e, hindi mo ba alam? may out of the country sila for days kasama ang ate mo. Hindi ka ba sinabihan? May-shoot daw ang ate mo ng commercial sa Singapore. Binilin nga sa 'kin na huwag ka raw hahayaan na lumabas ng mansyon. grounded ka raw for 3 days."

"Hayaan mo sila. Sanay na 'ko na parang hangin lang dito sa mansyon. Hindi importante sa kanila na malaman ko kung saan sila pupunta. Basta pagdating kay ate talaga todo support sila. Hayaan mo manang Joy, hindi ako lalabas ng 3 araw para hindi ka madamay."

"Hindi. Huwag mo ako intindihin. Kung gusto mong gumala mamaya tutulungan kitang makalabas ng mansyon. Alam kong kapag lumalabas ka ng mansyon doon ka lang sumasaya. Ako ang bahala mamaya."

"Salamat manang, Joy! the best ka talaga!"

Pagkatapos kumain ni Lucy Pearl ay iniwanan na sya ni manang Joy sa kwarto. Ngayong nasa tamang katinuan na si Lucy pearl ay ngayon nya naaalaala ang mga pinaggagawa nya kagabi pati ang mukha ng lalaki na pinag-alayan nya ng kanyang pagkababae. Malinaw na nyang naaalala ang mga nangyari sa kanila sa kama at hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon kasama ang isang estranghero na hindi man lang nya kilala kahit sa pangalan. Dalangin ni Lucy Pearl na sana ay huwag na muli silang magtagpo dahil panigurado ay wala syang mukhang ihaharap dito. "Infairness, cute naman siya." May hang over pa ng kilig si Lucy Pearl. naroon yung ayaw nyang magkita silang muli pero naroon din yung gusto nyang kausapin ito upang sabihin na kalimutan na lang nila ang lahat. one night stand lang kumbaga. "Cute? paano kung masamang tao pala siya?" buong maghapon na naglaro sa isipan ni Lucy Pearl ang mukha ng nasabing estranghero. She finds it attractive and yet itinatatak nya sa isipan nya na ganoong klase ng lalaki ang gusto ng magulang nya para sa kanya. Hindi kasi basta-basta ang pamilya na kinabibilangan nya. Bilyinaryo at parehong CEO ang mga magulang nya kaya tiyak na itatakwil sya ng mga ito kung ganoong klase lang ng lalaki ang mamahalin nya. Ang mahirap lang, kahit anong pilit ang gawin nyang paglimot sa mukha nito ay hindi ito maalis alis sa kanyang isipan.

KINAGABIHAN,

Walang balak na umalis ng bahay si Lucy Pearl dahil ayaw nyang mapahamak si Manang Joy kapag nagpumilit syang umalis. Ang ginawa nya ay naligo na lamang sya sa swimming pool at pagkatapos ay nanood lang ng Movie.

Kahit anong biling ni Lucy Pearl ay hindi siya dalaw-dalawin ng antok. Sakto naman na tumawag ang kaibigan nyang si kim. Nabuhayan si Lucy Pearl at dali-dali na nagbihis. Hindi na kinuntyaba ni Lucy Pearl si mang Joy para makalabas ng mansyon. Sa isip nya, kung mahuli man sya, atleast walang kinalaman si Manang Joy.

Tagumpay na nakalabas ng mansyon si Lucy Pearl ng walang nakakakita. Ang problema, masyadong gabi na at walang dumadaan ng sasakyan. Malayo-layo pa ang sakayan kaya no choice sya kung hindi ang maglakad hanggang sa may dumaang taxi.

Sobrang dilim ng daan at nakakabingi na ang katahimikan dahil exclusive masyado ang subdibisyon na pagmamay ari nila. Natatakot man ay sumige pa rin si Lucy Pearl at tumuloy sa paglalakad. Hanggang sa may isang sasakyan ang huminto sa harapan nya. Napuno ng takot ang dibdib ng dalaga at balak ng sumigaw para humingi ng tulong. Nahinto lang ang balak nya matapos bumaba ang isang guwapong lalaki mula sa sasakyan.

"i-ikaw?!!!!" Hindi makapaniwala ang dalaga na muling pagtatagpuin ang landas nila.

"YOU? A-ANONG GINAGAWA MO RITO NANG GANITONG ORAS NA NG GABI? SAAN KA PUPUNTA? HINDI KA BA NADALA SA NANGYARI KAGABI? HA, LUCY PEARL?" Ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi ang lalaking naka-sex nya kagabi at siya ring lalaki na laman ng isipan nya maghapon.

What a co insidence! Lumakas ang tibok ng dibdib ni Lucy Pearl. Parang may kung anong kuryente ang naramdaman niya ng hawakan siya ni Yvann sa braso. para syang batang sinsermonan nito.

"ssshhhhh! will you please, shut up! saka mo na ako sermonan! ang mabuti pa ihatid mo na lang ako."

"Damn it! Saan naman kita ihahatid?"

"Saan pa ba? edi sa bahay namin. Galing ako diyan sa bahay ng friend ko, kailangan ko ng umuwi. Ano? ihahatid mo ba ako o hindi?" Sinadya ni Lucy Pearl na magsinungaling sa estranghero. Hindi pwedeng malaman nito kung saan talaga sya nakatira. Sinadya nyang iligaw ito at kunwari ay pauwi pa lang siya sa kanila pero ang totoo, sa bahay nila kim sya pupunta.

Sa loob ng kotse ay naging tahimik na ang dalawa. Nagpapakiramdaman at nagkahiyaan na bigla. Si Lucy Pearl hindi nya alam kung paano pa nya kakausapin ang lalaking pinakitaan nya ng pagka wild sa kama at itong estranghero naman ay hindi alam kung paano rin kakausapin ang dalagang kinuhaan nya ng pagka Birhen.

Sa huli, hindi na nakatiis ang estrangherong lalaki. Nakita nya na hindi bahay ang pinagbabaan ng dalaga kung hindi isang bar na puno ng mga lasing at makukulit na lalaki. hindi na tuloy nya napigilan na balaan ang dalaga. "I thought you're going home. bar 'to, e! Tignan mo nga, ang daming lasing, paano kung mabastos ka ng mga iyan?" pinigilan ng nasabing estranghero na bumaba ng sasakyan si Lucy Pearl. he's concern.

"Eh, ano naman sa 'yo? hindi ba ikaw naman ang naunang bumastos sa akin? ngayon pa ba ako matatakot, e, kinuha mo na yung virginity ko."

"Hey! Stop! Concern lang ako. Ayokong mapahamak ka!"

"Sa tingin mo, hindi ako napahamak sa nilagay mong chikinini?"

"Oh, fuck! bakit palagi sa akin ang balik? You're the one who begged for it. what im trying to say is, huwag ka ng tumuloy diyan! tignan mo, mukhang magkakaroon pa ng gulo."

At tama nga, ang kaninang mga nagkukulitan na lalaki ay mga nag-away na nga. Dahil doon, mas lalong hindi pumayag ang estrangherong lalaki na basta na lamang hayaan si Lucy Pearl na pumasok pa ng bar. Sa halip ay pinaharurot nya ng mabilis ang sasakyan.

"huy! Saan mo 'ko, dadalhin? Stop the car! I said stop the car, bababa ako!" Lucy Pearl try to stop him.

"I said, NO! i will not let other people to take advantages to you. Kung mayroon man, ako lang yon dahil ako ang nakauna sa 'yo kaya dapat sa akin ka lang!" Saad ni Yvann ng hindi sinasadyang ganoon ang masabi. Kaninang umaga kasi, habang natutulog pa si Lucy Pearl ay bigla na lang syang may kakaibang naramdaman. Hindi gusto ni Yvann ang galawan kagabi ni Lucy Pearl pero dahil siya pala ang unang lalaking umangkin dito ay bigla syang naging interesado sa dalaga. Problema nga nya kung paano sila muli magkikita pero dahil tadhana na ang muling naglapit sa kanila ay hindi na pinalampas ni Yvann.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Hoy! its Just a one night stand! wala lang 'yon!"

"Sa 'yo, wala. pero sa akin, meron. meron na. Akala mo ba nakatulog ako ng maayos after what happened to us? Hindi ako makapag-focus! puro mukha mo ang naiisip ko at kasalanan mo 'to. Pinilit mo akong patulan ka kaya heto ako, hinahanap ka na. Sorry for being too fast but i think, I need you in my bed tonight."

Ang ending, sa halikan pa rin nauwi. Ang estranghero ang sya namang nangungulit sa dalaga ngayon na may mangyaring muli. Hinalikan nito si Lucy Pearl sa loob ng kotse nyang nakahinto na sa gilid ng kalsada at doon na ito nag-insist ng sex.

Aminin man o hindi ni Lucy Pearl sa sarili, maging sya ay kapareho lang din ng estranghero. Para sa dalaga, ibang iba ang lakas ng dating sa kanya ng lalaking ito at Gustong-gusto niya ang pamamaraan nito ng pagpapaligaya sa kanya. Parang nagayuma ang dalaga at nagparaya lang sa nais mangyari ng estranghero. Sa loob ng itim nitong sasakyan ay doon nangyari ang ikalawang beses nilang pagsisiping.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status