IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi
BIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.
Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.
At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila. Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat
IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana KASALUKUYAN ako ngayong nagdidikdik ng halamang coalesco para sa ginagawa naming gayumang panglunas ni Ina. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang tawagin niya ako. Tila nangungusap ang kaniyang mga mapupungay na matang tumingin sa akin. “Dea, anak, maaari bang ikuha mo pa ako ng tanim nating halamang gamot sa likod ng ating bahay? Ako na muna ang magtutuloy sa ginagawa mo,” malambing niyang hayag sa akin.Tumugon ako sa kaniya sa pamamagitan ng isang pagtango. Ngunit, sandali akong napatigil nang mahinang napaubo si Ina habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Mabilis kong nabitiwan ang hawak kong maliit na pambayo at agad siyang inalalayan para umupo sa silya. Maging si Helena, ang aking nakatatandang kapatid, ay halos liparin na rin ng takbo patungo sa aming kinaroroonan. Tinitigan niya muna ako nang masama bago bumalik sa paghagod ng likod ng aming ina. Hindi ko alam pero parang matagal nang may tinatagon
IKALAWANG KABANATA: PighatiTULOY-TULOY pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakahawak sa magkabilaang balikat ng aking ina. Kahit anong gawin ko ay alam kong wala na siya at hindi na babalik pa.Sandali naman akong napatigil sa pag-iyak nang naagaw ng aking pansin si Ate Helena na sumalpok sa dingding ng aming bahay at dumiretso sa labas. Nagiba ang aming bubong at naidamay ang kalahating bahagi ng aming tahanan. Gumawa ako ng isang spell para protektahan ang katawan ni Ina. Minadali kong tunguhin ang kinaroroonan ni Ate Helena.“Dea, kunin mo si John at tumakas na kayo rito,” matigas na utos sa akin ni Ate Helena at saka marahang ibinaba ang natutulog naming bunsong kapatid sa lupa.“Si Ina, wala na siya, Ate. At bakit si John? Anong nangyari sa kaniya? Bakit kami tatakas?” mangiyak-ngiyak na hayag ko sa kaniya.“Oo, alam ko, patay na si Ina. At si
IKATLONG KABANATA: Sinumpaang TungkulinSINUNOG KO ang aming tahanan kasama na ang mga katawan nina Ate Helena at Ina dito. Tanging ang mga mahahalagang gamit lamang ang itinira ko at kinuha. Isang hilam na luha ang tumulo mula sa aking kaliwang mata at mabilis nitong binagtas ang aking mukha. Sinusubukan kong patatagin ang aking loob pero sobrang sakit talaga.Dalawang mahal ko sa buhay ang nawala sa loob lamang ng ilang oras. At ngayon, ang aking bunsong kapatid naman ay hindi ko na makilala pa dahil habang patagal nang patagal ay nag-iiba ang kaniyang anyo. Unti-unti siyang nagiging halimaw. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kahit patay na si Ate Helena, hindi pa rin nawawala ang bisa ng spell nito sa kaniya.Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao habang nagngingitngitan ang aking mga ngipin. Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung kanino ko ibabaling lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Huminga ako nang malalim para ikalma
IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam“MAHAL na Reyna Selena, bakit kayo nagpapasok ng tagalabas sa palasyo? Isang maitim na kapangyarihan ang nagmumula sa sanggol na dala-dala niya. Baka magdulot ito ng panganib sa mga mamamayan ng kaharian,” pagtutol ng pinuno ng mga cornixus na nakalaban ko kanina sa desisyon ng reyna na papasukin ako sa palasyo.“Ayos lamang, Demito. Nakita ko ang kanilang pagdating sa kaharian sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Alam ko rin kung bakit siya naparito. Nais niya lamang mapagaling ang kaniyang kapatid mula sa isang sumpa,” kalmadong sambit ng batang reyna sa kaniyang alagad.Napakahinahon niya kung magsalita. Hindi rin ako makapaniwala noong una na siya ang reyna ng mga mangkukulam. Ang reynang 333 taon nang nakaupo sa trono. Hindi ko aakalaing isa pala itong bata. O baka naman hindi lamang siya tumatanda kahit lumipas man ang mahabang panahon kaya napan
IKA-LIMANG KABANATA: Unang HidwaanKINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw.Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na