Share

Prologue

Unknown's POV

While driving my car bigla akong napahinto at lumabas ng kotse, It's almost two years noong una akong napunta dito, habang tinitignan ang punong nasa harapan ko, kung saan nagsimula ang lahat noong mga araw na yun. 

Naalala ko pa habang pinagmamasdan ang lalaking masayahin at puno ng ngiti ang mukha na halos nasa 15 years old ata ng mga panahong iyon, naalala ko sa galaw at mukha nya sa isang demonyo sa lugar na pinanggalingan ko ang demonyong binalot ng dilim ang dating maliwanag na lungsod. Ang demonyong naging dahilan ng pagka alipin ng aking ina. 

Ang ngiti nyang ibang iba sa dugong dumadaloy sa katawan nya, ang dugo ng demonyo. Tupa sya kong pagmasdan, subalit halata ang lobo sa loob nya na naghihintay lang mangagat. 

Habang ang pamilya nya masayang nilalasap ang pagiging malaya kami na naiwan sa kadiliman nakakulong at naghihirap.

Minsan naming nadama ang kasiyahan sa loob, subalit sa ilang taon lang naging masarap ang pamumuhay at masasabing nakatira kami sa perpektong lugar walang gulo walang pera na sanhi ng kagulohan, walang relihiyon na humahati sa bawat paniniwala, walang limitasyon o hangganang nag hahati samin, walang lahi, lipi o grupo lahat kami ay iisa, wala ring diskriminasyon, walang antas sa lipunan at lahat ay pantay pantay.

Pero dahil sa ambisyon at panggarap ng ilang mapagmataas at kayamanan ang tanging nasa isip, nagsimulang bumagsak ang Parfait (Dating pangalan ng Maldicion) naging ka sumpa sumpa ang perpektong lugar. Nagsimulang naging parang robot ang bawat isa sumusunod sa bawat kumpas ng demonyo ang salita ng demonyo ay parang salita ng Dios na nakasulat sa Bibliya, demonyo ang sinasamba na nagpapahirap sa bawat mamayan, mga batang pinagkaitang mabuhay ng normal at mga inang puni nang panggamba sa mga anak nila. 

"Xieren!" Tinig na umagaw sa attensyon ko no'ng panahong iyon

"Yes po" agaran nyang sagot sa tumawag sa kanya

Naglakad sya at pumasok sa loob ng bahay marangya ang buhay di naranasan ang hirap at kita ang liwanag sa mga ngiti nya.

Dahan dahan akong naglakad sa bahay kung saan sya pumasok at saka tinitingnan sila sa labas sa may bintanang mamahalin, habang kumakain at masayang nag uusap sa sala nila, tulad ng kasiyahan namin nina mom at dad noon sama sama at masayang kumakain, pero lahat ay hanggang alaala nalang na dapat ng kalimutan, mga bagay na pumasok sa isipan ko noong una ko silang nakita, gusto ko silang patayin ng mga panahong iyon, sunogin ang bahay nila, andaming mga bulong sa isip ko para lang makaganti, pero pinayapa ko ang sarili at inisip na sabi ng ina "ang lahat ng bagay ay may naaayon na panahon!" 

Nang napalingon ang dad ni Xieren at napansin ako sa bintana habang pinapanood sila, bigla syang tumayo at akmang lalabas para tingnan ako kaya dalidali  akong tumakbo. Nang makalayo nagtago ako sa puno sa gilid ng daan at tiningnan kung lumabas ba ang dad ni Xieren. 

At nang biglang lumabas sya at nagmasid sa labas agad akong naupo sa ilalim ng kahoy at binubunot ang damo sa kinauupoan ko, hanggang sa di ko namalayan nakatulog ako. 

Naalala ko pa ang suot ko nang araw na yun asul na tshirt na medyo luma at puno na ng dumi, kusot kusot na short at shenilas na mag kaibang pares. 

Di ko namalayan oras at bigla nalang akong na gising dahil sa liwanag na nakatutok sa mata ko. Agad akong bumangon at akmang tatakbo sana, nang mapansing bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang babae. "Wag kang matakot" mahina nyang sabi, detalyado pa sa isip ko ang mga sumunod na pangyayari, dahil do'n inampon ako nila, bibihisan tinuring na tunay na anak at pinag aral. Kahit papaano nakalimutan ko ang madilim kong buhay sa Maldicion. 

Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko nang maalala ko mga bagay na di na dapat alalahanin. 

Bumalik ako sa kotse ko nang biglang,

"Viel!" Sigaw na umagaw sa attensyon ko, bakit alam nya  ang pangalan ko? Isang babaeng naka formal suit at parang attend ng conference. 

Dali dali syang lumapit sakin, lumabas naman si dad sa kotse kung saan galing ang babae.

At nang medyo nakalapit na sya nararamdaman kong sya na nga agad nya kong niyakap. 

"Anak!" Unang salitang lumabas sa bibig nya

"Mom!" Sya nga ang mom ko na akala ko wala na, pero bakit sya naka alis? 

"It is not the time to answer all of your questions! But for now iiwan ko to sayo!" Saka iniabot nya sa'kin ang kahon na daladala nya. 

"Magkikita tayo ulit! Tandaan mo yan I love you!" Sabi nya, saka niyakap ako ulit ng mahigpit na mahigpit. 

Saka bumalik sya sa kotse nya at tumawid naman si dad papunta sakin. Bago pa sya pumasok sa kotse lumingon sya, "I love you" buka ng bibig nya na di ko man masyadong marinig, pero alam kong yun ang gusto nyang sabihin, saka sya pumasok sa kotse, dama ko ang lungkot at dalamhati sa kanya kasi ako mismo parang may medyo kirot sa puso ko alaala na lang sana, pero muling bumalik parang tinusok ng karayom na maliit lang pero sobrang hapdi.

"Nak sino yun?  she go to our home and ask for Viel then she ask for you!" Kwento ni dad na medyo naguguluhan sa nangyari.

"Wala dad! Babaeng importante sakin!" Sagot ko

"Sana di mo girlfriend yun kundi ma di-disappoint kami ng mom mo!" Nakangiti nyang sabi.

Napangiti nalang ako, 

"Let's go home!" Tanong ko kay dad 

Saka kami bumalik ng bahay, habang nagmamaneho di ko mapigilang tingnan ang box na bigay nya, medyo di ko lang maintindihan magpakita sya tapos biglang mawawala ulit. 

Pagdating namin ng bahay, agad akong pumasok ng kwarto at binuksan ang box! 

This will be the start! Makakalaya ka narin sa kadena mo mom! Wait for me!

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status