Share

#101:

Author: YuChenXi
last update Last Updated: 2025-12-27 16:56:19
"Anong maipaglilingkod ko sayo, Mr. Edison?" tanong sa akin ng lalaking matagal ko ng gustong makita simula ng makilala ko si Eliana.

Nangalap ako ng impormasyon tungkol dito. At napag alaman ko na labing apat ang agwat ng edad nito kay Eliana. Tatlumpu't dalawa na ito ng makilala si Eliana. At ang lalaking nasa harap ako ang sumira at nagkait kay Eliana ng kabataan nito.

"Naikwento sa akin ng aking anak na pinagkamalan mo siyang ibang tao."

Napatitig na ito sa akin sa sinabi ko. Wala akong balak paikutin pa ang usapan namin. Kung ang sadya ko ay ang makilala ito ng tuluyan. At malaman ang dahilan nito kung bakit niya iniwan si Eliana noon. At pinangakuan na babalikan pero hindi naman bumalik. Namatay na si Eliana ngunit hindi pa rin ito nagpakita.

"Kung ganun ikaw ang asawa ni Eliana?" tanong nito sa akin. "Pasensya ka na, Mr. Edison, wala akong balak manggulo sa paghahanap ko sa kanya. Gusto ko lang naman siyang makita at maipaliwanag kung bakit hindi ko siya noon nabalikan. Nasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lust For Me, Uncle Janus   #102:

    Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa armrest ng wheelchair ko habang nakatingin sa puntod sa harap ko.Matapos kong maipaliwanag kay Eduardo ang lahat tungkol sa kung bakit hindi agad ako nagpakita kay Eliana at sinabi nitong dadalhin niya ako kay Eliana.Nagtataka ako kung bakit ganun kadali dito na iharap sa akin si Eliana, hindi ba ito nag aalala na baka may magbago sa relasyon nila?Ngunit hindi na iyon ang nasa isip ko kanina. Masaya na ako habang nasa daan kami para puntahan nga si Eliana. Makikita ko na siya, makakausap ng maayos at makakahingi na ako ng tawad sa kanya ngunit ganun na lang ang pagbagsa ng pag asa kong makita si Eliana ng tumigil kami sa isang pribadong sementeryo.Ayaw kong mag isip ng negatibo kung bakit doon ako dinala ni Eduardo, ngunit ng pumasok na kami dito sa loob ng sementeryo at tumigil sa tapat ng isang puntod ay tuluyan ng bumagsak ang langit sa akin.Ang bigat ng pakiramdam ko na makita ang isang puntod na nakadikit sa lapida ang larawan ni Elian

  • Lust For Me, Uncle Janus   Note:

    CURRENT AGES OF MY CHARACTER: JANUS GRAY: 33 YEARS OLD IVANA EDISON: 21 YEARS OLD EDUARDO EDISON: 49 YEARS OLD HANNAH GRAY: 41 YEARS OLD ELIANA WHITE: 39 YEARS OLD (DECEASED) CLARK QUINN: 53 YEARS OLD ENID: 1O YEARS OLD VLADIMIR: 2 YEARS OLD ...... 28 Si Eduardo ng makilala si Eliana na 18 years old lang. Habang 32 na noon si Clark Gray. At 38 na noon si Eduardo ng makilala si Hannah na 30 years old. 22 lang din noon si Janus noong magpakasal sina Eduardo at Hannah. At sampung taon lang noon si Ivana. Sana malinaw na po ang edad ng ating mga character. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at tumatangkilik sa story ko. "Lust for Me, Uncle Janus" ay patuloy lang na umaasa sa inyong pagsuporta.

  • Lust For Me, Uncle Janus   #101:

    "Anong maipaglilingkod ko sayo, Mr. Edison?" tanong sa akin ng lalaking matagal ko ng gustong makita simula ng makilala ko si Eliana. Nangalap ako ng impormasyon tungkol dito. At napag alaman ko na labing apat ang agwat ng edad nito kay Eliana. Tatlumpu't dalawa na ito ng makilala si Eliana. At ang lalaking nasa harap ako ang sumira at nagkait kay Eliana ng kabataan nito. "Naikwento sa akin ng aking anak na pinagkamalan mo siyang ibang tao." Napatitig na ito sa akin sa sinabi ko. Wala akong balak paikutin pa ang usapan namin. Kung ang sadya ko ay ang makilala ito ng tuluyan. At malaman ang dahilan nito kung bakit niya iniwan si Eliana noon. At pinangakuan na babalikan pero hindi naman bumalik. Namatay na si Eliana ngunit hindi pa rin ito nagpakita. "Kung ganun ikaw ang asawa ni Eliana?" tanong nito sa akin. "Pasensya ka na, Mr. Edison, wala akong balak manggulo sa paghahanap ko sa kanya. Gusto ko lang naman siyang makita at maipaliwanag kung bakit hindi ko siya noon nabalikan. Nasa

  • Lust For Me, Uncle Janus   #100:

    "No!"Napalingon ako at agad na lumapit sa kanya ng marinig ko ang kanyang pagsigaw.Agad ko siyang dinaluhan. Ikinulong sa mga bisig ko, ginigising siya at pinapakalma."Ms. wake up. Binabangungot ka." malumanay na sabi ko sa kanya na may kasamang pagyugyog sa balikat niya."No! Huwag niyo akong hawakan. Huwag niyo akong hawakan." ngunit patuloy lang siya sa pagpupumiglas kaya lalo ko siyang ikinulong sa mga bisig ko."Shh, it's me. You are safe with me. Huwag kang matakot." pagpapakalma ko sa kanya na sinabayan na ng paghugod sa likod niya para mapakalma siya.Sa paghugod ko sa kanyang likod ay unti unit naman siyang tumigil sa pagpupumiglas hanggang sa naging payapa na siya sa pagtulog.Nang mapakalma ko siya ay muli ko siyang pinahiga, ngunit bago ko pa man siya mabitawan ay nagising na siya ng tuluyan.Napabalikwas pa siya ulit ng bangon at mabilis na umusad palayo sa akin."Huwag mo akong sasaktan, nakikiusap ako." nanginginig ang boses niyang nakikiusap sa akin na hinila pa ang

  • Lust For Me, Uncle Janus   #99:

    "Pa! May nakilala pala kami ni tito Janus kanina." pagkukwento ko kay papa habang nasa hapag kami.Kumakain ng dinner. At syempre kasama namin si Tito Janus sa hapunan.Napatingin pa si papa kay tito Janus."Kilala niya si mama. Pinagkamalan pa nga niya akong si mama kanina at tinawag niya akong Eliana."Hindi naman masamang pag usapan ang unang asawa ni papa sa harap ni mama ngayon. Saka mahal na mahal naman nila ang isa't isa. Kahit na hindi si mama Hannah ang unang asawa ni papa ay naiintindihan naman niya iyon kahit na pag usapan ang tungkol sa tunay kong ina."He is Mr. Quinn, kuya Eduardo," sabi naman ni tito Janus.Muling natigilan si papa at tumitig sa akin.Ilang sigundo o umabot yata ng isang minuto ang pagtitig sa akin ni papa bago nito binawi ang tingin sa akin."Anong sinabi niya?" tanong na ni papa."Sinabi niya na matagal na niyang hinahanap si mama.""Anong sinabi mo sa kanya? Sinabi mo ba na wala na ang iyong mama?"Umiling ako. Hindi na namin nasabi iyon kay Mr. Quin

  • Lust For Me, Uncle Janus   #98:

    "May balita na ba kayo?" tanong ko sa mga tauhan ko na kasama kong naghahanap sa isang napakahalagang tao para sa akin.Umiling sila.Lupaypay ang mga balikat ko at napatingin sa malayo. Hindi mapahalagaan ang kagandahan ng tanawin.Anong silbi ng tanawing aking nakikita kung ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita.Dalawampu't dalawang taon na ang nakakalipas ng huli ko siyang makita. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang balita tungkol sa kanya.Maraming dekada na ang nasayang ko sa paghahanap sa kanya pero hindi nakikiayon sa akin ang pagkakataon.Susuko na ba ako? Alam ko na sa paglipas ng panahon ay masarili na siyang pamilya. Ngunit hindi naman ibig sabihin na may pamilya na siya ay manggugulo ako sakaling mahanap ko siya.Gusto ko lang siyang makita. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataong makita siya ay hihingi ako ng kapatawaran sa pag iwan ko sa kanya noon. Na hindi ko siya ipinaglaban."Pero hindi kami tumititigil sa paghah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status