Home / Romance / Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake / Chapter 27 "Sino Ka Uncle Drake?"

Share

Chapter 27 "Sino Ka Uncle Drake?"

Author: Madam Ursula
last update publish date: 2026-04-21 20:43:20

Paglabas ko mula sa silid ni Uncle Drake, napahinto ako sandali at napabuntong-hininga. Nanginginig pa rin nang bahagya ang tuhod ko habang ang isipan ko ay tila binalot ng matinding pagkalito at pagdududa. Madalas kong marinig sa bibig ng lalaking iyon na hindi niya hiniling na ako ang maging kolateral. Paulit-ulit niyang sinasabi na may plano raw kami ni Itay, ngunit ni isa, wala akong maintindihan sa mga salita niya.

Lalong lumalim ang gusot sa noo ko habang binabalikan ko ang mga pangyayari
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 32 'Nagiba Ang Ihip Ng Hangin'

    "Do it, damn it! Gawin mo na!" sigaw ni Drake, ang boses nito ay dumadagundong sa buong silid at tila yata yayanig ang mga dingding. Pero nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Kahit anong pilit kong magpanggap na matapang at matatag, alam ko sa sarili ko na nanginginig ako sa takot at kaba. Parang may nakadagan sa dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Gusto kong kumilos, pero parang nanigas ang buong katawan ko at ayaw sumunod ng mga paa at kamay ko. Tumaas ang isang kilay niya at halatang naiinis na sa paghihintay. "What? Do you think ako ang gagawa niyan para sa'yo? Ano bang ina-expect mo, Abby? Are you waiting for me to treat you like a Princess? Iniisip mo ba na pagpapantasyahan kita, itatrato bilang isang babaeng iniingatan at sinasamba? At mamumuhay kang Reyna sa bahay ko?" panunumbat at pang-iinsulto nito sa akin. Doon parang binuhusan ako ng malamig na tubig at natauhan nang tuluyan. "Ikaw ang nangangarap ng gising, Abby," mariin niyang sabi. "Y

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 31

    Umalingawngaw ang tunog ng malakas na sampal na iyon ni Abby sa mukha ni Drake sa buong kwarto. Napahinto si Abby at nanigas sa kinahihigaan habang nararamdaman ang hapdi at init sa kanyang palad. Napakurap din si Drake matapos niyang sampalin ito. Para siyang natauhan saglit sa ginawa, pero imbes na magsisi o humupa ang galit, lalo lang sumabog ang pride niyang nasaktan at naapakan. Para sa kanya, ang pagbanggit ni Abby sa pangalan ng iba habang kasama siya ay isang malaking insulto. Isang bagay na hinding-hindi niya matatanggap. Dahil dito, bigla niyang hinablot ang buhok ni Abby at marahas itong inupo sa kama. Hindi pa doon natapos, mabilis niyang dinakma ang leeg ng dalaga at sinakal ito nang mahigpit ngunit sapat lang para matakot at mapatingin ito nang diretso sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ni Drake, puno ng galit at pagmamay-ari habang nakatitig sa nanginginig na si Abby. "Akin ka na, Abby, sa ayaw mo man o gusto!" sigaw niya nang dumadagundong ang boses. "Nalinaw na nat

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 30

    Napabuntong-hininga ulit si Drake at ininom ang laman ng kanyang baso. "May punto ka, Empoy," sabi niya nang mahina. "Ayoko ring nakikita siyang nahihirapan o takot na takot sa akin. Gusto ko, ah....gusto ko na kahit papaano ay maging maayos tayo." Ilang ulit na tumango si Drake na tila sumasang-ayon sa lahat ng sinasabi ni Empoy."Wala namang mawawala sa'yo, Boss. Bale-baliktarin man ang mundo, pag-aari mo si Abby kung nais niyang maging malaya, bayaran niya ang utang ng kanyang ama o tumbasan niya ang ilang milyong utang sa serbisyo niya, niya ba?" solsol pa ni Empoy."Okay, bukas na bukas din ay ipaasikaso mo 'yan. Pagadgadan no ang cctv, ipalagay mo sa mga kanto na hindi agad mahahalata. Ayokong maging hindi rin komportable si Abby. Tungkol naman sa karagdagang guard, sasabihan ko si Joseph na i-add at i-deploy sa labas ng rest house pansamantala. At sige, gawin natin ang payo mo. Buksan ang pinto ng kwarto niya bukas. Hayaan siyang lumabas. Pero doblehin ang bantay at siguraduhing

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 29 'Ang kanyang Dilema'

    Biglang bumalik sa isipan ni Abby ang araw na kinuha siya ng mga tauhan ni Drake. Naalala niya ang huling pagkikita nila ng kanyang ama. At doon, sa gitna ng kanyang pagluha, mas lalong sumakit ang dibdib niya dahil sa isang napakasakit na realisasyon. Wala man lang siyang nakitang takot sa mukha ng kanyang ama para sa kanya. Takot para sa sarili nitong kaligtasan o negosyo? Baka meron. Pero takot o awa para sa nangyayari sa sarili niyang anak? Wala. Wala siyang nakita kahit katiting. Parang tinadyakan ang puso ni Abby sa sakit at hinagpis. "Itay... Itay ko…" humahagulgol na tawag niya sa kawalan. "Paano ninyo nagawa ito sa sarili ninyong anak? Paano ninyo nagawang ipagpalit ako? Paano, Itay?"Napahagulhol na lamang ang dalaga sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay ipinagkanulo siya ng taong dapat sana ay siya ring magtatanggol at magmamahal sa kanya nang higit sa lahat. At ngayon, naiwan siyang mag-isa, nakaharap sa halimaw na si Drake, at walang ibang masandalan kundi ang sarili niy

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 28 'Unti-unting Pagkalito'

    Ngunit sa kabila ng mga salitang binitiwan ng lalaki at kahit pa nakikita niyang hindi naman ito mukhang ganon kasama kumilos kumpara sa ibang mga taong kilala niya, nanatiling matigas at matapang ang puso at isipan ni Abby. Sa kaibuturan ng kanyang isipan, mariing tinatanggihan at itinataboy niya ang ideyang iyon. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hinding-hindi siya magpapadala sa matatamis na salita at pangako nito. Kahit pa totoo ngang hindi ginipit o pinahirapan ni Drake ang kanyang ama, at kahit pa hindi siya ang mismong hininging kapalit o ransom sa anumang utang o negosyo, alam ni Abby sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapabigay. Hinding-hindi siya papayag na angkinin siya ng lalaking ito. Hindi niya hahayaang mangyari ang mga bagay na ipinapahiwatig nito. "Hindi... hinding-hindi mangyayari 'yan," bulong ni Abby sa sarili habang nakayuko at pilit na itinatago ang galit at takot sa kanyang mga mata. "Kahit anong gawin mo, Uncle Drake... kahit anong pangako o luh

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 27 "Sino Ka Uncle Drake?"

    Paglabas ko mula sa silid ni Uncle Drake, napahinto ako sandali at napabuntong-hininga. Nanginginig pa rin nang bahagya ang tuhod ko habang ang isipan ko ay tila binalot ng matinding pagkalito at pagdududa. Madalas kong marinig sa bibig ng lalaking iyon na hindi niya hiniling na ako ang maging kolateral. Paulit-ulit niyang sinasabi na may plano raw kami ni Itay, ngunit ni isa, wala akong maintindihan sa mga salita niya.Lalong lumalim ang gusot sa noo ko habang binabalikan ko ang mga pangyayari noon. Naalala ko ang araw na pumunta si Itay sa karaoke bar at ang biglaang pagsulpot ni Uncle Drake doon na parang isang anino. Nakita ko pa noon kung paano sila nag-usap—ang paraan ng pagtingin ni Uncle Drake kay Itay na puno ng panghuhusga at pagkasuklam, tila ba nandidiri siya sa presensya ng aking ama.At hindi ko rin makalimutan ang hapong iyon… ang hapong marahas akong kinaladkad ng mga tauhan niya at dinala dito sa silid na ito. Ang malamig na sabi nila na tinutubos na raw ni Uncle Drak

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 18 'Ang Unang Pagtakas'

    Ngunit habang papalapit ako sa pinto, may narinig akong mga yabag na papalapit. Agad akong bumalik sa pinagtataguan ko. "Hah!Sh*t, muntikan ba ako doon. Buwisit na bahay ito napakaraming tauhan." bulong ko habang pigil nag hininga. Lumabas mula sa kusina ang dalawang lalaki, ang isa ay may hawak

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 17 'Ang Kapalaran Ay Malabo'

    Narinig ko ang panggigipit sa boses ni Uncle Drake, isang banta na hindi ko kayang balewalain. Ang aking galit ay naglaho, napalitan ng pait at kawalan ng magawa. Hinayaan ko si Uncle Drake na pagmasdan ako, ang aking kalooban ay nagdurusa. Hindi ako sumagot, dahil sa sandaling iyon, wala na akong

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 16 'Sa Pagbabago ng Isip'

    Malayo ang naging paglalakbay ng sasakyan na ikinainip ko. Wala naman na akong magagawa pa kaya minabuti ko na lang na itulog ang sm ng loob ko. Kaya wala akong kaalam alam na nahimbing pala ako at binuhat na ng mga tauhan ni Uncle Drake hanggang sa silid. Napabalikwas ako ng gising.Sa una, ang ka

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 11 'Ang Panlilinlang'

    "Hay naku naman, Itay. Sana po nag-iisip muna kayo. Alam kong naglilibang kayo dahil hanggang ngayon hindi pa kayo nakakamove-on sa pagkawala ni Inay, pero limang taon na rin pong lumipas. Sermon ko na nga sa kanya eh.' "Actually, Anak, yung three hundred thousand ay ilang buwan ko nang hindi naba

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status