LOGINTinitigan siya ni Levi nang may halong panghahamak at kasiyahan habang nakikita niyang unti-unting guguho ang katatagan ng dalaga. Dahan-dahan siyang humakbang palapit, tila tinatamasa ang bawat patak ng takot at luha sa mukha ni Abby. "Ganyan nga, magmakaawa ka," bulong nito nang may halong pangungutya. "Masarap sa pakiramdam na makita kang ganito, gaya ng naramdaman ng pinsan ko noong pinagtaksilan siya ng nanay mo." Huminga ito nang malalim bago niya ibinuhos ang isa pang lihim na matagal nang nakatago. "Hindi ka ampon, Abby. Mas masakit pa roon ang totoo. Ang tatay na kilala mo, ang lalaking walang ibang ginawa kundi utusan ka at pahirapan ka. Hindi siya ang tunay mong ama. Ang tunay mong ama ay ang lalaking pinagmukhang masama ng kasalukuyang asawa niya. Siya ang taong talagang nagmahal sa nanay mo, pero inalisan nila ng dangal at ipinakulong pa." Napahawak si Abby sa dibdib habang pakiramdam niya ay hinihigop ng lupa ang lakas niya. "H-hindi... hindi ko naiintindihan...
"Hmm, pasensya na, hindi ako tumatanggap ng bayad nga iba. Kung sino ang may utang, siya ang magbabayad. At ang natanggap kong kolateral ay hindi transferable," sabi nito. "Hindi papayag si Drake sa gusto mong mangyari," sigaw ni Abby. “Wow! Iba ka rin talaga, Abby. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo, prinsesa? Para tratuhin ka nang ganyan ng pinsan ko? Hindi dahil ganyan ka kaganda kaya ka niya pinapansin. Utang ng tatay mo ang dahilan kaya ka niya tinanggap. Kaya huwag masyadong mataas ang lipad mo. Alam mo ba kung anong klaseng tao ‘yang pinsan ko… Sobrang taas ng pride niyan. At alam ko rin kung gaano kasakim ‘yan. Kahit pa ang naging kabayaran niya ay anak ng babaeng pinakapopootan niya sa buong mundo,” sabi ni Levi, at parang tumusok sa puso ni Abby ang bawat salitang narinig niya. “Babaeng kinapopootan… Sino ‘yan? Anong pinagsasabi mo?” gulat na tanong ni Abby. “Naku, sh*t! ‘Di mo pa pala alam? F*ck! Hindi pa pala sinabi sa’yo ni Drake. Hah! Ano kaya ang tinatago niyon?” “A
Gaya ng karagatan, hindi mananatiling payapa at walang alon ang lahat ng bagay sa mundo. Gaya rin ng panahon, hindi maaaring laging maaraw, maliwanag, at walang ulan. Darating at darating pa rin ang mga pagbabago at pagsubok na susubok sa tibay ng lahat. Sa nakalipas na ilang buwan, tila napawi na ang lahat ng lungkot at katahimikan sa mansyon ni Drake. Ang dating madilim at seryosong kapaligiran ay napalitan ng kulay at sigla dahil sa presensya ni Abby. Malaki ang naging pagbabago ng dalaga. Ito ang nagbigay ng buhay at tamis sa tahanan at puso niya. Para kay Drake, naging mas magaan at makulay ang bawat araw na kasama niya. Isang hapon, nakatayo si Abby sa terrace ng malaking mansyon habang nakatanaw sa malayo at hindi mapakali sa paghihintay. Nagpaalam kasi sa kanya si Drake na pupunta lang saglit sa isa pang casino nito sa Pangasinan, at sinabi nitong baka gabi na rin siya makabalik. Kahit alam niyang may dahilan ang pag-alis nito at hindi naman dapat mag-alala, hindi pa rin n
Ngunit gaya ng lahat ng magagandang panahon, kailangan din itong magwakas balang araw. Dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik sa siyudad. Natapos na ang mala-paraiso niyang sandali ni Drake sa napakagandang lugar na iyon. Isang lugar na tatak sa alaala ni Abby at marahil isa sa mga masasayang sandali na hindi niya makakalimutan. Bago sila umalis, tumayo sila sa may dalampasigan at muling tumingin sa paligid na naging saksi sa kanilang masasayang araw.“Tapos na ang ating pahinga,” sabi ni Drake habang inilalagay ang braso sa balikat ni Abby. “Pero huwag kang mag-alala. Kahit bumalik tayo sa magulong mundo, dala natin ang kapayapaang naramdaman natin dito. At basta magkasama tayo, kakayanin natin ang lahat.”Tumingala si Abby sa kanya at tumango nang may kumpiyansa.“Oo, kakayanin natin. Kahit anong mangyari, magkasama tayo,” sagot niya.Sumakay na sila sa sasakyan pauwi, dala ang magagandang alaala, ang matibay na pangako, at ang pag-asa na sa kabila ng mga pagsubok na nagh
Pumasok sila sa loob ng kwarto. Mahina lang ang ilaw, nagbibigay ng mainit at maaliwalas na paligid. Marahang inilapag ni Drake si Abby sa malambot na kama at sumandal siya sa tabi nito, hindi mabilis o padalos-dalos, kundi puno ng pag-iingat.Nanginginig nang kaunti ang katawan ni Abby, hindi sa takot kundi sa halo-halong kaba at tuwa. Napansin ito ni Drake, kaya hinaplos niya ang kanyang pisngi para kumalma siya. “Huwag kang kabahan, Abby. Hindi kita pipilitin sa anumang bagay. Kung kailangan mo ng panahon, hihintayin kita. Gusto ko lang iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal,” malumanay na wika ni Drake. Ngumiti si Abby at hinawakan ang mukha ng asawa.“Alam ko ‘yan, Drake. At gusto ko rin… gusto kong ibigay ang sarili ko sa’yo nang buong-buo. Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko nang lubos,” sagot niya nang mahina pero tapat. Dahan-dahang hinalikan ni Drake ang bawat bahagi ng mukha ni Abby. Ang noo, ang mga mata, ang pisngi, at ang mga labi. Ang bawat haplos ng kany
Nang sumunod na mga araw, naging masigla at puno ng lambingan ang vacation house na iyon ni Drake. Pansamantala ay parang nalimutan naman ni Abby ang mga alalahanin.Pakiramdam pa nga niha, sinasadyan ni Drake na umaga nang maaga mula sa mga pagbisita sa negosyo nito, lalo na sa dalawang branch ng casino nito. Hindi katulad dati na inaabot ito ng madaling-araw kapag galing sa casino.Sa loob ng isang linggo ay hindi nabanggit ni Drake ang kanyang ama o kung anuman ang alalahanin nito. Sa gabi naman ay hindi na muling narinig ni Abby ang pangalang iyon kahit sa pamamagitan ni Drake. Ang mga araw na nagdaan ay naging napakahaaga at nagpasaya kay Abby. Hanggang sa isang linggo pa ang lumipas, nasurpresa si Abby sa kanyang paggising. Wala si Drake sa kanyang tabi, ngunit naroon si Manang at bitbit ang kanyang almusal. "Manang, bakit nyo pa 'yan dinala dito? Bababa lang po ako para kumain. Nasa ibaba na po ba si Drake."Senyorita, dito na daw po kayo kumain ng breakfast in bed. Pagkatap







