LOGINUmalingawngaw ang tunog ng malakas na sampal na iyon ni Abby sa mukha ni Drake sa buong kwarto. Napahinto si Abby at nanigas sa kinahihigaan habang nararamdaman ang hapdi at init sa kanyang palad. Napakurap din si Drake matapos niyang sampalin ito. Para siyang natauhan saglit sa ginawa, pero imbes na magsisi o humupa ang galit, lalo lang sumabog ang pride niyang nasaktan at naapakan. Para sa kanya, ang pagbanggit ni Abby sa pangalan ng iba habang kasama siya ay isang malaking insulto. Isang bagay na hinding-hindi niya matatanggap. Dahil dito, bigla niyang hinablot ang buhok ni Abby at marahas itong inupo sa kama. Hindi pa doon natapos, mabilis niyang dinakma ang leeg ng dalaga at sinakal ito nang mahigpit ngunit sapat lang para matakot at mapatingin ito nang diretso sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ni Drake, puno ng galit at pagmamay-ari habang nakatitig sa nanginginig na si Abby. "Akin ka na, Abby, sa ayaw mo man o gusto!" sigaw niya nang dumadagundong ang boses. "Nalinaw na nat
Napabuntong-hininga ulit si Drake at ininom ang laman ng kanyang baso. "May punto ka, Empoy," sabi niya nang mahina. "Ayoko ring nakikita siyang nahihirapan o takot na takot sa akin. Gusto ko, ah....gusto ko na kahit papaano ay maging maayos tayo." Ilang ulit na tumango si Drake na tila sumasang-ayon sa lahat ng sinasabi ni Empoy."Wala namang mawawala sa'yo, Boss. Bale-baliktarin man ang mundo, pag-aari mo si Abby kung nais niyang maging malaya, bayaran niya ang utang ng kanyang ama o tumbasan niya ang ilang milyong utang sa serbisyo niya, niya ba?" solsol pa ni Empoy."Okay, bukas na bukas din ay ipaasikaso mo 'yan. Pagadgadan no ang cctv, ipalagay mo sa mga kanto na hindi agad mahahalata. Ayokong maging hindi rin komportable si Abby. Tungkol naman sa karagdagang guard, sasabihan ko si Joseph na i-add at i-deploy sa labas ng rest house pansamantala. At sige, gawin natin ang payo mo. Buksan ang pinto ng kwarto niya bukas. Hayaan siyang lumabas. Pero doblehin ang bantay at siguraduhing
Biglang bumalik sa isipan ni Abby ang araw na kinuha siya ng mga tauhan ni Drake. Naalala niya ang huling pagkikita nila ng kanyang ama. At doon, sa gitna ng kanyang pagluha, mas lalong sumakit ang dibdib niya dahil sa isang napakasakit na realisasyon. Wala man lang siyang nakitang takot sa mukha ng kanyang ama para sa kanya. Takot para sa sarili nitong kaligtasan o negosyo? Baka meron. Pero takot o awa para sa nangyayari sa sarili niyang anak? Wala. Wala siyang nakita kahit katiting. Parang tinadyakan ang puso ni Abby sa sakit at hinagpis. "Itay... Itay ko…" humahagulgol na tawag niya sa kawalan. "Paano ninyo nagawa ito sa sarili ninyong anak? Paano ninyo nagawang ipagpalit ako? Paano, Itay?"Napahagulhol na lamang ang dalaga sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay ipinagkanulo siya ng taong dapat sana ay siya ring magtatanggol at magmamahal sa kanya nang higit sa lahat. At ngayon, naiwan siyang mag-isa, nakaharap sa halimaw na si Drake, at walang ibang masandalan kundi ang sarili niy
Ngunit sa kabila ng mga salitang binitiwan ng lalaki at kahit pa nakikita niyang hindi naman ito mukhang ganon kasama kumilos kumpara sa ibang mga taong kilala niya, nanatiling matigas at matapang ang puso at isipan ni Abby. Sa kaibuturan ng kanyang isipan, mariing tinatanggihan at itinataboy niya ang ideyang iyon. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hinding-hindi siya magpapadala sa matatamis na salita at pangako nito. Kahit pa totoo ngang hindi ginipit o pinahirapan ni Drake ang kanyang ama, at kahit pa hindi siya ang mismong hininging kapalit o ransom sa anumang utang o negosyo, alam ni Abby sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapabigay. Hinding-hindi siya papayag na angkinin siya ng lalaking ito. Hindi niya hahayaang mangyari ang mga bagay na ipinapahiwatig nito. "Hindi... hinding-hindi mangyayari 'yan," bulong ni Abby sa sarili habang nakayuko at pilit na itinatago ang galit at takot sa kanyang mga mata. "Kahit anong gawin mo, Uncle Drake... kahit anong pangako o luh
Paglabas ko mula sa silid ni Uncle Drake, napahinto ako sandali at napabuntong-hininga. Nanginginig pa rin nang bahagya ang tuhod ko habang ang isipan ko ay tila binalot ng matinding pagkalito at pagdududa. Madalas kong marinig sa bibig ng lalaking iyon na hindi niya hiniling na ako ang maging kolateral. Paulit-ulit niyang sinasabi na may plano raw kami ni Itay, ngunit ni isa, wala akong maintindihan sa mga salita niya.Lalong lumalim ang gusot sa noo ko habang binabalikan ko ang mga pangyayari noon. Naalala ko ang araw na pumunta si Itay sa karaoke bar at ang biglaang pagsulpot ni Uncle Drake doon na parang isang anino. Nakita ko pa noon kung paano sila nag-usap—ang paraan ng pagtingin ni Uncle Drake kay Itay na puno ng panghuhusga at pagkasuklam, tila ba nandidiri siya sa presensya ng aking ama.At hindi ko rin makalimutan ang hapong iyon… ang hapong marahas akong kinaladkad ng mga tauhan niya at dinala dito sa silid na ito. Ang malamig na sabi nila na tinutubos na raw ni Uncle Drak
Umalingawngaw ang boses ko sa buong silid dahil sa gulat ko sa sinabi ni Uncle Drake. Nanlilisok ang mga mata kong tumingin sa kanya. Kung makakapstay lang ang titig ay matagal ng walang honjgna ang lalaking ito. "Hindi ako makakapayag na iyon ang kapalit. Hinding hindi ko hahayaan ang lalaking walang puso ito ang bababoy sa akin." sigaw ng kalooban ko. "Hah! ganun ka ba kabobo, Abby, don't tell me hindi sumagi sa isip mo na posibleng iyon ang kapalit? sumbat ko sa sarili ko. "Oo sumagi nga pero sa galit na nakikita ko sa mga mata niya akala ko ni dulo ng daliri ko ayaw niya makita." katwiran ko naman. "Why do you look suprise, dont tell me, nagmamaang-maangan ka ba para kunin ang atensiyon ko. Wait, come on, hindi ba dapat ay inaasahan mo na ito?" sabi ni Uncle Drake sa akin. "Magaling kang umarte, Abby, dapat ay nag audition kang maging actress, malay mo may suwerte ka doon. Marami doon ang tulad ko na may pera at impluwensya na tiyak na masisilo ng drama mo. Pero malas mo
Malayo ang naging paglalakbay ng sasakyan na ikinainip ko. Wala naman na akong magagawa pa kaya minabuti ko na lang na itulog ang sm ng loob ko. Kaya wala akong kaalam alam na nahimbing pala ako at binuhat na ng mga tauhan ni Uncle Drake hanggang sa silid. Napabalikwas ako ng gising.Sa una, ang ka
"Hay naku naman, Itay. Sana po nag-iisip muna kayo. Alam kong naglilibang kayo dahil hanggang ngayon hindi pa kayo nakakamove-on sa pagkawala ni Inay, pero limang taon na rin pong lumipas. Sermon ko na nga sa kanya eh.' "Actually, Anak, yung three hundred thousand ay ilang buwan ko nang hindi naba
Hindi rin revealing o seksi ang kanyang suot—bagama't sleeveless ang itaas, maong naman ang ibaba, at walang anumang hindi angkop sa kanyang hitsura. Makipot at manipis, ngunit may hugis-pusong labi, sakto lang ang lapad ng ilong, at ang mukha ay maliit din at hugis-puso. Nakita ko pa ang kagandaha
Hindi ko matanggap sa sarili ko noon na sinusuko ako ni Andrea ng ganito. Hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit pala magmahal ka ng sobra, ng tapat, ng dalisay, may mga bagay pa ring hindi sayo ibibigay. Hindi pala basehan ng kayamanan, o estado, o laki ng bahay para maging maligaya. Marahil ay







