I Woke Up In My Best Friend’s Brother’s Bed

I Woke Up In My Best Friend’s Brother’s Bed

last updateLast Updated : 2026-09-24
By:  Georgine RaeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
28views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaki si Allison De Mesa sa isang kilala at respetadong pamilya. Parehong tanyag na mga propesor sa kanilang larangan ang kanyang mga magulang, kaya naman bata pa lamang siya ay naturuan na siyang mamuhay nang maayos at naaayon sa mga kagustuhan ng kanyang pamilya. Sa mata ng kanyang mga magulang at nakatatanda, si Allison ang perpektong anak. Mabait. Masunurin. Responsable. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, halos hindi niya kailanman sinuway ang mga desisyon ng kanyang mga magulang. Kaya nang isang araw ay ipaalam sa kanya na may napili na silang lalaking mapapangasawa niya, wala rin siyang nagawa kundi tanggapin iyon nang tahimik. Sanay siyang sumunod. Hanggang sa isang gabing dahil sa sobrang kalasingan ay aksidenteng napunta siya sa kama ng nakatatandang kapatid ng matalik niyang kaibigan. At mula roon, tuluyan nang nagbago ang kanyang buhay. Pagmulat ni Allison kinabukasan, halos hindi siya makahinga nang makita kung sino ang lalaking katabi niya sa kama. Si Zachary Montecielo. Ang lalaking kapatid nang matagal na niyang itinuturing na pinakamatalik na kaibigan. Ang lalaking dapat ay hindi niya kailanman nakikita sa ganoong sitwasyon. At higit sa lahat... Ang lalaking ayaw niyang pagkuhanan ng anumang responsibilidad matapos ang gabing iyon. Dahil sa takot na pagbayarin siya nito sa nangyari, mabilis na tumakas si Allison nang hindi man lamang naghihintay na magising ang lalaki. Akala niya, doon na matatapos ang lahat. Ngunit nagkamali siya. Dahil kinabukasan, sa kaniyang pinagtatrabahuhan, isang pamilyar na mukha ang nakita niya sa harapan ng lobby. Ang lalaking buong gabi niyang tinakasan. Ang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan. At ang lalaking ngayon ay tinatawag ng lahat na... Boss.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Malalim na ang gabi nang tuluyang tumahimik ang mansyon ng mga Montecielo. Sa loob ng isang malawak na silid, ay gusot na kumot sa kama at dalawang nag-iinit na katawan ang patuloy naglalapit sa isa't isa, kapwa nilalamon ng isang gabing hindi nila kailanman makakalimutan.

“Pakiusap... huwag...” mahina at nanginginig na pagsusumamo ni Allison De Mesa habang pilit niyang hinahawakan ang mga kamay ng lalaking nasa ibabaw niya. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang patuloy na namumuo roon, habang ang buong katawan niya ay nanghihina at tila hindi na niya kayang kontrolin ang sarili.

Malakas ang pangangatawan ng lalaki, at sa bawat galaw nito ay ramdam niya ang lakas na halos hindi niya kayang labanan. Kahit anong pagpupumiglas ni Allison ay tila walang epekto, lalo pa at magulo pa rin ang kanyang isip dahil sa alak na kanyang nainom kanina.

“Please... huwag na,” muli niyang pakiusap, halos hindi na marinig ang kanyang boses.

Para siyang isang takot na kuting na pilit naglalabas ng maliliit na kuko upang makawala. Ngunit sa halip na pakawalan siya, lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Zachary Montecielo sa kanyang baywang.

“‘Huwag’ ang alin?” mababa nitong tanong.

Bahagyang yumuko si Zachary, at dumampi ang malamig nitong labi sa gilid ng mukha ni Allison. Sa mababang tinig nito ay may kakaibang pahiwatig na lalong nagpalito sa isip ng dalaga.

Basang-basa ang kanyang mga pilikmata habang nakikiusap ang kanyang mga mata. 

“Huwag mo akong tratuhin nang ganito...”

Isang malamig na ngisi ang sumilay sa labi ni Zachary, tila hindi man lamang naaapektuhan ng pagsusumamo niya.

“Ngayon ka pa ba magsisisi?”

Hindi nakasagot si Allison. Bago pa niya tuluyang maunawaan ang mga salita nito, muli siyang nilamon ng magulong damdamin at mga pangyayaring wala na siyang kakayahang pigilan.

“Good girl,” bulong nito sa kanyang tainga. “Sa susunod, magiging mas madali na.”

Hindi na nakapagsalita si Allison. Unti-unti siyang nanghina habang ang gabing iyon ay tila walang katapusang lumilipas, hanggang sa tuluyan niyang maramdaman na wala na siyang lakas para labanan ang lahat.

Noong una, inakala niyang isa lamang iyong masamang panaginip. Ngunit nang maramdaman niyang tunay ang lahat ng nangyayari, doon niya napagtantong hindi na siya basta makagigising upang tuluyang matapos ang bangungot.

At nang tuluyan siyang mawalan ng lakas, unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari kung paano siya napunta sa kuwartong iyon.

Birthday ng kanyang matalik na kaibigan na si Nadia Montecielo nang gabing iyon. Inimbitahan siya nito sa isang salu-salo kasama ang ilan nilang malalapit na kaibigan, at dahil bihira siyang uminom, hindi niya napansing mas marami na pala ang nainom niya kaysa sa kanyang nakasanayan.

Nang mapansin ni Nadia na halos hindi na maayos ang pagtayo niya, agad itong nag-alala. Ayaw nitong pauwiin si Allison nang mag-isa, kaya nagdesisyon itong dalhin muna siya sa mansyon at patulugin sa guest room.

Simple lamang sana ang plano.

Ngunit dahil nakainom din si Nadia, sa halip na sa guest room ay sa ibang kuwarto niya dinala ang kaibigan. At ang kuwartong iyon ay pag-aari ng pinakahindi niya dapat napasukan.

Ang kuwarto ng kanyang kuya, ang kuwarto ni Zachary.

Dahil sa isang simpleng pagkakamali, nagsimula ang isang gabing tuluyang magbabago sa buhay ni Allison.

Bahagya nang sumisilip ang liwanag ng umaga nang dahan-dahang iminulat ni Allison ang kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang buong katawan at para bang naubos ang lahat ng kanyang lakas, kaya ilang segundo muna siyang nanatiling nakahiga bago tuluyang mapansin ang kakaibang bigat sa kanyang baywang.

Napakunot ang kanyang noo at dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin.

Isang braso—braso ng isang lalaki.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Allison.

Mabilis siyang napalingon sa kanyang tabi at sa isang iglap ay isang napakaguwapong mukha ang bumungad sa kanyang paningin. Matitibay ang mga facial features nito, mataas ang dulo ng ilong, malalim ang mga mata, at malinaw ang jawline na lalong nagbigay-diin sa kaguwapuhan nito.

Habang natutulog, mukha itong tahimik at malamig, halos parang isang inosenteng anghel na walang kakayahang manakit. Ngunit nang maalala ni Allison ang nangyari noong nakaraang gabi, agad na nag-iba ang kanyang tingin sa lalaking katabi niya.

Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Zachary Montecielo.

Kilala niya ito.

Hindi man sila madalas mag-usap o magkaroon ng malapit na pakikitungo, ilang beses na rin niya itong nakasalubong dahil si Zachary ang nakatatandang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan. At higit sa lahat, siya rin ang pinakamataas na boss sa kumpanyang kasalukuyan niyang pinagtatrabahuhan.

Ngunit kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na darating ang araw na magigising siyang katabi nito sa iisang kama.

“Paano ako napunta rito?”

Mabilis na gumulo ang isip ni Allison. Hindi ba't sa guest room siya dapat natulog kagabi? Paano siya napunta sa kuwarto ni Zachary?

Posible kayang sa sobrang kalasingan niya ay nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at aksidenteng pumasok sa maling kuwarto?

Napapikit siya nang mariin.

Hindi niya gustong isipin ang posibilidad na iyon, ngunit mas ayaw niyang isipin kung ano ang mangyayari kapag nalaman ito ni Nadia. Paano na lamang siya haharap sa kanyang kaibigan kung malalaman nitong may nangyari sa pagitan nilang magkapatid?

Hindi na nag-aksaya ng oras si Allison. Ang tanging nasa isip niya ay makaalis bago pa man magising si Zachary at bago pa siya mapilitang harapin ang anumang magiging usapan tungkol sa nangyari.

Maingat niyang inalis ang braso nito mula sa kanyang baywang, dahan-dahan at halos walang ingay. Nang tuluyan niya itong maalis, saka lamang siya naglakas-loob na bumaba mula sa kama.

Ngunit sa sandaling tumama sa sahig ang kanyang mga paa, halos bumigay ang kanyang mga tuhod.

“Agh...”

Napakapit siya sa gilid ng kama at mariing kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang anumang ingay. Masakit ang kanyang buong katawan at halos hindi niya maigalaw nang maayos ang kanyang mga binti dahil sa nangyari kagabi.

Ilang sandali siyang nanatiling ganoon bago piliting tumayo nang tuwid.

Nang mapatingin siya sa sahig, saka niya napansin ang mga damit na nagkalat sa paligid. Nandoon ang kanyang mga damit at ang damit ni Zachary, at ang tanawing iyon ay sapat na upang muling uminit ang kanyang mukha sa hiya.

“Grabe...”

Mabilis niyang pinulot ang sarili niyang mga gamit at inayos ang kanyang damit. Pagkatapos, maingat siyang lumingon sa kama upang tiyaking hindi pa rin nagigising ang lalaki.

Mahimbing pa rin ang tulog ni Zachary.

Napabuntong-hininga nang maluwag si Allison.

Mabuti na lamang.

Kung hindi, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki.

Kaya bago pa siya tuluyang mawalan ng lakas ng loob, maingat siyang lumabas ng kuwarto.

Mahimbing na natutulog si Zachary nang mga oras na iyon.

Marahil ay dahil sa pagod matapos ang mainit na gabi, hindi niya namalayang lumalim ang kanyang tulog hanggang sa umabot na sa tanghali. Nang tuluyan siyang magising, nakasanayan niyang abutin ang taong nasa tabi niya, kaya ganoon din ang una niyang ginawa.

Ngunit hangin lamang ang kanyang nahawakan.

Napakunot ang kanyang noo bago dahan-dahang iminulat ang mga mata. Agad niyang napansin ang magulong kama at ang mga damit na nakakalat sa sahig.

May kanya-kanyang damit doon, ang kanya at ang damit ng isang babae.

Kung hindi niya nakikita ang mga bakas ng kaguluhan sa kuwarto, maaari niyang isipin na panaginip lamang ang lahat ng nangyari kagabi.

Pinisil ni Zachary ang pagitan ng kanyang mga kilay habang isa-isang bumabalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari.

Pagkatapos ng isang business gathering, nakauwi siya makalipas ang alas-diyes ng gabi. Pagdating sa mansyon, dumiretso siya sa kanyang kuwarto, naligo nang mabilis, at pagkatapos ay humiga sa kama upang matulog.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, may biglang babaeng napunta sa kanyang kama.

Hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa kuwarto niya.

Ang tanging naaalala niya ay ang babaeng mahigpit na nakayakap sa kanya, marahil dahil sa kalasingan ay hindi nito alam ang kanyang ginagawa. At dahil nakainom din siya, sa isang sandali ng pagkawala ng pagpipigil ay hinayaan niyang mangyari ang lahat.

Ngayon, wala na ang babae.

Napatingin siyang muli sa bakanteng bahagi ng kama.

“Tumakas?”

Bahagya siyang napasimangot.

Ngunit bago pa niya tuluyang maisip kung sino ang babae, biglang—

BANG!

Malakas na katok sa kanyang p***o ng kanyang kuwarto ang sanhi ng ingay.

“Kuya!”

“Kuya, gising ka na ba?”

Napapikit si Zachary.

Kabisado niya ang boses na iyon.

Si Nadia.

“Ano ba?” malamig niyang tanong.

“Kuya, kagabi kasi may inuwi akong kaibigan. Hindi ko siya makita ngayong umaga. Baka nakita mo siya?”

Agad na bumangon si Zachary at kumuha ng malinis na damit. Mabilis siyang nagbihis bago lumapit sa p***o at tuluyang binuksan iyon.

Nakatayo roon si Nadia at inosenteng nakatingin sa kanya.

“May dinala kang tao rito kagabi?”

Tumango si Nadia.

“Oo. Birthday ko kahapon, kaya nag-invite ako ng ilang friends para mag-celebrate. May isang kaibigan akong nalasing at mag-isa lang sana siyang uuwi, kaya nag-alala ako at dinala ko na lang dito para doon muna matulog.”

Nanatiling tahimik si Zachary.

“Saan mo siya pinatulog?”

“Sa guest room.”

“Aling guest room?”

“Yung katabi ng kuwarto mo.”

Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata.

“Sigurado ka?”

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Nadia. “Actually, iyon nga ang weird. Kanina pumunta ako roon para gisingin siya, pero maayos na maayos ang kama. Walang bakas na may natulog doon. Parang walang taong pumasok buong gabi.”

Lalong kumunot ang noo ni Zachary.

“Sigurado kang sa guest room mo siya pinatulog?”

“Oo.”

“Hindi ka nagkamali ng kuwarto?”

Napatingin si Nadia sa kanya na parang hindi makapaniwala sa tanong.

“Kuya, lasing lang ako nang kaunti. Hindi naman siguro ako ganoon kalasing para hindi ko malaman kung nasaan ang guest room.”

Hindi na siya sumagot.

Sa halip, isang lumang alaala ang biglang pumasok sa isip niya.

Minsan nang malasing si Nadia at napagkamalang kuwarto ang kulungan ng kanilang aso. Kinabukasan, doon siya nagising na katabi ang aso buong gabi.

Napabuntong-hininga si Zachary.

“Bawasan mo ang pag-inom mo sa susunod.”

Napakurap si Nadia.

“Ha? Birthday ko kahapon, Kuya. Ano bang masama sa pag-inom nang kaunti?”

Hindi siya pinansin ni Zachary.

Wala siyang panahon para makipagtalo sa kapatid niya.

Ngunit biglang kumunot ang noo ni Nadia at bahagyang suminghot.

“Kuya...”

“Ano?”

“Ano 'yung amoy sa kuwarto mo?”

Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ni Zachary.

“Ang tapang.”

At bago pa man siya makasagot, bahagyang umusog si Nadia upang silipin ang loob ng kuwarto.

“Pasok nga ako—”

Agad siyang hinarangan ni Zachary.

“Hindi.”

Napatingin si Nadia sa kanya.

“Bakit?”

“Magulo.”

“Eh, ano naman?”

“Wala kang kailangang makita.”

Napatitig si Nadia sa kanyang kuya, ngunit bago pa siya tuluyang makapagtanong, naunahan na siya ni Zachary.

“Ano ang pangalan ng kaibigan mo?”

Napakunot ang noo ni Nadia.

“Bakit mo naman tinatanong?”

“Sabihin mo lang.”

“Ang sungit mo talaga.”

Napairap si Nadia bago tuluyang sumagot.

“Allison. Allison De Mesa ang pangalan niya.”

Saglit na natahimik si Zachary.

Allison De Mesa.

Maganda ang pangalan.

Ngunit mas mahalaga ang tanong kung nasaan na ang may-ari nito.

“Saan siya?”

Umiling si Nadia.

“Hindi ko rin alam. Kanina pa ako naghahanap. Akala ko nasa guest room lang siya, pero wala naman doon. Tinanong ko na rin ang iba kung nakita nila siya, pero sabi nila hindi raw.”

Lalong kumunot ang noo ni Zachary.

“Hindi mo tinawagan?”

Biglang napahawak si Nadia sa noo.

“Ah!”

Napatingin siya sa kanyang kuya.

“Tama nga! Bakit hindi ko naisip iyon?”

Nanatiling tahimik si Zachary.

Minsan talaga, hindi niya maintindihan kung paano sila naging magkapatid.

“Sandali, tatawagan ko siya.”

Mabilis na kinuha ni Nadia ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng kaibigan sa contacts.

Samantala, nanatiling nakatayo si Zachary sa may pintuan, tahimik na pinagmamasdan ang kapatid.

Ngunit habang pinakikinggan niya ang pagtawag nito, hindi niya maiwasang maalala ang babaeng katabi niya kagabi.

Isang babaeng hindi niya pa rin lubos na makilala.

Isang babaeng pumasok sa kuwarto niya nang hindi niya alam.

At isang babaeng umalis bago pa man siya magising.

Allison De Mesa.

Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay hindi doon matatapos ang gabing iyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status